-CORE JOURNAL-

1679111232

Comments

  • CoreCore Posts: 2,509
    DregPitt wrote:
    squats ko nga 50lbs plng hirap na hirap pa.. :lol

    Olympic bar po ba?
  • DregPittDregPitt Posts: 987
    bakal gym lang ung samin. hehe
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    Pano yung sagot mo sa tanong ko? di mo pa na sasagot mag tatanong ka sa iba
  • CoreCore Posts: 2,509
    Pano yung sagot mo sa tanong ko? di mo pa na sasagot mag tatanong ka sa iba

    Saglit lang po. Pasensya ulet DV. Marami kasi yung tanong...
  • DregPittDregPitt Posts: 987
    tingin ko joke2x lang ung stats nia dito :lol
  • CoreCore Posts: 2,509
    DregPitt wrote:
    totoo ba ung lifting stats nia?

    Totoo po. 1RM > Lifting Stats, tama po ba?
    allen101 wrote:
    Bakit pala nakalagay sa supplements mo "drug-free"?

    Wala po kasi akong tinitake na supps atm.
    allen101 wrote:
    Do you consider supplements (e.g. Whey) a drug?

    No.
    "Ever since na nagstart akong mag-WO, wala pa akong nakitang ibang nag-DDL. Madalang din akong makakita dito ng nag-iisquat. Kung meron man, partial ROM pa"

    Ever since san ka nag gym? isang gym lang ba yan hangang ngayon? Anong name ng gym mo? kasi kung wala iba na DL jan,ibig sabihin ikaw pinaka malakas jan? Pero baka di mo lang na kikita yung iba kasi di naman ata ikaw ang may ari ng gym at mag damag ka mag babantay para malaman mo at mkita mo kung sino ang na DL or natutulog lang di ba?

    Palipat-lipat po kasi ako(Nomad). Depende kung puno yung gym na pinag-gygyman ko. Saka ako napapalipat. Nagstart akong nag-gym sa ECG Muscleflex Gym, Dagupan. Maraming mas malakas sa akin doon pagdating sa bench press. 300lbsx12, nakita ko sa isang matagal na rin naglalaro(mahigit isang dekada na rin daw nagbubuhat), bouncer-build. Nung nag-DL ako ng 200lbs minsan, pinang-shrugs niya lang. Pero hindi ko pa siya nakitang nag-DL. Hula ko malakas siya mag-DL. Napapabisita yun doon sa gym na yun paminsan-minsan (Yung gym kasi na yun mahigit 10years na rin na business, napagpasahan na sa iba't-ibang owner at location). Balita ko, regular workout nun sa may kabilang gym, yung RVG Powerbuild Gym(Balak kong subukan sa decenteng gym na yun, in case na may olympic bar sila). May mga nag-DDL din ako nakikita dito pagnapapabisita ako, mga estudyante nung dati kong trainer. Kaso ang pinaka-mabigat na nakita ko na nun, 60lbs, so bale 20lb+10lb magkabilaan.

    Doon naman sa isang pinag-gygyman ko, dito sa Lingayen, yung Ram's Fitness Center, wala pa akong nakitang nag-DL dito, meron perong nag-iisquat pero madalang, gaya nga ng sabi ko nung una, hindi pa below parallel. Kung may naglelegs dito, paborito nilang tamabayan doon sa leg press machine, wala din kasing matinong squat rack doon. May rubber plates(pero hindi ako gumagamit, parang magaan), kaso walang olympic bar. Ginagamit ko doon yung pinakamabigat nilang bar, na nasa 10lbs lamang.

    Speaking of olympic bars, di ako sigurado pero, may nakita kasi akong gym sa kabilang kanto dito pa rin sa Lingayen, Sky Muscle & Fitness Gym. 20lbs daw. Mas makapal. Tanong ko lang, may range ba ng weight ang mga olympic bar? In that case, pasok ba yung nakita kong bar?
    Balak kong munang maglaro-laro muna doon, magandang mag-squat at DL dito, kaso prob yung pull-ups, parang winelding lang yung bar, parang di oras na mapuputol yung bar kapag nagdagdag ka pa ng weight using dip/pull-up belt. Multi-functional yung squat rack, meron na rin cables at smith machine(squat). Meron din naman yung pang-squat talaga doon sa mismong power cage. Meron ding pull-up bar dito, pero mukha pa rin pang-BW ang limit.

    Parang neglected both ang deadlift at squat dito sa Pangasinan. The reason behind I think dahil sa maraming tamad maglaro ng legs, at aaminin ko, kahit ako nung una, masyado kong minaliit yung DL. Ang simple kasi para sa mga mata ng beginner, buhat-bagsak lang, kumbaga tuloy sa iba parang walang ka-challenge-challenge. Pero ngayon, habang bumibigat, nagkakaroon na ng challenge. Natuto rin ako. Hehehe...
    ... at sa isang post mo na:

    "Mahirap talagang sundin yung program kapag puno yung gym. Susubukan muna doon sa gym sa may isang kanto."

    Ibig sabihin ba nito sa lugar niyo at mga pinupuntahan mong gym eh wala talaga na DL kundi ikaw lang? aba kung ganun ikaw na pinaka malakas sa lugar niyo dahil ikaw lang ang na DL at 270 lbs pa

    Nasagot na rin sa una, may point ka doon sa sinabi mo. May mga times na sa isang gym, naglalaro ako doon sa umaga, minsan naman sa gabi, minsan naman, sa hapon. Baka hindi ko lang sila nasasalubong, o baka, karamihan ng hardcore na naglalaro dito, na outgrow na mga gym dito, kaya baka andon sila sa kabila, o dyan na rin mismo sa Manila. Isa pa, baka hindi rin nagkakasalubong sa workout days, ako siguro MWF, pero baka siya TThSat. Pero wala pa rin talaga akong nakikita. Kung meron, baka iinvite ko siya dito sa site(Kung ganoon talaga siya ka-interesado, karamihan kasi ngayon na nasa isip kapag workout, ganoon kadali, parang todo-max na workout ngayon, bukas malaki na!) (At kung ganoon siya katagal at kahaba ang pasensya niya sa paglalaro, may iba kasi, ilang buwan lang, suko na!)
    allen101 wrote:
    From Wk 1-10 continous ang increase ng deadlift ng 10 lbs kada session.
    Deload sa Wk 6.
    Wow gayang gaya yung program ah, walang palya?
    Starting DL 115lbs agad?
    Who would buy it?

    It took me MONTHS of continous and serious lifting para makapag bench man lang ng 3 digit.
    Considering 80-90% good na ang nutrition ko. May supplementation including a pre-workout booster to further enhance my performance.

    Ito bangis ng starting stats considering galing sa 3x12 "Pang PUMP" program, sardinas at pa milo milo lang.
    May times din na pumalya, may isang week ata dyan, hindi ko nasunod yung sa bench press ko. Na-twist ko kasi yung traps ko while unracking the BB(Pero ngayon, ok na!). (Walang yabang dito ah...) Mas mataas pa sana yung mag bubuhatin ko sa Deadlift, kaso sinunod ko pa rin yung quote na "don't sacrifice form for ego". Week 0 ko talaga for DL is 185x5 yung highest na nakuha ko, kaso dahil nga sa mas prinayority ko yung form over load, so nag-drop ako for my top 5 sa 130lbs instead of 185lbs. Doon sa workout ko, nagkaroon ako ng adjustment, especially sa time of recuperation. Indicated doon sa mismong program yung 5min. Pero ginawa kong 2-3min majority of my exercises, big exercises like squat and deadlift still remained at 3-5min. Ang habol ko talaga doon sa mismong program eh yung maka-recover ako sa pagka-overtrain ko during the past few months(First symptoms, nung inistop kong gamitin yung nainom ko, around May, the time na humingi na ako ng tulong dito sa site.). Isa na rin yung ma-master ko yung form nung bawat mga compound exercises. Hindi ko muna hinabol sa isip ko yung magpalaki talaga dito. Talagang yung word na "maka-recover". Ang mahirap kasi sa overtraining, may mga times na suko ka na, na ayaw mo nang mag-workout, tapos mawawalan ka pa ng motivation. Wala babalik yung mga stress sa buahy mo. Tapos kahit ipilit mong mag-workout ka, you feel ba na parang half-dead kang nagWO, wala sa focus, para wala ba sa isip. Tapos instead na mawawala sana yung stress mo pagkatapos mong nagWO, parang mas lalo ka pang na-iistress. Mahirap, pero ayun, nakakarecover na rin. Week OFF ko ngayon. Basta matutong makinig at sumunod doon sa sinasabi sa'yo kung gusto mo ng progress. Learn to follow instructions ba. Learn to have the "do". (Shared experiece na rin po pala, pasensya po kung napahaba yung sagot po doon sa mga tanong niyo.)
    allen101 wrote:
    *Don't get me wrong, I don't envy your "Posted lifting stats", nor do I have the intention to embarass you. But at least make an honest journal.
    Journal is there to help us to monitor our progress as well as our failure para malaman natin kung ano ang dapat baguhin sa training at nutrition natin at para makahingi ng tulong sa ibang experienced bodybuilders dito sa forum.
    Not to copy the format of the program and then paste our supposed to be lifting stats.

    It's for your own good. Trust me.
    :)

    With regards naman sa mga pinopost ko dito sa journal ko, it's fact. Totoo lahat ng mga yan.
    Kung may adjustments dyan, yan ay kung doon na ako mismong may 20lb bar na gym. Bababa yung mga loads. Ang gamit ko kasi dyan na bar is yung 10lb, yun yung karamihan na pinakamabigat na bar na makikiat ko sa mga gym. Yung nakalagay naman doon sa lifting stat(correct me if I am wrong, yung yung 1RM mo, tama ba?) Totoo din po yun, ba't naman ako magpopost nang hindi ko naman talaga binubuhat, parang niloko ko na rin po sarili ko nun(no sarcasm)...
    Tapos bago ko simulan yung Eclipse Bill Starr 5x5, natanong ko na rin po kay boss Mighty, yung continuous increment nung poundage, comment ko nun, parang mahirap ata yun, yung every week, plus ganito sa ganyan. Hindi ko na maalala yung sinabi niya, nasa mga previous posts pa yun nung journal ko. Basta kung may will ka talagang magbuhat, mabubuhat mo talaga yan. Lifting weights ain't for pussies. Parang ganoon ata yun. Ayun. Binuhat ko talaga. At nabuhat naman...
  • DregPittDregPitt Posts: 987
    sir, di naman sa nakikialam ako ah.. just to clear the air here. if its okay,post ka sir ng latest pics mo, proportional kasi ung lifting stats sa appearance ng katawan. :)
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    ^I beg to differ, meron dito samen payat lang pero malakas.

    Give Core a break guys, let's just support him in his endeavors and let him be.
  • I have to agree with sir monching.
  • Oo nga mga bossing, support na lang natin si core. :)
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    okie dokie
  • miguelmiguel Posts: 895
    ibat iba reaction ko dito sa mga post nyo hehe .
    anyway goodluck sir core!
  • HawkEye02HawkEye02 Posts: 454
    nice lifting stats! grabe bigla nanaman ako namotivate parang ang hina ko magbuhat kelangan pa dagdagan! gudlak core sa goals mo!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    monching11 wrote:
    ^I beg to differ, meron dito samen payat lang pero malakas.

    Give Core a break guys, let's just support him in his endeavors and let him be.

    Sige boss.
    Yung sa inyo ba na payat ilan kaya starting DL niya?
    Week 0 185x5x5 din kaya niya?
    @CORE
    "May times din na pumalya, may isang week ata dyan, hindi ko nasunod yung sa bench press ko"

    ^I was talking about yoUr deadlift.
  • redred Posts: 753
    Goodluck sa goals =)
    sana one day magawa ko din tong mga to :)
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    red wrote:
    Goodluck sa goals =)
    sana one day magawa ko din tong mga to :)

    Oo naman basta may will ka.. simulan natin sa Lunes since wk 0 mo na yun.
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    Heheheh nahuli ako dito. I would have to agree w/ monch on this. looks are very deceiving pagdating sa strength most of the time din kasi proper technique and proper muscle recruitment sa lifting also contributes a lot in lifting heavy. naalala ko tuloy ung isang comment ni pareng arwin yata about dun sa DL vids namin ni milky dati di daw halata sa katawan ko na nakakapag DL ng heavy na parang wala "daw" ka-effort2x :P .

    As for the peeps who are "curious" about the stats of other peeps i defnitely know where you guys are coming from kahit ako madalas medyo napapataas ang kilay ko hehehe, whether it's fact or not, lets give them the benefit of the doubt. In my opinion, kung sakali man talaga that some peeps are really just posting "make-believe" stats, let's leave it at that. Hindi naman tayu ang lugi dun in the long run. Always remember "numbers never lie" pwera na lang kung hirap ka sa math kagaya ko wahaha! :P
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    allen101 wrote:

    Sige boss.
    Yung sa inyo ba na payat ilan kaya starting DL niya?
    Week 0 185x5x5 din kaya niya?

    Oh, missed this. Now that you mention it. Anyways, as insan DS mentioned let's give him the benefit of the doubt kasi kung may niloloko man siya or hindi totoong naisulat hindi naman tayo ang magiging apektado in the end. It will bear down on him, and come contest day his physique will prove otherwise na lang :)
  • DregPittDregPitt Posts: 987
    di ko lang alam sir ah.. xD sa experience ko kasi sa 2 lugar na pinaggyman ko. kapag umabot na ng 130lbs pataas ug BP nila. medyo bukol na ung chest. disregarded na ung mga may karga. pero siguro nga may mga gnun. ewan ko lang din. hehe..

    anyway, tama ka naman sir DS. medyo ngtaka lang din kasi ako. well its not my business anyway.. pero bilib din naman ako on gaano kadetailed nia magsulat dito sa kanyang journal. sana lang totoo. hehehe
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Kung tama o hindi ang mga nilalagay natin sa mga journal natin eh nasa satin na yun, di naman members ang niloloko natin pag ganun kung di sarili natin. Kaya relax lang kayo, wala namang epekto satin kung ano ang stats niya. Di naman ako hihina kung malakas siyang bumuhat. Hahaha

    Tsaka STR is not equal to size. Daming nag 200lbs mag bnech dito samin pero halos flat ang chest nila.
  • Chill lang tayo mga sir ah. Pinoy bodybuilding to hindi pinoy big brother. :)
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    hahaha pero si "BigBrother" din ang may ari netong site Nyahaha! :P
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    yun din pinagtataka ko pero sabi niya nga mismo may mali sa diet niya kaya di siya nakapag compete at kaya ganyan din resulta ng katawan niya pero di ako duda sa bigat ng binubuhat niya at yung friend ko mabigat din mag buhat kaso lagi puyat kaya payat,duda lang ako dun sa siya lang ang na DL sa gym lol pero ok na yun na sagot niya na rin eheheh
  • hahaha pero si "BigBrother" din ang may ari netong site Nyahaha! :P

    Kaya pala sinadyang PBB ang acronym. Wahah
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    check mo yung first page ng question and answer,si Big brother may gawa nun lol
  • arwin0609arwin0609 Posts: 984
    basta ako sumasakit likod ko sa DL at Squat ni core.....hehehehe
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    ang lapad at kapal ng likod mo boss arwin,kung ganyan likod ko ppwersahin ko na 270 - 200 nga lang hehehe
  • arwin0609arwin0609 Posts: 984
    230 lbs lang ako sa DL at 185 pa lang ako sa Squat eh.. hehehehe baka mas malapad sa kin si core o talagang malakas si core bumuhat talaga.... yown......
  • 1 week na lang core, ready na ba? Goodluck pre!
  • CoreCore Posts: 2,509
    allen101 wrote:

    @CORE
    "May times din na pumalya, may isang week ata dyan, hindi ko nasunod yung sa bench press ko"

    ^I was talking about yoUr deadlift.

    January 16, 2012. < [Monday]
    Alam ko naman nung una pa, mas importante ang form kaysa doon sa weight. Kaya bago ako magdagdag ng weight, dapat correct form on all reps and sets doon sa current load. Nag-iincrement ako ng weight sa lahat ng exercise ko ng 10lbs(5lb plate). Hindi ko pa alam nun na may nag-eexist pa na may mas mababa pa pala doon(2.5lb plate).

    Bench Press: 40lbs < nag-start ako sa 20lb plate, chest was Monday and Thursday. Dito ako masyadong naging competitive. Kapag may kabataan akong makikitang nag-bebench-press na medyo mas mataas ang binubuhat sa akin, let us say 50lb yung BP ko, tapos siya 60lb/70lb. By a week or two, goal ko na yung ma-outstrength yun. Pero siyempre, hindi na susunod, sinunod ko pa rin yung form>load. Pero during those days, nagawa ko rin naman, like siguro a month, mas mataas na ng 10lb yung binubuhat ko kaysa sa kanila. 4x12 ang program ko dito, may flat, incline at decline.

    Squats: 40lbs < same as bench press start-up load. Legs are on Wednsday and Saturday. Bale ang program ko pa dyan, yung 3x4x12; 45º foot placement(outward)x4x12, parallel footx4x12, 45º foot placement(inward)x4x12. Sabi niya, iba daw ang hit sa leg muscles kapag iba yung foot placement mo. (Hindi ko pa na-research masyado ito. So don't take it as an advice.) Maliban sa squat, may kasama pa yun na leg press at standing calf raise. So bale parang pamatay na tatlong exercise na may 3x4x12.

    Bent-Over Rows: 30lbs < yung exercise na pinaka-nahirapan ako sa pagkuha ng proper form nung una. Kahit ngayon pa rin nahihirapan ako, iniiwasan ko sa exercise na'to na yung biceps ko na mismo pumepwersa, yung tipong yung barbell na mismo ang humihila sa akin. Try to avoid momentum. BTW, Back is on Tuesdays and Thursdays.

    Military Press Seated Military Press: 20lbs < practice sa form. Magaan muna sa umpisa, pero by next week(after 3 sessions), Thursday, nasa 40lbs na ako(20lb plates). Shoulders are with my Back Day. Wala pa akong courage noon na gawin yung nakatayo. Yung mga malalaki lang nakikita kong naggaganun dito. Kaya intimidated pa sa una.

    Deadlift: 90lbs < yung load kung saan ako mas komportable! Dalawang 35lb w/ 10lb plates = 90lbs.

    Pull-ups: BWx2 < akala ko nung una, macoconvert mo yung lakas mo sa pull-downs into pull-ups. Kaya ayun, sa pull-downs nagbabad, kinalimutan na yung pull-ups.

    Hindi ko alam kung naabutan mo pa yung dating naka-post doon sa post #1 dito sa journal ko. Yung stats ko before akong mag-join dito sa PBB community. Isali ko na rin para mas makuha niyo po. (Tinaggal ko na dahil sa nakokornihan ako doon sa english ko.)

    Duration: January 2012-May 2012
    • Height: 5'5 >5'6
    • Weight: 110lbs >136lbs
    4x12 Routine (19weeks)-[Mon/Thu]-
    • Chest workouts
      Push-ups - 4x12
      BB Bench Press (Flat, Incline, Decline) - 4x12
      DB Bench Press (Incline, Flat, Decline) - 4x12
      DB Flyes (Flat, Incline, Decline) - 4x12
      Straight-Arm DB Pullover - 4x12
      Cable Crossover - 4x12
    • Biceps workouts
      BB Curl - 4x12
      Alternate DB Curl (Incline) - 4x12/Standing Alternate DB Curl - 4x12
      Concentration Curls - 4x12
    -[Tue/Fri]-
    • Shoulder workouts
      Standing BB Military Press - 4x12
      Standing BB Military Press (Behind The Neck) - 4x12
      Arnold DB Press - 4x12
      DB One-Arm Shoulder Press - 4x12
    • Back workouts
      Lat Pulldown (Wide-Grip) - 4x12
      Lat Pulldown (Wide-Grip; Behind The Neck)- 4x12
      Cable Pulldowns (Underhand Grip, Overhand Grip) - 4x12
      Seated Cable Rows - 4x12
      Bent Over BB Rows - 4x12
      Stiff-Legged BB Deadlift - 4x12
      DB Rows - 4x12
    • Traps workouts
      Standing BB Upright Rows (Close-Grip) - 4x12
      Bent Over DB Lat Raises - 4x12
      Front DB Raises - 4x12
      Front Plate Raises - 4x12
      DB Shrug - 4x12
    -[Wed/Sat]-
    • Legs workouts (Bicycling (Stationary) - 5-10min warm-up)
      Full Squat - 4x12
      Leg Extensions - 4x12
      Lying Leg Curls - 4x12
      Seated Calf Raise - 4x12
    • Triceps workouts
      Triceps Extension - 4x12
      Lying Triceps Press [Close-Grip] - 4x12/Skullcrusher - 4x12
      Kickbacks - 4x12
      Pushdown (Overhand Grip, Underhand Grip, Rope Attachment) - 4x12
    • Abdominal workouts
      Sit-Ups - 3x15, 1x20
      Crunches (w/o DB, w/ DB, Oblique) - 3x15, 1x20
      Leg Raises - 3x15, 1x20
      Alternate DB Side Bend - 4x12
    1 week na lang core, ready na ba? Goodluck pre!

    Backout. I have the desire naman to join kaso yun nga kahit novice, enough to join a comp but not enough to win.
Sign In or Register to comment.