Just want to be LEANER and STRONGER

I just want to make friends and hear some advices from you guys :)

Comments

  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819B-Class
    welcome bro! meron din ilang ditong dahil sa pag ibig kaya napasok sa isport na ito hihihihi

    tandaan, there is more to life than bodybuilding hihihihi
  • Welcome aboard pare !
  • Salamat brah.
    Onga eh. Gusto ko magsisi sya. :P De joke lang. Nakakaenganyo kasi magbuhat lalo kapag nakikita mo na yung changes sa katawan mo.
  • yopyopmyopyopm Posts: 366
    JrMagarso wrote:
    Salamat brah.
    Onga eh. Gusto ko magsisi sya. :P De joke lang. Nakakaenganyo kasi magbuhat lalo kapag nakikita mo na yung changes sa katawan mo.

    agree ako dito! motivation yung changes sa built. lalo nakakasipag magworkout
  • nrg500nrg500 Posts: 1,235B-Class
    Bro, tulad ng nasabi ko sa thread mo sa Members Introduction section, mag-focus ka muna na lumaskas sa mga compound lift na ito

    Bench Press
    Military Press (seated or standing)
    Squat
    Deadlift
    Pull Up (and its variations)
    Rows

    Ok lang haluan mo ng isolation exercises basta di sya mag-interfere sa gains mo sa compund lift

    At ang pinakaimportante sa lahat, diet and sleep. Your efforts in the gym will be wasted if you don't eat properly and don't get enough sleep

    Wag lang puro protein, carbs, and fats ang isipin, importante rin ang gulay at prutas. Dapat may gulay at prutas araw-araw. Majority rin ng protein mo ay dapat galing sa whole food.
  • Nakakapag veggie din ako, minsan nga lang kasi di masyadong nagpprepare mama ko ng gulay and sa fruits minsan lang. Yung sa compound lift na pinost mo, nagagawa ko naman di lang masyadong consistent sa squat and deadlift kasi nakakalimutan minsan. :D
  • yopyopmyopyopm Posts: 366
    Gawin mo nang favorite yung 5 basic compound exercises bro then follow mo advice ng mga master dito. Try these exercises and you'll love yourself afterwards hahaha kidding aside.

    Para mamotivate ka pa, log mo dito progress mo. Sarap kaya sa pakiramdam kapag nakikita mo na tumataas nabubuhat mo at lumalaki yung plates hehe kakasimula ko palang din kasi at yun motivation ko ;)
  • nrg500nrg500 Posts: 1,235B-Class
    Nakakapag veggie din ako, minsan nga lang kasi di masyadong nagpprepare mama ko ng gulay and sa fruits minsan lang.

    Mag-aral ka magluto at bumili ka ng prutas

    Kung supportive ang parents mo, magpaluto ka ng mga ulam na kailangan mo.

    Student ka ba o working na ?

    Yung sa compound lift na pinost mo, nagagawa ko naman di lang masyadong consistent sa squat and deadlift kasi nakakalimutan minsan. :D

    Nakakalimutan mo kasi priority mo ang upper body (mainly chest and abs). Kita naman dun sa lifting stats mo, ang nakalagay lang ay puro chest exercises. Kahit yung training program mo, 4x upper body at 1x lower body

    Stop making excuses

    Kalimutan mo na rin yung mga b*llsh1t programs sa Men's Health magazine
  • Di na nga masyadong nadadagdagan yung bigat ng binubuhat ko kasi yung sa BP ko last november pa yan hanggang ngayon ganun pa din. Nahihiya kasi ako magpost ng pics eh pero meron din ako sa phone. Malaki na pinagbago ng katawan ko simula nung naglift ako. Mataba kasi ako dati bago ako magstart.
    Sa prutas naman, nakakain ako kapag may pasalubong pag uwi. Di na kumakasya budget ko kasi nag iipon ako pambili ulit ng whey. Paubos na kasi eh. And student pa lang ako.
  • nrg500nrg500 Posts: 1,235B-Class
    JrMagarso wrote:
    Di na nga masyadong nadadagdagan yung bigat ng binubuhat ko kasi yung sa BP ko last november pa yan hanggang ngayon ganun pa din. Nahihiya kasi ako magpost ng pics eh pero meron din ako sa phone. Malaki na pinagbago ng katawan ko simula nung naglift ako. Mataba kasi ako dati bago ako magstart.
    Sa prutas naman, nakakain ako kapag may pasalubong pag uwi. Di na kumakasya budget ko kasi nag iipon ako pambili ulit ng whey. Paubos na kasi eh. And student pa lang ako.

    Bro, ipambili mo na lang ng pagkain yang baon mo kaysa mag-ipon ka para sa protein supplement

    Maniwala ka sa akin, dumaan na ako dyan. Anim na taon na shitty ang results ko kahit may protein supplement pa ako. I learned the hard (and expensive) way

    A supplement cannot make up for a shitty diet

    Shitty diet = Shitty results

    Pinakamaganda, try mo kausapin parents mo baka suportahan ka nila dahil for health and fitness naman ang gagawin mo
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819B-Class
    bro, payong kapatid, sulitin mo yung 1-2 years mo :) tingnan mo ung isang nag post dun sa kabilang thread. 1 year daw yun pero diba good gain? kasi tamang pagkain , tamang training at pahinga ta newbie gains, ganda ng epekto kaya wag mo sayangin bro :) good luck

    basa ka lang ng basa taresearch ng research para ma guide ka ng tama
  • Bro. @nrg500 Pwede ka ba magpost ng pics mo nung before mo and after. Para mas mainspire ako hehehe.@Emman1986 Onga eh. Inggit ako. Pero natuwa naman ako kasi ngayon pumayat ako. Dati tumaba ako eh.
  • JrMagarsoJrMagarso Posts: 16
    LwN7tfbShare ko lang improvement ko guys, matagal na din akong hindi updated eh. Sensya na
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage