PBB United! (Football Thread)
Stannis
Posts: 1,377
in Other Sports
Meron bang football fan dito? Parang sarili ko lang kakausapin ko dito hahaha
Excited na ako sa new season! Lalo na at may mga bagong signing ng Manchester United!
Excited na ako sa new season! Lalo na at may mga bagong signing ng Manchester United!
Comments
bukas may laban anak ko. forward sya at leftie. try kung ivideo ng ma-upload, mahilig pa naman yun sa pag titrix kaya napapagalitan ng coach di kasi focus sa technique dito.
Ok lang na ganyan anak mo, enjoy lang muna habang bata. Baka ma-put off pag masyadong seryoso haha
Buti football na pili niya, para kahit pagtanda, kung ano man ang maging height niya eh pede siyang mag pro!
What you think with my avatar..?
Head goal by Felaini(mali spelling lol), 57 mins. Best player ng laro. First class performance ni Jagielka (malamang mali uli spelling), gaganda ng interceptions niya.
Pinaka positive player ng ManU si Kagawa, malamang maging regular starter siya. RVP started sa bench, pumasok ng 70th mins ata. Minimal lang ang touches niya dahil nag drop deep ang Everton.
Mahirap talagang manalo sa Goodison Park. Always high regards kay Moyes at Everton. Kaso badtrip! Talo United!! Hahaha
Dalawa lang pala ang natural defender ng United. Si Carrick ang partner ni Vidic tapos si Valencia sa right back. Mas gugustuhin ko ng sumugal kay Rafael sa right back kesa maging regular starter si Nani, masyadong nagtatagal ang bola sa kanya imbes na ipasa agad.
Puyat na naman dahil sa football haha, sana next week eh maaga naman ang laban ng United. Naka tatlong live matches ako this weekend lol
Kadalasan ang English Premier League ay sabado at linggo, pinaka maaga na start ng laro ay mga 8pm satin at ang pinaka late ay mga 12:30am.
Hahaha!
Magagaling ang individuals ng Dutch players pero bulok as team.
Stoppage time winner ni Robin van Persie! Hat-trick!
Typical United, bad performance, masyadong maraming misplaced passes pero naka nakaw pa ng panalo. Terrible penalty ni RVP. 3 mins remaining + stoppage time lamang ang Southampton 2-1. Southampton played really well, kakabilib din yung batang captain nila.
Liverpool 0 - 2 Arsenal
Anong ngyayari sa Liverpool, masyadong maraming individual error lalo na yung keeper nila. Wala pa silang plan B dahil ni-loan nila ang isang Striker nila. Wala tuloy pamalit kay Suarez o kulang ang personnel para mag palit ng tactic.
Goal from new signing ng Arsenal, Podolski at Cazorla.
http://ph.sports.yahoo.com/news/usain-bolt-set-manchester-united-debut-072300360--spt.html
nagka rumble2.... Talo rin ang azkals
1 - 0
w/out Younghusbands sa Peace Cup
Congrats...
Pinas 5 - Macau - 0
Ang liliit ng mga taga Macau...