How to lose chest fat

Ask ko lang sa mga Pros and Experts dyan..

I want to build my chest pero may chest fat pa rin ako, actually halos maganda na ang katawan ko the only problem left is my man boobs (ok ang upper part ng chest ko pero ung lower part ay mejo patusok)

marami na akong nabasa na topic sa google at karamihan, ang sinasabi nila ay weight training sa chest part (barbell press, dumbbell, push ups)

Gusto ko po sana malaman kung makakatulong ba ito para mawala ang chest fats ko?
at ok lang po ba mag jogging sa hapon? 8 am kasi ang pasok ko sa umaga.
gusto ko kasi sana mag dagdag ng Sprint - push ups workout kht 2-3 x a week lang para makatulong lalo sa pagkawala ng man boobs...

Please give your opinions.. Thanks
«1

Comments

  • nako ako din parehas tau problema ung sakin nakikita ko na ung muscle definition ng ibang muscle ko pero pag dating sa chest ganun din patusok ung lower part at pati sa may underarms may taba pero medyo chubby din kc ako sana sagutin to ng mga masters :))
  • Barbell Flat Bench Press
    Barbell Incline Bench Press
    and DIPS! DIPS! DIPS!
  • well tama yung mga workouts na nabanggit mo for chest but the real key to lose that fat is to lower your body fat percentage in short proper diet and add more lean mass para mabilis masunog ung fat. anu na ba current stats mo sa pressing movements? (bench press and Db press)
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Welcome!

    But if you would lower your body fat you would also or may loose muscle mass.
    71kgs para sa 5"10 ay payat para sakin.

    Btw I also have those bitch tits. At least ikaw, maliit yung tiyan mo.Hehehe.
  • @allen thats a given especially if bara-bara na klase ng pag cut ang gagawin mo you defnitely lose lean mass. kaya important ang heavy lifting even on a cut. because it will let you keep lean mass as much as possible while burning fat, plus lean mass boosts your metabolism. so the more lean mass you have the more fat you'll be able to burn.

    next solution na lang nun eh spot reduction w/c belo, calayan, obagi and cathy valencia can do hehehe
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Yup. I agree. What I meant sa reply ko para sa kanya, kasi kung magcucut na siya sa physique niya ngayon baka hindi niya magustuhan kalabasan.

    Yung sakin naman feeling ko tuloy yung nasa maintenance lang ako dahil hindi naman masiyado bumaba poundage ko minsan nakakapg set pa nga ng PR hahaha. Kapag ako nagkapera papa tangal ko na tong suso ko HAHAHAHA
  • Well yes i would agree on that part mukhang mangangayayat ng todo si sir since hindi pa ganon kadami ang pondo nya ng lean mass kaya tama plang din na magbuhat sya as heavy as possible to trigger muscle growth (BANZAI!!! to heavy as weights :P)

    hahahaha kung taba lang naman yan eh kayang kaya mo tanggalin yan, tingnan mo si fafa dalts for sure may ganyan din sya nung mataba pa sya.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Yeah u'l be shredded soon brah!

    lol
  • May nabasa ako sa bodybuilding.com na pag mababa na ang body fat percentage mo tapos may manboobs pa rin kahit todo diet at exercise na, high chance na glandular gynecomastia daw yun. I hope im wrong and hindi glandular gynecomastia yan.
  • Ah pag ganun na that's definitely gyno and operation na lang talaga ang option mo dun w/c i hope not hehehe
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Sorry sa TS naging man boobs topic na tuloy itong journal.
    But anyway, since how to loose chest fat naman title nito, tuloy na natin..

    Ano ba senyales ng gyno? Nung grade 6 kasi ako sumakit dodo ko e, parang babaeng nagdadalaga. Sa sobrang libog ko siguro nun sa pagtaas ng testo ko tumaas din estrogen ko lol. Tapos lumaki na siya.. So gyno nga kaya ito?

    Kahit nung payat pa ko mayroon na ito e, although hindi ganun kahalata ndi gaya ngayong nanaba na ko
  • As far as i know pag may nakakapa ka na matigas na gland sa dibdib mo eh yun an yun. pero pag wala eh taba lang talaga sya.
  • allen101 wrote:
    Sorry sa TS naging man boobs topic na tuloy itong journal.
    But anyway, since how to loose chest fat naman title nito, tuloy na natin..

    Ano ba senyales ng gyno? Nung grade 6 kasi ako sumakit dodo ko e, parang babaeng nagdadalaga. Sa sobrang libog ko siguro nun sa pagtaas ng testo ko tumaas din estrogen ko lol. Tapos lumaki na siya.. So gyno nga kaya ito?

    Kahit nung payat pa ko mayroon na ito e, although hindi ganun kahalata ndi gaya ngayong nanaba na ko

    If i remember correctly,, through pinching action mo makakapa yung glands. Kapag kay nakapa na matigas yung two fingers mo, then it could be a case of glandular gyno.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Sa nipple ba? Maliit lang?

    Napapisil tuloy ako dito wahaha
  • Iba iba ang severity ng gyno. Yung iba sa nipples lang, merong umaabot na halos nagsasag na sa sobrang severe. I think sa may nipple part mo siya dapat simulan kapain kasi mostly na nakikita kong pictures sa nipple part ang pinakaumbok.
  • Salamat sa reply mga sir, as you can see po dun sa picture,, OK na ung upper part ng chest at nararamdaman ko na may muscle na ito,, pero pag dating sa lower chest part mejo may muscle n rin pero andun ung taba sa may nipples na nagccause ng slight na pag tusok nya...:arghh:

    ang problema ko na lang talaga ay itong man boobs, I have these since high school,, mataba kasi ako nung elementary then nagpapayat ako nung High school, tapos tumaba ako ulit nung 4th year college tapos nag papayat ulit ako.. ngayon po ay sigurado na ako na gusto ko ma build ang katawan ko kasama ang pag kawala ng man boobs.. para makapag hubad ako pag nag beach kami this summer. ^_^

    Sa ngayon po mga sir gusto ko po sana malaman ano po ba ang dapat ko gawin?
    •Mag cardio? plano ko 10meter dash tapos push up to failure?
    •ok lang ba mag jogging sa hapon?
    •Mali pa po ba ung Diet plan na ginagawa ko?(See on the left side) More on protein diet kasi ako ngayon 50g++ a day
    •ano po bang workout ang pwede ko idagdag para mawala ang man boobs?

    Thanks!
  • JettieJettie Posts: 3,763
    nung binabsa ko to napapisil tuloy ako sa mala suso ng nagdadalaga kong dodonate! hehehe...
  • wew! ung nakapa ko sa chest ko parang ung nakakapa ko din sa tyan ko :) sana fats lang un :)
  • rotrot78rotrot78 Posts: 1,147
    asan yung porma?? dont mind the boobs, it will follow.. just lift, for chest dips will help, wag ka magmadali, malayo pa lakbay natin, always motivated! okies!
  • rotrot78 wrote:
    asan yung porma?? dont mind the boobs, it will follow.. just lift, for chest dips will help, wag ka magmadali, malayo pa lakbay natin, always motivated! okies!

    Sensya na sir Panget ang camera ko cellphone lang kasi di masyado kita.:lol Salamat sa tip sir,, Oo nga dapat di ako mag madali sa result,, halos 2 months pa lang ako nag ggym..
  • emon02emon02 Posts: 700
    onga mejo pointed sya, sana ndi sya gynecomastia kasi surgery lang daw sabi ni google lolz. i know yung moobs ko kasi fatsss lang ahaha.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Salamat sa reply mga sir, as you can see po dun sa picture,, OK na ung upper part ng chest at nararamdaman ko na may muscle na ito,, pero pag dating sa lower chest part mejo may muscle n rin pero andun ung taba sa may nipples na nagccause ng slight na pag tusok nya...:arghh:

    Hindi rin po ako payat kung makikita nyo sa picture, may porma na rin ang bicep,tricep,shoulder at upper back ko, (hindi naman po sa pagyayabang pero madalas po ay napagkakamalan akong model), ang problema ko na lang talaga ay itong man boobs, I have these since high school,, mataba kasi ako nung elementary then nagpapayat ako nung High school, tapos tumaba ako ulit nung 4th year college tapos nag papayat ulit ako.. ngayon po ay sigurado na ako na gusto ko ma build ang katawan ko kasama ang pag kawala ng man boobs.. para makapag hubad ako pag nag beach kami this summer. ^_^

    Sa ngayon po mga sir gusto ko po sana malaman ano po ba ang dapat ko gawin?
    •Mag cardio? plano ko 10meter dash tapos push up to failure?
    •ok lang ba mag jogging sa hapon?
    •Mali pa po ba ung Diet plan na ginagawa ko?(See on the left side) More on protein diet kasi ako ngayon 50g++ a day
    •ano po bang workout ang pwede ko idagdag para mawala ang man boobs?

    Thanks!

    Honestly sir hindi ko makita yung pormang sinasabi mo sa "bicep,tricep,shoulder at upper back"

    "Mali pa po ba ung Diet plan na ginagawa ko?(See on the left side) More on protein diet kasi ako ngayon 50g++ a day"
    50+g a day is not considered as "More on protein".
    Masiyado pa nga mababa yan.

    Lift heavy, complete your macros, rest properly and everything will follow.
    Pero hindi in an instant ah. It's loooooooooooooong process......

    Goodluck!

    Salamat sir sa tips, :sport: Senxa na po at di talaga kita sa picture di kasi maganda ang camera ng cellphone ko.. gaano katagal ung long process sir? mga 8 months to 1year ba?
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Malinaw naman yung picture.

    Years and years brah...
  • same here. malinaw ang camera mo, maganda ang ilaw, no definitions. all i can see is a slim guy thats all,

    and besides 1month palang ang training mo, hindi po ganun kadali mag body recomposition, matagal po yan, years ang binubuno ng mga bodybuilders.

    regarding your fat chest. parang gyno nga yan.
  • FYI: IBA PO ANG " MALINAW " NA PICTURE SA " MALIWANAG " NA PICTURE :duh:
    pakitingnan po ng maayos

    OK sige para wala na pag talunan, Di ko na ipipilit sa inyo, kung sa tingin nyo wala,, eh di wala, kung hndi nyo makita OK Fine. ilang beses ko nanaman sinabi na Hndi maganda ang camera na gamit ko kaya malinaw ang picture. picture lang naman yan eh at-least alam ko sa sarili at ng mga taong nakakakita at nakakakilala sakin na totoo ung sinasabi ko. :yahoo:

    Hindi naman PICTURE ANG TOPIC DITO so bakit kailangan paulit ulitin ung sa picture :duh:
    TIPS at GUIDANCE PO ANG KAILANGAN KO HINDI ANG KOMENTO SA PICTURE ko hindi po ito Facebook :duh:

    Maraming Salamat dun sa mga nag reply na nagbigay ng tips at hindi kinuwestyon ang picture Mabuhay kayo! :P

    baket ka nagagalit? ano gusto mo sabihin namen! wow ganda? lake ng katawan mo?

    sinasabi namen yang regarding sa chest mo, eh kung magagalit ka sa comment ng mga tao eh wag ka mag post ng pic mo at mag tanong dito,

    sinasabihan ka na nga kung ano mga dapat mong iimprove at gawen at bguhin.

    may pa duh duh ka pa ah.AT FYI DIN! kahet anong angulo pa ng picture na yan, kung may korte ka may korte ka. ehdi sana inedit mo ung pics mo nag photoshop ka muna para may korte na sinasabi mo,
  • eh ano gusto mong sabihin ko? malabo? eh malinaw naman talaga ung picture mo. oh ayan oh ang linaw! with flash pa nga eh.

    baket ayaw mong nasaabihan ka ng ganyan? walang porma? walang korte? ayaw mo sasabihan ka ng negative?

    eh nag base lang ako sa sinabi mo na ok na kamo katawan mo may porma ka na, so sinabi ko sayo na wala pa kulang pa, at 2months? gusto mo maganda na agad?

    wag kang magagalit kung may sasabihin sayong ganyan take it as a challenge as a goal. hindi puro positive maririnig mo,

    regarding jan sa chest mo eh kulang pa nga mass nya, at pointed ung chest mo pdeng gyne nga yan gaya ng sabi ng iba,

    kung ayaw mong masabihan, mapuna at mabigyan ng suggestions, eh wag ka mag tanong, wag ka mag post sa public forum,

    duh duh hin mo pako? oh eh ano gusto mo?
  • JettieJettie Posts: 3,763
    Sorry if you take my post here as a epal or whatsoever..nagaaral din kasi ako from each and everyone's journal to make myself better or learn my mistakes from what the heck I am doing wrong.. So here's my observation as a lurker and learner on this post.

    Here's the exact phrase na pinost mo about sa porma..
    Hindi rin po ako payat kung makikita nyo sa picture, may porma na rin ang bicep,tricep,shoulder at upper back ko, (hindi naman po sa pagyayabang pero madalas po ay napagkakamalan akong model),

    They replied na they don't seen any forms or whatsoever you called it syempre iba pa rin sa personal, there's nothing wrong on it.. kahit ako sa journal ko iba yung post ko at iba rin sa personal na nakikita ng tao pero all critics they posted were taken positively sana..

    Sa kanila kasi matagal na sila dito sa game na ito so they know what went wrong or what is right as per their POV against yours.

    You ask, they share, you post, they comment, you seek, they advise..

    Mas gusto ko lagi yung approach ni sir dalton, pranka, walang paligoy ligoy.. Si sir allen naman what he sees , he comments and advise.. Yun lang naman sakin..

    Mahilig lang ako sa forums to learn everything from it whether bodybuilding, technical stuffs, gadgets, sales, para maging dagdag sa pang araw araw na petiks sa opis kaya ganito medyo umeextra..
    Pasensya n po..

    Again, sabi nga ni sir monch "Rome wasn't built overnight"

    Si Luffy hindi nagkahaki ng 1 araw.. 2 years pa...at yung crew niya lumakas after 2 years..

    Si Gohan naging super saiyan dahil pumasok pa sya ng silid ng kaluluwa't panahon :)
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Kaya pinupuna kasi para mabigyan ka ng tips na para sa case mo, ayun yung purpose ng pag puna. At payat ka pa talaga sir, kasi kung sa tingin mo ay malaki ka na, ano pang sasabihin mo dito?

    20121130_191820.jpg

    http://pinoybodybuilding.com/forum/Thread-ReSorT-s-WorLd
  • exactly my point. malinaw oh hindi ang pics kung may korte ka may korte ka, all im saying is i dont see a model physique sa pics, wala din ako makita na korte,

    lahat ng sinabi ko eh base sa post nya. lolz. regarding sa chest nya, all i can say is. kulang pa sa mass, and parang gyne nga ung sa lower at pointed pa cya.
Sign In or Register to comment.