pasig gym (newbie) nahihiyang mag gym

Mga boss,

sana matulungan nyo ko maging isa sa inyo...

Gusto ko po kasing mag Gym dahil medyo chubby ako at gusto ko pong pumayat kahit konti at magkaroon ng konting muscle.... Saan po ba pwede mag gym na may mababait na tao, d mayayabang, may mag aassist (kasi wala ako kilala dito sa lugar na pwede kong isama), may thread mill (If wala, ok lang din basta makapag start lang ako), at d ka mahihyang mag gym..


how much per month/session?
sa pasig sana at near lifehomes.

need din ng gym buddy na willing mag assist at friendly...

GOAL:
1. Mabawasan ng taba
2. Magka muscle (Kahit d sobrang laki)
3. Magkaroon ng new friends
4. Magkaroon ng self confidence
5. Maiwasan ung paninigarilyocomment naman kayo. sobrang gustong gusto ko talaga mag gym kaya lang nahihiya ako. any tip po?

Comments

  • mvroaringmvroaring Posts: 46
    welcome po sir s PBB

    gnun talaga sa gym pa astigan.wahaha.
    d m mkikilala agad ung mga mababait.

    tska dont be shy na mag gym.
    karamihan naman galing sa pagiging mataba or mapayat tska bakit ka mahihiya kya nga po nag ggym ka kasi para gumanda katawan m.natural na un.

    minsan nga kung sino pa ung mga malalaki na sila pa ung super friendly.

    dpat kaw ung dayo try to be super friendly muna.
    pg pansin m n pinag uusapan ka or tntignan ka
    smile back nalang po.

    try to open a conversation muna about on how to do this and that tpos everytime na mag kikita kita kau sa gym dun na mag sstart ung mga ka workout buddies m.

    mhrap kc mg gym pg wla kasabay at kausap.katamad.haha

    sana makatulong po sa iyo snabi ko.
    gudluck po

    :)
  • randy_qmrandy_qm Posts: 9
    comment naman po kayo mga boss.. wag mahiya mag reply. hehehe.. need ko po talaga ng tip nyo pano ko mag start mag gym at saan ung ok na gym sa pasig.. :(hmmm.. ganun pala.. mukang mahirap pala kung wala ka kakilala or kasabay mag gym. :( hope makakita ako ng naggygym dito na taga pasig. kahit malayo sa lifehomes basta sa pasig dun na lang ako maggygym para may makasabay lang...

    any recommended gym na may mag aassist?
  • mvroaringmvroaring Posts: 46
    pag dating sa gym sir d ko alam d po kasi ako taga pasig.

    e google map m nalang.
    or ung cp m kung may navigation.

    search m lng type m GYM tpos lalabas na dun mga malalapit na gym from your house.

    ma aadvise ko lang po.pag mag ggym ka try to enrol a monthly session iba kasi ung treatment ng mga members ng gym unlike sa per session ka lang.(pwera nalang kung dun sa mapupuntahan m na gym mababait talaga.)
    proven ko na yan mdmi na ako napag gyman na place tapos na oobserve ko sa mga baguhan yan.

    hindi masyado pnpansin ng instructor at ng may ari ng gym pg per session ka.(hnd lahat ng gym ganito ung iba lang)

    haha.

    sana makatulog po
    pahingi ng like kung magustuhan m :)
    thanks pohaha kung ako po sayo try to enrol in a monthly dues
    and then dun sa pinaka malapit na gym sa house nyo ka mna mag try pag hindi m feel mga tao dun edi lipat ka nman ulit.


    bsta always remember dapat po ikaw ung makisama ikaw ung dayo e makakahanap ka ng ka buddy m dun. bsta smile lng ng smile

    :)
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Lifehomes?

    Anjan ang Musclehouse, masikip at mainit pero ok din naman ang gamit.
    Session : 50
    Monthly : 600

    Lakad ka ng konti pa De Castro may mas malaking gym per mas mainit. Bodyplus fitness, in my opinion mas ok ang gamit dito at mas kumpleto. May threadmill din.
    Session : 50
    Monthly : 600

    Sa countryside meron din. Yung contender boxing gym pero may gym na pang buhat 50 per session.

    Minsan kung gusto mo sumabay sakin nagbubuhat ako sa Junction, Star Valley fitness hapon hanggag gabi pwede kita tulungan.
  • jmpilongojmpilongo Posts: 208
    newbie din ako. konting advice ko lang na mabibigay is

    -observed what the elites are doing (yung mukhang matagal na nag g-gym) para hindi -obvious, mag threadmill ka while observing.
    -don't be afraid to ask questions, I think most of them would be willing to help (maraming experts sa kanila) :) or they think they are
    -if they are not nice, at least you will know who you should not approach. just move on, meron mga ganyan talaga kahit saan gym.
    -also, pay for the registration but pay for per-session lalo na kung bago pa. but if money is not a problem then go for monthly. some kc don't last after a few days in the gym, they tend to give up tapos nasasayang lang ang money lalo na kung mahal ung monthly ng gym.

    as for locations, can't help. hopefully others will.. good luck sa atin mga newbie. :)
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    If I may be blunt..

    I don't think na kailangan mong mahiya, kase IMHO,di ka naman pumunta sa gym para humanap nang kaibigan diba?wala ka rin namang gagawing masama dun,magbabayad ka naman nang ng session fee. kung magkaroon ka man ng kaibigan, bonus na yun as well as darating at darating yung time na magiging tropa mo yung mga yun kase sa araw araw ba naman eh kayo kayo rin magkakasama sa gym. and to top it all, since tropa na kayo, hindi lang iisa gym buddy mo. gets? :)

    Saan po ba pwede mag gym na may mababait na tao, d mayayabang, may mag aassist (kasi wala ako kilala dito sa lugar na pwede kong isama),

    - gaya nang sinabi ni @ jmpilongo , observed muna, may mga tao kaseng focus sa work out nila, dyahe naman kung iistorbohin mo sila.
    Saan po ba pwede mag gym na may mababait na tao
    - as long as you mind your own business, mababait yung tao sa gym :)
    d mayayabang
    - define mayabang sir, yung mga nagugrunt? yung binabagsak yung equiptment? yung nag fleflex sa harapan mo? yung inaagawan ka nang equiptment? or all of the above? kase normal lang sa gym yung mga ganyang stereotype. you have you live with it, :)
    may mag aassist (kasi wala ako kilala dito sa lugar na pwede kong isama)
    kung ma ala personal trainer and personal spotter yung definition mo nang mag aassist, kailangan mong magbayad nang pt. pero kung "what type of program to follow" assist, I think that is the reason why your here right? also, if your'e not sure how to execute the exercise, google google lang as well as may makikita kang makakapansin nang form mo, pwede mo silang tanungin kong tama ginagawa mo.
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    first of all, welcome sa mga newbie dito sa PBB :) magandang simula ang ginawa nyong pag register dito sa PBB :) andito na halos lahat ng tungkol sa BBing mapa studies or personal experience ng bawat miyembro/forumer :) kaya napaka palad nyo compare sa iba na nagsimula at puro myth lang ang pinaniniwalaan :)

    Wag kayong mahiya mag punta sa gym ke payat o mataba, lahat dumaan jan. Walang 1st time na nagpunta sa gym na maskulado o mala phil heath agad ang katawan :) Mahiya kayong pumunta sa gym kung payat at mataba na nga kayo tapos pag dating nyo pa dun eh kala nyo kung sino kayo, yun dun kayo mahiya pero kung hindi kayo ganun, pramizzz, madali nyo makakasundo mga tao sa gym :)

    Welcome ulit sa lahat ng newbie sa BBing at dito sa site at please, gumawa kayo ng journal nyo dito http://pinoybodybuilding.com/Forum-Personal-Journals at simulan nyo na mag backreadsa mga importanteng thread dito sa like workout/training thread http://pinoybodybuilding.com/Forum-Workouts-Training at diet/nutrition thread http://pinoybodybuilding.com/Forum-Diet-Nutrition


    Then pag may tanong, use search function muna, pag wala matinong result, mag tanong lang at tyak may sasagot basta be friendly at polite parang pag asa gym tayo :)
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Welcome brah! Halos lahat naman ng tao sa gym mababait at may respeto sa ibang tao. Wag kang mahiya at wag mo lang sila tignan ng masama, di ka nila aanuhin hahaha. Lahat tayo nagsisimula sa pagiging newbie :)
  • jmpilongojmpilongo Posts: 208
    mahirap yung e.determine yung definition na mayabang, gaya ng sinabi ni @rtravino29, iba't ibang personality makikita mo sa gym. meron din yung 70% checking mirror 30% lifting.

    kung gusto mo mabawasan ng taba, I think it's best mag cardio muna with minimum weight lifting. or go for crossfit program.

    before I started, nag research talaga ako sa internet ng mga tips. when I got to the gym, nag observe, and asked questions. malalaman mo yung mga taong gustong tumulong kc masyadong mahaba ang explanation with sample pa and that's how I started. couple of days you'll get used to it until may sarili kanang regimen.

    also, kung mag o.observe ka, tingnan mo yung ginagawa nila. wag mong titigan sa mata. :biggrin:
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    Btw, no offense mga bro, pero welcome intro po ito gawa po kayo journal at dun ituloy ang usapan :) isang friendly reminder lang po :)
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    sinagot lang naman yung tanong ni ts, pero...OO nga noh? haha! sorry naman!
  • RockcenaRockcena Posts: 603
    Tara buhat tayo sa body plus!
  • raokikunraokikun Posts: 154
    welcome sa PBB sir! wag ka mag alala sir same lang tayo ng nararamdaman tulad ko nung first time ko pumasok sa gym na ako lang mag isa. sobrang payat ko kasi as in tingting na nga niloloko nila sakin ng mga kaibigan ko.

    pero nung nag gygym na ako, is sa instructor ka muna lumapit syempre kung ano pede gawin para sa mga mag sstart pa lang.

    then mapapansin mo after mga 1 week na lagi ka nakikita ng iba na nag gygym ngingitian ka na ng mga yan at imomotivate ka pa. mararanasan mo na bigla na lang sila iimik sayo ng kaya mo yan. dagdagan mo pa. buhat pa! push pa! minsan sspot ka na rin ng mga yan pag nakikita nilang hindi mo kaya.

    basta steady ka lang magkakaron ka rin ng kakilala dyan. bsta bsta na lang kau mag babatian hanggang sa magka kwentuhan at tulungan na kayo.
  • randy_qmrandy_qm Posts: 9
    Wow... thanks sa mga tips mga brother... laking tulong. dapat kanina mag iinquire na ko sa muscle house, kaya lang nahihiya talaga ako,. hanggang nabasa ko mga reply nyo... maraming salamat talaga sa INYONG LAHAT...

    last na lang.. kelan maganda mag gym? after or before ng work? call center agent po kasi ako 12mn to 9am... ty...
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    depende sayo bro pero ako bago pumasok man yan o pag kauwe pareho lang

    gawa na ng journal bro
  • randy_qmrandy_qm Posts: 9
    hayzzz... nahihiya talaga ako. gusto ko na mag gym ngayon pero parang naiilang ako. d ko alam... sana magkalakas na ko ng loob pumunta sa muscle house.
Sign In or Register to comment.