inquiry
jasonpogi
Posts: 23
mga idol, may tanong lang ako regarding sa diet ko. ung gf ko kasi kasabay ko kumain everyday. as in almost 24/7 kami magkasama, same kasi ng work eh. ang problema ko, pag kakain sya, syempre kakain din ako. parang hindi ko masundan ung no rice or fish lang + egg or any healthy food. so ang kinakain ko anything lang na available sa canteen (lutong bahay: adobo, sinigang na baboy, etc) pero 1 rice lang. tapos sa bahay paunti unting buhat ng 20lb dumb bells. combination ng mga exercises (whole body) iniisip ko pagpawisan lang ok na. makakatulong kaya tong pababain ang weight ko (i am 5'9" @ less than 180lbs)/ mag gain ng muscles? ung food intake kasi talaga ang problem ko eh. ung work out sa gym, madalas kasi gabi na rin nakakauwi at wala nang bukas na gym kaya pinipilit ko magbuhat at pagpawisan kahit papaano dito sa bahay.
i need some suggestions mga idol. gustong gusto kong maging lean ang muscles ko although hindi ko naman plano maging HULK. ung tipong maganda lang tingnan ung damit pag suot ko, ok na sakin. pero siguro in the future pag nakuha ko na ung figure na gusto ko. puro taba ako at malaki talaga ang tiyan! waist is 34 (below belly to ha)!
pic from ipod, sorry malabo
i need some suggestions mga idol. gustong gusto kong maging lean ang muscles ko although hindi ko naman plano maging HULK. ung tipong maganda lang tingnan ung damit pag suot ko, ok na sakin. pero siguro in the future pag nakuha ko na ung figure na gusto ko. puro taba ako at malaki talaga ang tiyan! waist is 34 (below belly to ha)!
pic from ipod, sorry malabo
Comments
Hit the gym, count your calories and macros
Welcome!
so ibig sabihin ba sir dapat lumamon lang ako ng lumamon at magbuhat ng mabigat?
@all
kulang nga talaga ako sa cardio sir, kanina nag swim kami at tnry ko straight freestyle from point to point ng pool na mahaba at hiningal talaga ako @_@
So beginner ka sa mundo ng pag papaganda at papa-healthy ng katawan.
First.. may goal ka na which is to lose that fat of yours and gain a bit of muscle along your journey. That is good na may set goal ka na. Unang step into motivation na din yan.
Second, you have to influence your GF into living a healthy life. Kung ayaw niya, ikaw baguhin mo sarili mo. Yaan mong maging un-healthy or tumaba ung GF since choice nya yun (im serious here). Need mo din ng tulong kung sino man ang nagluluto sa bahay mo.
Third, wag ka muna ma confuse sa mga bilang ng pagkain na kakainin mo. Start with healthy food choices and the way its cooked (grilled, steamed, boiled). Hindi naman siguro lahat ng canteen prinito ang luto.
Meal timings din dapat maayos mo kahit na pahirapan sa schedule mo lalo na sa pagkain ng sangkatutak sa gabi tapos sabay tulog..
Sa portioning.. medyo toxic ang counting of calories to start with.. pwede mo simulan ng konting bawas this week, konting bawas next week.. until you get more knowledgeable about your body’s caloric needs based on your goal... makaka adapt ka na sa food intake mo.
Fourth, madaming means para maging active kahit wala kang access sa gym. hindi ka naman pwedeng mag heavy heavy kagad kase baka ka ma injure.. Ang daming home workout sa u-tube kayang kaya mo gawin anytime.. meron din mga program na may increase resistance/intensity to keep you progressing.
Fifth, wag ka muna mag nais mag supplement.. ayusin mo muna pagkain mo ng whole food.
Kung seryoso ka talaga sa goal mo. Magagawan mo ng paraan… hindi mo nakuha ung katawan na yan overnight.. hindi din siya mag babago overnight (even more nights..) Kahit na anu pang advice, suggestion, recommendation and ibigay sayo dito o sa ibang forum, kung hindi mo kaya mag bago, walang mangyayari. Hindi panandalian lang ang pagpa healthy ng katawan o pag kamit ng katawan na gusto mo.
Tyaga lang at ulit ulitin ko --- gawin ang pagbabago ng daily activity and food/drinks intake mo.
salamat sir, pagaaralan ko muna kung pano gagawin ko, onting research pa para makatulong
@braso
sir pano kaya un, pag puro lutong bahay nasa canteen (tinola, adobo, sinigang) ung luto dun, ok lang kaya un?
anung problema dun? wala ka bang makukuhang sustansya sa tinola? sinigang? hindi ba may protina din ang manok at baboy? may gulay ka pang kasama. As for adobo, depende sa luto. Meron kasi priniprito nila ung manok or baboy.
ang bodybuilding hindi lang sa pag kain ng mga steak steak.. konting browse pa sa mga masustansyang pagkaing pinoy bro. malalaman mo kung anu ang pwede mong bawasan or pwede choice kainin sa canteen niyo.
eat in moderation, exercise beyond satisfaction
^^
THIS! +10000000
ayos pala sir e! akala ko kasi, sa mga nabasa ko dito ang mga kinakain ng karamihan puro itlog, steamed breast chicken, peanut, peanut butter and more. wala akong napansin namga lutong bahay or putahe ang kinakain.akala ko lang kasi, pag prito o mga lutong bahay, nakakadagdag ng sobrang taba sa katawan. kaya napaisip tuloy ako. sinisimulan ko nang mag diet eh, 1cup of rice lang hehe
maraming salamat mga idol!
i am 5'9" @less than 180lbs, at ayon sa software na gamit ko (my fitness pal), para makabawas ako ng 2lb per week, dapat ang daily calorie intake ko ay around 1290 (ang target ko kasi ay around 160lbs, ok kaya itsura ko neto o mukhang patpatin? ala-piolo kasi type kong body eh.) eto po ang mga tanong ko:
1. ok lang kayang mas mababa sa 1500 ang calorie intake ko for a day? may nabasa lang kasi akong blog na dapat at least 1500 ang calorie intake ko para healty pa rin
2. ok lang ba na mag 2-3 rice ako SA ISANG MEAL PER DAY PERO sinisigurado ko na hindi ako lumalampas sa daily calorie intake ko?
3. o kailangan equally divided ang calories ng meal ko (1290/3 considering that I eat 3x a day?)
4. I started going to the gym for two weeks now. HINDI AKO TUMATAKBO (walang treadmill) ok lang kaya na walang cardio? liliit pa rin kaya ung tiyan ko kahit puro weight lifting lang? (i am not into growing too much muscles, looking good for body fit shirts na hindi namumutok ok na)
5. bakit kaya minsan parang hinang hina ako magbuhat, considering na kakatapos ko lang naman kumain, at may rice pa un, 1/2 cup + ulam
i hit the gym 3x per week, at most. MWF.
kung pwede, sana ung mga sagot may explanation din para naman maintindihan ko din hehehe
maraming salamat mga idol!
2. what rice??be specific...
3. are you sure 3x a day meal??how about snacks? food in between meals??
4. ok lang wala pero it's a must..be specific on your goal..lumiit ang chan??maging lean??anu ba tlaga gusto mo??one at a time..hindi in just a snap..PIOLO body like!!!
5. mindset!
pwede na ba yan syo??explain pa??
@[Noobie12] B10P kelangan expertise mo kapag hindi pa ok..hehehe
Hindi lahat ng nasa internet ay tama.
sa gabi lang ako madalas nagrrice. medium grain, 1 cup. pero pag kasama ko gf ko, madalas napapalamon ako eh, more than 2 cups pa minsan.
about sa snacks, siguro pinaka snack ko ay ung 3-in-1 choco drink ng cadbury (160 calories.) katamad kasi lumabas ng office para bumili ng food. minsan nagbabaon din ako peanut butter sandwich (gardenia na hindi wheat bread, un kasi ang available sa bahay) talagang monitored ko ung kinakain ko e. minsan lumalampas ako sa 1290 calories, around 1800 siguro.pero minsan lang naman un.
ang goal ko kasi ngayon sir, paliitin muna ung tyan ko at tanggalin ung "man boobs." muscles will come along naman eh. kung makikita mo ung pic ko sa page 1 ng thread na to, baka tawanan mo ko ehehehe
siguro nga sa mindset lang ung pagod. pero feeling ko kasi minsan parang hindi ko maiangat ung dumb bells, kahit 20 lb each arm. (front and side raise) parang kapos sa hininga at feeling weak.
ung explanation naman inexaggerate ko lang, baka kasi may mga terms na bago sakin kagaya nung mga macro. bago sa pandinig ko kaya napatanong ako dati kung anu un heheh
maraming salamat boss! nga pala, importante ba ung oras ng pagkain? pag nagugutom naman ako, parang natitiis ko naman eh, para lang hindi lumampas sa daily calorie intake ko. at minsan kasi, pakiramdam ko gutom pa ko. pag gabi bago matulog, kumakain pa ko ng mansanas, pero isa lang naman.
magsasawa ka din sa pagpapaliit ng chan..kusa syang liliit kapag bumaba yung bf% mo..
@[daltonkamote] - kelangan ka dito..hehehe