pasma... and raw eggs..

Guys ask ko lang kung totoo yung sinasabi nila about pasma,yung pag tapos mo magbuhat maliligo ka mapapasma ka daw..tsaka kung ok lang ba na kainin Ang itlog kapag hilaw,sabi kasi nila baka daw may bacteria pa daw Ang hilaw na itlog..kktmad kasi maglaga ng maglaga balak ko sanang ihalo na lang sa whey protein shake, ok lang ba un?!

Comments

  • shaneshane Posts: 116
    Medyo risky ang hilaw na itlog sir, pede kasing contaminated yun kapag may maliit na butas o crack yung itlog. Isabay mo nalang sa sinaing mo yung itlog.
  • RamPogiRamPogi Posts: 44
    Eh yung maligo pagtapos mag gym?
  • miserymisery Posts: 160
    RamPogi wrote:
    Eh yung maligo pagtapos mag gym?

    Ang alam ko pwde maligo basta pagkatapos na pagkatapos mo mag gym at ung tipong shower lang talaga. Not so sure tho, our masters will confirm this. Lets wait
  • RamPogiRamPogi Posts: 44
    Wala paring reply...calling calling mga masters..
  • alltheguanoalltheguano Posts: 34E-Class
    naliligo ako after mag gym. hindi naman ako napapasma. hehehe.
    ang hirap naman yata inumin yung whey na mag hilaw na itlog.
    ilaga mo nalnag tapos tirahin mo egg whites. hehe
  • I think tayo lang namang mga Pilipino ang may konsepto ng "pasma" (pati na rin yung sinasabing "lamig" at "usog").
  • ReneRene Posts: 213C-Class
    Pasma? Good read here: http://en.wikipedia.org/wiki/Pasma

    Not a good practice eating/drinking raw egg,,,,,salmonella bacteria

    cheers
  • asggeloasggelo Posts: 76
    Ligo after gym is okay... Regardless kung warm water or cold water ang ipampapaligo mo. Kahit ano dun okay lang. Mas refreshing pa nga kung malamig.
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage