Ang girl problems. Bow.

Sa totoo lang isa sa mga rason kung bakit ako nagsimula magpapayat e dahil rin dito. read on kung wala kayo magawa haha.

Babala: Mahabang babasahin at hindi para sa mababa ang attensyon.

Sobrang feels na feels ako at the moment pare, i shashare ko nalang sainyo dahil anonymous naman tayo rito at ito lang forums na na frefrequent ko recently hahaha.

Background ng kunti sakin. I love music, punk rock at metal mostly lakas ko magbasa ng books mostly beat generation poetry post-wwII stuff, orwell, toffler, huxley, anti-progressists at mga random philosophers shit. I'm into films and art.

I'm totally in love with this cook chick. short hair, Punk rocker, ganda ng taste sa music. Sobrang ganda. combat boots leather jacket the whole shebang. lahat ng convo's namin nagkakasundo kami parehas sa music,books,films etc., I stayover late almost everyday para lang tumulong mag prep sa kusina nila at makasama siya pero pag nakakainom lang nakaka MOMOL mode, pero aning aning siya lagi, hindi daw puede maging kami etc. etc. dahil masasaktan lang daw ako sira ulo daw siya, puno lang ng bullshit etc. Kinabukasan parang wala lang nangyari


May tropa ako sa ibang kusina, meztiso, parehas kami halos ng ugali pero ang layo ng interests. Lagi kasama sama kami pag nalabas nainom after shifts etc.

Itong si tropa, laging kung nabubuhusan ng mga kuento ko sa nararamdaman ko para sa chick na ito at sa problema ko na pag lasing lang kami nag kaka contact. sinusuportahan niya naman ako rito at binibigyan ng payo. Parang kapatid na halos turing namin sa isat isa.

Ngayon napansin ko na sobrang naging close silang dalawa, at kanina nung nagyoyosi break ako sa employees entrance nakita ko si tropa, e day off niya. At nakita ko yung chick nakabihis na, e mag dedate pala sila. Upload nalang ng pics sa feysbook at na badtrip lang ako pag uwi ko hahaha. </3

Hindi ba ako mali sa aking inaakala na sobrang labag ang pangyayari'ng ito sa unspoken "bro code" kung tawagin?

Ano ba dapat ang best course of action sa pangyayari'ng ito? Muntikan ko na ma straight sa mukha si tropa kanina nung nakita ko siya.

Sobrang mali yung asta niya sakin nung tatlo kaming na stuck sa awkward situation.

Hindi ako violenteng tao, sobrang "too nice" kind of "pushover" guy ako.

Malilipat ako sa kusina ni chick next month dahil gusto ko matuto ng hindi puro Indian shite dahil bata pa ako, sobrang bilis ko maka pick up at dahil sinabi sakin ng Indian Chef namin na na master ko na yung basics ng Indian cooking oras na para lumawak ang isipan.


TL;DR

girl problem
we make out when drunk
in love

best friend knows I'm head over heels for chick
pursues her
succeeds

Left with nothing but mental anguish, heartache and pain.



Ngayon na natapos ko na isulat ang mahabang pinaikli kong kuento, e kayo naman. Meron ba kayong mga pangyayari sa buhay niyo o recently na nakaka banas o normal girl problems lang? hehe. Share niyo para hindi lang ako magisa mukhang engot rito haha.:sport:
«1

Comments

  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    Hahaha sige sama na rin ako.. sakin kasi simple lang

    When I broke up with my 4 years + live in relationship..

    I started lifting weights to draw off my attention about this. Ayaw ko naman pumasok sa relationship agad or so rebound girl dahil mas piliin ko na lang appreciate sarili ko since nagiging fat bastard na ko.

    After a few months ( 4months of recomp ) nalaman ko buntis sa iba so napa WTF ako hehe syempre ang bilis. So medyo mixed emotions ako then...

    I've decided to do something different and I started out my cut plan ( para full blast na ko sa passion na to ) yun yung isa sa motivation ko na to keep me check.

    Dito na nagstart na nagshift na attention ko at naappreciate ko na sarili ko and loving what I am doing.

    last month nagusap na kami about everything lahat lahat, ayun nagkaroon ng closure naman dahil syempre due date na nya, wala naman ako plano makipagbalikan o ano gusto ko lang magkaliwanagan at yung ibang gamit nya pa nasa bahay ko lolz..

    Anyways, thanks to her umaayos na yung pisikal at pati na rin pagkatao ko due to this IRON game. Alam naman natin lahat kung ano mentality ng isang individual pag goal focus hehe

    TLDR

    Break ups creates body builders ( wanna bee lol )
  • YatezYatez Posts: 2,745
    @Masala

    ano kelan natin banatan yan?
  • StannisStannis Posts: 1,377B-Class
    Walang kasalanan yung babae, kung di siya napunta sayo. Di porket mabait ka sa kanya ay wala siyang obligasyon na magkakagusto siya sayo at sinabi naman sayo na di magiging kayo.
    Sinabi niya sayo na masasaktan ka sa kanya, inassume mo na BS lang pero totoo yun para sa kanya.


    Yung tropa mo naman di naman ganun kalaki ang mali niya, kasi porket may gusto ka eh di ka naman nagsasabi sa babae na gusto mo siya, wala kang ginagawa kundi maging kaibigan.
    Paano kung nagpaalam yung tropa mo ssayo? Pre, liligawan ko yung babae. Tutal sinabi naman sayo na di magiging kayo at kaibigan lang turi sayo. Ano sagot mo?

    Ngyari na din sakin to kaso ang pagkakaiba lang eh nagpaalam ako sa tropa ko.
  • haha. pano ba to, magcocomment ba kami sa storya mo? or magbibigay kami ng storya namin. hhehehe
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    aloy0511 wrote:
    haha. pano ba to, magcocomment ba kami sa storya mo? or magbibigay kami ng storya namin. hhehehe

    exactly my thoughts too brah lol
  • Masala MakerMasala Maker Posts: 476B-Class
    Stannis, I've professed my feelings a few times in the past sober. Sobrang haba ng sinabi ko man, at napaka poetic ng dating kung na videohan lang yun e puede na pang Cannes Film Festival placer. Negatib cannot be.. Never ko sinabing may mali yung babae man yung maling asta is about the dude, ingasan lang ako out of the blue haha. Walang puedeng gawing mali sa aking mga mata yung chick(haha arte ko shet). E habang nasa labas na sila e, naiwan pa nga niya mga sandatang kusina niya niwrap ko pa at iniwan ko sa locker ko hahaha(loser much) Another generic tales from the friendzone yung kuento ko pero it hurts the same as with all the other dudes who've fallen victim for it.

    Salamat sa input mo. Hindi nga siya nag paalam e, hindi rin naman niya kelangan mag paalam pero kung ginawa man niya yun edi Umoo ako at mas okay sana ako ngayon nung nakita ko silang magkasama e kaso hindi so /argh.Puede both boss aloy and boss monching! Haha! sorry confusing, la pang tulog.

    @Yatez, haha! Okay lang yan man.
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Samin kase once may attempt sa isang babae yung tropa wala ng ibang susubok don unspoken rule na yon maski naging sila o hindi lol, unless siyempre napag usapan na susundutin lang at pwedeng ipasa pasa lol
  • haha. la ako mashashare, na share ko na dati sa thread ni chino. lol
    ang masasabi ko lang.

    may mali sa kaibigan mo, or baka di mo alam na nauna na pala talaga sya na makipagdate sa kanya bago ka pa dumating. baka naman nahiya lang sya mag salita pag naguusap kayo kasi nga lagi ung chick ang bukambibig mo. ayon. la kasalanan si chick kasi nasa sakanya naman talaga ang choice. bro isipin mo na lang "it doesn't matter, had sex".

    @monch
    share ka daw sir ng love story mo kasi ehehehe
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    nag post na ko regardless kung ano pagkakaintindi ko hahaha..

    Epic fail or no? haha whatever na lang lolz

    Anyways, samin pag may dumiskarte sa tropa.. tinatanong namin, bro pag tsugi may mga abangers pa hahah.

    daanin sa inuman lolz
  • Masala MakerMasala Maker Posts: 476B-Class
    Yatez wrote:
    Samin kase once may attempt sa isang babae yung tropa wala ng ibang susubok don unspoken rule na yon maski naging sila o hindi lol, unless siyempre napag usapan na susundutin lang at pwedeng ipasa pasa lol

    Yun nga rin pagkakaintindi ko sa dynamics ng samahang tropa. Spot on.


    @Jettie, solid nangyari sayo man. I feelz for you.


    @aloy, Ako nauna talaga man, met her before he even got to work. Had her before they even met. Haha, yun nga rin ang general consensus ng mga best friends ko sa pagsubaybay nila sa cuento ko, "doesn't matter had sex ang dating" Pero ang masaklap e hindi naman yun yung habol ko. Just wanted to make her happy all the time. Crazy stuff man.
  • StannisStannis Posts: 1,377B-Class
    Sobrang haba ng sinabi ko man, at napaka poetic ng dating kung na videohan lang yun e puede na pang Cannes Film Festival placer. Negatib cannot be..

    Palagay ko di gumagana sa babaeng nakikipaghalikan pag nakakainom ang ganito. Hahaha.

    nasa "brocode" siguro yung walang syotaan ng ex ng tropa pero yung di pede dahil crush lang ng tropa eh mahirap.

    Kasi paano kung may tropa ka na na napaka torpe na kahit sa text o chat hirap ng makapagusap kaso nagkagusto ka sa babae at maganda ang dating niyo sa isa't isa?

    Pipigilan mo sarili mo dahil sa kakulangan ng tropa mo?

    Subukan mong panoorin tong movie na to.

    Hahaha
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Hehe akala ko yung thread magshashare tayo ng mga girl problems, sabihin ko sana si esmi pag may bago akong friend sa fb na girl laging may "sino na naman yang inadd mo?"
    Hahaha.
    @ Masala -
    Hayaan mo na madami pang iba.
    Apir metal
  • mali tropa mo bro. dapat binibigyan yan para madala eh. hehe

    pero ang goodside naman eh nakita mo yung ugali ng babae. maski kayo man magkatuluyan ng chic na yun.
    mapaparanoid ka lang lagi if ever may makasama siyang lalaki. what she did with you (busting all kinds of nuts). she might do it with another guy, taken into consideration na nagagawa niyo yun na hindi naman kayo. diba? sakit sa ulo nyan brahh. pramis! hahaha!

    :))
  • JettieJettie Posts: 3,763B-Class
    There's so many big fish oil in the sea! 3x a day ang minimum!!! lolwhut ? supplement pa rin?

    Yaan mo na brader, maging masaya ka na lang para sa kanila! marami ka pa makukuha dyan once na na reach mo ang ultimate goal mo!

    successful ka na plus hot fafabol ka pa!

    Chix dig you like a chocolate box!
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Tara puntahan natin yan tas palibutan natin lol
  • I have the same experience, but im on the other side.

    years ago, nagkakilala kami nung chick na nililigawan ng tropa ko for 2 years. Around, 25 days of constant communication, tumawag sa akin tropa ko and asking kung nag uusap ba daw kami. Sabi ko oo pero kadalasan puro biruan lang at mga tungkol lang sa kung anu ano. Deep inside, i have a hidden desire to this chick as well for many years. To cut the story short, naging kami nung chick.

    In case gf na nya si chick, i will not pursue kasi ibang usapan na yun. Sa case na nanliligaw pa lang, wala pang agreement and commitment on both parties. It may destroy friendships but as time goes by, you will realize bakit nangyayari ang mga ganoong bagay.
  • jmpilongojmpilongo Posts: 208
    @Masala Maker

    ang totoong kaibigan ai hindi tratraydor sau. at least man lang nag sabi sayo ng maayos na nagkaka gusto cxa sa punk rocker chic.

    alam ko hindi madali kalimutan ang isang babae sa tingin once in a blue moon lang tapos naging best buddies pa kau, but since ayaw nya sau bro, don't force it. don't cause yourself anymore pain. believe it or not, ang daming babae dyan na willing mag alaga at mag mahal kapalit lang ay faithfulness mo..

    in the end ang importante masaya kayong dalawa sa isa't-isa, hindi yung ikaw lang ang masaya pero siya naman ay hindi dahil napilitan lang out of pity.

    makita mo kaligayahan mo.
  • lodz05lodz05 Posts: 23
    Humanap ka ng iba.... Pumunta ka sa mga mall, pag may makita ka maganda babae approach mo agad, just say HI ..
  • jmpilongojmpilongo Posts: 208
    lodz05 wrote:
    Humanap ka ng iba.... Pumunta ka sa mga mall, pag may makita ka maganda babae approach mo agad, just say HI ..

    kung ganun lang sana ka dali. :biggrin:
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    tagal na nito ah, haha! in up ba?

    :biggrin:
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage