Former obese guy

abeadrianabeadrian Posts: 24E-Class
edited July 14 in Personal Journals

Naisip ko gumawa ng journal dahil sabi narin ni sir tagay na gumawa ako and para din makatulong sa mga obese na katulad ko. 27 yrs old. 6'0 169lbs. Dati akong 263lbs. 1 year and 4 months ko siyang ginawa. Eto advices ko.

1. Discipline is key. Motivation will die mga pre pero yung discipline hindi. Yung everyday your workinf toward a goal yun ang magdadala sayo.
2. Nutrition. fat loss/weight loss. Pagdating dito para sa akin ang optimal way is know your TDEE. And make sure nasa Calorie deficit ka. Madali lang naman siya magets. Nandyan ang google at youtube. Sa buong weight loss ko 2000cal a day ang kinakaen ko. .3g of fat/lb of bw. 1g of protein per lb of bw. Tapos yung tira sa carbs na lahat. Pwede rin naman hindi ganito gawin niyo kaso mas mahihirapan kayo at mas prone kayo mag YOYO dieting. Ang dami nung 2000cal a day na yun basta right choices ng foods kakainin niyo
3. Workout. Yung ginawa buong fat loss phase ko is LoHilo routine. Hindi ko siya inaadvise dahil mahirap talaga siya. 6 days a week siya. Plus 25 mins of cardio pa yan. Pero i push through naman. Para sa mga kagaya kong novice at beginner the best na workout is Fierce 5. Search niyo nalang siya. Kadalasan kase pang intermediate level na yung ginagawa naten eh which is not optimal sa katawan naten. Pwede ka lang mag intermediate or advance program pag kaya mo na i bench yung bodyweight mo ng 5 sets of 5 reps. My lifts are 150lbs bench 3*5 deadlift of 250lbs 3*3 squats of 160lbs 3*5. Hindi ka makakakita ng sobrang strength gain sa fat loss phase. Pag nag bulk kana dun mo makukuha lahat yan.
4. Cardio isnt magic sa mga nagpapayat kahit pa magdamag ka mag cardio kung wala ka rin sa CALORIE Deficit wala din
5. Supplements. Ang tinake ko lang buonh fat loss phase ko is creatine. Dahil siya ang pinaka proven na supplement. Madalas ako makakita ng mga obese or mataba na tulad ko fat burner. Opinion ko lang is useless siya. Kase kung ganun nga siya ka effective edi sana wala ng obese sa mundo. Based sa research ang ginagawa lang naman ng fat burner is increased heart rate saka basal metabolism para mas magburn ka ng calories which puts you on CALORIE DEFICIT. Yun din ang ending eh. Edi bawasan mo nalang kaen mo para makatipid ka pa. Opinion ko lang yun ha. Effeticr ang fat burner para dun sa mga sumasali sa physique competiton dahil low lovel na sila ng body fat.
6. No rice? Isa pa tong kalokohan para sa akin. Kahit pa puro gulay kainin mo kung sobra naman din ang kinakaen mo wala din. Tapos pwede kang kumaen ng junk foods basta nasa CALORIE DEFICIT ka eh papayat ka. IIFYM is the best approach guys sa nutrition.
7. Sa mga nag bubulk naman wag maniwala dun sa EAT BIG GET BIG. Kung maggagain ka ng 6lbs per month eh malaki nun fats lang. the optimal way is lean bulking. 200-300 calories surplus lang para mas more on sa muscle mass. First time ko palang din mag bulk.
8. Progressive Overload ang kailangan para mag ka muscle. Kahit pa nagpapayat ka dapat lumalakas ka sa gym. Pag nag stall naman na yung paglakas mo sa gym pag nagpapayat ka imaintain mo yung lakas na yan para hindi mawalan gaano ng muscle. Sa nag bubulk tulad ko eto best approach dapat every week kaya mong magdagdag ng bigat ng binubuhat mo. Natapos ko yunh cut ko 150lbs lang kaya ko sa bench. Ngayon 160 na and nasa maintenance phase palang ako pag nagbulk ako hopefully mapaabot ko siya ng kahit 180 or 200 for 5 reps hehe. Sana.
yun lang siguro kung may mga tanong pa kayo feel free to ask.

Sidenote: pahinga naman ng mga recipes for chicken and pork sana yun favorite ko eh. Nagbubulk kase.
And nga pala wag mag bulk ng mataas pa bodyfat% hindi siya optimal.

OfQEwYJh.jpg
DeNUW5Kh.jpg
rufdLS6h.jpg

Post edited by abeadrian on

Comments

  • t4g4yt4g4y Posts: 1,673S-Class
    edited August 7

    Well said sir and great transformation hehehe galing!

    Post edited by t4g4y on
  • t4g4yt4g4y Posts: 1,673S-Class
    edited September 8

    @abeadrian said:

    Sidenote: pahinga naman ng mga recipes for chicken and pork sana yun favorite ko eh. Nagbubulk kase.
    And nga pala wag mag bulk ng mataas pa bodyfat% hindi siya optimal.

    marami sa youtube paps promise :) or check mo journal ko may mga pagkain dun luto ko mismo hahaha

    Post edited by t4g4y on
  • abeadrianabeadrian Posts: 24E-Class
    Hahahaha. Nandito pa pala to. Hindi ako marunong mag luto pre. Pero nag meal prep nalang ako gamit luto ng nanay ko haha
  • abeadrianabeadrian Posts: 24E-Class
    Update ko lang tong journal ko. 4 months na akong nagbubulk. From 173.5 to 182lbs. Mag cut na ulit ako kase tingin ko may enough muscle mass na ako para hindi magmukhang payatot and hopefully makita ang abs ko for the first time haha.19%bodyfat ako nagsimula and now 20% na ako. I gain about 7lbs of muscle mass and little fat this 4 month bulk. And gain a lot of strength along the way. This next 3 months mag cut na ulit ako and try ko bumaba hanggang 12-13% para makapagbulk ng mas matagal.

    1stdayofbulking
    muVMFv0h.jpg


    After 3months
    h0B5ngyh.jpg
  • XxXxXxXxXxXx Posts: 22E-Class
    Boss, ilang oras ka nag woworkout sa gym?
  • t4g4yt4g4y Posts: 1,673S-Class

    @XxXxXx said:
    Boss, ilang oras ka nag woworkout sa gym?

    one hour is enough

  • abeadrianabeadrian Posts: 24E-Class
    1-2 hours minsan. Wala naman sa tagal yun pre nasa intensity yun haha
  • XxXxXxXxXxXx Posts: 22E-Class
    HAHA! patulong naman po, pano ba ako magsimula sa gym?
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage