Kidney donor ako, i need advice on supplements intake :)

Hello to all the masters to this forum, Im so happy i found this pinoy body building site. This is super informative.

Gusto ko lang sana malaman kung ano anong mga supplements maganda kong itake since isa na lang kidney ko. Sabi naman ng doctor ko pwde naman ako mag whey, damihan ko lang tubig ko. E pano kung isabay ko pa yung BCAA, CREATINE, GLUTA at AMINO. Ok pa kaya? Hindi pa ko nakaka pag pa check up para maitanong to, pero usually kasi sasabihin nila hindi kasi hindi naman nila alam mga sinasbi kong supplements kaya dito na lang ako magtatanong sa mga experienced.

PLEASE HELP. :)

Comments

  • RockcenaRockcena Posts: 603
    welcome to pbb! whey at creatine ka nalang tas tubig tubig tubig
  • hahaha! sige, yan din yung sabi sakin sa isa pang thread. thanks bro!
  • BarakoBarako Posts: 120
    Hindi ako doctor pero maganda yata mag dag dag ka ng kidney support supplement like:

    * Kidney Cleanse
    * Kidney Flush etc.

    Para kahit papano may support ka sa kidney may tutulong sa pag filter ng mga toxics etc. sa katawan mo, suggestion lang naman medyo marami yata yan plano mo itake para sa isang kidney boss. Wait mo si sir braso din maraming alam sa supplements and proper intake, Marami ka matutunan at base sa experienced. Try mo din mag consult sa sports clinics.

    Hope this helps.

    Regards.
  • YatezYatez Posts: 2,745
    ^idol!!!!!!!!
  • bro tnx ah, san ba alam mong sports clinic? mukang yan nga kelangan ko
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Sa moro lorenzo sa may HS ng ateneo meron yun ang pinaka alam kong okay na dedicated sa sports
  • BarakoBarako Posts: 120
    bro tnx ah, san ba alam mong sports clinic? mukang yan nga kelangan ko

    Wala ako alam diyan sa philippines boss try mo mag search sa yahoo philippines baka may lumabas na malapit sports clinic, Galing ako sa doktor kanina nag pa check up ako, Tinanong ko sa doktor yan case mo, Creatine, Bcaa,Amino etc. medyo matapang daw yan pero ok lang daw isabay yan in a certain period of time tapos tinanong ko ilang mos ba pwede? ang sabi not more than 3 months. Like nga din sinabi ko mag take din daw ng kidney supplement para tumulong linisin ang kidney while taking these supplements.

    Pero try mo pa din mag consult sa sports clinic diyan to make you feel comfortable while you taking these supps.

    PS: Bago ko makalimutan alak, soda, sigarilyo, salty foods iwasan mo daw bro sabi nung doctor, kala nga ako yun bakit daw ako nagpapalaki katawan hehehe, Japanese kasi.

    Good Luck.

    Keep Safe.
  • @barako PARE SOBRANG SALAMAT! NAPA LAKING TULONG NG MGA TINANONG MO SA DOCTOR! Ill definitely do what you said! thanks talaga. Honestly wala kasi akong oras or tamad lang talaga ko mag effort mag pa check sa sports clinic, kasi natatakot din ako. Kaya im trying to justify what im doing sometime.

    THanks alot bro!
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    @baraks

    brah, anong klaseng doktor ung pinagtanungan mo? sports specialist ba?

    Kung sa general practitioner siguro dito sa pinas tinanong yan goodbye supps malamang
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    ^ Yup kung general practicioner wala masiyado masasagot na matino for us bodybuilders.
    Pwede siguro yung nasa linya ng kidney, liver etc.. ewan ko kung anong tawag sa kanila.

    I'm in doubt sa amino, bcaa na matapang daw kapag pinagsabay sabay.
    Nakukuha naman natin kasi yang mga amino acids na yan sa meats, milk, egg etc.
    Galing lang din naman sa milk yang mga yan lalo yung amino supps.
    Just my opinion.
  • BarakoBarako Posts: 120
    @barako PARE SOBRANG SALAMAT! NAPA LAKING TULONG NG MGA TINANONG MO SA DOCTOR! Ill definitely do what you said! thanks talaga. Honestly wala kasi akong oras or tamad lang talaga ko mag effort mag pa check sa sports clinic, kasi natatakot din ako. Kaya im trying to justify what im doing sometime.

    THanks alot bro!

    Yw bro.. Medyo mahirap nga sitwasyon mo pero the important thing is naghahanap ka ng option o way para mapanatili mo healthy ang sarili katawan mo saludo ako sa iyo diyan, Marami nga mga kumpleto walang mga sakit pero kung patayin ang sarili sa bisyo alak, sigarilyo, drugs etc. Wala naman impossible kahit gaanyan ang case bro lahat ng bagay may sagot nandiyan lahat ang resource nasa atin lang kung pano natin gagamitin.

    Tiyaka hindi naman delicate situation yan I believe its just a matter of deep research and keeping yourself safe, kahit naman kumpleto pa kidney mo kung gagawin mo mali ang pag take ng supps ei wala rin pinagkaiba sa isa.

    Medyo ingat lang sa pagkain bro. Medyo picky ang situation mo....More water Intake..
    wag mo lang hayaan na gutom ka while taking these supps.

    God Bless..

    sir monsching.

    Sports Clinic.

    Uu kung sa general practitioner bye bye supps kasi hindi na sila mag aaksaya ng oras para pag aralan ang mga ingredients ng mga supps though hindi naman dun ang concentration ng practice nila. Although you can ask them how to make your kidney healthy. (Ways etc). Pina check up ko lang kasi yung dati ko sprain sa paa, Kumikirot na naman kasi kapag lumalamig ang panahon dito.
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    +1 ako ke allen and baraks.

    Keep it simple na lang and alam mo na naman condition mo and you already know the do's and dont's

    @baraks

    Mag winter na nga pala jan. Anjan esmi ko ngayun hehe.
  • BarakoBarako Posts: 120
    Talaga bro, Punta ka na din dito... Dito naman tayo mag group work out. hehehe.
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Uu every year 3 months siya jan padala ng company. Wala ako balak mag abroad. Pero japan pangarap ko talaga kung sakali hahaha. Sabi ko nga hanapan kame ng work for good jan eh lol. Pero baka next year mga ber months pumunta ako pag nakaipon ng pamasahe pasyal lang.
  • thanks sa replies and support, il definitely keep it simple. Maayos naman diet ko, sa breakfast at lunch lang ako nag rrice. tapos half rice pa, minsan wala pa. Sa gabi naman after gym, grilled chicken fillet ako lage or fish fillet. Minsan sinasamahan pa ng gulay at corn ng ermats ko. Sa weekends lang ako nagkaka problema, pag nagkakayayaan na lumabas barkada ko :(
Sign In or Register to comment.