Jay's Journal

kamusta po sa lahat ng mga members dito...halos isang buwan na rin akong nagbabasa basa sa forum ng site na to at sobrang dami kong nalaman at natutunan kaya nagdesisyon na rin akong gumawa ng journal at maging isang active na member sa grupong ito...

sana mapagtyagaan niyong basahin ang journal ko kasi may kahabaan ito at gusto kong maishare sa lahat ang mga pinagdaanan ko...salamat in advance sa magtyatyagang bumasa...

Nakakahiya man sabihin pero 4years na akong nagbubuhat pero kung makikita nyo ang katawan ko masasabi nyong hindi kapani paniwala dahil minimal lang talaga ang development, pero sa kabila nun hindi pa rin nawawala ang gana ko sa pagbubuhat at ang pag asa na mararating ko din yung goal ko...

Nung magsimula akong magtrabaho nung march 2008 ang katawan ko ay payat na may konting tyan,hindi ko ako sigurado pero nasa 60kgs ata ako nung mga panahong yun...may bisyo na ako mula 13years old pa lang ako,inom at sigarilyo...lumala un nung nagkatrabaho ako at unti unti akong lumobo pero hndi naman sobra (lumaki lang talaga ang tyan at tumaba ng konti)..dun na ko nagdecide na magGYM...nung sinabi sakin nung instructor na dapat tanggalin ko ang sigarilyo kinabukasan din tinanggal ko ito at hanggang ngyn hindi ko binalik ang bisyong yun at laking pasasalamat ko sa bodybuilding dahil sya lang ang nakatanggal ng bisyo kong yun na matagal ko ng gustong matanggal...

bale sa loob ng 3 years karamihan ng ginawa ko ay tingin ko ay puro mali kaya ang development ko ang bagal...6x a week ako kung magworkout...twice a week ko kung iworkout ang isang body part ko at kulang ang dalawang oras sakin...sa isang body part halos gawin ko lahat ng exercise sa pagaakalang pag ginawa ko yun mas mabilis gaganda ang katawan ko..lahat ng bago kong mababasa sinusubukan at ginagawa ko...full body workout ginawa ko rin...kaya ang hirap ng walang nagtuturo kasi sa gym namin ung instructor tuturuan at tutulungan ka lang pag bumili ka ng supplements sa kanya na doble ang presyo (kawawa naman ung mga baguhan sa gym na naloloko nya)...umabot din ako sa punto na naisip ko magsteroids na lang dahil may mga kakilala akong gumagamit nun at ang ganda ng resulta...mabuti na lang at hindi ko ginawa at wala na kong balak subukan...hanggang sa lumipat ako ng gym at sa kakabasa unti unti akong natuto ng mga tamang gawin para marating ung goal ko...sa totoo lang matagal ko ng nababasa na walang kwenta ang pagbubuhat kung hindi maganda ang nutritional plan mo at rest mo,pero hndi ko pa rin to pinapansin kahit na alam kong tama yun...umabot din ako sa punto na ang dami kong supplements na sa totoo lang hindi ko naman alam kung ano ang purpose ng mga ito dahil lang sa nakikita ko itong ginagamit ng iba...pero wala pa rin ganun kagandang epekto...nagsayang lang ako ng pera...

hanggang sa lumipat ako ng bagong gym na naman at nagsimula ulit...pero sa pagkakataong ito mas may nalalaman na ko at unti unti na kong nakakakita ng pagbabago pero konti pa rin...dahil sa sa nutrition pa rin ang problema ko at alam ko yun...

at nakita ko ang site na ito at sa matagal na pagbabasa ang dami kong natutunan...napakasimple lang pala...kung gusto mong lumaki "caloric surplus"...kung gusto mo magparip "caloric deficit"...isa rin kasi sa naging problema ko hindi ako makapagdecide kung ano ba talaga ang gusto ko...minsan gusto ko lumaki tpos after a month gusto ko magparip...natutunan ko dito na kailangan talaga ng pasensya at magfocus sa isang goal muna...

at ngayon decided na ko sa goal ko...magpapabulk muna ako hanggang december at pagdating ng january magpaparip na ko...sana ito na talaga yung tamang daan para marating ko yung goal ko...pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga pinagdaanan kong pagkakamali kasi yun ang nagpatibay sakin at hanggang ngayon nandito pa rin ako at focus pa rin sa pagbubuhat at hindi nagsasawa...kung dati goal lang,tpos naging passion...ngayon lifestyle na...

maraming maraming salamat sa site na to at sa lahat ng members na kahit hindi nyo alam e natulungan nyo ko...sana marami pa kong matutunan dito at sana ako rin makatulong din sa inyong lahat...mabuhay kayong lahat at ang PBB...

Comments

  • rotrot78rotrot78 Posts: 1,147
    welcome sir!!! marami pa dyan sir basa basa ka lang pag may tanong ka post ka lang sa QA thread natin.. kape ka muna sir? juice? hehe feel at home!!
  • rotrot78 wrote:
    welcome sir!!! marami pa dyan sir basa basa ka lang pag may tanong ka post ka lang sa QA thread natin.. kape ka muna sir? juice? hehe feel at home!!

    salamat sa pagwelcome sir...mas lalo tuloy akong ginanahan magworkout dahil sa site na to...maraming salamat...
  • Welcome bossing! Ipagpatuloy mo lang yan at be patient. Basa lang ng basa at iapply mo rin natutunan mo. :)
  • Welcome bossing! Ipagpatuloy mo lang yan at be patient. Basa lang ng basa at iapply mo rin natutunan mo. :)

    salamat ng marami...actually bagong simula talaga ang plano ko ngayon...pero this time pagtutuunan ko na ng pansin ang nutrition at ang rest ko...salamat sa pagwelcome sir...
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    Welcome bossing! Ipagpatuloy mo lang yan at be patient. Basa lang ng basa at iapply mo rin natutunan mo. :)

    salamat ng marami...actually bagong simula talaga ang plano ko ngayon...pero this time pagtutuunan ko na ng pansin ang nutrition at ang rest ko...salamat sa pagwelcome sir...


    good luck sayo sir..marami ka talaga matututunan dito..
  • jcumali008 wrote:
    Welcome bossing! Ipagpatuloy mo lang yan at be patient. Basa lang ng basa at iapply mo rin natutunan mo. :)

    salamat ng marami...actually bagong simula talaga ang plano ko ngayon...pero this time pagtutuunan ko na ng pansin ang nutrition at ang rest ko...salamat sa pagwelcome sir...


    good luck sayo sir..marami ka talaga matututunan dito..

    salamat sa lahat...marami pa kong gustong malaman at matutunan at alam ko malaki ang maitutulong ng site na to at ang mga members...salamat...
  • mga sir tanong ko lang po...bakit hindi po ako makapagpost or makapagcomment sa ibang threads? marami sana akong gustong itanong e...thanks...
  • new posting rule - new members need to reach req. post count (10) in order to post to other forums.

    Ito ata ang dahilan sir.
  • new posting rule - new members need to reach req. post count (10) in order to post to other forums.

    Ito ata ang dahilan sir.

    10 post dito sa journal ba sir?
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    update mo lang journal mo...
Sign In or Register to comment.