Dictionary ng mga Pinoy Bodybuilders

ito mga alam ko at naririnig ko...sa loob ng Parenthesis ibig sabihin sa loob nun ay pag ginamit sa Real Life

Karga = Steroids(Pare kakarga kana?)

Tuyo = Ripped(patuyo kana para makalaban kana)laban ibig sabihin sasabak sa Bodybuilding Competition

Basa = Offseason/Bulky(uyy basa ka ..patuyo kana para makalaban ka..masyado kana tumataba hehe)

kung may alam pa kayo..sige dagdag lang hehehe
«1

Comments

  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    first time ko lang marinig ung basa hehehe.
  • SkkinSkkin Posts: 870
    ako din first time sa basa hehehe
  • AldrinAldrin Posts: 799
    @jeriel and ni ko

    yeah...kaya nga tuyo diba meaning ripped...kumbaga pag opposite basa...narinig ko lang dati yan pero yun pala yun:D
  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    dito yung gamit dito yung para bang basang sisiw means payat
  • AldrinAldrin Posts: 799
    ^ngayon ko lang narinig yan...

    add ko na din ito

    Chicken = Big Upper Body + Small Lower Body
  • HereticHeretic Posts: 78
    Gayot = macho o malaki ang katawan

    Batak = bato-bato o siksik ang pangangatawan

    Kalabaw = malakas na kayumanggi o maitim

    Baka = malakas na maputi

    Kabayo = mabilis tumakbo o "mahaba"

    Mapalikpik = malupit ang lat spread

    Sunog = gamit na gamit ang kalamnan o overtrained

    Chairman = palaging nakaupo sa mga bench o stations, kinakausap ang sarili o nagtetext pero uuwing hindi nagbubuhat.

    Captain Barbell = dumbbells? Pambabae. Machines? Pang-matanda. Para sa kanya, kung hindi lang din barbell ang gagamitin mo, umuwi ka na lang dahil hindi ka "hardkorez."

    Bagyo = mahangin ang dating, pero mukhang hindi nagbubuhat. Marunong kuno pero paiba-iba ng isip. Powerlifter noon, bodybuilder ngayon, mixed martial artist bukas.

  • SkkinSkkin Posts: 870
    hahahahha!!!
    Powerlifter noon, bodybuilder ngayon, mixed martial artist bukas.
  • AldrinAldrin Posts: 799
    Heretic wrote:
    Gayot = macho o malaki ang katawan

    Batak = bato-bato o siksik ang pangangatawan

    Kalabaw = malakas na kayumanggi o maitim

    Baka = malakas na maputi

    Kabayo = mabilis tumakbo o "mahaba"

    Mapalikpik = malupit ang lat spread

    Sunog = gamit na gamit ang kalamnan o overtrained

    Chairman = palaging nakaupo sa mga bench o stations, kinakausap ang sarili o nagtetext pero uuwing hindi nagbubuhat.

    Captain Barbell = dumbbells? Pambabae. Machines? Pang-matanda. Para sa kanya, kung hindi lang din barbell ang gagamitin mo, umuwi ka na lang dahil hindi ka "hardkorez."

    Bagyo = mahangin ang dating, pero mukhang hindi nagbubuhat. Marunong kuno pero paiba-iba ng isip. Powerlifter noon, bodybuilder ngayon, mixed martial artist bukas.

    tawa ko dito sa Binold kong sulat hahaha....

  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Captain Barbell = dumbbells? Pambabae. Machines? Pang-matanda. Para sa kanya, kung hindi lang din barbell ang gagamitin mo, umuwi ka na lang dahil hindi ka "hardkorez."

    LOL'd hard on this HARDKOREZ!!!!!!!
  • hahahaha nakakatawa to ha
  • Mr.Pogi = palakad-lakad at puro tingin sa salamin at nagaayos ng buhok.
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    pwede bang imbento lang na tawag??me naimbento lang ako..ngayon ko lang nabansagan..

    meron na ba kayong nakasabay na MACHO DIVA??

    yung mga bumubuhat na naka todo yung volume ng headset ng player nila tapos sinasabayan yung kanta..bumibirit pa..without knowing anlakas na ng boses sa gym..

    yung last kong nakasabay "SOMEWHERE DOWN THE ROAD" pa kinakanta..nagygym iyun sounds??!!ahahaha..not sure kaninong rendition yung kinakanta nya kung original o revival na..ahahaha
  • ProlevelzProlevelz Posts: 1,162

    ahahahha di pa naman ako nakakita dito sa amin hehehe,.. siguro meron yan.... tapos an laki pa ng katawan - bwahahahhaa... (an lakas ng boses) hehehe

    meron na akong nakita may headset pero di naman siya kumakanta-kanta,..
  • toysuki07toysuki07 Posts: 1,049
    donbuh wrote:
    pwede bang imbento lang na tawag??me naimbento lang ako..ngayon ko lang nabansagan..

    meron na ba kayong nakasabay na MACHO DIVA??

    yung mga bumubuhat na naka todo yung volume ng headset ng player nila tapos sinasabayan yung kanta..bumibirit pa..without knowing anlakas na ng boses sa gym..

    yung last kong nakasabay "SOMEWHERE DOWN THE ROAD" pa kinakanta..nagygym iyun sounds??!!ahahaha..not sure kaninong rendition yung kinakanta nya kung original o revival na..ahahaha

    LOL! meron din ako nakakasabay sa gym na ganyan.. Bumibirit tas sinasabayan pa ng air drums / tinatambol yung bench lalo na pag yung kanta ay 'Two become one - Paul Gilbert ver.
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    lol! yung may ari ng gym namin kumakanta with matching sayaw pa "jumbo hotdog kaya mo ba to" wahahahah!
  • AldrinAldrin Posts: 799
    Aldrin wrote:
    ito mga alam ko at naririnig ko...sa loob ng Parenthesis ibig sabihin sa loob nun ay pag ginamit sa Real Life

    Karga = Steroids(Pare kakarga kana?)

    Tuyo = Ripped(patuyo kana para makalaban kana)laban ibig sabihin sasabak sa Bodybuilding Competition

    Basa = Offseason/Bulky(uyy basa ka ..patuyo kana para makalaban ka..masyado kana tumataba hehe)

    Gamot = Steroids(Anong Gamot gamit mo?)

    kung may alam pa kayo..sige dagdag lang hehehe

    ito lang talaga yung mga ginagamit nila at alam nila na Dictionary..then the rest yung mga sinabi nyo di ko na naririnig yan at di nila ginagamit yan:D

  • zanezane Posts: 963
    meron dito samin SCREAM-O tawag. nyeta 1st rep palang, kung makahiyaw kala mo nanganganak. lahat ng reps un ha! badtrip.
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    ^ malaki ba yan? anong hitsura nyan?
  • toysuki07toysuki07 Posts: 1,049
    zane wrote:
    meron dito samin SCREAM-O tawag. nyeta 1st rep palang, kung makahiyaw kala mo nanganganak. lahat ng reps un ha! badtrip.

    Ilang lbs naman yung buhat sir? :huh:
  • KyzackKyzack Posts: 1,088
    ahahaha yan ung nakwento mo na nag su-super wide grip no?! ahahah! ung grip eh nasa lalagyan na ng mga plates. gusto mamatay. ahaha peace :)
  • ProlevelzProlevelz Posts: 1,162
    Cheat Mode = Steroids............ hahahaha
  • lastresortlastresort Posts: 1,116
    sa min meron kaming mga tinatawag na PULPOL. Ung tipong nakapagbuhat lang ng halos 1 week andami ng alam hehehehe at nagmamarunong na.. buti kung tama eh.
  • zanezane Posts: 963
    milksworth wrote:
    ^ malaki ba yan? anong hitsura nyan?
    mas malaki pa ko kay scream-O
    toysuki07 wrote:
    zane wrote:
    meron dito samin SCREAM-O tawag. nyeta 1st rep palang, kung makahiyaw kala mo nanganganak. lahat ng reps un ha! badtrip.

    Ilang lbs naman yung buhat sir? :huh:
    pag sa military press yata 35 35 pag sa bench 55 55
    Kyzack wrote:
    ahahaha yan ung nakwento mo na nag su-super wide grip no?! ahahah! ung grip eh nasa lalagyan na ng mga plates. gusto mamatay. ahaha peace :)

    tumpak!! anyabang pa maglakad ni gago, pag makakasalubong mo papuntang drinking station, makipot yung daan, so by instinct tatagilid ka para makadaan kayo pareho. aba ang lolo mo parang naghahamon, ayaw tumagilid babanggain ka nya talaga pag di ka tumagilid. Walang galang! madalas nya ginagawa sa mga newbie. subukan nya sakin pipilayan ko sya.
  • KyzackKyzack Posts: 1,088
    ahahha ur bayolent!! dapat gentle lang sir! gently lift a plate then hampas mo sa ulo nya ahahhaha peace :D
  • rotrot78rotrot78 Posts: 1,147
    Heretic wrote:

    Bagyo = mahangin ang dating, pero mukhang hindi nagbubuhat. Marunong kuno pero paiba-iba ng isip. Powerlifter noon, bodybuilder ngayon, mixed martial artist bukas.

    hahaha!! maraming ganito sa gym namin.. next year boxingero na yan..
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    lastresort wrote:
    sa min meron kaming mga tinatawag na PULPOL. Ung tipong nakapagbuhat lang ng halos 1 week andami ng alam hehehehe at nagmamarunong na.. buti kung tama eh.

    Tama! nakakabadtrip ung mga ganyan lalo na ung mag grupo na nauna lang siya ng 1week kala mo alam na niya lahat
    Prolevelz wrote:
    Cheat Mode = Steroids............ hahahaha

    I don't agree with this, before I used to think na shortcut to pero hindi ka magiging mamaw w/o hardwork and dedication.

    zane wrote:
    milksworth wrote:
    ^ malaki ba yan? anong hitsura nyan?
    mas malaki pa ko kay scream-O
    toysuki07 wrote:
    zane wrote:
    meron dito samin SCREAM-O tawag. nyeta 1st rep palang, kung makahiyaw kala mo nanganganak. lahat ng reps un ha! badtrip.

    Ilang lbs naman yung buhat sir? :huh:
    pag sa military press yata 35 35 pag sa bench 55 55
    Kyzack wrote:
    ahahaha yan ung nakwento mo na nag su-super wide grip no?! ahahah! ung grip eh nasa lalagyan na ng mga plates. gusto mamatay. ahaha peace :)

    tumpak!! anyabang pa maglakad ni gago, pag makakasalubong mo papuntang drinking station, makipot yung daan, so by instinct tatagilid ka para makadaan kayo pareho. aba ang lolo mo parang naghahamon, ayaw tumagilid babanggain ka nya talaga pag di ka tumagilid. Walang galang! madalas nya ginagawa sa mga newbie. subukan nya sakin pipilayan ko sya.

    Wow, imba yabang nun ah! yang mga ganyan ung masarap banatan eh hehehehe peace!

  • KyzackKyzack Posts: 1,088
    ahaha tara puntahan naten! jowk :D
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    sama natin si sir milk, rotrot, bardagul, skkin, jerielm, last at si dalton!!!wahaha
  • bardagulbardagul Posts: 658
    ^ sa'an rambol? hehehe!

    cheat mode = vicky belo :P

    @zane, eto ba yung mga laging naka lat spread? parang may pigsa sa armpits? tawag ko dun mr. crab hehehe!
  • lastresortlastresort Posts: 1,116
    LOL Mr. CRABS!! yun ung mga tipong nagkabukol lang ng konti feeling malaki na agad hehehe
Sign In or Register to comment.