RayKrieg - Bony to Beastly

1246713

Comments

  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    [size=medium]Leg Day[/size] plus 3 sets ng Bar Dips :)


    Squat
    100 x 12
    140 x 10
    160 x 6
    140 x 10
    160 x 10
    90 x 12

    Leg Press
    188 x 10
    228 x 9 *New Personal Best*
    188 x 10




    Leg Extension
    64 x 12
    79 x 12
    88 x 8



    Hamstring Curl
    44 x 12
    55 x 10
    44 x 10



    Calf Raises
    Di ko na to nagawa kasi may slight pain sa ankle ko na tumutunog habang pineperform ko tong exercise.


    Bar Dips
    Bodyweight x 10
    Bodyweight x 8
    Bodyweight x 10
    *Medyo sumasakit ngayon front shoulders ko dahil sa pag dips ko kanina*
  • CoreCore Posts: 2,509
    RayKrieg wrote:
    "...Medyo di ko pa rin makuha ang perfect grip for bench press, minsan kasi sumasakit wrist ko, minsan naman ayos na ang grip ko kaso nag nagsslide pataas at napupunta sa gitna ng kamay yung bar kaya nagbebend ang wrist ko."

    Tendency, magmomove ang katawan natin kung saan natural.
    RayKrieg wrote:
    Mas prinioritize ko ngayong araw ang pagworkout kaysa pumunta sa bahay ng blockmate ko para gumawa ng props sa kick off party. Masyadong pasikat naman kasi mga kaklase ko, pwede naman lang yung isang block nalang ang maghost :/ Habang nagbubuhat ako kanina, panay ang text na ang hindi pumunta ay di pipirmahan ng clearance. Wala namang grades, nagpapagod pa sa mga ganyang bagay. Mga uto uto sila. Nababadtrip na ako sa mga blockmates ko! :arghh::duh:

    LOL. Classic!
    RayKrieg wrote:
    pm7 bro. last january 21 lang ako nagsimula uminom nito. Oo bro, kahit di masyado nag iimprove ang bench press ko, ramdam ko naman palagi ang doms sa chest area kaya good workout pa rin :sport:

    Wala pa rin pong clear science behind DOMS. Hindi mo rin masasabi kung naging maganda ang workout mo dahil nagka-DOMS ka sumunod na araw.
    RayKrieg wrote:
    macjz8.jpg Exhale

    2rhv6ut.jpg Inhale

    'Ala pa sinabe pwet mo brah! Hahaha...
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Core wrote:

    RayKrieg wrote:
    macjz8.jpg Exhale

    2rhv6ut.jpg Inhale

    'Ala pa sinabe pwet mo brah! Hahaha...

    Hahaha. Di ko nga alam kung bakit nagkaganyan yan. Mali ba ang pag squat ko?
  • CoreCore Posts: 2,509
    LOL. Same question asked years ago brah, kaso genetics din kasi 'yan. May napost na'ko 'bout dyan sa kaka-research under Squatting101 Thread. Check mo lang, Myth #7...
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Salamat sa link. Wala naman sa family namin na malaki ang pwet e hahaha. Bago ako magsimula magbuhat, di naman to malaki. Namomoblema na ako ngayon sa pantalon. Ang sikip na sakin palagi kahit tama naman sa waistline ko. Haha
  • YatezYatez Posts: 2,745
    taba lang yan dyan ka nag stostore ng fat genetics yan, ex. iba sa tiyan iba sa chest nag stostore
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Ah. So pag nag cut na ako, liliit rin to?
  • pag malaki na yung upper body mo magmumukhang maliit na yan.
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Ah ganun pala bro. :)
  • CoreCore Posts: 2,509
    At huwag kang maga-alala di pa ganun kalakihan 'yan...
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    ][size=large]Back and Biceps [/size]plus 3 sets ng dips

    One Arm Dumbbell Rows: 25 x 12, 40 x 8, 40 x 6

    Lat Pulldown: <Overhand Wide Grip> : 70 x 12, 90 x 10, 100 x 10, 110 x 6 *New personal Best*
    <Underhand Narrow Grip> 8 x 12, 100 x 10, 100 x 6

    BB Bent Over Rows: 90 x 10, 80 x 10, 110 x 10, 120 x 6, 90 x 12

    DB Curls: 20 x 8, 15 x 8, 20 x 6

    Incline DB Curls: 15 x 8, 15 x 8, 10 x 8

    DB Shrugs - 25 x 12, 40 x 10


    Bar Dips - Bw x 8 x 3 sets

    Crunches and Leg Raises: 2 Sets x 20


    Dito ako nag workout sa malapit sa amin kasi YUNG MGA MAGAGALING KONG KAKLASE, PINAUWI NANAMAN KAMI NG 5:30 PARA GUMAWA NG PROPS! 6:30 na tuloy ako nakapunta ng gym. First time ko pala tong magworkout sa gym na may mga bagong equipment. At solo lang ako kanina na nagbubuhat sa gym. FREEDOM!

    2dilyj7.jpg



    Pinag iisipan ko nga na lumipat na ako dito.

    Icompare ko muna yung dalawang gym.
    GYM 1- Current Gym na Member ako
    GYM 2- Yung gym na pinuntahan ko kanina

    GYM 1:

    mblrgg.jpg


    Pros:
    P350 per month lang ang bayad pag estudyanyte.
    Kaclose ko na yung may ari tapos instructors.
    Malapit sa school.
    Pwede magbuhat kahit sando at cycling shorts lang.
    Pwede mag downpayment muna ng membership fee.


    Cons:
    Luma na ang mga gamit.
    May PVC pipe na yung mga bar kasi may mga kalawang na.
    Hiwalay ang mga lalake sa babae.
    Di na masyadong natuturuan ng tamang form ang mga beginner.
    Walang shower room.
    May bayad pa ang locker
    Radyo lang ang sounds ng gym,



    GYM 2:

    23vgx13.jpg

    Pros:
    Bago ang mga gamit. (except sa ibang bars)
    May mat ang sahig.
    Rubber na ang mga plates.
    Magkahalo na ang mga babae at lalake.
    May shower room.
    Libre na ang locker.
    Malapit lang sa bahay.
    Maganda ang mga pinapatugtog na kanta.

    Cons:
    P500 per month ang membership fee pag estudyante.
    Di pwede hulug-hulugan ang membership fee.
    Maliit ang gym.
    Walang squat rack.


    Pinag iisipan ko pa kung magrerenue ako or lilipat ng gym. Pag lumipat kasi ako gym, mahihirapan ako sa pagbayad ng P500 a month
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    For me brah, dun na lang ako sa may squat rack, parang katulad lang din yan sa office namin, may gym nga puro dumb bell , thread mill and stationary bike lang andun, so sabi ko nga sa sarili ko, pang general fitness to, hindi to pang bodybuilding , so humanap ako ng gym na may barbell and squat rack, hehe!

    and based naman sa pros and cons,kung ibabased mo ung cons nung dalawang gym, mas di hamak naman na mas ok ung may squat rack and malaking gym diba? :)
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    dun ka sa may kahalong chiks! lol hihihi

    dun ka nalang sa bakal gym malapit sa inyo na mura pa at yung lalabis na pera ipangkain mo nalang :)

    parang ganito yan brod "it's not the car, it's the DRIVER "
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    @rtravino29 & emman Oo nga. Kung lilipat ako dun sa mas bagong gym, parang di na ako makakabili ng 1kg chicken breast fillet kada linggo.
  • CoreCore Posts: 2,509
    I go to any gym with squat rack(with decent amount of plates, of course). Power cage—better!
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Sayang nga at maganda na sana yung gym na pinuntahan ko kaso walang squat rack :( May isa pa akong gym na alam na medyo malapit sa amin, maraming chicas dun pero mga mayaman daw ang mga clients dun. P500 a month rin daw ang membership fee dun.
  • JettieJettie Posts: 3,763
    gym pinunta mo dun lol at kumpleto gamit at accessible sayo para consistent ka.

    Bonus na lang kung ano meron na dagdag
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Consistent naman ako Jettie kaso problemado lang financially. Hahaha[size=medium][align=center]CARDIO(?)[/align][/size]
    First time ko 'to
    8 mins run - 1426m (galing sa bahay papunta sa kabilang bahay vice versa)
    4 mins walk - 688m (galing sa bahay papuntang bakery vice versa)

    Nag try akong tumakbo ngayong araw kasi pinakain ko yung aso namin dun sa kabilang bahay. Nakakapagod palang tumakbo. Parang nanikip yung chest ko. Ulitin ko ulit to mga next month haha
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    [size=medium][align=center]PUSH[/align][/size]

    Barbell Bench Press - 90 x 10, 110 x 8, 100 x 8, 90 x 7, 70 x 8 ( From set 2 to 4, superset with db flyes. 20lbs db each arm. May pain akong nararamdaman palagi sa right shoulder ko pag nagsstretch na pababa.)


    Incline DB Press - 30/30 x 8, 35/35 x 8


    DB Pullovers - 35 x 8, 35 x 8

    Bar Dips sana kaso di ko na kaya ang bodyweight ko.

    DB Shoulder Press - 30/30 x 6, 30/30 x 5. 25/25 x 6, 20/20 x 10

    DB Lateral Raises - 20/20 x 10 x 2

    Bench Dips - 3 sets of 12 reps

    Tricep Pushdown - 25 x 10, 35 x , 25 x 8


    Di na ako nag abs kasi may butas yung boxer ko hahaha
    ********************************************


    [size=medium]Ampangit mag buhat pag kulang sa tulog. 5 hours lang tulog ko kanina. Wala ako sa sa mood magbuhat, madaling mapagod, at hindi motivated. Di ko nabigay ang 100% effort ko ngayon :([/size]
  • CoreCore Posts: 2,509
    RayKrieg wrote:
    [size=medium]Ampangit mag buhat pag kulang sa tulog. 5 hours lang tulog ko kanina. Wala ako sa sa mood magbuhat, madaling mapagod, at hindi motivated. Di ko nabigay ang 100% effort ko ngayon :([/size]

    Google 'Matt Kroczaleski'..
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    RayKrieg wrote:
    [size=medium][align=center]PUSH[/align][/size]

    Barbell Bench Press - 90 x 10, 110 x 8, 100 x 8, 90 x 7, 70 x 8 ( From set 2 to 4, superset with db flyes. 20lbs db each arm. May pain akong nararamdaman palagi sa right shoulder ko pag nagsstretch na pababa.)


    Incline DB Press - 30/30 x 8, 35/35 x 8


    DB Pullovers - 35 x 8, 35 x 8

    Bar Dips sana kaso di ko na kaya ang bodyweight ko.

    DB Shoulder Press - 30/30 x 6, 30/30 x 5. 25/25 x 6, 20/20 x 10

    DB Lateral Raises - 20/20 x 10 x 2

    Bench Dips - 3 sets of 12 reps

    Tricep Pushdown - 25 x 10, 35 x , 25 x 8


    Di na ako nag abs kasi may butas yung boxer ko hahaha
    ********************************************


    [size=medium]Ampangit mag buhat pag kulang sa tulog. 5 hours lang tulog ko kanina. Wala ako sa sa mood magbuhat, madaling mapagod, at hindi motivated. Di ko nabigay ang 100% effort ko ngayon :([/size]


    "May pain akong nararamdaman palagi sa right shoulder ko pag nagsstretch na pababa" brader, nangyari na rin sakin to, review mo ulet to http://pinoybodybuilding.com/Thread-Benching-101
    - Ang sakin kase, what happen is my ung placing nang elbow ko, masyadong nakaharap "palabas" , hindi siya tucked. pinag aralan ko din yung sinasabi nilang " Chest out, Butt in". And ung pinaka importante, warm up sets muna bago work out sets, laking tulong nun sakin :)
    ************

    "Ampangit mag buhat pag kulang sa tulog. 5 hourslang tulog ko kanina. Wala ako sa sa mood magbuhat, madaling mapagod, at hindi motivated. Di ko nabigay ang 100% effort ko ngayon. > sa BPO industry ako nagwowork, actually yan ung normal kong tulog ( 5 hours - 6 hours, masaya na ko ) . try mo brader mag pre work out or extra joss if feel mo na wala ka sa mood magbuhat. Makakatulong yun, :)
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Sa db flyes ako bro may nararamdaman na pain kaya pag bench press ko next set, kulang na ang lakas ko. Bibili nga sana ako ng cobra or sting kahapon kaso wala naman dun sa tindahan sa baba ng gym. Kaya nakinig nalang ako sa dubstep music para mag energy rin kahit papano :)9 months na akong nagbubuhat ng 3x a week lang. Ngayon gusto ko na mag buhat ng 4x a week.

    Eto sana ipapalit ko,


    [size=medium]Monday: Chest and Calves
    Tueday: Back and Hamstrings
    Wednesday: Quads and Arms
    Friday: Shoulder and Traps[/size]


    [size=medium]Pwede na ba to mga master? Ano masasabi nyo?[/size]

    [size=medium]
    Yung dati ko kasing workout routine, pag day 1,
    Chest, Shoulder and Triceps. Di ko na nabibigay ang 100% ko pag shoulder and triceps kasi exhausted na sa chest exercise.[/size]
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    sa db flyes mo lang ba nararamdaman? what about on other exercises? have you tried reducing the weight? baka kase nasasacrifice mo ung form mo over weight. If masakit talaga and sa fb flyes mo lang nararamdaman, then, IMO, eliminate db flyes on your routine. You can still add them naman once ok na ulet yung shoulder mo.
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Sa db flyes lang bro. pero pag nagbbench press ako, yung right shoulder ko ang nauuna mawalan ng lakasss
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Ikaw makakapgsabi nyan. Kung kaya mo 5 araw di try mo anim. Sayo na din galing na di mo masagad lifts mo eh di split mo sila
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    try mo wag pag sabayin ng araw yung chest at shoulder day mo :) baka sakaling may pag babago ka maramdaman :)

    at tama sila brod, kahit anong press exercise, warm up lang katapat :) dati kasi kontin unat lang ako buhat na kaya nasakit din dati pero nung natutunan ko ung mga rc rc WU, etc; di na ako ulit nakaramdam ng sakit :) 5-10 mins painit at unat unat try mo baka makatulong brod :)
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    @monching bro, ayos na yan na ginawa kong split? ^^^^^^

    @emman ang kadalasan kong ginagawang warmup, 3-5 mins bike, stretching at 2 warmup sets. Pero kanina, sinasama ko na yung mga rotator cuff warmup exercises na pinost ni bro rtravino sa journal nya.
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    yun nga papz, ung RC WU :) dati di rin ako nagaw ng ganyan pero nung imula ng nabasa ko dito yan sa pbb, ginawa ko na at hindi ko na ulit naramdaman ung sakit :) tuloy mo lang yang RC warm ups na yan :)
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Ok naman split ml
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    [size=large]2/11/14: BACK AND HAMSTRINGS WORKOUT[/size]

    [size=medium]One Arm DB Row[/size] : 40 x 8 x 2

    [size=medium]Lat Pulldown [/size]: Overhand Grip: 80 x 8, 90 x 8, 100 x 6, 80 x 8
    Underhand Grip: 80 x 8, 90 x 8, 100 x 6, 80 x 8
    Behind the Neck: 70 x 8 x 3

    [size=medium]BB Bent Over Rows[/size]: 90 x 10, 110 x 8, 140 x 6, 90 x 12

    [size=medium]Hamstring Curl:[/size] 45 x 10, 55 x 8 x 2

    *****************

    Magddeadlift sana ako kasi yun ang first exercise ko kanina kaso kulang ako sa oras. Dumating ako ng gym ng 1:20 tapos may pasok pa ako ng 2:30. Di na ako pwede umabsent kasi may warning ako sa prof kasi anrami ko ng late. hehehe.
Sign In or Register to comment.