Need advice/help

3 months na kong nag wo workout pero halos walang pareng nag bago saken. Last month nag try ako ng whey protein pero wala paren nag bago halos. Ask ko lang kung ano magandang supplement na pang pa bulk, yung proven na effective talaga. Gusto ko talagang mag bulk kasi payat ko btw, 55kg ako and 5'7 height ko. Ito ren pala latest pic ko14o3l89.jpg

Sana may makatulong saken. Thanks and more power

Comments

  • BANEBANE Posts: 1,927C-Class
    allenramos wrote:

    sir start from counting your macros. para alam mo kung enough naba ung kinakain mo for your goals. kasi kahit anung whey pa yang inumin mo kung kulang ka ng calorie intake, di ka tlga mag bubulk up. chaka ano ano po ung exercise na ginagawa mo?Sir @allenramos, hope this helps. http://forum.bodybuilding.com/showthread.php?t=121703981
  • kenzykenzy Posts: 663B-Class
    Hi sir, muzta naman po yong meal plan nyo? wag po tayo masyado umasa sa supplement. create po kayo journal sir, lagay nyo don kung ano ung meal plan nyo everyday, bka kulang po yong mga kinakaen nyo, kasi nasa isip nyo lalaki agad since nagssupplement tayo.
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    Halos lahat ng payat na gusto magbulk pagkain lang ang katapat. No need to count or track calories. Macros might not be that important IMO sa stage na ito, kahit 50g protein per day lang makain mo kung 700g of carbs and 150g of fat naman nakain mo. Ang pinaka succesful ko na bulk ay nung 17 years old ako. KInain ko lang lahat ng pagkain sa bahay at lahat ng pera ko binili ko pagkain. Ang target ko kumain hangang mabundat at kumain ulit pag bumaba ng konti yung kinain ko. Basta walang humpay na kainan kahit kanin na sinabawan lang ng kape. Ayun after being skinny buong pagkabata ko, finally tumaba ako at naging skinny fat butete look pero may mass naman kahit pano. Dun ako nagsimula :)

    live&dieNATURAL

    Take it from the expert @badass_vinch :sport:
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    Add ko lang, para sa mga payat naman na takot maging "FAT"(as if ganun kadali sila tataba or lalaki)... Matagal na process ang bulking, most hard gainers aabutin ng ilang months bago makakita ng obvious changes sa katawan. Kaya ko nirecommend yung pig out kasi I'm assuming na sa ganung way nila masasabayan ang mabilis nilang metabolism. Again para ito sa mga PAYAT talaga at hindi sa mga nagplateau lang sa weight gain or sa mga trip lang magbulk.

    Clear ko lang din yung NO NEED to track or count macros. This doesn't mean na hindi mo na pagaaralan ayusin ang diet mo. What I'm saying is there is a proper time kung kelan mo na dapat magtrack ng calories at yun ay pag nagkaron ka na ng mass.

    live&dieNATURAL

  • Yun salamat sa mga advice mga sir. Kakaen na ko to the max. Mag post nalang ulit ako ng update pag nag bulk na ko. Thanks and more power
  • Sir follow up question po, in case hindi ko ko ma meet ung certain number of calories per day, anong supplement pwede kong i take? Di kasi talaga ko sobrang lakas kumaen eh. Yung supplement is just for completing the caloric intake per day. Sana makatulungan nyo ulet ako. Thanks ??✊✌
  • BANEBANE Posts: 1,927C-Class
    allenramos wrote:
    Sir follow up question po, in case hindi ko ko ma meet ung certain number of calories per day, anong supplement pwede kong i take? Di kasi talaga ko sobrang lakas kumaen eh. Yung supplement is just for completing the caloric intake per day. Sana makatulungan nyo ulet ako. Thanks ??✊✌

    well sir LAKASAN MO KUMAIN! hehe. kasi kasama sa disiplina un e. tanung, ano ba dahilan bakit hindi ka malakas kumain? may medical condition kba para maging ganun? kung wala naman po, e all in the mind lang yan. isipin mo nalang mag bubuhat ka ng mabigat dba, so titiisin mo un kasi nasa isip mo "mag papalaki ako ng katawas" or "no pain, no gain" ganun din sa pag kain sir. isipin mo 1-3 hrs ka gym nag papakahirap pero ang totoo mas mahirap ung remaining 21hrs mo sa labaas ng gym. pilitin mo kuain. haha. whole foods ika nga ni sir @badass_vinch
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    Boss may journal ka na ba? Pag wala gawa ka then dun mo na ituloy para mas matulungan ka pa dito
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage