New member from Baliuag Bulacan

Hi , Im Maloy .

Nag start po ako ng serious na bodybuilding last August 2013 . Serious bodybuilding in a sense na nag combine na po ako ng supplements for assistance sa recovery ng muscles and added nutrients na din .

When I started , I was weighing 230 lbs . 180 lbs na ako today , isang malaking tulong sa pagbabawas ko ng body fat at pinoybodybulding forum , dito ako nag search ng info about supplements ... I would like to share an experience that happened to me before learning about supplements with the guidance of this forum.

Swerte ako at may gym ang opisina namin at aside from dumbells, may mga heavy duty ding machines dito and equipments . Dito ko nameet ang nag introduce ng supplements sa akin (August 2013) . Nahikayat ako na bumili sa kanya ng Mutant Mass . Ang claim nya that time, may kaibigan daw sya na uuwi galing Canada at maguuwi ng 15 lbs na mutant mass, maghati daw kami . Huwag daw ako susubok na bumili ng supplements dito sa pinas dahil mga fake daw. Dahil may tiwala ako sa taong yun dahil dati syang naging employee under my wings , napapayag nya kong mag try ng supplements at ... Guess what ? Magbayad ng 2400 PHP para sa 7.5 lbs (kalahati ng 15 lbs ) na Mutant Mass . DUmating ang order namin at since nag taxi yung nagdeliver , hiningan nya ko ng extrang 100 php . Lahat lahat naging 2500 PHP na ang 7.5 lbs na mutant mass. Bago matapos ang isang buwan, papaubos na ang mutant mass naming dalawa, saktong 4 scoops na lang ang natitira ng sinabihan nya ko na " Boss , padating na yung tatay ng kaibigan ko galling canada, order tayo ulit ng mutant mass" , nag isip isip na ko kung bakit sakto na papaubos ang mutant namin ay saka naman may uuwi ulit galing sa canada... Dito ako ng simulang magresearch sa presyo ng supplements, at dito ko na nga nakita ang pinoybodybuilding forum , and I learned na ang 15 lbs pala na mutant mass ay nagkakahalaga ng .... 2500 php .

To cut the story short, ipinakita ko ang website sa "taong" yun at sinabi ko na mura lang pala ang mga supplements sa cash and carry , pinilit nya ko kumbinsihin na gawa daw sa semento ang mga gainers sa cash and carry . Pero hindi na ko naniwala this time. Nagpabili ako ng Mutant mass at ang una kong ginawa ay hinaluan ko ng lupa at tubig at itinapal ko sa pader ng bahay namin . Naglagay p ko ng isang scoop ng mutant mass sa plato at binalikan ko sila pareho pagkaraan ng 12 hrs... Dyaraaan, mutant mass pa din sila at hindi tumigas...

Sa CnC na nanggagaling mga supplies ko ngayon . At sana ay maging lesson sa iba ang karanasan ko , huwag magpapaloko at magresearh muna bago maniwala kahit sa mga taong kilala natin ng basta basta.

magandang araw (o gabi) sa inyong lahat at sana ay welcome din ako sa forums na ito.

Salamat po.

Comments

  • welcome bro! buti ganyan ka dumsikarte at naging wise ka. dami kasi na bago pagdating sa supplements pero imbes na magresearch at subukan ang product e puro reklamo muna.

    gawa ka ng journal :)
  • MaloyMaloy Posts: 582
    not quite sure how to even start a journal sir I however appreciate the kind words sir badass vinch :)
  • punta ka lang sa "personal journals"

    http://pinoybodybuilding.com/Forum-Personal-Journals

    create ka new thread. yun ang magiging diary mo dito, training & diet, nutrition, lifting stats, supplements at kahit anong gusto mo :)
  • MaloyMaloy Posts: 582
    Oh, got it chief.
    After ng office hours susubukan ko makagawa nyan .

    I am following the Max OT principle

    Thanks for the warm welcome and tutorials as well sir :)
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    seriously ginawa mo sa mutant mass yun? lol!
  • MaloyMaloy Posts: 582
    milksworth wrote:
    seriously ginawa mo sa mutant mass yun? lol!

    Opo sir. I wanted to check kung semento nga yun . At least may justification ako nung nakipag usap ako dun sa nagbenta sa akin dati ng mahal na mutant mass na hindi sya gawa sa semento pag nabili sa CnC.

    Well, ang sinagot nya sa kin that time " AH Baka gawa sa gatas " @_@ , anyway , hindi na nag jigym sa opisina namin yung involved na tao dito kasi ang pagkakaalam ko hindi pa sya ulit nakakabenta ng mutant mass na galing " Canada"

    Share ko na din yung Gym namin dito sa Dell Eastwood plus Selfie na din :)2uq2aes.jpg
  • CoreCore Posts: 2,509
    Maloy wrote:
    ..."Nagpabili ako ng Mutant mass at ang una kong ginawa ay hinaluan ko ng lupa at tubig at itinapal ko sa pader ng bahay namin ."...

    :undecided: Lumapad ba yung bahay?
  • MaloyMaloy Posts: 582
    Sir, pagbalik ko malambot na mutant mass pa din @_@
  • CoreCore Posts: 2,509
    LOL.
    Anyway, welcome to the PBB community. Yung journal mo sir?
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    ganda ng gym nyo!
  • MaloyMaloy Posts: 582
    milksworth wrote:
    ganda ng gym nyo!

    opo sir, im blessed to be an employee of the company :)


    @ Sir Badass and Sir Core

    gawa na po

    http://pinoybodybuilding.com/Thread-Maloy-s-journal?pid=109266#pid109266
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    welcome sa PBB sir! :) dami talaga tayong matutunan dito sa PBB :) Pero LOL talaga sa ginawa nyo sa MM bilang pampalitada ng pader! hahaha :)
  • MaloyMaloy Posts: 582
    Tmx sir eman, hehe, ntatawa na lang dn ako ngayn s paraan para mpatunayan n d semento un.

    See you around d2 sa forums :-)
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    Me likey GYM!!! swanget ng gym sa office, puro dumbbell lang buti sa inyo may "heavy duty machine" .

    Anyway, welcome sir! napatawa mo ko sa Introduction mo! hahah!
  • MaloyMaloy Posts: 582
    Thank you sir, natatawa din ako till now pag naaalala ko yan LOL
  • MaloyMaloy Posts: 582
    Core wrote:
    LOL.
    Anyway, welcome to the PBB community. Yung journal mo sir?

    Sir core, hindi ko alam kung ano ang nagawa ko pero nab ura yung conversation natin sa Journal section.. Anyway just fyi of my innocence hehe
  • CoreCore Posts: 2,509
    Maloy wrote:
    Core wrote:
    LOL.
    Anyway, welcome to the PBB community. Yung journal mo sir?

    Sir core, hindi ko alam kung ano ang nagawa ko pero nab ura yung conversation natin sa Journal section.. Anyway just fyi of my innocence hehe

    Dinelete mo kasi yung sagot mo sa tanong ko, plus inedit mo yung intro mo. Misleading na yung post ko dahil doon kaya tinanggal/nilinis ko na rin. Don't worry sir@Maloy, sinadya ko talaga 'yun para mas bago yung journal. I-edit niyo lang yung first post kung gusto niyong may intro sa journal niyo.
  • MaloyMaloy Posts: 582
    Core wrote:
    Maloy wrote:
    Core wrote:
    LOL.
    Anyway, welcome to the PBB community. Yung journal mo sir?

    Sir core, hindi ko alam kung ano ang nagawa ko pero nab ura yung conversation natin sa Journal section.. Anyway just fyi of my innocence hehe

    Dinelete mo kasi yung sagot mo sa tanong ko, plus inedit mo yung intro mo. Misleading na yung post ko dahil doon kaya tinanggal/nilinis ko na rin. Don't worry sir@Maloy, sinadya ko talaga 'yun para mas bago yung journal. I-edit niyo lang yung first post kung gusto niyong may intro sa journal niyo.

    Thanks, journal updated.
Sign In or Register to comment.