Magkano gastos mo sa supplements ?

boss_jboss_j Posts: 1,243
Sagot
«1

Comments

  • AldrinAldrin Posts: 799
    Tipid hehe
  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    hahaha kala ko ba nag w-whey ka din.
  • AldrinAldrin Posts: 799
    tagal na yun...ung promatrix limang daan lang bili ko dun kasi gamit na ..pero parang 4.5lbs padin ung laman hahah..sa pinsa ko un..di talaga ko bumibili ng supps..pag nag kataon alng hehe
  • SkkinSkkin Posts: 870
    2,100
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Ang pinakamahal kong gastos sa supps na isang bagsakan would be 2900
  • exaltedexalted Posts: 64
    P1500 on Promatrix7 per month. :)
  • enteng03enteng03 Posts: 23
    PINAKA MALAKI KO ISANG BAGSAK LESS 6K ATA. NO2BLACK AT CELL TECH,HINDI KO NA SINUNDAN MAGASTOS MASYADO EH SA SUSUNOD NA SUMMER NA LANG ULIT.
  • boybanatboybanat Posts: 92
    for me 2k lang



  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    halos pare pareho pala tayo...

    sino kaya dito consistent, whey + creatine 5K a mos
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    ^

    whoa 5k/month? ang mahal naman nun!

    Kung ako may 5k eto bibilhin ko:

    whey pro
    Creatine
    White flood/no xplode/superpump

    =)
  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    yep parang ang sarap mag gym pag completo ! tapos ultimo kakainin mo may nag re ready pa para sayo hahahaha.
  • zanezane Posts: 963
    1k lang karaniwan. Pero pag nakalimutan tignan ni misis payslip ko, nagiging 2k :D
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    @jeri

    oo bro sarap nun ewan ko lang kung tamarin ka pa nun!

    @zane

    every month yan 2k?

    ano supps mo bro?
  • zanezane Posts: 963
    Hindi rin regular ser na 2k, karaniwan 1k lang, amino1900 at ONcreatine pinagsasabay ko pre at post workout. siguro pagkatapos kong bayaran yung tv ko, magwhewhey na rin ako hahahah, kaso sa august pa ko matatapos hehe.
  • kevkev Posts: 47
    may na discover ako mga sirs. Pwede rin daw maging whey protein drink yung low-fat milks (pwede rin chocolate milk). Drink 1 L after workout (45 mins) sabi ng Prof. ko.
  • wow dami nung 1L na un ah..mgkano isang low fat na fresh milk? 80 to 90 php? lugi ka,bili kna lang ng isang sachet ng whey mura pa hehehe
  • kevkev Posts: 47
    haha. share lang yun. pero it depends naman sa kanila kung anu preferred nila. :)
  • Well, protein-wise definitely a GO, your prof is right milk is a good protein source after all. Economically-wise hmmm.... will have to rethink 100x before i do that. hehehe
  • kev wrote:
    may na discover ako mga sirs. Pwede rin daw maging whey protein drink yung low-fat milks (pwede rin chocolate milk). Drink 1 L after workout (45 mins) sabi ng Prof. ko.
    Mas maganda parin whey easy lang inumin. Natry ko na yan last july nung nag bakasyon ako. Ininum ko 1litre na chocomilk di ko na matanda-an brand basta sabog ung tae ko pagkatapos weird eh di naman ako lactose intolerant.Nakaka 2kg whey ako monthly mga 15 months straight na, tapos creatine every other month. Zma na din minsan pag di maganda ang tulog. Siguro nasa 2.3k a month. Omorder ako kagahapon online. Whey 3kg-2.7. Zma 90 caps-650. Pwo(forgot the name green something from control lab)10 sachet lang, gamitin ko lang sa araw na kulang ako sa motivation. -380. Multi-vit 60caps- 380.
  • kevkev Posts: 47
    sa selecta full-cream milk (fortified) ako may crazy stomach issues. pero other than that wala naman sa lahat ng milk.
  • lastresortlastresort Posts: 1,116
    MYOfusion at creatine ako palagi.. pag medyo tagtipid PROMATRIX7 hehehe..
  • tama ito. sa tingin ko din mas matipid kung whey nalang if whey ang gusto mo. ang mga gatas na nabibili natin sa groceries pag nabuksan may time limit, hindi mo pedeng stck ng matagal dahil nasisira, main concern pa naman natin ang mga tyan natin dahil kung masira ang tyan sira ang workout, daming odds pag maghahalo halo ka pa. time-effort-. ang good side lang mabibili mo ng tinge tinge, dumadating din ang times nag pag naubusan ka incase ng gatas na stck, minsan di ka agad makabili/bumabagyo/tinatamad/pamasahe/ =hindi mo na reach ang requird protein/post workout supplement mo. in the long run, easy to use/less effort/mas effective pa din kung whey nalang.

    may nabasa din ako dti na may required na time kung kelan maabsorb ng husto ng katawan mo ang supplements specially whey, pag beginer ka daw sayang lang ang pagbili ng supplements-whey. dahil na fflush out din daw agad. hindi ako naniniwala dito dahil ang dami kong kakilala na ang papayat including me years back, then nagstart mag workout sa very first day ng workout umiinom na ng whey makikita mo talaga agad improvements/effect ng whey habang tumatagal kahit di pa narereach ang required years of better absorption, hindi lang dahil beginner ka natural mamaga agad ang body mo. sustansya ang laman ng whey, hindi pedeng MASAYANG lang ang iinom mo. ang tubig nga kahit walang sustansya pag ininom mo narereplenish ka, ano pa kaya kung full of vitamins/nutrients ang ininom mo. kahit na sabihin na iihi or itatae mo dn yan. some are energetic, ang iba laidback, depende din to sa pag absorb ng katawan mo. meron mga tao na buhat ng buhat inom ng inom ng supplements pero slower ang gain nya kesa sa taong nagbubuhat lang without supplements. lahat ng bagay trial and error talaga, hindi natin pedeng sabihin na LEARN FROM MY MISTAKE NA. dahil baka wat works for you ay hindi naman maganda/good sa iba. ang maganda pa din start ka sa cheapest supplement tingnan mo kung enough na to sayo, hindi naman porket mahal ang whey na ginagamit mo ay magiging si hulk ka sa pag bilis ng pag gain/bulk etc. nakakatuwa lang isipin sa sarili mo/mapapangiti ka nlang na eto lang gamit ko pero bakit mas kabog pa din ako kesa sa kanya?

    so too make it short bahala na kayo. haha. ang topic nga pala ay kung magkano ang gastos sa supplements monthly. sa ngayon di ako nag whewhey, honestly soy milk ang post workout ko ngayon, pero muscle milk ang iniinom ko dahil lactose intolerant ako. not the best or shud i say below average whey? 500 lang ang nagagastos ko sa soy monthly, iniinom ko sya pag gising, post workout, before sleeping. pag umuuwi kasi province kamag anak ko nagpapakuha na ako kaya laking tipid. cofee din laking tulong sa umaga. gaya nga ng sbi sa comercial start your day right "kopiko" my favorite haha. pag sira ang umaga mo asahan mo ang hirap magpagana pag oras na ng workout mo, dito na papasok ang mga pre supplements. pero para sakin kelangan pa ba talaga ng creatine etc.? tried them for years and di ko na uulitin, sayang pera for me. STRAWBERRIES the best pre workout, not that available anywer pero not so hard to find naman. pero worthit, makakatipid ka bigtime! apple if walang strawberry, 10 pesos lang sa kanto ang mansanas. haha. eto pa pala my over tne counter multivitamin sa mga suking drugstore, cheapo again. cheap doesnt always mean na no effect/walang kwenta. kung imimindset ko talaga ang utak ko na AY MURA LANG ANG VITAMINS KO, MURA LANG DIN ANG GAMIT KONG WHEY/SUPPLEMENTS ay talagang mawawalan ka ng gana. think of it na ang supplements mo ay the best and your mind and body will do the rest.

    piece of advise base na din siguro sa xperience

    dont buy supplements/multivitamins etc kung di kaya ng budget wag pilitin, maachieve mo naman ang mga gusto mo gradually. mas masarap mangaling sa mababa kesa nasa taas kana then when shit happens/financial, health etc bigla kang babagsak, ur health shud always comes first, ano pang nagbubuhat ka/nabili mo lahat ng mamahalin supplements/nasa ibabaw kana/nakamit mo na ang goal mo pero at the end magkakasakit ka din. at worst pati pamilya mo naapektuhan. remember mas madaling bumaba kaysa umakyat. so always play safe. mas maraming important matters kesa sa pagmamadali/pagastos ng malaki dahil lang sa personal gain. para sa mga katawan ang puhunan/showtype, importante ito, pero laging tandaan mas masarap mabuhay ng may karamay kaysa mabuhay ng pansarili lamang. hindi dapat laging mataas ang tingin sa sarili. kahit gano na kaganda/pagbabago sa katawan mo hindi ito ibigsabihin na may karapatan ka ng mang mata/mag marunong, mag bida at magyabang. wag mong isipin na magpapalaki ako ng katawan para makapang uto/mang under ng below sakin. always stay on the humble side. use it properly, ipagmalaki kung anong meron ka/ishare wat uv learned.

    hindi ako nagmamagaling or watsoever, nagsheshare lang ako dahil napaka dami kong nakakasalamuha na tao na hindi marunong tumingin sa pinangalingan at nagagaling galingan lang.

    so kung beginner ka wag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang nanay at tatay mo kakapilit at kakakulit ibili ka ng supplements, kung hindi pa kaya sustentuhan ang mamahalin gamot, lagi naman may other way para mag workout. kung medyo above average or mayaman ang lifestyle mo, hindi porket may mailalabas ay sige lang ng sige. plan/read/apply, mas masarap makipagusap at magtanong tanong sa net kesa mag walk in sa gym at maghanap ng instructor, hindi lahat ng mga gym instructor ay may chance to explore/read/hear, un iba nman instructors ay closedminded, kung anong gusto nya kung ano ang ihanda nya un na un. so lahat din nman ng ituturo nila syo galing sa net kung hindi nmn mixed routines na, mga bagay na nasheshare natin gamit ang net na tingin ko na mas reliable dahil parang sila din tayo na everyday trying to find more cost efficient/effective ways + its for free, dmi kong kakilala na instructor na garapal, makapal ang muka, at kakausapin ka lang at tuturuan dahil bayad mo sila, tuturo basics pero pagtapos wala na, no pan intended pero bilang ang mga instructor na wholeheartdly tuturuan ka ng tama at imomonitor ka dahil gusto nyang maachieve mo ang goal mo, tamaan gotya! wag din ilagay sa isip na "uy sikat tong gym na to laging naadvertise sa tv" ay pipilitin mo maagenroll kahit na iutang mo pa ang pambayad, walang point parehas lang yan, parang maze lang yan, one way or another mararating mo din ang gitna. hindi naman tayo nagmamadali, life time challenge to para satin, again expensive gyms doesnt always mean na magiging kasing katawan mo ang mga nakikita mo dito. ang maganda lang dito madami kang makikitang artista/decent pips/inspiration/nicer place etc. pero same results lang din naman kung hindi kamahalan/pang masa ang gym, this is so true kung saan man workout place mo kung wala kang focus- para sakin eto una dahil pag wala tayo nito asahan mo wala pa sa half ang set mo bibigay kna, kahit nka tira kana ng gamot pero iba nsa utak mo bibigay at ibaba mo ang hawak mo kahit pakiramdam mo kyang kya mo. /goal- take it slowly and carefully, di tayo nagmamadali gaya ng mga instructor na ipagyayabang nila na "ako trainer nyan bilis lumaki katawan no" pag nakikita na improvements iiwan kana/less attention at ikaw nman medyo nging kampante kna, kahit na sabihin na kaya mo na yan, pero iba pa din un presence ng nasanay ka na pinupuna ka cinocorect lahat ng maling bagay, dito papasok ang word na disiplina, ang disiplina dapat laging dala bago ka umalis san ka man pumunta pero kung di ka nasanay na gawin by yourself mangangapa ka patingin tingin sa salamin wondering if ur doing it right, for short u didnt double checkd ur homework na pinaturo mo sa nanay mo, kung baga nanay ko nman yan isusulat ko un sinabi nya dahil alam ko tama sya without checking pictures/videos= nadelay ang muscle gain/time kakapause at kakatingin sa mirror, nasayang un peak/climax ng pag gain ng muscle mo. kung gusto mo mareach ang goal mo DISIPLINA ang wag mong iiwan sa loob ng bibig mo, pag madali at mabilis mo nakuha ng di mo iniingatan at nagpabaya lahat ng pinaghirapan mo mas mabilis pa sa daga pag nwala, always apply correct amount of pressure pag sinimulan mo gawin ang bagay, hindi pedeng 100% ka ngayon tapos sa kalagitnaan bigla kang tinamaad paunti unti, yan ang pinaka masamang mangyare dahil pag ngyare yan magsisimula kang hatiin mga reps/sets mo sa half hangang sa every other two days nalang workout hangang mag give up kana. kaya never mong pagkatiwala ang pagdisiplina sa sarili mo dahil ur being told to apply pressure kelangan mo macontrol by yourself from the very beginning of bodybuilding.
    kaya minsan nun inobserve ko sa mga gym un mga iniwan na ng trainer nila ay parang naging slower than usual/before ang pag gain/loss nila, they just tend to chitchat/enjoying and inviting distractions, dahil wala na or kung andyan pa hindi na kasing intense as before ang workout nila.
    hindi mo din pedeng isisi at sabihin na kasi kulang supplements mo, kasi ganito, kasi ganyan, eto lang yan kung may focus/disiplina at gigil ka para makamit un goal mo u really dnt need so many supplements, natural foods, fruits ay laging better kesa sa pagka dami daming inom mo ng gamot sa buong araw. ikaw rin makikinabang if u supplement natural fruits and foods dahil malilinis ang system mo at naboboost ka pa, wag nyong sanayin ang katawan nyo sa mga gamot na yan dahil pag ikaw nagkasakit/kidney & liver problems etc, edi sana pala simula pa lang ng pag bobodybuilding mo ay nagsaksak ka na agad ng steroids dahil wala din pinag kaiba. natural is always better & safer, hindi man mareach un energy level na binibigay ng amino/creatine nyo, laging meron alternative ways and safer ways para matapatan yan mga supplements.



    if you have limited time naman or mas comfortable ka mag workout ng solo or walang nakakakita sayo at kung nahihiya ka na makita nila ang muka mo na parang natatae sa last rep, home is always the best place. may nabasa ako dati na pag sa bahay ka daw nag workout ay walang mangyayari sayo. or maybe gusto lang nila iadvertise ang gym/supplements nila. for those na sa bahay na nagwoworkout wag magpauto, magpaapekto pag may nagsbi sayo na "tra gym tyo wla ka naman mapapala kung sa bahay lang" meron pa dyan ganito ang dialog "ang dami ko ng na handle sa gym na gumanda at na achieve ang katawan na gusto nila kaya dito ka na mag gym at ako ang hahawak syo" again walang problema dito kung may money ka, pera mo yan e, pero sasabihin ko sayo mas masarap sa pakiramdam pag inisip mo na lahat ng to nagawa ko ng sarili ko lang, magkamali, madisappoint at malaman ang tama, trial and error kung baga. laging tandaan, "doble ang lakas ng taong nadulas." pag nalaman mo na kung ano ang tama para sayo tuloy tuloy na yan, masasabi mo din sa sarili mo na di ko na pala kelangan ng trainer. dahil wala ng iba pa ang mas nakakaalam sa katawan mo except you and you. pag home workout mas comportable ang pakiramdam, pede kang mag jot down ng notes, reminders,etc. care free ka pa dahil muka mo lang ang makikita mo sa salamin wala ng iba. kasi un ibang beginners naiinsecure pag pinapanood at tinitingnan ang ginagawa at dumadating sa point na minamadali ang reps/kunwari tapos na ang set at uupo magpapahinga then tsaka lang itutuloy ang set pag wala ng nakatingin or katabi. pero pag nsa gym ka naman madami kang mamimit na bagong friends, pero always remember ur goal, meron dyan papakialaman ka na nagmamagaling at tuturuan ka ng mali to the point na sabihin sayo na ay bakit ganito ang routine mo. hindi bawal ang makinig sa sasabihin ng iba, pero nakakawala ito ng focus sa plan mo, yaan mong ikaw makadiscover na mali ang ginagawa mo. hindi laging tama ang sinasabi ng nagtuturo, andyan din naman si google minsan mas accurate pa sumagot at mag suggest kaysa sa mga kausap mong personal na tao. mas masayang ichalenge ang sarili hindi laging by the book o laging may nagtuturo ng gagawin mo. walang mahirap kung handa ka at may knowledge sa papasukin mo, di mo naman papasukin ang pag bobodybuilding kung muscle mo lang sa muka ang palalakihin mo.

    hindi din ako naniniwala sa nagsasabi na para sa may pambili lang ng supplements ang bodybuilding/for short pag wala kang pambili ng supplement walang mangyayare syo? may nabasa kasi ako dati na post ng beginner ang post workout niya ay pansit canton, if my memory serves me well he's a little chubby, the way he described his lifestyle medyo below average and he cant afford na bumili ng mamahalin supplements or even a clean diet. un nabasa ko mga comments naawa ako sa kanya kasi pinost nya pix nya then panlalait, pangdodown, bashing etc. one guy offered him pa nga na mag gym sa gym nya for free dahil wala daw mangyayareng result pag homeworkout. north-south ata ang gap, for short a very long trip para lang makapag gym? very sarcastic kung iisipin. always find the closest gym na comportable ka dapat db? then the man hindi na nagreply sa ginawa nyang topic. i felt so .... nakakaawa, pede naman sabihin na, ur not in great shape at mali ang kinakain mo - pancit canton - P8-9.00? kung talagang kapos sa budget pede naman itlog at rice + saging + bear brand sa sachet.

    sigurado ko madaming teens dito na nagbabasa basa at nagtatanong kaysa bungadan natin ng tanong ng may pera ka ba,may time ka ba? lets make bodybuilding free for all, the rich or the poor, young or mature, beginner or professional. hindi po ako nagmamagaling or watsoever, gusto ko lang sabihin na kahit ano ka pa lahat ng bagay may paraan, sapatan o sobrahan man ang pera mo, kung worst ang itsura mo laging meron way para mabago. ang dame kong nakikita sa mga pipichugin na gym and malamang less fortunate din mga naggym pero halos walang pinagkaiba ang mga katawan sa mga naggym sa exclusive gyms to think na wla sila siguradong post workout supplemnts/whey, kadalasan lang amino un malalaking cube lang pang pre na tig 10 pesos.sa mga big tym bodybuilders dyan try nyo mag stroll sa mga mga medyo slum areas na may mga gym and halos ganon din ang built nila.

    madaming alternatives na "tipid supplements na mabibili sa tindahan, for beginners/teens magandang start to para ma aid mo needs ng muscle mo kahit papano. sa mga gustong magbuhat/workout pero kapos ang budget pra sa araw araw, para magkaron ng konting muscles, to name a few:
    kamote- magkano lang to. sa mga talipapa meron.
    apple- 10 pesos lang ito
    saging- ioverdose mo ng saging body mo, breakfast/before workout/after workout/ wag lang before u sleep mahirap na baka maipatso ka. hehe

    bear brand sachet/nido/mron sa ibang tindahan na baby's milk na nasa sachet minsan may enfalac tiisin mo lasa.- 10 pesos i gues?

    coffee (best substitute sa pre workout supplements kung talagang wala)

    tuna - everybody loves tuna!
    egg - kainin na pati pula every other day. haha
    etc.


    pag ako nawalan ng pera at no choice at 50 pesos lang ang pera ko. eto ang pick ko sa tindahan: (pasensya na po bigtime ballers for the benefit of the masang filipino/teens)

    silip ka, tingnan mo kung may tindahan or bakery. kung may bakery don kna, siguro may
    1.pandesal-10 pesos pde na
    2.itlog- sigurado meron din -5 pesos
    3.kape- kahit ano, pero pra sakin kopiko brown, sumisipa. - 7 pesos
    4.saging- imposibleng wla sa mga tindahan ito- 5 pesos isa
    5.tuna- ung maliit lang - 24 pesos lang un, utangin mo muna un piso
    good to go ka na. kahit papano may protina na ang muscles mo, tapos sigurado si nanay nagluto ng ulam yan sigurado, kung ang niluto ay baboy , depende din to, kung payat ka sige tirahin mo pati taba kelangan mo nyan, kung tabatchoy nman kain baboy tangal taba, gnon pa din baboy pa din e. hehe. kung isda the best yan sama mo na tinik para wlang sayang, ang kanin naman wag nyo ng sukatin, sandok na agad, si payatot kain ka lang hangang maramdaman mo kabusugan mo pag nasa pagitan/gitna na ng inner ribs ang pakiramdam ok na ang kain mo. si tabatchoy naman garapalin mo na ang ulam na baboy paliwanag mo kay nanay hindi kna magkakain at ulam lang ang titirahin mo, sige lapang na, maganda yan pakiramdam na gutom ni tabatchoy gaganahan ka kumilos. inom lang ng inom ng tubig, kung maglalaro ng dota sa labas, daan ka muna tindahan bili ka happy mga 5 piraso o hangang san kaya mo ubusan then laro na, pag may natirang oras pa tanong ka lang kay google ng mga gusto mo malaman, sigurado accurate mga sagot nya syo. =) nakalimutan pala ang workout nyo si payatot push up/pull ups ka, hanap ka masasabitan kahit anong pede lambitinan, masterin mo ang pull ups chin ups dahil sigurado ko kahit wala ka sa gym, sure na sure papanisin mo ang lats ng mga taga gym dahil ipupusta ko mga muscles ko wala, mawala man to. 2% tao/kung maliit ang gym at mga 5%tao/pag medyo malaki ang gym ang makakapag pull ups chin ups na aabot ng kahit na 10. tapos laro laro basketbol kinabukasan lagi ng workout. milo pa pala payatot may tulong din yan.

    sigurado ko sa percentage sa may kayang mag pull ups chin ups sa gym, dami ko ng nakikita kahit anong sabi pagawa ng trainer na mag pull ups dehins talaga kaya/makatagal. dahil wala kang hindi kakayanin pag naka tapos ka ng 3 magandang set ng pull ups. dami din ang lalaki ng katawan/chest/braso/ ang hindi makapag pull ups. buti pa un mga nasa bahay lang, hindi ganon kadame equipments, minsan nga may nakita ko a pair of dumbells, a bar, plates, and a pull up bar. yan lang pero pag pinasabit mo pull up bar bibigyan ka pa ng sobra sa hinhingi mo, bakit kaya pag sa gym ka nag woworkout hindi pinapansin or wala kang makikita/bihira ang nag pupull ups? pull ups- dyan mo talaga malalaman ang focus at disiplina mo.

    eto naman ang breakdown ng mga kinakain/supplements ko. heads up! =)
    -bananas
    -soya milk - P500 pesoses (a month supply, super laki ng tipid ko)
    -strawberries/strawberry syrup - P700+(apple pag wlang deliver gling provnce, pero strawberry ang ayaw ko mawalan ng stock =)
    -coffee proudly kopiko! - 7 pesos per day - P210, di ako nagmimintis masama magmintis, sakit ng ulo aabutin ko at mawawala magandang umaga ko. also pain killer ko ang coffee. sa umaga ko lagi iniinom
    -multivit - 300+ -11per cap(moriamin user ako, may nabasa ako feedbacks moriamin comparing sa amino tabs, mas mataas tlga bcaa ng amino, pero hindi lang naman sa bcaa umiikot ang contents nito, try taking moriamin for 2wks-1mnth then kung may guts ka tigilan amino or creatine para maramdaman mo kung may effect/change. tinetake ko nga pala 15mins before workout, mararanasan nyo dito pakiramdam ng superpump or jack3d, take 2caps, pra sakin 1 is enough before workout. may pre workout kna may multivita ka pa. parang nagaadvertise e. haha. ganda kasi ng combo nila ng coffee with strawberry. hindi ko tinitipid sarili ko. creatine, amino, etc user din ako dati. nagtry ako ng nagtry, hangang sa bumagsak ako sa cheaper yet effective and same results/effect when using them. shineshare ko lang un supplements ko, again iba iba tayo ng katawan, hiyangan lng. walang mawawala kung ittry!
    -lots of kamoteee
    -canned tuna
    -egg whites - 6 eggs daily. naniniwala ako sa mahiwagang itlog. hehe
    -any fruits na makita ko sa ref
    -steamed gulay, any gulay
    -bihira ako makakain ng chicken breast di ko trip un part, di din like ng anak ko. haha
    -lamb chop my favorite, tipid din ako dito may tupahan kasi relatives.
    -timpla juice, madalas. talo talo na. TANG ORANGE litro- energy booster =)
    -kirkland vit e and flo. -taken 2x a day. madami naman laman ng fish oil at vit e. kaya nakakatipid din ako.
    -di nko umiinom ng vitamin C dahil sobrang lakas ko talaga magfruits pero minsan before ako lumaklak ng alak iinom ako vitamin c routine ko na yan. pag dinala ka ng alak at pag nalasing ka yari si maskels. also try nyo when drinking

    remember expensive supplements doesnt always mean na ur on the right track. mas masarap ang pakiramdam ng lumalaki ang katawan pag alam mong natural ang kinakain/iniinom mo. wla kang kelangan isipin na grabe ang mahal ng bili ko tapos wala ko makitang effect. magsimula sa cheapest then tingnan kung ok sayo or need mo paltan.

    im not a pro or kung ano pa. just sharing wat iv been tru. dati din akong usisero/chismoso/o kung ano pang term. sinusulit ko din ang free day, pasensya medyo nadamay ko tong topic dito. keeping ur self busy stays u out of boredom. tsaka pala tangal ang katamaran nyo kung medyo inaantok try nyo ngumuya ng ngumuya ng berries! =) happy holidays!
    by the way im 5'10
  • rotrot78rotrot78 Posts: 1,147
    wow!! el filibusterismo, life works of rizal!!! grabehh koya!! ako 5-6k whey + optimen + creatine.. nakita ko na pala bahay ni jerick ternida ng punong puno ng galon galon ng whey na walang laman sa bahay nya.. hehehe
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    did not read lol!
  • ProlevelzProlevelz Posts: 1,162
    milksworth wrote:
    did not read lol!

    ako rin hehehe, taas naman nito
  • parang pantasya dot com kahaba hahaha
  • toysuki07toysuki07 Posts: 1,049
    nyahaha! basta mahaba skip! kahit sa skul
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    i had 3 attempts before i finished the whole post. ang haba sir pero ok naman ang point mo. bottom line is if there's a will there's a way. kung kaya dumiskarte idiskarte lang :)
  • ProlevelzProlevelz Posts: 1,162
    ah yun pala sir monch,... di namin kinayang magbasa eh, ehehehehehe
  • zanezane Posts: 963
    tenk you brader monch! hahahah
Sign In or Register to comment.