Leaner abs and thinner legs

hi po!

im dj,

newbie po on this community of yours, i came across this site nung nagsearch po ako ng prices ng whey sa cash and carry, via google. ang goal ko po sana is to get leaner abs and thinner legs, kasi for my height (5ft 3in) mejo malaki po ung mga binti ko, if its possible po to make it thinner.

current workout routine:

shoulders
shoulder press, machine
dumbell shoulder lifts (raise)
circular plate lifts(di ko po alam kung pano tawag, ung iniikot po sa head)
deltoid dumbell lifts

chest
bench press
chest pulls
chest press (machine)
inclined dumbell press

back
partial deadlifts
lat pull down
chin ups

legs
squats
leg press(machine)
calf press(machine)
lunges

abs
crunches
leg raises
push ups

cardio
running 30mins each workout day
or stationary bike

as early as now marami na po ako natututunan sa mga threads na nakapost and nagrereply din po ako kung may maisasagot naman po :) hehe, i would greatly appreciate it po if you can share your thoughts about this routine, i've been working on it po for 2mos and so far mas maganda ung improvements ko compared sa previous kong routine na full body workout

supplements:
ON Whey Gold Standard
-- any suggestions po to add up together with this supplement for better results

thank you very much po for viewing my post and for your suggestions.. thanks po!

Comments

  • Ang weird ng gusto mo. Wag mo na lang i train legs mo. O wag ka mg lakad ng 1 buwan, mag wheelchair ka lang payat sigurado legs mo tulad ng friend kung napilayan.
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Welcome bro!

    As suggested madalas ng mga masters dito very good ang SL 5x5 for beginners. Check our workout routines thread for the link.

    Malaki? post ka pics bro. kasi usually pag lumaki na ung upper mo ma co-complement nyan ung lower mo kung malaki nga.

  • Welcome sir. Medjo weird talaga,pero dati may na basa ako sa PBBA na masyado daw malaki legs niya pero mas ok nga yun eh
  • aloy0511aloy0511 Posts: 948
    may mga kilala nga akong ganyan, iwas na lang sa training ng legs. karamihan ng kilala kong ganyan mga nakatayo maghapon :)
  • lichkinglichking Posts: 103
    welcome po boss dj... :)

    ang the best po siguro dyan boss dj is hapitin mo ang workout ng upper body mo para maabutan yung laki ng legs mo...kasi po pag lumiit ang legs po tapos lumaki naman ang upper body mo, saka ka maghahapit ng pagpapalaki naman ng legs...

    kaya hayaan mo lang boss yang legs mo, ang karirin mo boss ay yung upper body mo..

    dami po kaya ditong gustong lumaki ang legs..**isa na po ako dun** :)
  • StannisStannis Posts: 1,377
    May nabasa ako na dapat daw winowork out regularly yung legs para sa production ng growth hormones.

    Palagay ko di pa ganun kalaki legs mo, maliban na lang kung nagdidikit ang calves mo pag naglalakad ka.
  • Noobie12Noobie12 Posts: 648
    Welcome sir dj. Yang dalawa lang po goal nyo sir? abs and legs? Dito sa forum sir we ignore abs unless kung nasa cutting phase kana. Yung upper body nyo sir ayaw mo palakihin. Wait natin mga masters dito kung anu pwede gawin sa legs mo hehe.
  • welcome sir, bka nman po malalaki binti nyo kc mataba? mahahalata nyo nman qng muscle pack yung legs mo.. alam mo bang karamihan sa mga naggym, malalaki sa taas, maliliit sa baba, hehe nakakalimutan ang legs, pero sayu baliktad.
  • mga masters!!

    thanx po sa reply!!

    dati po kasi akong mataba, so mataba po ang legs ko, gusto ko sana magnipis, actually, hindi rin naman ganon kalaki ang upper ko, kaya po sana ang hinahabol ko ay yung upper ko, ayoko kasi sana ng masyadong malaking upper, tamang lean and cuts lang.. will post picture soon.. parang hindi ko ata pwede itigil iworkout ang binti ko, natatakot ako mapalitan nnaman ng taba ang muscles, atleast kasi ngayon mejo dararamdaman ko na ang muscles sa kanya, hindi na malambot at fluffy na parang unan :D thanx po sa reply!!!!@monching

    sir! nakita ko na po ung mga links .. nagbabasa po ako pa unti2 :D
  • sergieeesergieee Posts: 656
    djroxie09 wrote:
    mga masters!!

    thanx po sa reply!!

    dati po kasi akong mataba, so mataba po ang legs ko, gusto ko sana magnipis, actually, hindi rin naman ganon kalaki ang upper ko, kaya po sana ang hinahabol ko ay yung upper ko, ayoko kasi sana ng masyadong malaking upper, tamang lean and cuts lang.. will post picture soon.. parang hindi ko ata pwede itigil iworkout ang binti ko, natatakot ako mapalitan nnaman ng taba ang muscles, atleast kasi ngayon mejo dararamdaman ko na ang muscles sa kanya, hindi na malambot at fluffy na parang unan :D thanx po sa reply!!!!@monching

    sir! nakita ko na po ung mga links .. nagbabasa po ako pa unti2 :D

    pics or gtfo. joke pakita mo samin pic mo para mapayuhan ka ng mga masters
  • may itatanung sana ko syo pero wag na lang..hehehe

  • goodmorning po mga masters :D

    bukas po ako magppost ng pic .. :)
  • lol ano kaya yung tanong na yun hahaha
  • djroxie09djroxie09 Posts: 16
    sorry mga masters di pako nakapagpost ng pic, mejo magulo pa mundo ko.. hehe .. kakagaling ko lang sa colds at unting lagnat .. will update soon :D
Sign In or Register to comment.