newbie here, need a new program

2»

Comments

  • allen101allen101 Posts: 5,102
    mike_jyzz wrote:
    medyo kupal ka rin magreply sa newbie ah. dont be rude nagtatanong lang siyaDo one part a day para maka focus ka sa parts na mahina ka. Dont do too much chest workouts, itll burn out and hindi rin siya lalaki eventually. I do DB press for a day then the next id do BP. If I get to do both at the same workout, mas hhina buhat ko sa next na set. Go heavy 35lbs is like a starter for chest workouts. Always go heavy, max it out and see the results. DOnt be afraid to lift heavy, because if you stay light you wont grow.

    Ako ba tinutukoy mo?
    Medjo kupal? Asan rude jan?
    Wag kang magtapang tapangan sa internet.

    May mga tinanong ako sa kanya, dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy sa "bicep compound exercise" at kino-confirm ko kung 6 days a week siya nagbubuhat dahil kung oo ang sagot niya sasabihin kong hindi adviseable yun sa noobs lalo't natty.
    Binold ko din yung mga possibleng nakakapag hinder sa progress niya.
    Ayoko na nga pahabain sagot ko dahil ayokong mag tunog guru dito gaya ng ibang noobs na katulad ko pero payo ng payo ng based lang naman sa google at hindi sa experience dahil ako mismo alam kong kulang pa knowlowdge at experience ko.
    Tapos rude pa?
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Feeling ko ako ata ni rerefer nya hehe
  • welcome bro! ayos lng yan, lahat ng nag sisimula dumadaan sa pag kakamali it's happen for a reason &
    then now make a change bro stop Fckn ur self in MYTH do some re-search!!!!!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Yatez wrote:
    Feeling ko ako ata ni rerefer nya hehe

    Feeling ko din pero hindi kasi niya quinote at ako yung post na sinundan niya.
    Kaya nga tinanong ko din muna kung ako.
    Pero better to defend myself early. lol.
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Hahahaha natawa nga ako eh
  • c yatez ata tinutokoy nya bro
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Wag ka kasing kupal sumagot Yatez hahahha
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Aminin nyo naman totoo sinabi ko kasi dun ata nakupalan sa part na nagtanong yung thread starter kung pano gumawa ng journal sa pag ka ka tanda ko kase andon agad yon lalabas pag nag register ka kung binabasa mo talaga yung mga rules and features ng forum. Hahaha sorry sorry
  • walang sorry sorry HALA TUWAD:lol!!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Hehe paubaya na natin sa mga MODS to.
  • hahaha!
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Siya lang naman nag react walang ibang mod na nag react, nagpopost dito sa thread na to sila sir monch at sir ds at siyempre binasa nila yung buong thread kung may mali naman silang nakita sigurado sila ang unang mag rereact kung may sinabi man akong mali o nakakabastos nagsasabi lang naman ako ng katotohanan, hirap kasi sa iba nag papaka mod hindi naman mod :)
  • hindi mo naman masisisi kung ganun mga tanong nya. kaya nga "newbie". hindi lang sa training sya baguhan, malamang pati sa BB sites. hindi naman lahat ng tao e mahilig magbrowse at google. nung newbie ako wala pang friendster at ang pwede ko lang pagtanungan e yung mga mamaw sa gym pero kadalasan sa halip na sagutin ka ng maayos e pagtitripan ka pa. walang pinag iba sa ngayon, naging advance lang ang technology pero ganun pa din ang treatment. ayusin na lang natin next time :)
  • YatezYatez Posts: 2,745
    yep yep pasensya na sakin lang naman dapat nag babasa tayo, sa eskwelahan palang tinuruan na tayo na laging basahin muna ang direction ng exam paper bago sagutan dahil pag hindi malamang sa malamang kulelat ka sa exam na yon, hindi lang dapat sa eskwelahan nag tatapos yan dapat hanggang sa pag tanda inaapply natin yan lalo na kapag matanda ka na at documento, pirmahan at pera na ang nakataya dapat nag babasa tayo para di natin pag sisihan ang mga mangyayari sa huli, iwas na rin sa mga manloloko.
  • JettieJettie Posts: 3,763
    wait wait wait..

    later on.

    may tumutulo..

    basta easy lang po tayo mga sir... wag po tayo mawawally. Hahah
  • OK... actually now ko lang binasa ung buong thread and napansin ung kups word in one of the posts.

    While most of us here practice the "non sugarcoated" way in posting things here when it comes to feedback to the newbies and the not so new ones, there is definitely a big big difference w/ douche-baggery (spelling?)/being a bully and saying things "bluntly".

    So let's be mindful of what we post as always, no need to use flowery words to make your point across either, just keep 'em real and w/ respect to the other guy regardless if he is new to the site/lifting or not. Ikanga "respect begets respect"

    Also i'm not saying yatez or allen is a d-bag or bully, i just want to be clear on that. Baka mamaya eh ma "wally" ako LOL! aYOSH! :P

    Chill lang mga papi

    Now balik na tayo sa pagbibigay ng payo okish? :)
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    ^+1

    Aside from the respect. Do not expect everyone to be like you (na mahilig mag google or kung ano ano). Or use better choice of words na lang.

    Chill lang tayo mga brah. Maging mabait sa newbie dahil we were once newbies too at wag nang magkunwaring newbies ang hindi naman talaga newbie. If you are giving advice here on the site, use IN MY OPINION/EXPERIENCE at panindigan mo to kasi when you hit that "post reply" button you are assuming responsibility of that post that you made.

    I hope everything is clear here.
  • pasensya na kayo mga sir gawa ko tuloy nagkaroon ng konting di pagkakaunawaan, kasi ang sakin lang naman sir, since bago ako dito, karapatan kong magtanong dahil unang una,di pa nga ako pamilyar dito, saka sa site na to,di parin ako pamilyar, di ko pa alam ang pasikot sikot,kaya kung may natatangahan sa pagtatanong ko eh pasensya na kayo, ang sakin lang ay gusto ko pa lumawak ang kaalaman ko sa mundo nyo mga sir... salamat po and godblesss
  • BarakoBarako Posts: 120
    michael wrote:
    pasensya na kayo mga sir gawa ko tuloy nagkaroon ng konting di pagkakaunawaan, kasi ang sakin lang naman sir, since bago ako dito, karapatan kong magtanong dahil unang una,di pa nga ako pamilyar dito, saka sa site na to,di parin ako pamilyar, di ko pa alam ang pasikot sikot,kaya kung may natatangahan sa pagtatanong ko eh pasensya na kayo, ang sakin lang ay gusto ko pa lumawak ang kaalaman ko sa mundo nyo mga sir... salamat po and godblesss

    Tama yan michael ganyan din ako dati halos lahat ng forum tungkol sa bodybuilding ay pinasok ko at nag aral nagbasa at nagtanong, Napaka marami natin kaibigan na handang mag payo at mag advice at gumabay, Tanong tanong lang para sa wastong kaalaman:heavy:

    Knowledge is power :treadmill:
Sign In or Register to comment.