The Rants thread (for all your ranting needs.)

1171820222341

Comments

  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    @Dimzon- Sa valenzuela ba gym mo Bro? Kung di kalayuan GWO tayo dun!
  • kopikopi Posts: 690
    Mighty_Oak wrote:
    @Dimzon- Sa valenzuela ba gym mo Bro? Kung di kalayuan GWO tayo dun!

    this! Awoo!Awoo! Awoo! hahaha
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Mag squats at deadlifts tayo. Sana makapag bigay din sila ng tutorial samin :)
  • JettieJettie Posts: 3,763
    hhahaha meron talagang mala zeus sa mga gym hehe..buti samin kahit puro kalawang walang ganyang tao.
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    ^Yan ang pinaka inaayawan ko sa lahat. Never ako naki alam sa ginagawa ng iba sa gym except kung sila mismo ang magkusang magtatanong or yung tipong sure ball na magkaka injury dahil sa sobrang mali na yung ginagawa nya.

    Kaya nga ako nakasalpak ang ear phones at once nag ensayo na ako never ako nakikipag usap kahit na yung mga kilala ko pa. Sa GWO ko lang ginagawa yung ganyan kasi syempre share tayo ng ideas dun. Pero pag normal na ensayo wala, kahit nga kami ni Milk or DS pag nagsasabay kami sa mga ensayo sa huli na ang kwentuhan.
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    Gwo gwo gwo gwoGwo gwo gwo gwo
  • dimzon03dimzon03 Posts: 1,552
    kopi wrote:
    ^mga kups yang mga yan..ayaw magpatalo at ayaw aminin n mas tama ang ginagwa mo..d nila matanggap n isang katulad mo p ang magtuturo sa knila..haaayy ego nga nmn..aus lng yan dims as long na alam mo tama ka aus n un

    yun nga sir eh...nung una hindi ko nman sinabi mali yung tinuturo nya pero yung ipipilit sakin gawin ko na kagad yung sinasabi nya...
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    natawa naman ako dun sa pulis, parang sinabi nya na wala kang karapatang mag ATG kung hindi ka bodybuilder! mga kolokoy nakapag buhat lang ng ilang taon kala mo kung sino nang magaling, wala namang imporvement sa katawan! hindi kaya ng isang face palm lang eh!
  • dimzon03dimzon03 Posts: 1,552
    Dala ka earphones bro. Yung swak sa loob ng tenga. Hayaan mo lang sila. Hindi naman nila alam pinagsasabi nila. Sabi nga nila, the less you know, the more you think you know. :)

    partida nga sir eh may earphones nako nun...tama ka sircheers
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    tara GWO tayo dyan sa inyo itaon natin nandyan sila. mag ego lifting na kung mag eego lifting lol!
  • pasikat na mga daga ahaha..mas malaki lng sila sayo kaya gnun kung sila sr milk,mighty,braso mag sqauts dyan ewan ko kung mag mamarunong sila..nxt time sabhan mo do you even lift??tas takbo lipat gym ahahaha!
  • dimzon03dimzon03 Posts: 1,552
    Mighty_Oak wrote:
    @Dimzon- Sa valenzuela ba gym mo Bro? Kung di kalayuan GWO tayo dun!

    opo sir valenzuela...
    lena gym ang pangalan pwede silipin sa facebook,
    kaso sir baka masikipan kayong mga taga PBB at hindi makapag ensayo ng maayus...
    BraSo wrote:
    @dimzon... badtrip nga yung ganun... sa susunod na may magmarunong.. be civil... reply ka lang na..

    aaahhhh, ganun po ba... ok noted. salamat. tapusin ko na po workout ko. (para sarcastic ang dating na pinaparating mo na TANGA sila)

    more often than not, ung mga nag ko-korek na ganyan, hindi mag papatalo.

    ok po sir braso salamat po sa tip nayan...gawin ko po talaga yan sa sususnod lalo na mga siguro nasa lima o anim silang ganun sa gym sa amin...
    milksworth wrote:
    natawa naman ako dun sa pulis, parang sinabi nya na wala kang karapatang mag ATG kung hindi ka bodybuilder! mga kolokoy nakapag buhat lang ng ilang taon kala mo kung sino nang magaling, wala namang imporvement sa katawan! hindi kaya ng isang face palm lang eh!

    yun nga sir eh,ang pinamumukha nila yata sakin eh mas madami silang alam kaya dapat sundin ko sila...samantalang ako eh ilang buwan palang nagbubuhat...sila 2 o 1 taon na...
    pasikat na mga daga ahaha..mas malaki lng sila sayo kaya gnun kung sila sr milk,mighty,braso mag sqauts dyan ewan ko kung mag mamarunong sila..nxt time sabhan mo do you even lift??tas takbo lipat gym ahahaha!

    yun nga rin naiisip ko kagabi sir predator eh...
    kung pwede lang idayo kayong lahat dito para lang ipakita sa kanila yung sinasabi nilang mali na dahilan kung bakit kayo nagsipag-lakihan ng ganyan...
    tiis nalang siguro ako sir kasi wala ng malapit na gym dito samin eh...
  • noelnoel Posts: 304
    last work out ko was March 15, Friday...next day trankaso until the following Tues. Official Out of town trip Wed to Sat.
    got to work out again yesterday (Monday) after office...i felt weak...minus 10 lbs sa buhat...:-(
  • JettieJettie Posts: 3,763
    Bad trip.. hindi ako makabili ng S biner ba yun para sa customed made dipping belt. O josko dong!

    Inikot ko na libertad hanggang rotonda waley!
  • CoreCore Posts: 2,509
    Jettie wrote:
    Bad trip.. hindi ako makabili ng S biner ba yun para sa customed made dipping belt. O josko dong!

    Inikot ko na libertad hanggang rotonda waley!

    Order ka nalang sa net ng belt! Or try any of this... > 7 Easy Ways To Add Resistance To Pull-Ups, Chin-Ups And Dips

    Pero IMO, prefered ko pa rin ang belt...
  • JettieJettie Posts: 3,763
    sir ang gastos ko sir nakahingi ako ng kadena 2 meters... yung foam lang nagastos ko na 2 meters na pipe insulation ( air con insulation ) worth 100 petot..

    100 pesos + worth ng biner na hinahanap ko = yun ang presyo hehe...

    Eto reference ko hehe
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    dimzon03 wrote:
    Badtrip kagabi:angry:
    hirap makipag diskusyon sa pulis tapos may sasawsaw pang iba...

    pagdating ko po sa gym may gumagamit napo dun sa squat rack(yung kilalang pulis dun sa gym kasi matagal na bumubuhat dun) kaya hantay muna ako habang nag nag wa-warm up at sya naman gumagawa ng partial squat yung tipong wala pa sa parallel...
    tapos nung lumipat na sya saka nako nakagamit at hindi kona inalis yung plates kasi sakto yun para sa program ko na 130lbs...at pagtapos ko sa 4th set ko lumapit sya sakin at sabi "mali ang ginagawa mong sobrang babang squat kasi pang pa-pwet yan hindi lalaki legs mo dyan"wtf
    kaya sabi ko ganun po ba? sa ganito po kasi ako sanay ang sabi ko para may respeto parin...
    tapos pinipilit nya ako gumamit foam para daw batok ko daw ipatong eh hindi naman ganun turo sakin ni sir DS eh,kaya sabi ko ulit hindi po ako sanay sa ganun.
    At sabi nya ulit basta mali ginagawa mo at may isa pang sumawsaw na wala naman mass sa legs as in chicken legs sya pero may shape ang upper kaya mayabang din,sabi ng sumawsaw...oo nga pansin ko sobrang baba ng squat mo sa pwet nga tama nun hindi sa legs:verysad:
    at medyo napikon nako kaya sabi ko " mga sir ganun way po kasi ng squat ayon po sa mga nababasa ko at napapanood ko" at hindi pa ako tapos magsalita eh basta boy mali ginagawa mo kahit search ko pa daw sa youtube...eh hindi naman ako nagpatalo kaya sabi ko na eh " sir yan po kasi turo sakin ng mga kagrupo ko pa na bodybuilder po talaga tapos nilabas ko po yung legs ko para makita nila na mas may mass kahit konti yung legs ko kasi tama ang ginagawa ko kumpara sa kanila,at alam nyo na kung ano mangyayari syempre hindi papatalo si kuyang pulis at kuyang sawsaw...kaya sabi nila eh ginagawa yun ng mga grupo mo kasi bodybuilder sila eh ikaw ba magco-compete kaba hindi naman diba kaya mali ginagawa mo...
    kaya ako dahil napagtulungan at wala ibang kakampi eh sabi ko nalang gagawin ko na lang po kung san ako sanay tapos sabi ko thank you po sa advice buhat napo uli ako...
    harap sa barbell at tinapos ang huling set ko...at tuloy lang sa program...
    wala lang badtrip lang:squat:

    Ang nakakatawa e kung sino pa yung gumagawa ng maling squat e siya pa yung maninita at magtuturo.
    Ang kagandahan pala dun sa gym sa amin meron nakapaikot na instructional images na galing sa bb.com na sa tingen ko ay mga standard naman, kung ganun sana sa gym niyo sarap ihampas ng pulis na yan pati na ung sawsaw sa dingding at sabihing "O AYAN ANG TAMANG SQUAT!"
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    ^so pag di pala magcocompete sa bodybuilding eh di na magsquat ng ganun? haha thats really a WTF...hahahaha
  • DregPittDregPitt Posts: 987
    pasikat na mga daga ahaha..mas malaki lng sila sayo kaya gnun kung sila sr milk,mighty,braso mag sqauts dyan ewan ko kung mag mamarunong sila..nxt time sabhan mo do you even lift??tas takbo lipat gym ahahaha!

    +1234

    kakainis yng mga ganyan, mahilig magmarunong di mo naman tinatanong yung opinyon nila. tingnan daw sa youtube kung pano tamang squats. e mski sa youtube parallel or atg din naman ang pinapakita. katangaaaa.
  • emon02emon02 Posts: 700
    tapos pinipilit nya ako gumamit foam para daw batok ko daw ipatong eh hindi naman ganun turo sakin ni sir DS eh,kaya sabi ko ulit hindi po ako sanay sa ganun.

    "Man, I have traps at hindi yan ipinapatong sa batok" lol

    nakakainis lang yung mga epal na ganyan, di baleng magbigay ng idea e. kaso ipagpipilitan talagang mali ka. tsk tsk

    Bakit nakakatamad magtrabaho pag holiday kinabukasan
    /rant
  • nrg500nrg500 Posts: 1,233
    Core wrote:
    Jettie wrote:
    Bad trip.. hindi ako makabili ng S biner ba yun para sa customed made dipping belt. O josko dong!

    Inikot ko na libertad hanggang rotonda waley!

    Order ka nalang sa net ng belt! Or try any of this... > 7 Easy Ways To Add Resistance To Pull-Ups, Chin-Ups And Dips

    Pero IMO, prefered ko pa rin ang belt...

    agree, mas maganda pa rin ang belt

    hahati pa kasi pwersa yung bigat ng dumbbell


    dun naman sa one-arm chin ups, kailangan mo muna yata maabot at least 2x ng body weight mo sa two-arm weighted chin ups
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    i got couple of rants today dahil ako'y medyo in a foul mood dahil sa traffic on my way to work. I actually went to Army navy earlier to buy some food and saw a couple of peeps na medyo natawa ako and nainis ng onti sa mga paguugali nila.

    rant #1

    while i was waiting for my take-out order, i sat at a nearby table and saw a guy w/ lady adjacent to where i was sitting. the guy called one of the crew and complained na bakit ganun daw lasa ng iced tea nya matabang (take note army navy is also famous of their iced tea aside from their burgers) eto ang malupit nangalahati na si kuya sa large (take note LARGE) iced tea eh saka sya nagreklamo. so ang ending tinimplahan sya ulit ng bagong iced tea at puno ulit syempre ung baso. spell S-C-U-M-B-A-G?

    rant #2

    While i was waiting for my order in my "seat". may lumapit na babae sa likod and asked "kuya nakaupo po ba kayo dito?" (Duh! do i look like i'm standing on top of the chair?) so i pretended not to hear it. inulit ni ate yung tanong and this time medyo nilakasan nya boses nya. Now i would'nt have minded giving the seats since madaming kumakain kanina. What ticked me off was the tone the way she asked me, it seemed like "kuya pwede umalis ka dyan sa table? kakain kasi kami eh!" ang pagkakadeliver.

    So tumayo ako dahan2x sa seat and i turned towards the lady slowly w/out smiling and letting out a very heavy aura that I am not so pleased the way she asked me. natawa na lang ako dun sa reaction ng mga mukha nila at parang natakot at napa "thank you" bigla si ate sakin sabay upo at iwas ng tingin sakin. Now i don't take pleasure in bullying anyone for i'm the type who normally bullies back the bully. And i definitely know a few things on how to deal w/ those kinds of people be it a man or a woman. i care little sa eskandalo. they will just simply get what they give if they mess with me. pareho lang kaming customers kaya matutuo silang mag intay ng bakanteng upuan. Haist!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Kuya nakaupo po kayo dito? Hahahaha
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    ang puso RJ ang puso!

    ahahah! sarap siguro panoorin nun kung si vice ganda naka upo ddon at tanungin ng ganun! nyahahaah!
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    Wahahah masosoplak si ate ni vice ganda ng malupet nun :P
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Kanina sa gym, may isang mama medium frame but halata mong years of training na din ang physique niya. Nandun na yung hubog e. Except sa legs. (mostly naman di ba?)

    Salpak ng barbell sa bench, 180 agad! Napa wow ako. No warm-up sets, pinaka warm-up niya e konting stretching, tumambay sa leg extensions ewan ko kung ano ginawa. Then higa sa bench. First rep, pag dikit sa chest di na maingat lol. Pero pinwersa, tabingi man.. naiangat pa din. So, ang problema e ung mga following reps niya, sinubukan, half rep umayaw na inangat ulit. Tapos quarter reps na sumunod. Hehehe.

    Next set nagtawag ng magsspot, bench press siya habang ngbabarbell shrugs spotter niya tapos half rep pa.

    Remember when I said wala siyang warm-up set? Meron pala, yung 180lbs! Dahil sa mga sumunod na set ay nagdagdag pa siya (o sila since dalawa silang nagbubuhat).

    This happened sa gym sa junction, cainta. Sweat shop fitness gym.
    I think I'm gonna be entertained in this gym. lol
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    wahahaha ang tawag dun tsong ay "synchronized" lifting. akala mo swimming lang meron? LOL! :biggrin:
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Hahaha the dynamic duo pala datinganMedjo yung rant ko pala halos puro ganyan ano, hindi lang talaga ako komportable makakita ng mga ganyan.

    Ayaw kasi ibaba mga ego. Hindi naman mababawasan pagkalalake nila kung bababaan nila yung poundage nila kung saan makukumpleto nila yung full range of motion.
  • rotrot78rotrot78 Posts: 1,147
    well,ganyan talaga mga practice sa bakal gym, at least nag heheavy sila, masnakaka bwisit yung nakikita mong 30mnts kung mag abs tapos first exercise biceps namakikitamo sa mga sosi na gym sobrang gaan at habol daw lang ngalay..
  • JettieJettie Posts: 3,763
    Sabi nga ni Mark Rippetoe, "Don't let your spotter hold the bar as much as possible, it is not a tag team lifting."

    Sa mga nababasa ko, kahit papaano okay pala talaga bakal gym namin walang ganyang encounter tho isa lang ang talagang mapupuno, chicken legs at walang kumakarir ng Squat rack maliban sakin, kung meron man eto ang sakit :

    Caving In legs
    Narrow stance
    Quarter to Half Squat

    Tapos sabay reklamo sila , kaya ayaw ko mag squat masakit sa tuhod at nakakapagod

    Tawa na lang ako sa sarili ko.. basta pag nakita nila ako mag squat halos nakaupo na at yung timbang ko hehe.
Sign In or Register to comment.