Help again mga bossing

suggestions nman po regarding my problem..

e2 na.

konti lng kc ang sleep time ko.. dahil kc sa work ko..
8am to 5pm kc ang schedule, na gigising ako 4:30am tpos pasok na ako ng 5:10am, (para iwas trapik) then pag out na, nakakauwi nman ako ng bahay eh mga 7pm na, tpos start ako mag workout mga 7:30pm to 9pm, then makaka2log n ko nun mga mag 11pm na or mga 10:30pm, layo pa inuuwian ko from office, almost 5hrs to 4.5 hrs lng 2log ko tlga.. 5 months pa lang ako sa pag bbody building, pero feel ko hndi ok ung gains ko..

aus nman ang workout ko.. and increasing nman lgi ang weights ko per set,

sana matulungan nyo nman ako mga bossing. suggest sakin ng instructor sa gym, mag supplement na daw ako.

ano po ba ang ok na supplement for fast recovery khit mga tipong 5hrs to 4.5hrs lang 2log ko?:huh:

Thanks in advance.
:s
«1

Comments

  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    hindi talaga ok gains nyan sir. kase kulang ka sa pahinga, sa case na ganyan, mapapayo ko sayo, kumain ka ng madame, para makabawi ang katawan mo kahet sa nutrients man lang, eh sana kahet mag vitamins kana and at least whey,
  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    pano workout program mo ser ?

    try mo not to train to failure... subukan mo ser yung style 5x5

  • jonjonzjonjonz Posts: 36
    @daltonkamote
    vitamins live revicon sir? or ung opti-men ng on? hehe nkaka kain nman ako ng aus sir ehh.. hirap lng tlga sa mahabang 2log.

    @jerielm
    mon - chest bicep with abs
    tues - shoulder, traps and lower with abs
    wed - back tricep, with abs
    thurs - chest bicep with abs ulit
    friday - shoulder, traps and lower with abs ulit
    sat - back tricep, with abs ulit
    sunday - rest

    aun sir jerielm

    pano po ba ang ok na program?




  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    sir jonz kulang sa tulog po ba because di makatulog? gano po ba kahaba byahe mo pauwi?
  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    ano intensity ng program mo ser at ilang sets per body part ?

    sa tingin ko sa workout mo mukhang na o-overtrain kana... tapos kulang kapa kain,tulog,rest wala ka talaga makikita na resulta ..

    try mo mag switch 5x5, wag mo isipin dahil konti gingawa mo exercise or hindi ganun ka frequent eh di ka lalake.. wala sa dame yan

    mag 3 times a week ka nalang tapos focus nutrition
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    ^^

    +100000

    May point si sir jeriel since deprived ka na sa tulog then you barely get any rest din during the week, nde nga talaga magiging maganda resulta nun pagdating sa gains.
  • jonjonzjonjonz Posts: 36
    @DSmallDivide
    nkaka2log naman po agad.. mga around 10:30pm na.. kulang lang po tlga sa 2log kc need ko na gumising ng 4:30am tpos pasok na ng 5:10am kc 8-5 sked ko ng umaga, byahe pauwi, almost 2hrs po, tga cavite kc ako, tpos sa may the fort ung office ko,

    @jerielm
    tingin ko nga rin sir ehh need ko mag 3 times a week na lang.. like ung bngay ko na program ko tpos
    m-w-f na lang, ok lng kya un?

    bout sa sets,
    4 sets, increasing po ung, 15-1st, 12-2nd, 10-3rd, & 8-4th ang reps nun.

    sa kain wla pong problema, sa tulog lang tlga problema ko ehh hehe haaayyyy buhay nga nman prang life =)mga bossing..

    bigyan nyo nman ako ng ok na program ohh khit ung pang 3 times a week or 4 times... =)

    thanks in advance
  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    overtraining talag aabutin mo dun ser, ngayon ko lang nabasa program mo ng mabuti 2x a week kapa kung makapag biceps pero walang lower lke squats

    tangalin mo muna yung mindset na "the more, the better" hindi ganun sa bodybuilding. smart ka dapat dito hehe, kung gusto mo ng frequent at patayan dapat ma meet mo yung demands ng body mo or mabigay mo yung pangangailangan nya dahil sa pag abuso mo sa kanya nyahaha... food and rest me supps ka pa dapat pantulong..

    matanong ko rin ser, ilang exercise gingawa mo sample sa chest or bicep mo ?
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    @jonz so let me guess pagkauwi mo palang ikaw magwoworkout after ng 2 hrs na byahe tama po ba?
  • jonjonzjonjonz Posts: 36
    @jerielm
    so ok nga po ung 3 times a week? nag squats dn po ako.. ksma ng shoulder workout

    sa chest biceps ko
    chest
    bench press - 4 sets increasing
    incline db bench press - 4 sets increasing
    decline bench press - 4 sets increasing

    biceps
    standing BB bicep curls - 4 sets increasing
    preacher curls - 4 sets increasing
    seated bicep curls - 4 sets increasing

    aun po gngwa ko.. sana nman po mbgayn nyo ko ng program sir jer. hehe

    @DSmallDivide

    yup, after nung byahe, phnga lng mga 15 mins.. tpos punta na ako gym,, aun..
  • AirnzahAirnzah Posts: 38
    Agree ako sa mga suggestions. Pinakamaganda mong gawin talaga increase your calories a bit, especially yung protein intake mo. Sa training naman, I think 3 days are enough. Siguro lagay mo na sa off-days mo yung 2. 5x5 type of training is a great idea, as well as HIT type of training. In your case, kailangan efficient yung training mo, & those 2 programs are your best bet.

    Medyo mahihirapan ka talaga sa situation mo. Recovery after all is very crucial. So dapat yung workout mo as much as possible is intense, in a short amount of time as possible. Suggestion ko para talagang efficient ka, focus on compound exercises rather than isolations.

    Also, this isn't really a necessity, but since hectic talaga sked mo, oo taking supps will help. Whey pro ayos na yun.

    Goodluck bro!
  • rugged666rugged666 Posts: 582
    suggest q lng sir, pwede ren after office mo dretso kna sa gym, dpat every workout may baon ka ng whey protein para after workout inum kna agad, tapos byahe ka na pauwi, nkarest kna sa byahe, maligo kna lng tpos dretso na tulog hehe.
  • lastresortlastresort Posts: 1,116
    sir try mo gawing 3-4x a week lang tapos most of your training days lagay mo ng wala kang pasok. tama kasi sila, OVERTRAINING talaga yan 6x a week then almost 5 hours lng tulog mo.. baka instead na magbulk ka ,lalo kang matuyo niyan..

  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Agree ako dito sa mga masters about sa training days and nutrition. At para mas mahaba tulog mo magdala ka na ng gamit pang gym at rumekta ka na matulog ka na lang sa byahe. mas ok na yung isang paguran kesa sa uuwi ka pa tas pahinga tas pagod tas pahinga ule. Diskarte lang yan bro :)
  • rugged666rugged666 Posts: 582
    tama si sir monch, mas mabuti ng dre-dretso yung pagod mo kysa after work-byahe-gym-tulog, mas ok ung after work-gym-byahe-tulog hehe
  • jonjonzjonjonz Posts: 36
    hmmm cgro nga mag 3 times a week n nga langako.. ok kya ung sa m-w-f n lang i-sked ung workouts?

    anu po pla ung 5x5 type? ung HIIT.. un po ung high intensity training dba?

    mga bossing sample nman po ng program for 3 times a week.. =)
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    monching11 wrote:
    Agree ako dito sa mga masters about sa training days and nutrition. At para mas mahaba tulog mo magdala ka na ng gamit pang gym at rumekta ka na matulog ka na lang sa byahe. mas ok na yung isang paguran kesa sa uuwi ka pa tas pahinga tas pagod tas pahinga ule. Diskarte lang yan bro :)

    +100000

    natumbok mo insan where i was going dun sa prev question ko kay sir jonz.

    @jonz this might work better for you, sometimes its a matter of "proper time-management" para mamaximize ung oras mo while doing something since oras ang kalaban mo. I might add as well try looking for a gym nearer sa work place mo kung sakaling sa cavite ka pa nageensayo IMHO para pagka out larga, buhat, then uwi kain then rest. :)
  • jonjonzjonjonz Posts: 36
    @dsmalldivide

    malapit lng dun sa office nmin sir ehh FF at slimmer's world ehh hahaha mahal dun

    hmmm magbaon n nga lang ako ng gmit ko everyday pra pg uwi ko ehh rekta n ko dun sa gym,
  • lastresortlastresort Posts: 1,116
    san ka ba sir nagwowork?
  • jonjonzjonjonz Posts: 36
    @lastresort

    sa may the fort po.. tpos cavite inuuwian ko..
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    @jon

    ako nga ortigas work ko laguna ako umuuwi tas 6pm out ko 9pm close nung gym san ka pa? ahahahaha diskarte na lang talaga yan bro kesa naman magbayad ka ng mahal sa gym pang supplement mo na lang
  • lastresortlastresort Posts: 1,116
    san sa fort? andun ako palagi eh wahahahahaha!!
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Bili ka ng dumbbell tapos mag bicep curls at iba't iba pang curls habang nasa byahe. Hahaha.

    Wala pa din akong alam na maganda at murang gym sa taguig kaya dito na lang ako sa malapit sa opis naghahanap. Sabihan mo na lang ako pag may nakita ka sa fort are na magandang gym haha.
  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    @boss sorry late na reply hehehe ngayon lang naka OL ulit.

    oks na ok yung 5x5 focus ka sa compound tapos train ka 3x a week. yung 5x5 intense but hindi to the point na muscle failure kasi nga 5sets lang per major muscles like chest..

    then try this diba paulit ulit lang naman usually kinkain mo sa isang araw i mean like yung # of cups ng rice etc. na na co consume mo sa isang iraw...

    i try mo i add lahat or total yung na kakakain mo sa 1day, then tignan mo if na me meet mo yung req. macros mo like cal,pro.....
  • jonjonzjonjonz Posts: 36
    @lastresort
    sa jpmorgan ako hehehe

    @jerielm
    sir ano po ba ung 5x5, hmmm cge next week mag start n ko mag 3 times a week na workout, mwf n lng ako. pra tues and thurs pahinga pti weekends..

    mag mass gainer kya ako? hehe
  • ProlevelzProlevelz Posts: 1,162
    5x5 strong-lift - pwede yan ma search sa google da best yan... muscle gainer workout...... :-)
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    jonjonz wrote:
    @dsmalldivide

    malapit lng dun sa office nmin sir ehh FF at slimmer's world ehh hahaha mahal dun

    hmmm magbaon n nga lang ako ng gmit ko everyday pra pg uwi ko ehh rekta n ko dun sa gym,

    sa slimmers ako nagwo-workout thoug a different branch. Not that i;m promoting slimmers but mas mura sa pagkakaalam ko SWI compared sa sa FF rates (last time i checked ha pro FF rates could have changed now), pero wala pa din tatalo sa bakal-gym dun mura talaga hehehe. pwede din yung naisip mo para di maaksaya sa pamasahe at oras. dala ka na alng gamit tapos pagdating mo cavite rekta ka na dun sa gym mo. :)
  • bro, pareho tayo ng situation. madami nakong naisip na ibat ibang paraan to solve the time problem at ito na ang naging solution ko. 5 years ko na ginagawa and it seems to be working good for me. Its up to you kung ok sayo ang ganitong setup. See below.

    Another option is home workout. Madaming advantages pag sa bahay nagwoworkout.
    1. controlled mo time mo at kahit anong oras mong maisipan magbuhat pwede.
    2. You save time sa pagpunta sa gym at pagbibihis. kahit nakapantulog or pambahay na damit pwede magworkout :)
    3. kahit bumabagyo at mahirap pumunta sa gym, hindi problema.

    yun ay kung meron kang extra space sa bahay nyo or kung meron kang sariling kwarto(assuming na di sa 2nd floor at hindi kahoy ang sahig).

    tuwing sweldo unti-unti mong bilhin ang mga necessarry equipments like db bar and long bar with plates, bench and pullup bar na pwede ikabit sa pinto. ayun ayos kana dun. yung ibat-ibang programs pwede na sa ganung mga gamit.

    pag wala kang pasok dun ka mag gym.
  • rugged666rugged666 Posts: 582
    buy ka ng iron gym o p90x pullup bar, nilalagay lng sa pinto, may pang back exercise kna hehe.

  • rotrot78rotrot78 Posts: 1,147
    sir, only you can manage your time. ang advice ko talaga kumuha ka ng gym na malapit sa trabaho mo.. akala mo lang mahal pero worth it naman dba marami dyan slimmers, golds, and fitness.. gumagastos nga tayo ng gadget natin worth 20k.. sabi nga nila health is wealth..
Sign In or Register to comment.