Convult's Journal

ConvultConvult Posts: 13E-Class
Hello mga sir, this is my journal :D
Convult wrote:
Hi mga sir, sana matulungan niyo ako, usually sa forum.bodybuilding.com ako naghahangout pero mas maganda naman yatang dito rin at least mga kababayan ang mga ka-members.

Nagsimula akong magbuhat last year April pero di wala akong masyadong nakitang resulta eh nahihirapan ako sa pagkain since nagka eating disorder ako nung nagdiet ako halos 1.5k cal lang for 2 months nabawas ko 13 kg at hindi ako marunong nuon magbulk, nawalan rin ako ng motivation kaya madalas ako magskip sa gym at kulang rin ako sa tulog eh adik kasi ako sa video games kaya lagi akong nagpapagabi para lang makapaglaro pero nung January kasi eh naisip ko magiisang taon na ako magbubuhat pero konti lang ang results pero sa strength tumaas dati halos 20kg (wala pa yung bigat ng bar) nahihirapan na ako, ngayon 50 kg sulit na.

Ang routine ko pala ngayon simula nung January (bago ito ang sinusundan ko yung Coolcicada's PPL) ay yung Layne Norton's PHAT, nagbulk rin ako 4k cals a day pero ang protein ko mga 180g sa pagkain palang yan, plano ko rin sana bumili ng whey protein.

Sana guys matulungan niyo rin ako. :) DI ko po pala alam kung talagang 195 lbs since nasira yung weighing scale namin dito sa bahay pati sa gym sira rin pero sa tingin ko sobra pa yata eh nung last year April 2014 una kong buhat mga 80 kg ako eh nung nagbulk ako tumaba ulit ako.

At opo, totoong 6'1"ft ako. hehe. Medyo matagal tagal yung pagtangkad ko nung nag 13 ako kasi nung 13 ako, 5'11.5 ft ako tapos ayun hanggang mag 16 ako halos isa at may kalahating inch lang ang nadagdag ko pero hopefully sana maka 6'2-6'3 man lang ako bago matapos ang growth phase ko.

galing po yan sa introduction ko :D

Comments

  • nrg500nrg500 Posts: 1,235B-Class
    http://pinoybodybuilding.com/Thread-Struggling-with-food--5153?pid=141630#pid141630

    ^ Estudyante ka pa lang ba ? Kasi kung nakaasa ka pa rin sa parents mo para sa food, mahirap mag-bodybuilding kung di ka suportado ng parents mo.

    Napakaimportante ng diet sa muscle gain. Kung di ka kakain ng maayos, napakahirap (if not impossible) mag-build ng muscle mass.

    At wag ka basta gumamit ng mga training program na nakikita mo sa internet o sa fitness magazine. I searched P.H.A.T by Layne Norton.

    http://www.simplyshredded.com/mega-feature-layne-norton-training-series-full-powerhypertrophy-routine-updated-2011.html

    Una sa lahat, tataas ang calorie requirement mo habang tumataas ang volume at intensity ng training. The more work you do, the more food you need to eat. Parang sa kotse, tumataas ang konsumo sa fuel habang bumibilis ang takbo. Hirap ka na nga sa matinong diet, di ba ? Kung gagamitin natin ay 0.8 grams of protein per pound of bodyweight, kailangan mo ng 156 grams of protein daily para sa bodyweight mo na 195 lbs. Ang equivalent ng 156 grams of protein ay 3/4 kg ng raw lean meat. Di pa kasama dyan yung carbs at fats.

    Pangalawa, professional bodybuilder si Layne Norton at karamihan ng professional bodybuilder ay gumagamit ng performance enhancing drugs which increases / speeds up their recovery. A natural lifter will get overtrained if he uses a training program of a steroid user


    Kung ang madalas mo lang kinakain ay kung ano hinain ng parents mo (which is very likely to be low protein, high carb), mas maganda siguro na stick ka na lang muna sa basic exercises like Push Up and Pull Up para naman di ka totally sedentary

    Alam ko na baka tawanan mo ang Push Up pero there are many ways to make the exercise harder. Ito example




    Sa Pull Up, pwede mo yan gawin sa bahay. Hanap ka ng ledge

    IMG_1109-1024x768.jpg


    Para naman sa lower body, do farmer's walk (basically walking while holding something very heavy). Mag-improvise ka na lang. Halimbawa ay ikaw magbuhat ng pinamili sa grocery

    VgRiyHF.jpg



    Iwasan mo rin pala magpuyat. Di naman masama ang video games (I also play video games) pero disiplina lang sa playing time. Malaki ang impact ng sleep quality sa muscle gain

    Kung may sleeping problems ka tulad ng insomnia, the 1st thing to check is your diet. Mayroong mga certain vitamins/minerals na kapag kulang ay mahihirapan ang katawan mo na gumawa ng melatonin (sleeping hormone). Eating a variety of vegetables usually fixes this. For starters, include steamed broccoli in your diet. It has lots of vitamins and minerals. Kung di kaya ng budget ang broccoli, paluto ka sa parents mo ng pakbet (ulam na may pinaghalo-halong kalabasa, talong, sitaw, at ampalaya). Tiisin mo na lang ang pait ng ampalaya

    Kung tipid talaga sa budget ang food mo, prioritize vegetables over meat. If ever naman bibigyan ka ng extra money for your bodybuilding, gamitin mo sa real food at wag sa supplements. Walang magic sa supplement, kahit 1 galon ng whey ang laklakin mo per day, di ka lalaki kung shitty ang diet mo
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage