Creatine by Coach Lance Angelo Decena Diestro

t4g4yt4g4y Posts: 1,944
edited December 2017 in Supplements

Gym Noob 101:

Supplements >> Creatine
Ano po ba yung preworkout na creatine lodi?

unang una sa lahat. Hindi po preworkout ang creatine.
hindi po sya iniinom para gumanda ang performance nyo sa pag increase ng energy at endurance nyo. Hindi po.

Ang creatine ay supplement na nag-dadagdag ng MASS at STRENGTH. Pano? pang replenish/load ng ATP at muscle water retention. Inshort lalakas kayo at lalaki ang muscles nyo.

Meron na tayong creatine sa katawan kahit hindi ka magsupplement. 95% ng creatine nasa muscle 5% nasa puso at nasa balls.
kaya ka iinom ng creatine para pataasin yung natural levels.
Gumagastos ang katawan natin ng 2g of creatine per day.

Gano po ba karaming creatine kailangan ng katawan?
Ang normal na tao, assuming tama kain nyo at wala kayong sakit, may 1.5g to 2g ng creatine per kilo ng muscle.
Ang maximum na kaya i hold ng katawan is 3g per kg.

Yun ang goal ng creatine, para ma max mo yung power output na kaya ng katawan mo.

Formula
3g/kg x (lean mass weight in kg) = max creatine 1g/kg x (lean mass weight in kg) = grams of creatine needed

Sample
3g/kg x 70kg = 210 grams MAX creatine
1g/kg x 70kg = 70grams extra creatine needed.

Pano po ba magtake ng creatine?
5grams/day ang recommended dose ng creatine, AFTER MAGLOADING.
kasi kung walang loading aabot ka ng isang bwan bago maabot yung Max level of creatine.

bakit? kasi nga gumagatos ka ng 2grams per day para lang mabuhay. so kung 5grams a day ka minus 2gram na maintenance, 3grams per day lang naiipon mo.

sample:
70g/3grams per day = 23.33days bago maabot yung goal MAX CREATINE.

dyan papasok si CREATINE LOADING.
sa first 5 days ng creatine use, inaadvise ang loading o paginom ng 15grams to 20grams creatine per day. tapos after 5days, 5grams per day na lang.

Sample:

(15g - 2g daily maintenance) x 5days = 65grams extra creatine in 5 days compared sa 23days mas mabilis mo naabot ang goal mo.

Reminders

Ang creatine HINDI KAYA I-ABSORB NG KATAWAN naturally.
meaning kung ihahalo mo lang sa tubig, walang mangyayari.

Ang creatine naabsorb lang with atleast 50grams of carbs.
pano mo gagawin yun. Ihalo mo sa juice or sa gatorade.
Or inumin mo habang kumakain ka ng lunch or dinner na atleast 1 cup ng rice.

KAYA ALWAYS TAKE CREATINE WITH CARBS

DONT DRINK CREATINE WITH CAFFEINE
bakit? bino-block ni caffeine ang pagabsorb ng creatine.
at nakakadehydrate ang caffeine at creatine.
so wag mo iinumin ng sabay. kasi walang mangyayari mauuhaw ka lang.

Caffeine meaning hindi lang kape, kasama na ang fatburners na may caffeine, preworkouts na may caffeine at mga energy drink na may caffeine.
again wala pong magiging effect ang creatine kung may kasabay na caffeine.

Kelan po ba dapat inumin ang creatine? again ayon sa lahat ng studies. Walang difference kung kelan mo iinumin.
before after or during workout. walang difference. depende na lang kung kelan mo gusto mo mauhaw :)) kasi nakakauhaw sya.
morning na lang para di mo malimutan.
drink when convenient.
basta wag nyo isasabay sa kape.

Iniinom po ang creatine kahit hindi kayo maggygym for the day. bakit? kasi nga gusto nyo maabot at ma-maintain yung creatine level na x3 per kg ng muscle mass.
if titigil kayo bababa ulit yung levels na yun. meaning hihina kayo at liliit ulit kayo.

bibigat po kayo kasi magiipon ng tubig ang muscle nyo. mas magmumuka kayong mas malaki. (2 to 5kg gain)

So far mula ng nadiscover ang creatine nung 1832, wala pang study na nagsasabi na dapat i-cycle ang creatine.
so kung icycyle nyo, nasa sa inyo na yan. bala kayo ang cycle ko lang pagwala ako pambili :))

gymnoob101

Post edited by t4g4y on

Comments

  • Nice explanation bro. For those people asking why di pwede pagsabayin ang caffeine at creatine, conflict po. Para kang nagsasayang ng pera. Caffeine is diuretics, though di naman absolute na bawal ang caffeine at creatine eh.

  • maryanmaryan Posts: 59
    What if po ako mg ggym ngayong araw tapos mg ttake ako ng bcaa saka thermogenics pre workout. Kelan ko pwede inumin yung creatine ko? Post work out? Early morning? Bago matulog?
  • @maryan naka lagay po sa taas na kahit anong oras pwede mo inumin at mas mainam kung sa umaga para di mo makalimutan lalo na kung marami ka na iniinum na supps. paki basa nlng po uli. pero para sakin wag ka iinum sa gabi bago matulog,ihi ng ihi yung naka creatine baka ma istorbo kayo sa tulog
  • maryanmaryan Posts: 59
    Kasi ang sabi sir diba po bawal i take ng sabay yung caffeine saka creatine?Eh yung ibang thermogenics may caffeine po. Tapos ang sabi pa dapat mg take ng creatine with carbs. Kung mag fafasted training po ako pre work out po syempre iinom po ng thermogenics. Di naman pwede ako mag take ng creatine bago mg thermogenics kasi nga fasted training tapos wala pang kinain na carbs. Post work out naman sana pwede i take kase ng carbs na. Kaso ng thermogenics ako pre work out so considered na may caffeine pa rin sa katawan ko nun. Last meal of the day pwede sana. Kaso patulog na ako nun eh paano yan ihi ako ng ihi. Feeding time ko pala is 12 pm-8 pm. Thank you.
    @maryan naka lagay po sa taas na kahit anong oras pwede mo inumin at mas mainam kung sa umaga para di mo makalimutan lalo na kung marami ka na iniinum na supps. paki basa nlng po uli. pero para sakin wag ka iinum sa gabi bago matulog,ihi ng ihi yung naka creatine baka ma istorbo kayo sa tulog
    @maryan naka lagay po sa taas na kahit anong oras pwede mo inumin at mas mainam kung sa umaga para di mo makalimutan lalo na kung marami ka na iniinum na supps. paki basa nlng po uli. pero para sakin wag ka iinum sa gabi bago matulog,ihi ng ihi yung naka creatine baka ma istorbo kayo sa tulog

  • @maryan sabi po sa post na pagkakainintindi ko wag lang pag haluin or pag sabayin sa iisang inuman yung creatine at caffeine,meaning kung pre workout mo may caffeine at post workout mo yung creatine,napakalayo na po ng gap ng oras para po masabi mo na hindi pa rin pwede pag sabayin.

  • maryanmaryan Posts: 59
    Ok ganun po pala. Thank you.
  • you are welcome

  • ok lang po ba creatine I-mix sa premium mass during workout?thanks

  • ok lang..pero depende,meron akong experienced pero sa whey,parang mismatched sila ng creatine. kaya sinubukan ko sa ibang brand at ok naman sa ibang brand. parang nasusuka ako dun sa isang brand ng whey kapag hinalo yung creatine

  • senyorsenyor Posts: 61

    Okay lang din ba e take ang creatine na Tabs? Yung binebenta ni Watsons?

  • I don't generally do the loading and I don't also do creatine in my rest day.

    But I follow the 5g of creatine with my whey and glutamine after workout and additional 100g of carbs.

  • @TryandTry101 said:
    ok lang..pero depende,meron akong experienced pero sa whey,parang mismatched sila ng creatine. kaya sinubukan ko sa ibang brand at ok naman sa ibang brand. parang nasusuka ako dun sa isang brand ng whey kapag hinalo yung creatine

    Uh maybe your creatine has a flavor? I always have the unflavored.

  • wala po flavor, di pko nka try ng crea na may flavor
  • wala po flavor, di pko nka try ng crea na may flavor

    Then I don't know. Based on the number of creatine I tried, wala naman siyang lasa to affect the whey.
  • lol Hindi ko naman sinabi na sa lasa ako nasusuka, Sbi ko pag hinalo sya sa isang brand ng whey pag ininum ko eh para akong masusuka,epekto Hindi lasa. lol
  • Sir 66kg po ako pano mag load nun sir? Ilang grams itatake per day of loading
  • @BoyRhomboids said:
    Sir 66kg po ako pano mag load nun sir? Ilang grams itatake per day of loading

    I never did loading.

    But I take only 5g during workout days.

  • senyorsenyor Posts: 61


    This is what I take. 2 caps a day. 360php lang sa Watsons

  • @senyor mahal masyado. 150 caps for 550php weider creatine
  • senyorsenyor Posts: 61

    @TryandTry101 said:
    @senyor mahal masyado. 150 caps for 550php weider creatine

    Salamat boss. Heto na inoorder ko na

  • boss, what do you prefer, powder or capsules?

  • delalvarez wrote: »
    boss, what do you prefer, powder or capsules?

    powder,Mas cheap at marami and madali ma tunaw,pag Nasa capsule lulusawin pa ng bituka mo yung capsule bago lumabas yung powder.
  • senyorsenyor Posts: 61

    @TryandTry101 said:
    delalvarez wrote: »

    boss, what do you prefer, powder or capsules?


    powder,Mas cheap at marami and madali ma tunaw,pag Nasa capsule lulusawin pa ng bituka mo yung capsule bago lumabas yung powder.

    Kaso kakadating lang ng order ko from lazada ang weider creatine,hehehe

  • senyor wrote: »
    @TryandTry101 said:
    delalvarez wrote: »

    boss, what do you prefer, powder or capsules?




    powder,Mas cheap at marami and madali ma tunaw,pag Nasa capsule lulusawin pa ng bituka mo yung capsule bago lumabas yung powder.





    Kaso kakadating lang ng order ko from lazada ang weider creatine,hehehe

    ok naman yan kesa dun sa euphoria ba un hehehe
Sign In or Register to comment.