Martial Artist turned bodybuilder

I started bodybuilding kasi niyaya ako ng kaklase ko na 3 years ng naggygym. Nung una I just did it kasi baka madisappoint yung kaklase ko pag tinanggihan ko siya. But later on naging serious na din ako dito.

When I first started, yung braso ko mas maliit pa sa forearms ko ngayon.(Pics ko noon sa gilid yung kasama si AQ wala kasi ako pic noon na nakahubad) Nung nagbebench ako natatawa sakin kaklase ko kasi wala pang plate yung bar pero hirap parin akong magbench.. tapos di pa pantay yung pagtutulak ko sa bench. Tapos yung bicep curls ko yung 5 lbs na dumbell inaaalalayan ko pa yung forearms ko kasi nga sobrang payat ko noon

Pero nung tumagal, mga 1 month na ako nun, I started to see some improvement in my lifts and in my physique. Kahit mga kaklase namin napansin nila ang paglaki ko. Paano ba naman biglang sumikip ang polo ko. Kaya binilhan ako ni mama ng bagong polo. Hahaha.

Dun na ako nagsimulang magpabili ng supplement. 2lbs ON whey pinagkakasya ko sa 1month. Bawi nalang ako sa pagkain. Grabe bago ko nakumbinsi si mama na bilhan ako ng whey andami ko pang ginwang paliwanag mula sa kung anu ba yung whey at anu ba yung mga benefits ng pagtatake nito.

As a student, medyo mahirap din isabay ang bodybuilding sa pag-aaral. Lalo ngayon, next school year, 4th year college na ako at magte thesis at capstone na kami. Bukod doon, syempre magastos eh magkano lang ang baon ko. 150 pesos. Yung 50 pamasahe, 50 lunch tapos yung natirang 50 yun ang pambili ng multivitamin, extra joss at iba pang pangangailangan,

Yun hanggang ngayon motivated parin naman ako kasi gusto ko talagang maging kasing katawan si Derek or Paulo Avelino hahaha. I hope maachieve ko rin yun pagdating ng panahon :))

Comments

  • YatezYatez Posts: 2,745
    Anong martial arts mo bro
  • Yun nga rin sana itatanong ko. IN.
  • JettieJettie Posts: 3,763
    You started BB'ing at the weight of 120 lbs with that pics with AQ.. then you mean, on that weight you are doing MMA?

    Buti kinakaya mo yung endurance dun? I was in trainign din before sa MMA hanggang wrestling lang ako dahil hindi ko kaya pabagsakin yung nagtuturo sakin due to mahina strength ko at papel de liha pa ko nun.
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Jettie may mga weight division naman ata hehe, ano ba pinaka mababang division? Ultra light ba o super light weight?
  • JettieJettie Posts: 3,763
    Flyweight division. 125 lbs yung lightest pero dapat solid maskels un hehe.. kundi papaliparin ka lang ng kalaban mo due to

    MMA yun eh. hehe
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,471
    Depende sa training din yung mma. Ang dami nageenrol dyan pero trip trip lang parang boxing din. Iba ang serious na mma training. So far yung kapatid ko seryosong mma talaga ang pinasok at sakit ng katawan ang hanap. Yung tenga nya parang cauliflower na at recently almost matangal yung daliri nya sa paa kakasipa. Ewan kung psno yung binalik ng doctor.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Ang question ko ano ba ang requirement para maging o tawaging "martial artist"?

    Gaya kasi ng sabi ni Vinch maraming nageenrol jan na trip trip lang, may mga iba kasi naka 1 o dalawa, o mga limang session lang ng training ng MMA e martial artist na daw sila.

    :)
  • JettieJettie Posts: 3,763
    oo, lahat talaga ng MMA fighters naka cauliflower ears na basta nakapasok na sa amatuer fights hehe.. siguro kapatid mo may mga fights na.

    Ako self def lang talaga balak ko dun. basta marunong ng basics rak na. hehe

    Pero literal hindi ko rin nagamit dahil wala naman ako kaaway o yumayari sakin in terms of magagamit as self defense hehe

    @allen

    ako hindi ako mma figher, kahit nag enroll ako dyan noon, eh hindi naman ako fuma fight para maging fighter lol
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Walang hiya kayo hahaha
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Ok naman sana e, may goal ka, may plan ka, muka din namang nagseseryoso ka sa pagsisimula sa bodybuilding dahil nakikita ko na yung motivation mo unti unti on how to wisely spend your allowance.

    Ang payo ko lang sayo wag ka muna bumanat ng mga kung ano anong mababasa mong articles lalo na kung yung article na yun refers to normal persons or those who don't even exercise. Kasi expect to get bashed or questioned by some of our experienced members here.
    Hindi din lahat ng nababasa natin ay applicable sa lahat ng klase ng tao.

    Iba kasi talaga kapag pinasok mo na ang bodybuilding.
    Magandang simula magbasa, pero mas maganda simulan i-apply yung mga nababasa mo sa sarili mo para makita mo ang resulta. Wag matakot mag risk, kasi kung mapupush back ka dahil may nabasa ka, you'll never learn and progress.
    Trial and error talaga to. Basa ka din ng mga journals dito I'm sure marami kang mapupulot.

    :)
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,471
    Lumaban na nga sya once pa lang at panalo sya. Not sure kung anong event yung competition na yun. Swerte ka na mabigyan ng laban sa daming aspiring athletes ngayon.
  • Kempo Karate. Mahirap naman talaga sa umpisa, naalala ko nga nung first training ko after 30mins nahilo ako sa sobrang pagod sa training kaya kunwari nagpaalam ako na mag ccr haha.

    Sa katagalan nasanay dn ang katawan ko. Hnd ako naggygym nun. Pero sa training namin may ibat ibang klase ng push up, sit ups etc.

    2 years straight ako nagtraining pero ngaun focus muna sa gym. Balik training nlng cguro ako pag magpapacuts nako :)
    allen101 wrote:
    Ok naman sana e, may goal ka, may plan ka, muka din namang nagseseryoso ka sa pagsisimula sa bodybuilding dahil nakikita ko na yung motivation mo unti unti on how to wisely spend your allowance.

    Ang payo ko lang sayo wag ka muna bumanat ng mga kung ano anong mababasa mong articles lalo na kung yung article na yun refers to normal persons or those who don't even exercise. Kasi expect to get bashed or questioned by some of our experienced members here.
    Hindi din lahat ng nababasa natin ay applicable sa lahat ng klase ng tao.

    Iba kasi talaga kapag pinasok mo na ang bodybuilding.
    Magandang simula magbasa, pero mas maganda simulan i-apply yung mga nababasa mo sa sarili mo para makita mo ang resulta. Wag matakot mag risk, kasi kung mapupush back ka dahil may nabasa ka, you'll never learn and progress.
    Trial and error talaga to. Basa ka din ng mga journals dito I'm sure marami kang mapupulot.

    :)

    I guess you're right. Sguro nagkamali nga ako dun sa gnawa ko. Maybe I should stick on whats proven rather than relying on theories and random facts. Sorry bout that guys.
Sign In or Register to comment.