The Rants thread (for all your ranting needs.)

1232426282941

Comments

  • allen101allen101 Posts: 5,102
    buti sa inyo ds daming bench, samin kasi nagiisa lang hahaha. Pwede mag bench dun sa cage, kaso baka magalit naman sakin mga magssquats haha
  • JettieJettie Posts: 3,763
    rant...

    Force OT... parang nakaka asar na pag hindi ka makapag GYM lol! Yung hindi ka ready mag OT dahil absent yung kapalit at pwersang OT...

    Pero pwede naman ipagpabukas pero ganito feeling ko pag di ako makapag buhat.. hahaha nakakaurat
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    buhat mo na lang ung upuan at desktop :P
  • JettieJettie Posts: 3,763
    haha buhatin ko na lang yung crush kong TL ! hahah
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    pwede! i "dawn zulueta" mo LOL! :P
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Malaysian re-sellers fucking envious and spreading rumors to Filipino suppliers that I'm pulling down the prices that's why I'm selling more than them in their own turf! Hahaha
  • CoreCore Posts: 2,509
    Business BSness, isa sa mga last resort nila kapag natatauban na sila...
  • noelnoel Posts: 304
    haay...you can't really please everyone....at least doing good yung business ni Sir Mighty...

    Rant ko....more than 3 weeks di nakabuhat sa dami ng trabaho, stress, puyat and not to mention kung anu-ano pang problema...sabi nga "when it rains...it pours"

    got to lift yesterday....ayun...minus 10 lbs uli...DOMS today :-)
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Binuksan ko ulit yung Xtend BCAA ko na ginagamit ko nuon during my fasted workouts sa IF. Pero after nun matagal tagal ko na siyang hindi nagamit.
    Then naalala ko lang bigla kanina, tinignan ko baka nagbuo buo na buti naman at hindi pa.
    So naglagay ako sa shaker ko then binaon ko sa gym.

    Sa locker room..

    Habang nilalagyan ko ng tubig yung shaker ko sabi nung nakakita..

    "N.O. yan?" - I think ang tinutukoy niya ay N.O. Xplode, kala niya siguro pre-workout supplement.

    Sabi ko "BCAA lang po, iniinom ko siya habang nagbubuhat ako"
    Tinanong ko na lang din kung ano yung ininom niya. Creatine daw.

    Then......

    Siya : BCAA dapat after workout yan e.

    Ako:"ahh..bale ang iniinom ko po after workout ay Whey"

    Siya : Ang Whey kasi dapat post-workout yun iniinom e.

    Siya : Ang BCAA dapat after workout yan, ang whey dapat pag uwi mo na, mga 30-40mins, before meal.

    Ako.. Ahhhh............ tango tango na lang

    Technically pwede naman talaga BCAA after workout.
    But who the hell is this guy?
    I felt like he's saying "You're doing it all wrong boy"

    So I wonder bakit nakalagay sa tub ng Xtend "Intra workout"

    11ifjmt.jpg

    mccju0.jpg
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    lol dapat sinalpak mo sa mukha nya yung info sa label! the hell with supplement timing bro science!
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    bcaa is pre-intra-post pwede inumin, lol yan
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Sa susunod nga para gusto ko dalhin yung tub e tapos pag pinansin pa "talk to the tub"

    Kung kahapon I doubt na mangyari yun kasama ko ba naman si monstrous milk ewan ko lang kung may mag wanna be guru pa sakin nun lol.
  • JettieJettie Posts: 3,763
    di pa ko nakaka gamit ng BCAA pero as a IF user when doing fasted training need to use BCAA talaga.. pero sa post ni boss allen about dun sa guy..

    Baka mag troll face na lang ako din hehe
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Watch how brilliant those two doctors are especially that Dr. Ramon Severino of the Philippine Pediatric Society.

    Anthony Taberna: Meron po ba kayong maipapakita (proof) Dr. Severino?

    Dr. Severino: Makikita po natin kung kayo po ay nag goo-google, i-google nyo lang po. Di na po natin ire-reinvent (transalation: wala kasi kaming alam kaya i-google nyo na lang ang importante kasi nababawasan ang kita namin kaya dapat itigil na yan)

    Anthony Taberna's Final Notes:

    -Kailangan pong makita ng publiko ang isang KLARONG pag aaral ukol sa sangkap nito at hindi po maaaring boka lang.

    -Sabi nga ni SOCO, Siyensiya at Ebidensya

    -Ipagbawal po ang pagbebenta ng sigarilyo, LAHAT ng klase ng sigarilyo at una ninyong awatin ang PRESIDENTE sa paghithit ng sigarilyo.

    -Ipagbawal na din ang lahat ng masama sa kalusugan Beer, Mamantikang French Fries, Nakaka diabetes na soft drinks at pati na yung ibang doctor na MAGKAKASAKIT KA SA LAKI NG HINIHINGING BAYAD!

    FTW!!! hahaha
  • kulafu25kulafu25 Posts: 292
    hahahah oddly enough i used to do that a lot way back though i still do every now and then whenever nobody needs the cage. if somebody needs it of course i'll give way and let them use it not like the other guys that when they see in you in mirror approaching the cage they'll have this look " i'm curling so i own the cage" :P

    buti pa kayo sir nagpapaubaya, ako naexperience ko last saturday lang, ginawang bench press workout yung sa squat rack, akala ko nung una saglit lang kaya ok lang,... ayun tinapos niya lahat, flat, incline, decline kasama na din ang dumbell workouts kumpleto din,flat,inlcine, decline...3 ang bench press dun sa gym, available naman yung 2... Hindi pa talaga natinag kahit 2 na kami nagaantay sa squat rack....:angry:
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Rant :


    2vl2pzp.jpg


    Matatagpuan ang storya sa PBB Group Workout Schedule
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    uy ako yun ah! pati na yung kups na pt nasa background ahahaha!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    The size men.... the size......

    Braso mo lang yata yan boss e kaya na jelly jelly sayo.... ahahaha

    Hahahaha.
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    uy wag mo namang laitin "the master trainer" yan! wakekekekek!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Master of asia pa yata yun? WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
  • JettieJettie Posts: 3,763
    master of kaartehan sa katawan lol..

    Sama ako dyan sir tapos mag DL ako bagsak ko hahaha... tapos magkalat ako chalk! hahaha
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    PT parang tanga heheh kanya na yung gym n yun n bubulok na. sigurado nag xxtra service siya dun sa katabing spakol ng gym. takot siya kasi bka mawalan siya ng client dhl sa katawan ni boss milk haha
  • Pansin ko lang, ang daming maangas sa gym (buhat) kumpara sa martial arts dojo. Daming egos regarding sa bigat ng buhat mo o itsura ng katawan mo, regardless kung powerlifting man o bodybuilding ang program. Isa pa, yung mga maangas sa mga gym, mostly yung mga payat o matataba, not necessarily yung mga magaganda na katawan o malakas magbuhat (although meron rin a few rotten apples sa grupong yan). Sanay ako sa martial arts gyms to be among humble and friendly people. Kahit na alam mong kaya ka nila saktan, balian o possibly mapatay pag nagspasparring kayo. Sa martial arts kasi, lalu na kung grappling like Judo, Wrestling and BJJ where I train, 99% of the time you spar with someone and get up close and personal kaya wala na yung maangas na tinginan, pakiramdaman o passive-aggressive hirits na you get from non-confrontational environments i.e. gym. Para sa mga meat heads who think being strong in the weights room translates into being a fighter, subukan nila mag roll sa BJJ at gamitin lakas nila. Baka 1 minute pa lang gas out na sila at mahuli agad sa arm bar o triangle choke. Sa Jiu Jitsu especially, the idea that a strong deadlift or squat will translate to athletic performance doesn't necessarily work that way kasi kailangan relaxed ka sa BJJ at technique ang focus, hindi muscling it out. Trying to muscle out a technical grappler can lead to broken bones and torn ligaments. Nangyari na yan dati nung train pa ako sa WAP (Wrestling Association of the Philippines), may mga dumayo na powerlifter ang lalakas ng dating akala nila madali lang wrestling porket mabibigat sila magbuhat. Nung nag sparring nag tear yung tuhod nung powerlifter ang yabang kasi. Nag shoot for a double leg takedown pero ang pangit ng technique. Nag sprawl yung wrestler kaya ayun, nalagyan ng pressure yung right knee nung powerlifter.
  • DregPittDregPitt Posts: 987
    ^Since kaya niyong magbalian ng buto or mgkapatayan in the moment may spar. Thats explain it kaya humble ang mga tao dun. Pero hindi lahat sa kanila pag labas ng mma/boxing gyms hindi na maangas. Ung iba, sa labas ngaangas.
  • StannisStannis Posts: 1,377
    602268_461460813865581_1422054402_n.jpg
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    dojo man or kung ano man tawag sa lugar ng pinag tetrainingan ng martial arts kungfu mma etc: may guro diyan, may master,may senior shifu o kung ano man ang tawag, sa gym labas pasok lang mga tao jan, basurero,driver,tindero, tambay, buraot, kupal at kung ano2 pang klase ng tao, kanto gym to ah, nde commercial gyms, although marame din na mayabang jan.

    pag may nakasabay na kupal, ego lifter, buraot, mayabang na nag ggym mataba man o payat o malake ang katawan yaan mo nalang, unless trainer ang nag yayabang sayo eh ibang usapan un.

    sayo na mismo galing, lahat ng sagot sa tanong mo,
  • JettieJettie Posts: 3,763
    sakit na ng left thumb ko ( dun sa post ko sa journal ko ) hindi ko magamit ng maayos! Kakaurat ! sana gumaling na to bukas or kagat lang ng halimaw kesa naipitan ng ugat , nabalian o ewan ko. First time na nangyari sakin to e.

    Late lang sya namaga nung pagkagising ko.. jusmiyo !
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Ayun may rant ulit si boss braso! Haha.
  • RockcenaRockcena Posts: 603
    ganun dn sa pinag gyman ko dati. May matatba dn tas mejo payat mga studyante. Minsan dumadatng cla parang isang bataly0n. Haha.na inis ako sa mga dun d kc marun0ng mag balik ng mga dumbells tas d pinu punasan ung pawis nla sa bench. Tas kwentuhan pa ng kwentuhan uupo sa bench tatambay kwento2x. Ako kc mg isa lng tlaga mg wo ung serious type haha sasalita lng ako kng may tan0ng tas kung mag papaalam o kararating ko lang.:unhappy:
  • Rants for the week.

    1. Nag-deadlift ako sa tahimik na sulok ng gym minding my own business. May dumating tatlong teenager (mga studyante ng CSA conyotics). Yung dalawa lampayatot, yung isa matangkad at may muscle mass naman kahit paano. So far so good mukha naman steady yung mag tropa or so I thought. Biglang yung matangkad at macho sa kanila, tumayo 1 feet in front from the barbell I was deadlifting, tapos nag stretching at push-ups sa harapan ko habang nasa middle ako ng deadlift set ko. Nung nagkatitigan kami he was sizing me up from head to toe kaya napaisip ako kung nagaangas ba ito at naghahanap ng gulo o closet homosexual. Hindi mo ba alam kung eksena sa isang bad action film o homo erotic gym romance flick.

    2. Similar sa rant ni sir Braso... May grupo ulit ng teenager (different group) di naman maangas o ano, wala lang etiquette talaga. Kinukulit ako pati isa pang oldie sa gym kung tapos na ba kami sa plates namin (ako nagdeadealift na nun, yung oldie nag-bench press). Bale ang style nila, yung decline, incline at flat bench, lalagyan nila ng 1 barbell with plates each ala circuit training tapos lipat from one station to the next (example: incline lalagyan 100 lbs, decline 170, flat bench 200) Considering na konti nalang nga ang plates sa gym at maraming nakapila, nakakaburat talaga. Ang pinaka hassle sa lahat, wala pang 1 inch yung range of motion nila pag bumuhat sa bench press variations!!!
Sign In or Register to comment.