Post your first time gym experience

2»

Comments

  • BarakoBarako Posts: 120
    kulafu25 wrote:
    Barako wrote:
    First day nahilo, nasusuka, d makatayo after work out tapos pag gising sobrang sakit ng mga buto hindi ko ma i diretso kamay ko hahaha parang hanggang kalahati lang ma i diretso tapos sinundutan ko ng buhat after work out nawala lahat din feeling ko lumakas ako tapos dun na nag start ang curiosity ko about bodybuillding, started to buy magazines chat wih the pros, nung time na yun d pa uso internet konti pa lang may mga pc sa bahay.

    Nahihiya mag sando kasi puro buto katawan ko dati walang laman hahaha, Tapos para akong bulag d ko pinapansin mga tao naka tingin sa akin kasi nga ang payat ko para daw mababaklas katawan ko amp hahaha kapag nakita ko ngayon yun nagsabi nun tatampalin ko ng biceps yun ei hahahaha. (JOKE)

    Habang nagbubuhat nakatititig sa poster ni arnold schwazzeneger hahaha. Pabigatan ng buhat sa gym kesyo baguhan lang walang pang alam sa nutritions supplements etc.

    Yung isang barkada namin nag angas bumuhat ng 60kg sa bench press after ng isang set nag collapse nahimatay. Naalala ko yung first gym ko sa amin lang nasa kalye lang mga equipments back 1999. Tapos iniinom namin sarsi na softdrinks tapos lalagyan namin ng itlog yun ang pinaka supplement namin.

    Minsan beer na may itlog din. Hanggang sa lumawak ng lumawak na kaalaman napunta na sa creatine dati kapag may creatine ka mayaman ka. parang god ka na sa gym lalo na sa mga gym lang na improvise, tiyaka dapat kapag nainom ka ng creatine papakita mo na malakas ka kasi kakantsawan ka nandun na yung thinking na kapag nainom ka nun talgang malakas ka hehehe, Meron pa makiki inom ng supplement hati pa kayo sa isang tableta ng amino ng barkada hahaha. Natatawa ako kapag naaalala ko those times.

    Tyika before I forget may sakit ako dati pagtapos ko magbuhat ng isang part tatakbo muna ako sa bahay namin tapos magsasalamin pagtspos magsalamin takbo pabalik ulit gym hahahahahaa dammmnnnnn!!!

    dami ko tawa dito sir, ganda ng pagkakadeliver ng kwento niyo , lahat talaga may pinagdaraanan kapag first time pero at least we all took the first step towards greatness...hehe

    cheers sa ating mga bakal boys! =)

    Uu lahat talga may pagdadaanan awkward, funny momments etc. Mas ok nga nung mga year 2002 pataas madami na talga gym nung mga 1998, 1999 konti pa lang and d ganun kadami nag gym kung ikukumpura mo ngayon. Dati 8 pesos lang sa amin ang isang session sa gym ngayon ang gaganda na mga gym like golds gym etc.
    Barako wrote:
    Tapos iniinom namin sarsi na softdrinks tapos lalagyan namin ng itlog yun ang pinaka supplement namin.

    oo nga no, effective na pwo ang soda+itlog, high glycemic carbo + protein. akala ko pang joey marquez movies lang.

    Hahaha natawa ako dun pang joey marquez.....
  • NamerNamer Posts: 99
    First time ko, di ko alam ang gagawin nayaya lang kasi. Nag- treadmill, db curls at 100 na situps. Di na naulit after.
    First time ko ulit, eto seryoso na, panggap- panggap lang kunwari may alam dahil sa kakabasa ng gym stuffs. Nag- bench ako, 90lbs yun di ko binilang yung bar na 20lbs so 110 pala yun. Di pa ako nakapag- bench ng ganon kabigat tsaka 121lbs lang ako nun, haha bumagsak sa dibdib ko.
    Tsaka may time pa na bumagsak yung bar sa power rack kasi nagtatatanggal ako ng plates, wala sa hinuha ko na di na pala balanse sa kabilang side, ayun mayhem.
    Pero masarap ang pakiramdam kapag may bagong gym ka na bubuhatan.
  • Namer wrote:

    lol ser, isa rin po sa mga moments ko yung nalaglagan ng plates habang papalitan ng plates. Nung bumagsak dun lang ako natuto na kailangan pala i balance, na medyo di ko naisip nung ako lang mag isa. Hahahaha.

    mawawala din tong hiya, at di ko na rin susundin yung mga maling turo ng mga tao hahahahaha. Tapos pag okay na katawan, ipamuka mo sa mga taong nahiya ka yung katawan mong macho, ipamuka mo sa kanila na dati, parang pinagtatawanan ka at pinag titignan, ngayon.... ala arnold schwarzhenegger ka na. lol
  • CoreCore Posts: 2,509
    Namer wrote:
    Pero masarap ang pakiramdam kapag may bagong gym ka na bubuhatan.

    Agree.
  • KenHKenH Posts: 30
    Unang buhat ko nung bata pa ako kasama ko lang mga tito ko nung nag ggym pa sila. epal lang naman ako bigay todo naka pang gym pa. haha

    tapos yung pinaka unang buhat ko tlga nung 16 yrs old ako, sa Pag-asa, ang payat ko. mga 115-120 lang ata ako noon haha. marami rin ako natutunan dun ksma ko tito ko na proud natty.
    hanggang sa lumipat na yung tito ko sa bulacan. kaya umalis na ko sa gym na yun kasi dami steroids user at nang aalok pa, at medyo malayo.

    hanggang sa nakalipat ako ng gym malapit samin sa visayas ave, first time ko mahiya sa gym. kasi dati ksma ko tito ko kaya kapal ng mukha ko. hanggang sa nakuha ko na yung confidence at ngayon dumadayo na ako ng ibat ibang gym. (feelingero lang) haha
  • Haha! I remember my first time to work out in a gym.

    Sobrang nahihiya ako kasi sobrang payat ko before. Tapos yung mga tao pa dun sa gym na pinuntahan ko, mayayabang (di naman kagandahan mga katawan pero ang yayabang nila)

    But then, that did not stop me from going to the gym. Ayun, humanap ako ng mas magandang gym, and luckily, I did find a better gym. :)
    KenH wrote:
    Unang buhat ko nung bata pa ako kasama ko lang mga tito ko nung nag ggym pa sila. epal lang naman ako bigay todo naka pang gym pa. haha

    tapos yung pinaka unang buhat ko tlga nung 16 yrs old ako, sa Pag-asa, ang payat ko. mga 115-120 lang ata ako noon haha. marami rin ako natutunan dun ksma ko tito ko na proud natty.
    hanggang sa lumipat na yung tito ko sa bulacan. kaya umalis na ko sa gym na yun kasi dami steroids user at nang aalok pa, at medyo malayo.

    hanggang sa nakalipat ako ng gym malapit samin sa visayas ave, first time ko mahiya sa gym. kasi dati ksma ko tito ko kaya kapal ng mukha ko. hanggang sa nakuha ko na yung confidence at ngayon dumadayo na ako ng ibat ibang gym. (feelingero lang) haha

    Nice bro! Dayo ka naman sa pinag-gigyman ko! Gym tayo together pag may time ka! :)
Sign In or Register to comment.