Stannis' Journal

15791011

Comments

  • StannisStannis Posts: 1,377
    NiceTry333 wrote:
    250lbs lat pull? O_O

    Wag kang magulat, reference ko lang yan para sa susunod na pag bubuhat haha. Lumang machine kasi yung sa gym dito at di accurate ang timbang kaya need mag lagay ng plates sa ibabaw hahaha
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    yun ohs malakas mag dumbell row hehehe :P
  • StannisStannis Posts: 1,377
    @ Boss DS

    Diyan lang medyo ok ang poundage ko haha.


    Chest Day

    Flat BB 130lbs (+10lbs)
    7-7-7

    Flat DB 50lbs (+5lbs)
    7-7

    Incline BB 120lbs (+10lbs)
    7-7-7

    Incline Flyes 35lbs (+5lbs)
    7-7-7

    Decline BB 140lbs (+10lbs)
    7-7


    Ok naman ang chest day, daming pluses sa poundage. Pero parang kaya ko pang mag add.
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Shoulders kahapon, minadali ko dahil late na akong nakauwi. 2 Sets each, same poundage.

    Legs kanina

    ATG Squat 180lbs
    5-5-5

    Laki na ng agwat sa DL, kaya na sigurong magadd kaso kakailang kasi kakabili ko lang uli sa pants. Magastos haha

    Stiff DLs 170lbs
    7-7-7

    Lying Leg Curl 120lbs
    7 reps

    Calves Press, one foot at a time 270lbs
    7-7-7

    Seated Calf raise 170lbs
    7-7-7



    Paano pala kayo nagdecide na kung anong klase ng katawan ang gusto niyo?
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    It's all up to you Bro when it comes to that.
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    ako talaga hindi gifted, kaya bulk ako forever haha
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    ako talaga hindi gifted, kaya bulk ako forever haha

    Parang ok to ah.
    Parang nakakatakot na pag iniisip ko yung mga araw na kailangan ko magbawas ng kain e hahaha
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    ahaha..buti na lang hindi ako kapangitan..makabawi man lang sa hindi gifted na genes...
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Parang gusto ko ng mag deficit. Di na proportion ang ulo at leeg ko sa tumataba kong katawan hahaha.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    donbuh wrote:
    ahaha..buti na lang hindi ako kapangitan..makabawi man lang sa hindi gifted na genes...

    Pang boy pick up talaga mga banat mo buh lol
    Stannis wrote:
    Parang gusto ko ng mag deficit. Di na proportion ang ulo at leeg ko sa tumataba kong katawan hahaha.

    Ako hindi proportion ang katawan sa lumalaking chan..
    Hehe

    Gusto ko tong goal mo pre.. Hehe

    "To survive zombie apocalypse or alien invasion or when the machine takes over us "
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    Stannis wrote:
    Parang gusto ko ng mag deficit. Di na proportion ang ulo at leeg ko sa tumataba kong katawan hahaha.

    naka IF ka pa din ba fafi? try eating muna within maintenance levels then add cardio after weight training tapos after 2-3 weeks try mo na mag deficit for another few weeks. suggestion lang naman. sakin kasi pag matagal ako naka deficit sa IF medyo napapabilis ang pagpasok ng katawan ko sa "starvation mode" kaya eventually wala akong nakikitang progress lalo lang ako nanghihina kaya ginagawa ko is on-and-off na cycles between near maintenance up to maintenance levels pagdating sa calories. i think pwede ka na rin na mag cut may pondo na ka na rin naman eh, pag sa tingin mo your shrinking too much and don't like what you are seeing try bulking up ulit na lang.
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    wag nyo pansinin mga chan nyo..magsasawa din yan!!ako hindi ko na pinapansin..nagsasawa na ko sa kanya eh..ayaw pa maglayas!!!
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Stannis wrote:
    Parang gusto ko ng mag deficit. Di na proportion ang ulo at leeg ko sa tumataba kong katawan hahaha.

    naka IF ka pa din ba fafi? try eating muna within maintenance levels then add cardio after weight training tapos after 2-3 weeks try mo na mag deficit for another few weeks. suggestion lang naman. sakin kasi pag matagal ako naka deficit sa IF medyo napapabilis ang pagpasok ng katawan ko sa "starvation mode" kaya eventually wala akong nakikitang progress lalo lang ako nanghihina kaya ginagawa ko is on-and-off na cycles between near maintenance up to maintenance levels pagdating sa calories. i think pwede ka na rin na mag cut may pondo na ka na rin naman eh, pag sa tingin mo your shrinking too much and don't like what you are seeing try bulking up ulit na lang.


    Salamat boss DS. Di pa kasi ako makapag decide kung anong gagawin ko kaya off ang motivation ko ngayon.

    Gusto ko kasi sanang umabot sa 300lbs ang DL tapos 200lbs sa BP bago mag cut, kaso bumubundat na ako haha.


    @ maalamat bossing buh

    Di naman ako ganung ka-concern sa tyan ko, yun nga lang baka mag muka akong alien kasi payat ang leeg ko. kailangan ko atang magkaroon ng makasaysayang traps ni boss mighty hahaha
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    Ah... darating ka naman dun, like i always say "be patient" be it sa physical gains or strength. "tiyaga" yan ang madalas nakakalimutan ng mga nageensayo. that's why many fail and just give up eventually. speaking of motivation read my edited sig hehehe. kaya mo yan, wag masyado padala sa frustrations.
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Salamat master DS!


    Back kanina

    DLs 240lbs (PR!)
    5-5

    Labo naman ng grip ko, kadalasan yung kaliwa ko ang mahina ang grip pero kanina yung kanan naman. Madulas lang siguro.

    DB Row 90lbs (PR!)
    7-7

    Lat Pulldown 260lbs (not accurate yung machine)
    7-7

    Cable Row 250lbs (not accurate yung machine)
    7-7


    Nagsubok ako isabay ko yung Traps sa back kasi mahirap ng mag heavy, ang weak ko na nung huli.
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Since nung start ko ng Feb 2012 ito ang stats ko:

    Deadlift 240lbs 5-5
    Squat ATG 180lbs 5-5
    Bench Press 130lbs 7-7
    Seated MP 80lbs 7-7

    Since di naging maganda ang kain ko nitong June, madalas fastfood at di ko din na sunod yung 9pm last meal sa IF dahil busy, mas bumilog ako ngayon kumpara noong Mayo.

    Nasa 210-215lbs ang weight ko ngayon, gusto ko sanang ibaba muna sa 170-180lbs ang timbang ko, tapos tsaka ko i-assess kung ano ang gusto kong mangyari.

    Ano ba ang magandang approach sa pagbabawas ng timbang? Medyo ilang pa din kasi ako magbawas kasi tingin ko di pa ganun kalaki ang muscle mass ko. Kaso medyo busy kaya di nakakapag prepare ng pagkain at sablay din ang kain ko ngayon.
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Kung talagang mataas ang BF mo ngayon reset ka muna since kung mag bulk ka pa without undergoing body recomp eh baka di rin maganda kalalabasan. Kaya nga ako IF na ulit kahit di pa ganun ka consistent dahil ayoko tumaas pa BF% ko.

    But good job on the lifts bro!
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    @stannis eto ginawa ko nung sakin ha i'm not sure if this would work for you (i hope it might) try eating near maintenance levels (or maintenance on some days) sa calories make sure you'll be able to cover at least ung protein macros mo, and have enough healthy fatty acid intake. ginagawa ko is i played around dun sa carbs normally mas madami-dami intake ko pag heavy compounds ang bubuhatin ko (since im in a 5 day split) and naka concentrate sya pre and post workout. tapos i always add a cardio session right after lifting (Tabatas, BB Complexes) i know nakakatamad hehe but thats where i get my "deficit" instead of cutting down my food w/c makes me reach a plateau faster.
  • StannisStannis Posts: 1,377
    @boss mighty

    Ayun nga din gusto kong mangyari, reset muna. Tutal wala naman akong deadline.

    @ boss DS

    Mukang di ko kaya yang bb complex haha, late na kasi akong nakakapag ensayo kaya sablay sa oras ng kain ko kung mag bb complex pa ako.

    Ano ba ang magandag formula sa pag compute ng calories na kailangan?
    Ok lang din ba tong plano ko?

    first meal 3-4pm
    last meal 8-10pm (depende sa sched)
    tapos speed rope ng 15-30 mins sa 6am?
    Tapos mag 3 day split lang ako, heavy pa din.

    Sa diet naman cocompute pa ako, mukang mali yung bilang ko dati sa mga kinakain ko.
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    Eh di mag tabata ka nalang, pili ka either squats, thrusts, pushups, rows, etc... pwede din sa bike kung mdyo tinatamad ka hehehe
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Google ko yang si tabata.

    Chest/Tri kanina.

    Flat BB Press 140lbs (PR)
    7-7

    Flat DB Press 50lbs
    7-7

    Decline BB Press 150lbs (PR)
    7-7

    Incline BB Press 120lbs
    7-7

    Tri pushdown 120lbs
    5-5

    FST-7 (rope)

    Di ako masyadong pinagpawisan, di ko alam kung dahil malamig dahil umuulan o di ganun ka intense, pero may mga PR naman ako. Labo.

    Ito pala meal plan ko ngayon.

    1st meal (12pm)
    Kung anong ulam sa opis
    2 rice

    Post WO (7pm-8pm)
    5 tbsp ng peanutbutter
    5 tbsp ng Brich Tree milk powder (lol)
    5 eggs
    4 tbsp ng PM7

    Dinner (8:30pm-9pm)
    2 Chicken Breast fillet
    2 rice
    + ulam kung anong ulam meron
    4tbsp ng PM7

    nasa 2.7k ata ang cal niya at nasa 200+ ata ang protein. Di ako sigurado sa calories kung 2.7k nga ba hahaha
  • toysuki07toysuki07 Posts: 1,049
    ^
    nasubukan ko tabata kahapon push-ups, 25 for the first set tas 15 tapos 6,6,6,6,6,6 lol! ang hirap pero worth it
  • zanezane Posts: 963
    Stannis karaniwan ng mga buhat ko, tagaktak talaga pawis. pero may mga araw na hindi ako gaanong pinapawisan at anlakas lakas ko nakakaset ako ng bagong PR!! pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung pano ko macocontrol yung state na hindi ako gaanong pagpapawisan :D
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Sablay talaga sched ko this week, dikit dikit ang WO. 8:30pm na ako nakapagsimula.

    Back/Bicep

    DL 240lbs
    6-6

    Ok talaga ang tag-ulan, di tagatak pawis ko, tama lang. Nakapag DL ng walang gloves.

    DB Row 90lbs
    7-7

    Lat pulldown 260lbs (no accurate)
    7-7

    Cable Row 240lbs (no accurate)
    7-7

    EZ bar curl 50lbs
    5-5

    Weak.

    DB Hammer curl? 25lbs
    5-5

    FST 7 X-machine


    Ayun, sablay din oras ng kain. :undecided:

    @Zane

    Depende din pala talaga. PM mo ko pag natuklasan mo na kung pano yung diskarte sa pawis haha
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Lola ko nga pala..

    grandma_workout_4.jpg
    grandma_workout_3.jpg
    grandma_workout_5.jpg
    grandma_workout_6.jpg
  • Noobie12Noobie12 Posts: 648
    Gusto ko din nga ganyan hanggat kaya ng katawan. Idol si lola
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    hahahaha wala yan sa lola ko stan! hehehe.

    FST 7 ba yan program mo?
  • StannisStannis Posts: 1,377
    monching11 wrote:
    hahahaha wala yan sa lola ko stan! hehehe.

    FST 7 ba yan program mo?

    Ang totoo yang si lola ang nagign inspiration ko sa paggym hahah.


    Sa braso ko lang sinusubukan yung FST7, nakikiuso lang haha
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Chest/Tri

    Falt BB Press 150lbs (PR)
    6-6

    Flat DB Press 50lbs
    8-8

    Problema na ang pagdadagdag, hanggang 50lbs lang ang DB dito.

    Decline BB Press 160lbs (PR)
    6-6

    Incline BB Press 130lbs (PR)
    6-6

    Incline Flies 40lbs
    6-6

    Sa tri's, same last week.

    Parang kaya ko pang magdagdag kaso hinay lang muna, alang spotter.
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Back/Bi's Day

    DL 250lbs (PR)
    4-4

    Badtrip, may tama ata yung wrist ko dahil sa chest kahapon. Tinuloy ko pa kasi yung isang set kahit medyo mabigat yung sa kaliwa, di ata pantay hawak ko sa bar. Ayun, nagkanda loko. haha Kahit warm-up pa lang ang hina ng grip ko sa kaliwa.

    DB Row 95lbs (PR)
    6-6

    Need to improve on form next week.

    Lat pulldown 260lbs (not accurate)
    7-7

    Cable Row 240lbs (not accurate)
    7-7

    Bi's, same as last week.

    1st week sa matinong kain, may mga strength gains sa halos lahat maliban sa ATG Squat. Tuloy ako sa ganitong kain this week at baka mag bawas next week. Di ko pa tinitingnan timbang ko, pero di na ganun ka-bilog ang tiyan ko. Haha
Sign In or Register to comment.