Otep's Weight Loss & Get Fit Journey

13

Comments

  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    GWO! with pasalubong! ahahahah!
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Kyzack wrote:
    balikbayan! pasalubong! :)
    water weight lang yan more likely koya otep. dont stress it out too much hehehe. pasalubong! :P
    milksworth wrote:
    GWO! with pasalubong! ahahahah!

    :blush: sa pasalubong mga bossing.

    At dahil may taglay akong kakulitan, nagtimbang na naman ako ngayong umaga at bumaba ako sa 163.8 lbs. :P

    Tuloy lang ang ensayo at pakondisyon :sport:
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    ot3pch4n wrote:
    At dahil may taglay akong kakulitan, nagtimbang na naman ako ngayong umaga at bumaba ako sa 163.8 lbs. :P

    Tuloy lang ang ensayo at pakondisyon :sport:

    33ug9yp.gif


    LOL! i4efs2.gif

    Sama ka samin koya otep sa GWO pag may oras ka pagdating mo pinas.

  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    ^ LOLz bossing DSD :love:

    Promise once a week na lang :blush:

    Try ko sumali sa GWO ninyo pag okay ang sked :smile:
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    uu sama ka pag uwi mo dito sir
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    *Pagpag-agiw* :blush:

    After a month long vacation sa Pinas na walang kontrol sa pagkain at irregular ang ensayo, nakabalik na uli sa Saudi Arabia noong July 11. Di na ako nagtataka kung umangat uli ako sa 169 lbs. Napakasarap talaga ng pagkain sa Pinas kaya sinamantala ko na at alam kong sasabak na naman ako sa diyeta at ensayo pagbalik ko.

    Pasensiya na mga masters kung hindi ako nakapunta sa imbitasyon ninyo for a GWO. I hope next year mas ok na ang physique para hindi naman nakakahiya sumabay sa inyo :blush:

    Share ko lang picture namin ni misis back in February 2011 at nitong July 2012

    beforeafteroteplyn.jpg

    Focus uli sa workout at diyeta. Routine change ng Max-OT. I still have 10 months para ma-achieve ang goal ko bago magbakasyon uli.

    Back exercises ang ginawa ko kagabi at nagising ako ngayong umaga na kumikirot ang gilid ng siko ko. Tennis Elbow yata ito kung sintomas ang pagbabasehan. Chest night dapat ako ngayon pero ipagpapaliban ko muna. I hope hindi kailangan ng mahabang pahinga nito :sad:
  • Tagal na pala :blush:

    Isang buwang napako sa 166 lbs. ang timbang ko. :arghh: Considering na Ramadan sa Saudi, dapat nagbawas kahit paano pero hindi. Di naman nagbago ang ensayo ko pero di ko na masyado tinitignan at nila-log ang kinakain ko. Balik calorie counting na uli plus focus rin sa macronutrients.

    Binigyan na ako ng go signal ng doktor ko to use creatine. Anything that causes water retention will elevate blood pressure raw kaya kailangan ko talaga mag-monitor. Ako na raw ang bahal kung itutuloy o ititigil ko ang paggamit ng creatine.

    Completely blocked na sa office ang PBB :verysad:

    Hanap-hanap lang uli, nakakita ako ng free health/fitness blog na open pa sa office na nakakaaliw basahin dahil sa straightforward answers ng writer. Mas naliwanagan ako sa weight-training, weight loss, bulking at cutting kaya klarong-klaro na ngayon ang goal ko. Mas lalo ako na-motivate to achieve my ideal weight. Di na muna ako gagamit ng creatine for now. Basa-basa rin tungkol sa mga visceral fat at masamang epekto ng pagkakaroon ng malaking tiyan.

    Tuloy ang :squat:
  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    Try mo yung IF diet boss
  • boss_j wrote:
    Try mo yung IF diet boss

    Try ko ulit gawin ang weekly fast.
  • God Bless
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Na-achieve ko ang target for September na pababain ang timbang ko below 160 lbs.

    pbfsep1.jpg pbfsep2.jpg

    Ipinahinga ko ang kaliwang kamay ko ng isang linggo kasabay na rin ng recommended 1 week break sa Max-OT. Walking na lang muna kapag naiinip kasabay ng patuloy na calorie deficit.

    17 lbs. ang kailangang bunuin para makapasok within the normal weight range for my height. Hopefully bago matapos ang taon ma-achieve ko na ang goal na 'to.

    Tinanggal ko na completely ang cardio exercises after magbuhat. Nabasa ko kasi na nakaka-apekto pala ang cardio sa recovery. Napapansin ko rin na parang patang-pata ang katawan ko pagkagaling sa gym. Mamimili na lang ako ng isang araw sa isang linggo na puwede akong tumakbo.
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    congrats sir
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Ang tagal na pala ng huling update ko :blush:

    Currently at 148 lbs.
    pbb%25201-1-2013.jpg

    Mga 2 months na yata ako sa 16/8 Intermittent Fasting. 10 lbs. ang nabawas sa timbang ko mula nang huling update ko. Di ko na-achieve ang target ko na umabot sa 141 lbs. bago matapos ang 2012. Pansin ko lang naging mabagal na ang weight loss ko pagtungtong sa 150 lbs.

    Hopefully this 2013 maabot ko ang 141 lbs. o lower para makapagsimula na ng bulking.

    HAPPY NEW YEAR PBB! cheers
  • ^nice progress sir ayos yan.. ganda nian pag nag bulk kna :-)) happy new year
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    good job sa progress sir.. laki ng binaba..
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Good job bro, laki ng tinabas!
  • rotrot78rotrot78 Posts: 1,147
    nice progress!! sir tutal naman nasa cutting ka na, tama ka sir piga mo na yan weight mo. goodluck!
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Malapit nang matapos ang first quarter ng taon kaya konting update muna. Down to 141.8 lbs. kaya almost within my goal weight... May tawad pang .8 :duh:

    PhotoGrid_1364494309179+copy+copy.jpg

    Konting tiyaga pa para maging lean & hopefully start na ng bulking on or before ng third quarter. Medyo litaw na ang upper abs kapag nasa harap ng salamin at hindi humihinga :lol

    Lumipat ako sa MyFitnessPal para sa food logs ko. Kapag hindi ako nagla-log halos walang progress. Gagamit na uli ako ng supplements sa mga susunod na buwan. Binasa ko uli ang Leangains guide at kulang ko talaga ang whey o BCAA for fasted training.

    Nakakainip nang kumain ng marami :arghh:

    Hanggang sa muli :)
  • kiddokiddo Posts: 117
    wow good job sir. Laki ng improvement. Marami ako kilala diet diet kunwari pero wala naman nagbabago.
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Hehehe!

    Iyong kakilala ako nagte-take ng Lipo 6 nang walang exercise tapos laging upsize ang soft drinks kapag kumkain sa labas. Good luck naman :)
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    wow! ganda ng improvement mo sir otep! tuloy tuloy lang!
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Great progress!
  • markyq3markyq3 Posts: 50
    nice progress sir!
  • tjdc3tjdc3 Posts: 69
    grabe sir otep ang dedication nyo. sana ako dati pa ko nagstart para ganyan na rin ako. galing!
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    ganda ng progress sir.. talagang good job at mapapawow ang makakita niang improvements mo sir.. keep it up sir..
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Stats updated :)

    Salamat sa mga encouraging words ninyo mga bossing :^^
  • CoreCore Posts: 2,509
    Almost 45lbs lost in 19mos...
    185lbs[size=x-small](September 2011)[/size] > 141.8 lbs[size=x-small](March 2013)[/size]

    [size=x-small]And I have tracked your progressed here...[/size]
    Progress History
    Not just good, but great job sir!
    Maintenance na.
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    ^ Salamat sa progress history sir Core.

    I honestly think naging mabagal ang progress ko dahil sa mga distractions at deviations na ginawa ko. Training-wise, na-sustain ko naman ang sipag for more than a year.
  • JettieJettie Posts: 3,763
    yun o parehas na tayo timbang 148 lbs.. Ganda ng improvement... Parehas pa tayo LG tool user hehehe. Nag sa-cycle ka ba sir ng carbs and fats as LG sir?
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Hindi ko nagagawa ang carbs/fats cycling on rest days if iyon ang tinutukoy mo.

    Plan ko kasi sundin ang LG protocol strictly once bulking na ako :)
Sign In or Register to comment.