Newbie from Legazpi City

Hi mga sir, sana matulungan niyo ako, usually sa forum.bodybuilding.com ako naghahangout pero mas maganda naman yatang dito rin at least mga kababayan ang mga ka-members.

Nagsimula akong magbuhat last year April pero di wala akong masyadong nakitang resulta eh nahihirapan ako sa pagkain since nagka eating disorder ako nung nagdiet ako halos 1.5k cal lang for 2 months nabawas ko 13 kg at hindi ako marunong nuon magbulk, nawalan rin ako ng motivation kaya madalas ako magskip sa gym at kulang rin ako sa tulog eh adik kasi ako sa video games kaya lagi akong nagpapagabi para lang makapaglaro pero nung January kasi eh naisip ko magiisang taon na ako magbubuhat pero konti lang ang results pero sa strength tumaas dati halos 20kg (wala pa yung bigat ng bar) nahihirapan na ako, ngayon 50 kg sulit na.

Ang routine ko pala ngayon simula nung January (bago ito ang sinusundan ko yung Coolcicada's PPL) ay yung Layne Norton's PHAT, nagbulk rin ako 4k cals a day pero ang protein ko mga 180g sa pagkain palang yan, plano ko rin sana bumili ng whey protein.

Sana guys matulungan niyo rin ako. :) DI ko po pala alam kung talagang 195 lbs since nasira yung weighing scale namin dito sa bahay pati sa gym sira rin pero sa tingin ko sobra pa yata eh nung last year April 2014 una kong buhat mga 80 kg ako eh nung nagbulk ako tumaba ulit ako.

At opo, totoong 6'1"ft ako. hehe. Medyo matagal tagal yung pagtangkad ko nung nag 13 ako kasi nung 13 ako, 5'11.5 ft ako tapos ayun hanggang mag 16 ako halos isa at may kalahating inch lang ang nadagdag ko pero hopefully sana maka 6'2-6'3 man lang ako bago matapos ang growth phase ko.

Comments

  • kenzykenzy Posts: 663B-Class
    welcome sa pbb sir, wow tangkad mo pafs, nakakainggit. Gawa ka ng journal pafs, lagay mo don kung ano ba goal mo? sama mo na din meal / diet plan and workout para mas matulungan ka ng mga master natin dito. Kalimitan kasi kaya wala tayong makitang gains, kulang sa kaen, over train, lack of rest/sleep ska hindi masyado intense yong workout. Pansin ko lang pafs, parang ang baba ng protein mo for 4k calorie, 180grams lang. ako 1.8 -2k calorie lang pero ang protein ko 180-200+, depende sa pag-tweak ko ng Protein, fats and carbs. Wait pala, ano ba talaga goal mo pafs? magpalaki ng katawan or magpatangad? haha
  • ConvultConvult Posts: 13E-Class
    kenzy wrote:
    welcome sa pbb sir, wow tangkad mo pafs, nakakainggit. Gawa ka ng journal pafs, lagay mo don kung ano ba goal mo? sama mo na din meal / diet plan and workout para mas matulungan ka ng mga master natin dito. Kalimitan kasi kaya wala tayong makitang gains, kulang sa kaen, over train, lack of rest/sleep ska hindi masyado intense yong workout. Pansin ko lang pafs, parang ang baba ng protein mo for 4k calorie, 180grams lang. ako 1.8 -2k calorie lang pero ang protein ko 180-200+, depende sa pag-tweak ko ng Protein, fats and carbs.

    Sa umaga kasi, 6 eggs (lahat egg whites) + tuna, sa lunch 3 pork chop sa gabi naman, 2 chicken breast at 6 eggs ulit, ano ba sir sa tingin mo idagdag ko dyan? The rest sa fat/carbs na pero sa tingin ko sobra pa yata yung protein ko dyan eh.
  • kenzykenzy Posts: 663B-Class
    I'm not an expert ah, pero sa tingin ko kung bulking ka and currently hitting 4k calorie per day, kulang yang 180g of protein mo, then the rest carbs and fats na. Wait natin sagot ng mga master natin.
  • BANEBANE Posts: 1,927C-Class
    kenzy wrote:
    I'm not an expert ah, pero sa tingin ko kung bulking ka and currently hitting 4k calorie per day, kulang yang 180g of protein mo, then the rest carbs and fats na. Wait natin sagot ng mga master natin.

    taena nakakaingit ung 4k a day mo brad. hahahahaha
  • fatmonkeyfatmonkey Posts: 308C-Class
    Welcome to PBB kid' Medyo OT lang... ill be going to Bicol (long drive adventure - ME, Myfriend & google Map), usually bar and clubs ang tinatanong ko kung san maganda pumunta... BUT ask ko lang what gym pde puntahan? Daraga (Burgos) area destination ko... 1st timer. Thanks
  • ConvultConvult Posts: 13E-Class
    fatmonkey wrote:
    Welcome to PBB kid' Medyo OT lang... ill be going to Bicol (long drive adventure - ME, Myfriend & google Map), usually bar and clubs ang tinatanong ko kung san maganda pumunta... BUT ask ko lang what gym pde puntahan? Daraga (Burgos) area destination ko... 1st timer. Thanks

    Azy's bar, Lady Anne at Bar 101 lol pero yung Azy at Lady strip clubs yon ang bar 101 bar lang talaga pero may sayawan rin daw sabi ng kaibigan ko.... kung sa gym naman eh iisang gym lang ang pinupuntahan ko eh sa My Fitness Gym Legazpi sa katabi ng BDO Rotonda eto yung sa google maps

    60 pesos per session, 550 for students/600 non para sa 1 month... medyo malayo yan sir sa Daraga eh, di ko lang alam kung saan ang gym sa gym kasi dati taga dyan talaga kami lumipat lang kami sa Legazpi...
  • yopyopmyopyopm Posts: 366
    Welcome sa PBB! Isa pang matangkad. Calling @kenzy @emong @dimzon03 eto pa pwede hingan ng height :lol

    On serious note, gawa ka journal bro. Marami masasuggest sayo kapag may idea na mga masters sa kung anung ginagawa mo currently. At ayos yan habang bata nasimulan mo na agad.
  • dimzon03dimzon03 Posts: 1,526A-Class
    welcome bro sa PBB!

    tangkad nito tapos 16yrs old lang... kainggit:sleepy:

    4k calories = Richkid:lol hehehe joke lang, welcome ulit :)
  • ConvultConvult Posts: 13E-Class
    yopyopm wrote:
    Welcome sa PBB! Isa pang matangkad. Calling @kenzy @emong @dimzon03 eto pa pwede hingan ng height :lol

    On serious note, gawa ka journal bro. Marami masasuggest sayo kapag may idea na mga masters sa kung anung ginagawa mo currently. At ayos yan habang bata nasimulan mo na agad.

    Nung 13 pa sana ako magsisimulang magbuhat pero wala akong confidence nuon mahiyan ako kaya nung 15 na ako nakapagsimula.. :)
  • AestecniquesAestecniques Posts: 487C-Class
    Uragon! Welcome! cheers Kainggit height at calorie intake mo bro.
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage