height ko 5'8 weight 46kg !!

maggigym ako,, anong supplement kaya maganda at anong mga pagkain/drinks ang dapat ko inumin,, yung mataas sa protein, pero mura,, tsaka mataas sa calories,,

Comments

  • mikongmikong Posts: 19
    Dont focus sa supplements agad. Focus on gaining strength by lifting big. Start ka sa push up, pull ups, dips, body squat, at bodyweight exercise. Pag easy mo nang buhatin sarili mo then join a gym then focus sa big compound lifts like squat, deadlift, over head press, benchpress, pull ups, dips, back rows. Wag ka muna mag bicep curls at tricep extensions.

    Sa pagkain, basta walang junk foods. Kain ka complex carbo like kamote or kamoteng kahoy, saging na saba, manok, itlog, prutas. Beans, sardinas, mani. Focus ka sa real foods wag sa supplements. Bukod sa mahal ang mga supplements di sya magic wand na pampalaki ng katawan. Exercise at whole foods ang magpapalaki sayo.

    Google is your friend too. Daming articles sa internet. basa basa lang
  • @mikong,, mga ilang push up ang kailangan kong makaya bago ako maggym?
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    @mikong,, mga ilang push up ang kailangan kong makaya bago ako maggym?

    kung kaya mo mag-igib ng tubig, magbuhat ng mabigat na bag kaya mo maggym :)

    Isa sa mga nakikita kong reason kung bakit madaming teenager noobs na mahihina kasi walan ng ROTC. Nung highschool at college days namin bugbog sarado kami sa push ups, burpees, sit ups, mountain climbers etc. dahil sa CAT at ROTC hehehe

    live&dieNATURAL

  • mikongmikong Posts: 19
    @mikong,, mga ilang push up ang kailangan kong makaya bago ako maggym?


    Push up = at least 30 consecutive strict form push up (dibdib sayad sa floor at full elbow lock out sa taas) .

    Pull ups/chin ups = 10 ~ 15 consecutive strict from dead hang position

    BW squat, burpee, = as many as you can :P
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage