Heretic's chaotic diurnalis

2»

Comments

  • ^

    Sa Chowking.
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    eat like a king! ahahah!
  • zanezane Posts: 963
    namiss ko tuloy chowking spicy chao fan at spareribs!!
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    napakadaming food for 1 pax..ahahaha...
  • Medyo nahihirapan na yung wrists ko lalo na yung kaliwa kapag pinupulot ko yung dumbbells para iangat sa bench. Buti dumating na yung power hooks na inorder ko sa bodybuilding.com. Sinubukan ko muna bago namin panoorin yung bampirang kumikinang kapag naaarawan sa sinehan mamaya.

    Chest (clavicular pec focus)/tris/lateral delts

    Dumbell incline press (4lb bars + 1lb powerhook):

    55lbs per hand x 5 reps
    68.75lbs x 5 reps
    83.75lbs x 5 reps
    103.75lbs x 10 reps
    91.25lbs x 12 reps

    PowerHook.jpg

    Medyo mahirap tantyahin sa simula kung saan ko ipupuwesto yung bars & hooks nang hindi masakit sa balikat tapos alanganin pa kung paano kong huhugutin yung dumbbells. Nasanay na kasi akong ipinapadyak pataas kapag galing sa sahig papuntang bench. Sa 3rd set medyo medyo gamay ko na sila.

    Technically, 2.25lbs (1lb hook + 1.25lb plate) per hand ang nadagdag sa top set ko pero nasagad ko sa 10 reps. Ang inaasahan ko mga 7-8 reps lang. Mukhang 2-3 reps ang nababawas kapag pinupulot ko yung weights for 5 sets lol.

    Dumbell incline power flyes:

    65lbs x 10 reps
    57.5lbs x 12 reps

    Overhead ez-bar extensions (12lb bar):

    104.5lbs x 10 reps
    92lbs x 12 reps

    Lateral raises:

    35.25lbs x 20 reps
    37.75lbs x 15 reps
    29lbs x 20 reps



  • bardagulbardagul Posts: 658
    ^wow ok yan ah! ako ksi knee jerk pitaas para ma setup dumbbells. parang hirap nga i-unhook pag ganyan na ka heavy, ingat na lang. gratz sa new gear! :)
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    ahhhh... Christmas came early for you! may laruan ka nanaman ahahah!
  • zanezane Posts: 963
    waw, never heard of that! not until now! astig nyan kaso matagal ko pa kakailanganin yan hehehe
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    wow! nice gear!
  • toysuki07toysuki07 Posts: 1,049
    magkano kuha mo sir sa hook?
  • toysuki07 wrote:
    magkano kuha mo sir sa hook?

    Nasa 2.3k ang kuha ko sa 1 pair, kasama na yung shipping. Highly recommended sa mga lifters na sa bahay nagbubuhat at dun sa mga hindi masyadong tinatablan ng barbell press pero impractical kung may taga-abot naman ng dumbbells sa gym & lumalaki ang chest sa barbell.

    OT: Heads-up para kay admin. Ganda ng bagong layout & logo.

  • New gear day!

    Nagtayo ng garage sale yung kapitbahay namin kanina kasi mag-migrate na sila sa Australia. Karamihan ng tumingin doon sinipat yung dumbbell & barbell bars, plates & toys para sa mga bata. Hindi masyadong pinapansin yung isang inaalikabok na bar na nasa sulok. Nung lapitan ko, wow, hexbar na may price tag na 2.5k! Ang brand new nito sa Ensayo nasa 5-5.3k. Bumili na rin ako sa kanila ng 4x 50lb plates na may dalawang cutaway, 3k o 15php/lb. Matagal-tagal na rin akong walang leg & hip dominant workout kaya masubukan nga.

    Warm-up:

    Picking up and bringing the bar & plates upstairs lol.

    Hexbar (37lbs) x 15 reps
    107lbs x 6 reps
    142lbs x 5 reps
    177lbs x 4 reps
    214.5lbs x 3 reps
    249.5lbs x 2 reps
    287lbs x 8 reps

    Hindi hamak na mas madali siya kaysa conventional deadlift. Mas masarap sa likod, wala akong naramdamang lower back shear & mas madaling lagyan ng leg drive. Hindi rin sumakit yung injured toe ko kasi technically nasa gilid ko yung resistance hindi sa harap. Nawala rin yung "stretch" sa tailbone ko, lumang injury rin.

    Lying leg curl:

    57.5lbs x 5 reps
    72.5lbs x 5 reps
    88.75lbs x 5reps
    110 lbs x 10 reps
    96.25lbs x 15 reps

    Cooldown:

    Naglakad-lakad lang paikot sa subdivision & pabalik dun sa bahay para tumingin-tingin. Sayang nakuha na pala yung ab wheel & micro plates

    Hexbar.jpg
  • ganda ng new gear mo sir, nde sya ung trap-bar na octagonal shape but it definitely works the same. nde ka nga makakaramdam masyadong stress sa back but it definitely is great for leg exercise hehe. ayus yan sir heretic.
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    unti unti mag tatauo na ng sariling gym si heretic!
  • toysuki07toysuki07 Posts: 1,049
    cool ng mga gears ni sir!
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    @heretic

    nice, dadayo ang PBB sa private gym ni boss heretic! Congrats for your new purchase!
  • KyzackKyzack Posts: 1,088
    congrats :D inggit me eheh
  • zanezane Posts: 963
    patesting naman nyan ser! pati yung power hooks hahah!
  • bardagulbardagul Posts: 658
    congrats sa bagong gear!
Sign In or Register to comment.