An Ectomorph's bulking up mission
shane
Posts: 116
Kamusta po?
Pakitingnan naman po nung journal ko, ako lang po kasi ang gumawa nun sa tulong ni Google. Gusto ko po malaman kung may kulang ba o mali sa program ko? (Workout/Sets/Reps, etc..) Tsaka balanse po ba yung muscle group sa Day1-3 sa program? BTW, Ectomorph po ang body type ko. Salamat po!
PS, Simula nung nag gym ako niminimize ko na ang cardio (Basketball). At least once every 2 months nalang ngayon.
Pakitingnan naman po nung journal ko, ako lang po kasi ang gumawa nun sa tulong ni Google. Gusto ko po malaman kung may kulang ba o mali sa program ko? (Workout/Sets/Reps, etc..) Tsaka balanse po ba yung muscle group sa Day1-3 sa program? BTW, Ectomorph po ang body type ko. Salamat po!
PS, Simula nung nag gym ako niminimize ko na ang cardio (Basketball). At least once every 2 months nalang ngayon.
Comments
Where is the leg day?
Salamat sa pag welcome sir!
Hindi po talaga ako naglagay ng leg workout sa program (Sorry hindi ko nasabi) In good shape na po kasi (i think) yung mga binti at hita ko dahil siguro sa pag bibike ko dati tsaka sa mahabang lakaran hehe. Kaya mas priority ko muna ang upper body part.
Mag popost po ako ng pics this weekend for reference
Sir una welcome po! pangalawa, suggestion po ah. if youre saying youre bulking, ikaw po ay kakain ng Madami, At ikaw ay Mag papakapal. At ang mga workout na pang pakapal involves compound excercises. eto po ay
Squats, Deadlifts, Bench press, Rows, Overhead press.....
Sir, wag na wag mo pong iiskip ang LEGS, Lalo na po ang sQuat kasi eto po ang exercises na madaming tatamaan sa inyong katawan. at sabi nga po ng iba eto ang KING of all exercises. dito ka mag gagain ng mga maskels. wag na wag po natin iunder estimate ang leg workouts sir kasi malaking bahagi ng katawan natin ang legs. magkaiba po ang "maganda na ung legs" kesa sa goal mo na "bulking" Opinion lang po
Salamat sa pag welcome bro!
Will consider your suggestion sir, btw, dapat po ba wag muna ako mag isolation? Since ecto po ako ang gusto ko din mahabol is yung laki ng braso ko, may mai susuggest po ba kayo na compound ex na tinatamaan din and biceps?
sir, Sapul na sapul po ang biceps sa Rows and Deadlifts, banat na banat yan pero syempre ung heavy loads tlga, ika nga eh, lift heavy as you can.. ung kaya mong ipush ung sarili mo wag naman ung di mo kaya buhatin. di naman din po masama kung mag iisolation ka sir, walang kaso dun. pero maganda tlga kung ung pinapriority mo is compoundssss..
yung sagot sa tanong mo na compound exercise na tinatamaan biceps ay Rows at Pull-ups / Chin-ups...
un nakalimutan ko! tama si sir dimzon Pull-ups / Chin-ups... :sport:
Sige bro, I think isasama ko na ang deadlift sa arm day ko (Day 3). Tama po ba? or okay lang din sya isama sa day 2 ko w/c is shoulder/Traps day?
sir deadlifts in back work out po. add mo sya pag may back day ka ung mga isolation mo paps i huli mo na sa exercises mo kumbaga yan na ung finishers mo. hirap mag compunds kapag ung mga arms or shoulders mo ubos agad. dahil mauubos ka agad sure
Squat! Squat! Squat! Pag natarget mo tong biggest muscle groups. .. tendency is better testosterone release that aids overall muscle building.
So for newbies ...mortal sin wala neto.
Noted Sir. Pansin ko nga din nakakapagod kagad kapag mga isolation ang inuuna. eto po yun sequence ng workout ko
Day1: Chest -> Back -> Triceps
Day2: Traps -> Shoulder
Day3: Optional: Traps or Shoulder or Tricep -> Bicep
BTW, yung leg day for squats/dead lift pinag iisipan ko na kung saang day maganda isingit o kailangan ko po mag dedicate ng ibang araw para sa leg day?
Noted sir. Salamat po sa tip :)This weekend for my day 1 (Chest,Back,Tricep) and Day 2 (Shoulder,Traps) Nag dagdag na ako ng weight to 3x8 reps each.
Chest (Bench Press) = 15 lbs (08-21-2014)
20 lbs (09-20-2014)
25 lbs (09-27-2014)
Back (Machine) = 15 lbs (08-21-2014)
20 lbs (09-20-2014)
50 lbs (09-27-2014)
Tricep (Dumbbell/Plate) = 15 lbs (08-21-2014)
20 lbs (09-20-2014)
30 lbs (09-27-2014)
Traps (Barbell) = 30 lbs (08-21-2014)
45 lbs (09-28-2014)
Shoulder (Barbell) = 15 lbs (08-21-2014)
20 lbs (09-20-2014)
25 lbs (09-28-2014)
* Bukas palang ako mag arm day, pero balak ko iup sa 20lbs
Bicep (E-Z Curl) = 10 lbs (08-21-2014)
15 lbs (09-20-2014)
Sa tingin nyo mga sir? okay po ba ang ginawa kong adjustment sa weight? for next week's set naman ang balak ko po is ganyang weight set padin pero 3x10-12 reps each na for improvement and challenge? Sa ngayon po kailangan ko pa talaga ng guide sa mga weight adjustment. Salamat po.
Option 1
Day1
Pull workouts
Day 2
Push workouts
Day 3
Rest
Day 4
Legs
Day 5
Pull
Day 6
Rest
Day 7
Push
Day 8
Rest
And so on and soforth.
Option 2
Day 1
Legs + shoulder
Day 2
Back
abs
Day 3 rest
Day 4
Chest
abs
Day 5
Arms (biceps, triceps)
madami kang pwedeng gawin paps. laruin mo lang ung mga combination
hello bossing, ok na bang mag abs agad sya kahit bulking palang? :sport:
Eto din po yun dahilan kung bakit wala sa program ko yung abs. Gusto ko muna mag bulk bago mag work on sa abs. Parang hindi kasi bagay para sakin yung payat pa tapos may abs na. hehe
para sakin boss, wala naman kaso sa pag train ng abs, papalakasin mo ung core mo para sa compound exercises mo e mas malakas ang base mo, more load to lift. hindi naman pinag uusapan ang pag papalabas ng abs sir kasi di mo tlga maaatain sa ab workout yan mga yan kasi covered na mga flabs hihi. ibang usapan na ung sa cutting......
sir, dont get me wrong ah.... ako, i do abs because of the stregth benefits. hindi para makita ung abs ko haha kasi malayooong malaaayooo pa makita ang abs ko sa kapal ng mga taba ko. lol. pero kasi gagamit ka ng core mo sa compound exercises mo kasi.. squats deadlifts bench press. iccontract mo lahat yan eh, the more malakas ang core mo mas madadalian ka sa mga yan. more to lift, more maskels hihi pero na sasaiyo padin yan sir kung ayaw mo, tangalin mo. sabi nga ni CT fletcher, "ISYMFS - Its Still Your Mother F*K*NG Set" hihihi :sport:
Point taken sir. Madami na ako natututunan sa inyo. Salamat po
Hi Sir @Core, Opo sir eh, due to busy sched sa office. May suggestion po ba kayo? Please let me know. Salamat din po.
Hi Sir @badass_vinch, Tama po. 4 Scoops per serving yung MJ. Half serving lang ginagawa ko kasi masyadong madami para sakin ang full serving pero total of 2 full servings naman po yun nakukuha ko per day. Unang try ko palang po ng mass gainer pero pagkaubos ng tub nun balak ko na din ihinto kasi bloated ang pakiramdam kapag umiinom nun. Tanong ko po kung anong pagkain ang makakahit sa daily calorie needs ko bukod sa mass gainer? Kaya po kaya yun sa extra rice+meat per meal?
1675 po ang RMR ko tapos 2460 po ang BMR ko.
Yan na mismo ang sagot, napakadaming food choices, options, variety. Impossible na mahirapan ka mamili ng kakainin. Wag mo lang isara isip mo na pag nagbubuhat dapat, lean meat, rice, potatoes, kamote, veggies, eggs lang iikot ang diet. Kainin mo kung ano gusto mo, lalo na kung alam mo naman na sufficient ang protein mo daily, wala ka masyado poproblemahin. Nasa 160lbs ka diba? Di naman ganun kadaming calories ang kailangan mo daily kung nagbubulk ka. 2700-3000 calories pwede na.
Hindi naman ako against supplements, pero dapat hindi sila ang gawing foundation ng diet natin at hindi sa kanila iikot ang calorie needs. Next time kung bibili ka whey nalang.
Okay sir, salamat po sa heads up. Uubusin ko nalang siguro yung tub tapos lilipat na ako sa whey. Nakikita ko sa ngayon is Promatrix 7 as whey.
Sir tanong lang po, medyo naguguluhan lang.
Kapag kumakain ako ng madami, nag jejebs din ako ng madami. Bago ko ilabas yung kinain ko, ibig sabihin nun na absorb na nung katawan ko yung nutrients tama po ba?
Hindi natin masasabi kung naabsorb ng maayos kung hindi nadigest na maayos diba. Baka my nakakain ka na sensitive ka pala, like yang MJ. kasi sa experience ko, natatae ako sa ibang whey as in right after ko inumin. Sa dami ng intake mo ng MJ tapos minsan hinahalo mo pa sa solid meal baka siya ang nagpapakulo ng tiyan mo.
marerecommend ko na whey:
Ultimate Nutrition Prostar
ON gold standard
DYmatize Elite
Thank you bro. Gagawa ako ng effects comparison ng mass gainer vs real food in the future para dagdag information nadin para sa iba nating ka PBB. :sport:
I'll go with ON GS :flex:
Ano yung mga exercises na gagawin mo sa bawat araw dyan? At ano yung mga days na pwede ka lang magbuhat?
Monday: Rest
Tuesday: Arm Day/Traps (optional)
E-Z Bar Curl and Hammer Curls for Biceps
Wednesday: Rest
Thursday: Rest
Friday: Rest
Saturday: Chest/Back/Triceps Program
Incline/Straight?/Decline Bench Press for Chest
Wide grip (Front and Back) lat pull down and Seated Cable Row for Back
Seated Triceps Press for Triceps
Sunday: Traps/Shoulder Program
Dumbbell Shugs/Reverse Barbell Shugs for Traps
Front Plate Raise/Barbell Shoulder Raise/Upright barbell row for shoulder
Sir @Core, Yan po yung program ko sa ngayon.
Saturday (Chest, Back, Triceps), Sunday (Traps, Shoulder), Teusday or Thursday (Arm) po ako pwede mag buhat.
So you mean both Tuesday at Thursday ka pwedeng magbuhat? Or under certain circumstances lang?
Under certain circumstances lang po yung teusday/thursday ko sir, kaya either Teusday or Thursday lang ako nakakabuhat kapag weekdays pero I always make sure naman po na makabuhat ako ng weekdays. Pero yung Sat & Sun ko consistent.
ang dali ng problema mo sir!!! naiingit ako! sana payat ako nung bata kaso ako ang tagal ko nang nag cucut. hahaha. kain lang ng kain! Irape mo ung gma buffet pag week ends!! lol