Angel's Burger - What's your take?

rreorarreora Posts: 178C-Class
Guys,

Sino sa inyo mahilig sa Angel's Burger? Gaya ko minsan nag ccrave ako ng medyo fatty foods like burger at medyo convinient sa akin bumili ng Angels burger dahil sarado na yun Jolibee.

Meron ba kayong trivia o kahit anong information sa ingredients na ginagamit nila? Ok din kaya to pag bulking ka dahil sa fats nya?
«13

Comments

  • YatezYatez Posts: 2,745
    Trivia may halong pusa yung patty
  • pandoypandoy Posts: 596A-Class
    ^hahaha ayos
  • Yatez wrote:
    Trivia may halong pusa yung patty

    Pusa ba? Bakit sabi nung mga nakatira malapit sa factory nila sa Engineering sa Marikina, karton daw? Ito naman ay mga kwento at usap-usapan lang na nagpa-pasapasa na mula sa mga makakating bibig.Rreora,

    Pwede sigurong pang-bulk 'yan kung ang bibilhin mo sa kanila is 'yung:

    Cheeseburger (Buy 1 take 1) with Coleslaw and Egg.

    Ingat ka nalang siguro sa cholesterol and sodium content nung pagkain. In my point of view kasi, I don't consider their food "fatty", though I classify it as "oily".

    Ang isang commercial grade burger patty should at least be:

    60-70% Meat - Either beef or pork. Lately, may chicken and fish na; and
    30-40% Fat - Usually, from pork or animal fat.
    Wala pa diyan ang binder, extender, flavor enhancers and preservatives.

    Sa nipis ng patty at sa baba ng presyo ng Angel's burger, sa tingin mo... Fatty ito o Oily "na lang" ito?

    Okay, "OILS are FATS". Eh di pwedeng pang bulk ang isang basong mantika? O, kumain na lang kaya tayo ng isang bar ng margarine? Ang labo, di ba? Ang kaibahan kasing tinitignan natin dito is kung ano ba ang magpapadagdag ng laman sa'yo at alin ba ang magpapataas lang ng kolesterol mo.

    Orkot much? (Takot much?) LOLz! Sa kabilang dako, hindi naman natin pwedeng iwasan ang pagkain ng fats dahil ito ang tumutulong para manuot sa katawan natin ang mga "fat-soluble" na bitamina gaya ng K, A, D at E.

    Kung gusto mo ng "fats" na makakatulong sa pagpapa-bulk mo, bakit hindi mo nalang taasan ang intake ng protein and carbohydrates since ang excess calories ng mga ito ay nagiging fat. Kung Angel's Burger versus Jollibee Yum Burger, go for Jollibee since mas mataas ang protein content ng karne (Dahil gawa daw ito sa 100% Pure beef) na ginagamit nila sa patty compared with Angel's burger patty (Na hindi tukoy kung anong halo; idagdag pa natin ang report ni Mike Enriquez sa Imbestigador tungkol sa kanila [Unknown; needs citation]). O di naman kaya, bumili ng mas kalidad na burger patties sa palengke o groserya, itago sa inyong freezer at bumili ka na lang ng tinapay kung kailan mo gusto ng burger? At least, kontrolado mo pa ang mantikang gagamitin sa pagluluto at pwede mo ring ulamin sa kanin, bolahin ang patty at gawan ng ibang putahe gaya ng burger steak, sweet and sour meat balls o pasta with meat balls? Oh diba?!

    Pasensya ka na kung masyado kong ginawang komplikado ito para sa'yo. Sabihin na lang natin na may mga nakita na agad akong mga possibleng "long-term effect" niyan sa katawan (kung 'yan ang palagi mong option for bulking) - either you'll gain mass or gain heart-related diseases (Pupusta ako, mas mauuna pang tumaas ang kolesterol mo, kesa mag-gain ka ng mass).

    Sa huli, ikaw pa rin ang magdedesisyon kung ano sa tingin mo ang makabubuti para sa iyong puso at katawan. Moderation siguro o bigyan mo ng hangganan ang sarili mo kung hanggang kailan mo hahayaan ang katawan mong mag-indulge sa ganyang klaseng pagkain. Ikaw na ang humusga kung gaano karaming ganyan ang dapat mong kainin para ibigay ng katawan mo ang resultang gusto mo. :-)
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    Ako simple lang ang "take" ko dito.

    Mura na masarap(o masarap sa taong gutom) = crap

    If it is too good to be true, most of the time it is. Saka sa lasa at itsura la lang eh. Mas madaming alternative na pawee jan kahit nga itlog na prito or kwek kwek/tukneneng mas OK pa. jan. Nasa sayo yan alam mo naman resulta sayo nyan, your body your call.
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    Dali ng tanong mo, angels burger, sa bawat kagad tinapay lahat. Bow!Mas ok pa mag burger machine lol
  • Dali ng tanong mo, angels burger, sa bawat kagad tinapay lahat. Bow!Mas ok pa mag burger machine lol

    i1ba7p.jpg
  • YatezYatez Posts: 2,745
    koizumi168 wrote:
    Yatez wrote:
    Trivia may halong pusa yung patty

    Pusa ba? Bakit sabi nung mga nakatira malapit sa factory nila sa Engineering sa Marikina, karton daw? Ito naman ay mga kwento at usap-usapan lang na nagpa-pasapasa na mula sa mga makakating bibig.Rreora,

    Pwede sigurong pang-bulk 'yan kung ang bibilhin mo sa kanila is 'yung:

    Cheeseburger (Buy 1 take 1) with Coleslaw and Egg.

    Ingat ka nalang siguro sa cholesterol and sodium content nung pagkain. In my point of view kasi, I don't consider their food "fatty", though I classify it as "oily".

    Ang isang commercial grade burger patty should at least be:

    60-70% Meat - Either beef or pork. Lately, may chicken and fish na; and
    30-40% Fat - Usually, from pork or animal fat.
    Wala pa diyan ang binder, extender, flavor enhancers and preservatives.

    Sa nipis ng patty at sa baba ng presyo ng Angel's burger, sa tingin mo... Fatty ito o Oily "na lang" ito?

    Okay, "OILS are FATS". Eh di pwedeng pang bulk ang isang basong mantika? O, kumain na lang kaya tayo ng isang bar ng margarine? Ang labo, di ba? Ang kaibahan kasing tinitignan natin dito is kung ano ba ang magpapadagdag ng laman sa'yo at alin ba ang magpapataas lang ng kolesterol mo.

    Orkot much? (Takot much?) LOLz! Sa kabilang dako, hindi naman natin pwedeng iwasan ang pagkain ng fats dahil ito ang tumutulong para manuot sa katawan natin ang mga "fat-soluble" na bitamina gaya ng K, A, D at E.

    Kung gusto mo ng "fats" na makakatulong sa pagpapa-bulk mo, bakit hindi mo nalang taasan ang intake ng protein and carbohydrates since ang excess ng mga ito ay nagiging fat. Kung Angel's Burger versus Jollibee Yum Burger, go for Jollibee since mas mataas ang protein content ng karne (Dahil gawa daw ito sa 100% Pure beef) na ginagamit nila sa patty compared with Angel's burger patty (Na hindi tukoy kung anong halo; idagdag pa natin ang report ni Mike Enriquez sa Imbestigador tungkol sa kanila [Unknown; needs citation]). O di naman kaya, bumili ng mas kalidad na burger patties sa palengke o groserya, itago sa inyong freezer at bumili ka na lang ng tinapay kung kailan mo gusto ng burger? At least, kontrolado mo pa ang mantikang gagamitin sa pagluluto at pwede mo ring ulamin sa kanin, bolahin ang patty at gawan ng ibang putahe gaya ng burger steak, sweet and sour meat balls o pasta with meat balls? Oh diba?!

    Pasensya ka na kung masyado kong ginawang komplikado ito para sa'yo. Sabihin na lang natin na may mga nakita na agad akong mga possibleng "long-term effect" niyan sa katawan (kung 'yan ang palagi mong option for bulking) - either you'll gain mass or gain heart-related diseases (Pupusta ako, mas mauuna pang tumaas ang kolesterol mo, kesa mag-gain ka ng mass).

    Sa huli, ikaw pa rin ang magdedesisyon kung ano sa tingin mo ang makabubuti para sa iyong puso at katawan. Moderation siguro o bigyan mo ng hangganan ang sarili mo kung hanggang kailan mo hahayaan ang katawan mong mag-indulge sa ganyang klaseng pagkain. Ikaw na ang humusga kung gaano karaming ganyan ang dapat mong kainin para ibigay ng katawan mo ang resultang gusto mo. :-)

    Hindi nagiging fat na macro nutrient ang excess carbohydrates and proteins, iba ang fat na macro nutrient sa fat na madalas na alam ng lay person at madalas isa lang ang tingin nila dito, masama. Ang excess carbohydrates and protein do not turn into cholesterol that is a form of fat but it gets stored as an excess and reserve energy in our body called as the adipose tissue underneath our skin.
  • Kung gusto mo ng "fats" na makakatulong sa pagpapa-bulk mo, bakit hindi mo nalang taasan ang intake ng protein and carbohydrates since ang excess ng mga ito ay nagiging fat.

    Sorry... ang ibig kong sabihin dito is 'yung excess calories from protein and carbohydrates na nagiging fat.
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    rreora, mamaya nayn sisihin mo nanaman ung creatine pag nag kakataba ka sa tagiliran. lol.
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^LOL

    Baka magka crea rage din
  • YatezYatez Posts: 2,745
    hahaha
  • rreorarreora Posts: 178C-Class
    rreora, mamaya nayn sisihin mo nanaman ung creatine pag nag kakataba ka sa tagiliran. lol.

    Di na ulit sir. Medyo nag aadjust lang siguro katawan ko nun. Hehe.

    Anyway, hindi naman ako araw araw kumakain nito kapag sobrang nag ccrave lang talaga ako. Rest day ko din kasi kahapon at may nag sabi dito na kapag rest day mas ok na taasan yun fat intake. Slightly strict yun diet ko gusto ko lang talaga malaman kung dapat ba iwasan yun burger na yun o ok lang. :P
  • rreora wrote:

    Ah... eh kung cravings lang naman pala, pwede na rin siguro... :-)

    'yung sabi ni Dalton na Burger Machine, mas okay 'yun kasi mas ma-karne ang patty nila. Wala bang BM na malapit dyan sa inyo? Usually naman kasi kapag may BM, tinatapatan ng Angel's diba?
  • JESTy™JESTy™ Posts: 159
    pamatid gutom. mura, malasa. dependa sa budget ko, kapag may pera nagcchamp ako, pero kapag kapos palad at tipid tipid, 2pcs angel cheese berjer+softdrink talo talo na aba!
  • rreorarreora Posts: 178C-Class
    Wala e. Devil's Burger ang meron. LOL! Or minsan naman Hotdog sandwich sa 7/11.
  • 197lbs197lbs Posts: 331
    cheat food ok lang

    bodybuilding food no
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    For me kung kakain ka lang din mas maganda sa training days mo na lang banatan kesa sa rest day na less energy expenditure.
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    @reora

    sayang lang pera mo dyan. not sure kung sa puregold, pero may binebenta dun na murang giniling na sobrang pino talaga "SAWDUST". hindi ako sure kung pang tao ba ito or pang dog food pero based sa article na nabasa ko, gawa daw ang meat product na ito sa tira tirang laman at taba ng beef, pork, chicken, ETC. pati mga laman loob litid at balat nila. kaya ito sobrang giling na giling. kinakain daw yun sa china pero good as recycled meat na din ito. pati nga daw mcdo gumagamit nito? ewan lang. so malamang ito din ang recipe ng Angel's burger at majority ng pang masa na burger.

    madaming pwede mabili sa bente pesos. like isang Lucky Me at 2 itlog :)

    tsaka high fat on rest days? hindi yan para sa lahat, generic yan. kung makapal pa taba mo all over better lower your fat intake daily regardless kung WO or rest day.

    live&dieNATURAL

  • rreorarreora Posts: 178C-Class
    Sige salamat sa inyo. Di na lang ako kakain ng Angels Burger baka Jolibee na lang or tapsilog sa gabi :D
  • JESTy™JESTy™ Posts: 159
    ^bakit kailangan fast food talaga?
    sana yung pera na pang-gastos mo eh ibigay mo mo na lang kay nanay mo para ipagluto ka ng masasarap na ulam? mas makakadami at mas makakamura ka pa.

    *edit:
    or tulad ng sinabi ni coach vinch, mas masarap pa nga yung isang LuckyMe chicken tapos lagyan mo ng 2 itlog kapag paluto na. (mas may makukuha ka pang sustansya) samahan mo na din ng tinapay. solb.
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage