The Rants thread (for all your ranting needs.)

1181921232441

Comments

  • Nakakainis ngayong holy week season. Sarado yung gym! Sayang yung mga araw na sana nakakapagtrain ako. Sayang yung mga araw sa monthly na binayaran ko. Pwede ba iprotesta yun? To compensate those days na dapat nakapagtrain ako? I'm really not into these tradition things. This ruins my routine! Really pissed off.
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    well sa gym naman kapag closed ng holidays namomove din yung date ng monthly mo ewan ko lang sa iba.
  • nrg500nrg500 Posts: 1,233
    allen101 wrote:
    Kanina sa gym, may isang mama medium frame but halata mong years of training na din ang physique niya. Nandun na yung hubog e. Except sa legs. (mostly naman di ba?)

    Salpak ng barbell sa bench, 180 agad! Napa wow ako. No warm-up sets, pinaka warm-up niya e konting stretching, tumambay sa leg extensions ewan ko kung ano ginawa. Then higa sa bench. First rep, pag dikit sa chest di na maingat lol. Pero pinwersa, tabingi man.. naiangat pa din. So, ang problema e ung mga following reps niya, sinubukan, half rep umayaw na inangat ulit. Tapos quarter reps na sumunod. Hehehe.

    Next set nagtawag ng magsspot, bench press siya habang ngbabarbell shrugs spotter niya tapos half rep pa.

    Remember when I said wala siyang warm-up set? Meron pala, yung 180lbs! Dahil sa mga sumunod na set ay nagdagdag pa siya (o sila since dalawa silang nagbubuhat).

    This happened sa gym sa junction, cainta. Sweat shop fitness gym.
    I think I'm gonna be entertained in this gym. lol

    kaya maraming nai-injure sa weight lifting :)

    nagtataka nga ako dun sa iba, maglo-load ng weight sa bar tapos kailangan magpa-assist sa pag-angat sa bench press

    sa isip ko lang, kung talagang kaya mong buhatin, bakit kailangan ng assist sa pag-angat ?
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    If it's just to unrack it to keep your tightness and form that's fine. Pero yung may nag barbell rows/curls at the same time that's epic fail.

    _________________________________________________________________________________________________

    Was excited to train again after 4 days but lo and behold gym is still closed! Went to Mascu also but again it's closed!

    F&!*@# $%&T!!!!
  • nrg500nrg500 Posts: 1,233
    Mighty_Oak wrote:
    Pero yung may nag barbell rows/curls at the same time that's epic fail.

    yup, that's what i meant

    may nag-assist sa pag-angat in every rep
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    mighty - anong oras ka nagpunta sa mascu? nandun ako kahapon around 4-5pm eh.
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Kaninang umaga ako nagpunta mga 9AM, akala ko bukas.
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    ahaha pag sunday 12-1pm na ang bukas nilsa sir mighty!
  • JettieJettie Posts: 3,763
    nung mahal na araw.... puro shot ang mga napadaang araw... anyare? haha ubos lakas, laki tyan! Water weight in the hawz!
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Being busy is overrated!!
  • noelnoel Posts: 304
    Wasn't able to do my Monday Routine...very tired after work...
    Had my Workout yesterday but will miss my Thurs & Friday sched again because of work-related travel again....
    haaay...life...
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Kumakain kami ng misis, order ko 2pcs fried chicken isang original recipe at yung isa hot and crispy.
    Pinuputakte ko na yung balat nung hot & crispy,
    Misis : Wag mo na kainin yan.
    Ako : E eto nga yung masarap!
    Misis : E bat yung sa original recipe hindi mo na kinain lahat ng balat?
    Ako : Magchecheat lang din naman ako edi dun na ko sa mas masarap!
    Misis : Ah ganun????!!!!! (taas kilay)

    Nirelate niya sa tunay na buhay at ang pumasok sa isip niya ay pambabae hahahaha!

    #Thatawkwardmoment

    lol
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Hahaha
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    allen- lol kasi naman ikaw eh! ahahahahah!
  • JettieJettie Posts: 3,763
    Gonna rant, not a good day to end my day.. Just ranting without a detailed issue sensya na about it, family matters kasi which is )(@!*(#)*!@)#(!@()# .. anyway gonna end it.

    /rant.

    Night
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    allen101 wrote:
    Kumakain kami ng misis, order ko 2pcs fried chicken isang original recipe at yung isa hot and crispy.
    Pinuputakte ko na yung balat nung hot & crispy,
    Misis : Wag mo na kainin yan.
    Ako : E eto nga yung masarap!
    Misis : E bat yung sa original recipe hindi mo na kinain lahat ng balat?
    Ako : Magchecheat lang din naman ako edi dun na ko sa mas masarap!
    Misis : Ah ganun????!!!!! (taas kilay)

    Nirelate niya sa tunay na buhay at ang pumasok sa isip niya ay pambabae hahahaha!

    #Thatawkwardmoment

    lol

    tama na kasi kaka spa..haha
  • StannisStannis Posts: 1,377
    BraSo wrote:
    ^easy lang bro... pag usapan.. wag tulugan... para sa ika gaganda nang samahan niyong pamilya

    rant ko:
    ka bwisit yung mga convoy convoy nang mga tumatakbo sa eleksyon! pampa dag dag trafik at noise pollution pa!

    its more fun in the philippines nga naman.. wala sa estates nyan... #pinaspoliticsisajoke

    Hahaha, di talaga bagay satin ang democracy. Kaya di din ako registered voter kahit nagagalit si erpats sakin ahaha
  • sevenstringsevenstring Posts: 903
    kanina sa gym: may isang bago (actually two weeks ko na silang nakikita) na sinama nung isang matagal na sa gym. Yung bago si Guy A (I think nasa 17s or 18s). yung matagal na sa gym si Guy B (nasa 35+ na).

    Monday: ang main routine is puro biceps curl.

    Wednesday: biceps curl with triceps. kanina niloadan nung matagal na ng mabigat tapos pinag cable forward triceps extension si Guy A kanina. di talaga kaya ni Guy A at ang panget ng form nya kanina kasi sobrang bigat at tinatawanan siya ni Guy B.

    Friday: biceps curl then leg press.

    Di ko alam ang nangyayari sa kanila during Tues Thursday kasi wala ako sa gym. Sana man lamang may kaunting compound exercises na pinapagawa kay Guy A. :(
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    taena hahahaha. Ano na itsuro ng mga biceps ng mga yan? Mala Mt. Everest na kayo?
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Kakatawa din ang USA, ang bilis nilang inatake ang Iraq dahil sa meron daw weapon of mass destruction. Pero tong North Korea ayaw atakihin kahit na sinasabing gagamtin nila yung nuclear nila. Hahaha. Wala kasing pera kung gegerahin nila North Korea.

    Dapat assassinate na yung leader nila kesa gerahin ang Korea, kawawa yung mga madadamay dahil sa pagiging abnormal ng leader nila.
  • JettieJettie Posts: 3,763
    Stannis wrote:

    Nung ginera ng USA ang iraq, si bush pa yun at may moolah pa sila, after nun boom recession.. Saka yung N.Korea lugi rin yung babagyong bansa dyan, they have nothing to lose vs lots to lose.

    Example, maganda na ekonomiya nyan, kasama mo pa yung mga kpop dyan hehe.. sa N.Korea? mga ?
  • JettieJettie Posts: 3,763
    rant again, about sa post ko kahapon.. still not so good today.. badtrip. imbes na maghahanda ako eh lalabas na lang ako. kaurat.

    Magmamarathon an lang ako ng john loyd sa sinehan!
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    hindi naman rant to, pero pananaw ko lang to.

    body building is not that complicated. lalo na kung gagawen mo tong lifestyle, 2 - 3yrs youll see yourself improving or better yet improved a lot. from old you to a better you or awesome you.

    para sa mga baguhan to who rely to much on SUPPLEMENTS. yan na mismo ang word. supplement lang cya.

    body building , weight training is a long term relationship yan. mas ok kung aasawahin mo na, pero dont complicate things to much. dba pag complikado sa relasyon ang bagsak sa kawalan? figurative speech lang to ah.

    sa mga baguhan wag kayo pabulag sa mens magazine, internet ads, supplement ads. etc:

    just train hard, then harder sa susunod, eat right im not saying clean or dirty, just right for your daily calories.
    rest proper.

    si sir braso nga pre wo nyan snickers bar,lolz! si sir milk kape, si sir mighty hangin lng.

    yun lng nman
  • JettieJettie Posts: 3,763
    epic yung hangin! hehehe.. minsan ganyan din ako pag fasted training! laway lang na lunok!

    Kanina pre workout ko pizza hut!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    hindi naman rant to, pero pananaw ko lang to.

    body building is not that complicated. lalo na kung gagawen mo tong lifestyle, 2 - 3yrs youll see yourself improving or better yet improved a lot. from old you to a better you or awesome you.

    para sa mga baguhan to who rely to much on SUPPLEMENTS. yan na mismo ang word. supplement lang cya.

    body building , weight training is a long term relationship yan. mas ok kung aasawahin mo na, pero dont complicate things to much. dba pag complikado sa relasyon ang bagsak sa kawalan? figurative speech lang to ah.

    sa mga baguhan wag kayo pabulag sa mens magazine, internet ads, supplement ads. etc:

    just train hard, then harder sa susunod, eat right im not saying clean or dirty, just right for your daily calories.
    rest proper.

    si sir braso nga pre wo nyan snickers bar,lolz! si sir milk kape, si sir mighty hangin lng.

    yun lng nman
    No Brah!

    Get ripped in 8 weeks!!

    Tapos may before and after pic na putaena napaka laki ng inimprove ng katawan just by drinking this and that lang daw blah blah blah. Hahahaha.

    Agree. Kaya din ako napapost ng hinanakit ko pati kasi scoop at pag inom tubig pinoproblema na ngayon.
  • sevenstringsevenstring Posts: 903
    Kung kelan papunta ng gym saka umulan ng matindi.. ampf
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Anong meron sa Mutant Mass ngayon, bat ang daming kong nababasa? Hahaha
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    kasi magiging mutant ka pag nag gaganun! ako nga mutant whey ang gamit ko eh kasi gusto ko maging mutant!
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    lol
  • JettieJettie Posts: 3,763
    makabili nga nyan at baka sakaling maging Mutant ako at machambahan yung hinihiling kong mutant powers!
Sign In or Register to comment.