good supplement

Mga bossing kwento ko lang po nag start po ako mag work out mga feb2014 nagbuhat ako mga 2 months walang supp 50-55 kilo ako puro chest lang binubuhat ko..tpos naisipan ko ihalo alternate chest shoulder bicep MWF tpos back tricep legs abs TTHS..1 month un Sunday lang rest tpos di prin ako lumaki prang tumigas lng muscle ko..tpos nagsearch nko nakita ko SL 5x5 nag SL ako 2months sinabyan k ng mutant mass. Medyo ok nmn naging 65 and timbng ko at medyo lumapad ako..eh my kamahalan at medyo nagkaka belly ako kya tinigil ko at nag mutant amino nlng ako at dymatize creatine..ngayon po paubos na po yung amino at creatine at napapansin Kong tinutubuan ako ng mga mapupulang pimples sa likod at sa dibdib na dati wala nmn ng di pko nag aamino at creatine...(6pcs a day pla ung amino tpos yung cre 1scoop bago mg buhat)ang tnong ko po ano po bang magandang brand ng amino or creatine yung di nakakapimples.. Sinubukan na nga rin pla mag whey kaso di kinaya ng budget ko kya amino at cre n lng muna ako yung tipong png mtgalang gamit..tsaka pwede po paturo Karin ako ng magandang program yung tipong may sixpack at naka angat na chest at shoulder ok na sakin un.. Uu nga Pala this past 2-3 months 3x a week n lng buhat ko.. Paturo po n pang one week na program yung complete work out...I'm waiting for a positive feedback mga idol..thanks and God Bless!

Comments

  • CoreCore Posts: 2,509
    RamPogi wrote:
    I'm waiting for a positive feedback mga idol..thanks and God Bless!

    Positive? Eh paano yung mga 'Negative'? Hindi ba, pwedeng ma-consider ang isang constructive criticism as a negative feedback?
  • Gara nmn ng reply mo kakatuwa...mtagal tagal nrin nmn ako nagbabasa basa dto sa pbb.. Tama nga sabi ng Isang member nagrereklamo sa mga reply mo..may pagka sarcastic na nega na prangglit sa mundo na Ewan..sinayang m lng reply mo dpat nag suggest kna lang ndi kung ano2 pa sinasabi mo..BTW guys SBI nga the core open nrin ako sa negative..basta kht anong makkatulong..
  • Anyare?:twitcy:
  • CoreCore Posts: 2,509
    RamPogi wrote:
    "...sinayang m lng reply mo dpat nag suggest kna lang ndi kung ano2 pa sinasabi mo.. ..."

    Bro alam mo ba yung salitang 'forum'?
    Sa ganyang ugali nakikitaan ka na walang o kulang ng pagka-open mindedness, limited lang sa isang side ng spectrum.
    Anyway, nasa tamang lugar ka...

    Welcome to the PBB Forum community...
    RamPogi wrote:
    I'm waiting for a positive feedback mga idol..thanks and God Bless!

    At alam mo ba kung anong problema dito? (Na-kinorrect ko na rin sa isang member na si @raokikun ...)
    RamPogi wrote:
    ..."Tama nga sabi ng Isang member nagrereklamo sa mga reply mo..may pagka sarcastic na nega na prangglit sa mundo na Ewan.."...

    Probably, @raokikun
    Sigh, so I guess may tinatanim pa palang galit yun. O sadyang mababa pa yung EQ.
    Hindi ko siya masisi kung ganun siya sa akin, at hindi niya ako masisi kung bakit ako ganoon sa kanya. Nagmamarunong kasi siya over those with more experienced [size=x-small](no hate here)[/size], kinukwestyon ko lang yung bata kung alam niya yung sinasabi niya. Dahil ako rin mismo dumaan din sa dinadaanan niya. Not that inherited psychology na... dahil yung asta ko ngayon ay yun din ang inasta sa akin noon, manahan lang! NO. I go over the emotions and think rationally kung bakit sila naging ganoon sa akin. [size=x-small](If you @raokikun have read my journal, then mas maiintindihan)[/size] Then I found out, it's more to the cause na para hindi kumalat ang misinformation. Iniiwasan dito yan sa site. Maraming misinformation sa fitness industry.

    You can blame me if I'm not straightforward answering people, maybe some inherited attitude there from the formers. But then again, mas lalo kasing tumatak sa isipan yung pinopoint out doon, using that kind of approaach IMO, instead of just Q&A. Which is a bit formal IMO.

    Mind you, I typed this without having the dinner yet. Few people could handle their emotions with that state. Usually, doon mas common madaling magalit ang mga tao compared sa bagong gising. Pasalamat ka pa at wala pang hatinggabi hanggang madaling araw 'tong pag-upo ko sa harap ng computer ngayon eh! Tsk* Kung hindi dadanak ang dugo sa journal na'to...

    Remember, the more kang nag-aargue, the more na makikitang mababa ang EQ mo.

    With regards to @raokikun, (time to spill the beans) I'm not just asking and looking how far you know what you are saying, but also how far you can handle your nerves. [size=x-small](Since pinakita mo palang sa una yung ugali mo.)[/size] In other words, sinusukat ko din yung EQ mo kung gaano katagal bago ka ulet mag-alburuto. In this case, you failed! [size=x-small](Introduce mo pa ako sa ibang member with your false impressions based on your emotions alone, without thinking who the person really are.)[/size] Learn to listen with all ears, hindi yung may bahid na iniisip, hinanakit o galit. Be this a lesson. And also to the rests of coming new members...
  • Core wrote:
    RamPogi wrote:
    "...sinayang m lng reply mo dpat nag suggest kna lang ndi kung ano2 pa sinasabi mo.. ..."

    Bro alam mo ba yung salitang 'forum'?
    Sa ganyang ugali nakikitaan ka na walang o kulang ng pagka-open mindedness, limited lang sa isang side ng spectrum.
    Anyway, nasa tamang lugar ka...

    Welcome to the PBB Forum community...
    RamPogi wrote:
    I'm waiting for a positive feedback mga idol..thanks and God Bless!

    At alam mo ba kung anong problema dito? (Na-kinorrect ko na rin sa isang member na si @raokikun ...)
    RamPogi wrote:
    ..."Tama nga sabi ng Isang member nagrereklamo sa mga reply mo..may pagka sarcastic na nega na prangglit sa mundo na Ewan.."...

    Probably, @raokikun
    Sigh, so I guess may tinatanim pa palang galit yun. O sadyang mababa pa yung EQ.
    Hindi ko siya masisi kung ganun siya sa akin, at hindi niya ako masisi kung bakit ako ganoon sa kanya. Nagmamarunong kasi siya over those with more experienced [size=x-small](no hate here)[/size], kinukwestyon ko lang yung bata kung alam niya yung sinasabi niya. Dahil ako rin mismo dumaan din sa dinadaanan niya. Not that inherited psychology na... dahil yung asta ko ngayon ay yun din ang inasta sa akin noon, manahan lang! NO. I go over the emotions and think rationally kung bakit sila naging ganoon sa akin. [size=x-small](If you @raokikun have read my journal, then mas maiintindihan)[/size] Then I found out, it's more to the cause na para hindi kumalat ang misinformation. Iniiwasan dito yan sa site. Maraming misinformation sa fitness industry.

    You can blame me if I'm not straightforward answering people, maybe some inherited attitude there from the formers. But then again, mas lalo kasing tumatak sa isipan yung pinopoint out doon, using that kind of approaach IMO, instead of just Q&A. Which is a bit formal IMO.

    Mind you, I typed this without having the dinner yet. Few people could handle their emotions with that state. Usually, doon mas common madaling magalit ang mga tao compared sa bagong gising. Pasalamat ka pa at wala pang hatinggabi hanggang madaling araw 'tong pag-upo ko sa harap ng computer ngayon eh! Tsk* Kung hindi dadanak ang dugo sa journal na'to...

    Remember, the more kang nag-aargue, the more na makikitang mababa ang EQ mo.

    With regards to @raokikun, (time to spill the beans) I'm not just asking and looking how far you know what you are saying, but also how far you can handle your nerves. [size=x-small](Since pinakita mo palang sa una yung ugali mo.)[/size] In other words, sinusukat ko din yung EQ mo kung gaano katagal bago ka ulet mag-alburuto. In this case, you failed! [size=x-small](Introduce mo pa ako sa ibang member with your false impressions based on your emotions alone, without thinking who the person really are.)[/size] Learn to listen with all ears, hindi yung may bahid na iniisip, hinanakit o galit. Be this a lesson. And also to the rests of coming new members...


    sir teka lang.

    saan to galing? ----> you said

    (Introduce mo pa ako sa ibang member with your false impressions based on your emotions alone, without thinking who the person really are.)

    hindi kita sir sinisiraan sa ibang tao, wala ako pinost or minessage na example

    pm ko si ano, tapos sasabihin ko si sir core bla bla bla.

    maaring dun sa sarili kong thread sir dba ung pinag discussion natin alin nga ba un? na may binanggit pa akong inferiority na word.

    pero the rest wala akong maalala na "SINISIRAAN" kita sir sa iba.

    uulitin ko

    -wala ako ni-pm na ibang tao na sinisiraan kita
    -wala akong maalalang ibang post ko sa thread ng iba or journal ng iba na sinisiraan kita

    tapos na yun bakit andito na naman ako? tinanggap ko na yun dati diba? andun pa sina sir lazar inantay pa nya ung feedback ko para tanggapin pagkakamali ko
  • Sayo n lng idol bad ass paturo..at pa guide lng ano dpat gawin para mahabol ko katawan mo hehehe..( joke)you seems like a nice guy nmn eh ; )Oh sige na ok na un ako na Mali ako na lahat wag na kayo mag away2x..sorry na po...sabi nga ni boss the core " pag masyadong nakikipag argue,lalo mo lang pinapakita mababa IQ mo" (sa kanya pa nanggaling kung sino madami sinasabi)joke! Peace na tayo ha..peace na po lahat...kaya nga po ako nag register dito para matuto ndi para magkaroon ng kaaway... Hanap ko lang po professional advice..thanks po sa lahat..God Bless!
  • mikol22mikol22 Posts: 497
    no comment...deadma nyo na lang ung di nyo gustong comments...

    try mo ung stronglifts 5x5 na program...or ung candito training ....
  • Wala akong pakielam sa nararamdaman niyo! Echusa! joke Haha! :tongue:

    Balik sa topic Brothers!

    Anyway Welcome Bro RamPogi

    Question Bro, ung Amino anong kalase ito? Ito ba ung amino 2222 if yes, Natry ko ito dati nagtaka pimples ako sa ibat ibang parte ng katawan lalo na likod. Gumamit ako nito mga 1 month siguro tapos tinigil ko na. 2 weeks may mga tumutubo na pimples after few week wala na.

    Tama si sir miks ok ung stronglifts 5x5

    3x a week kanagbubuhat? Ano goal mo sir? Para mabigyan ka ng mga program ng mga master dito.
  • Nasubukan ko na yung SL 5x5 mga naka 2 months ata ako kaso nagsawa ako kasi paulit ulit ang buhat at 30 min+ lng tntgal ko sa gym.. Nanghihinayang ako sa 30 php ko kada buhat kung 30 min lng ako magbubuhat..sa com shop nga 2 hours na ung 30 eh..cguro kht mga 2 hours na program..ung goal ko di nmn masyadong malaki kasi magmumuka akong punggok 5'6 height ko..no offensement sa maliliit na masyadong malaki katawan, pra skin kc prng di na proportion ganun..gusto ko lng sigurong katawan eh yung may firm muscle tpos medyo angat na chest at visible na sixpack.. Yung prang katulad Kay Daniel matsunaga ok na sakin ganun... ; ) about nmn sa amino, karamihan kasi sa mga kasama ko sa gym tinitingnan ko likod nila dami din pimples na mapupula yung iba pagaling na tapos maitim.. ( lhat cla umiinom din ng amino, ayoko sna umbot skin ung gnun, mdyo konti plng nmn ung akin)Ang sakin nmn aanhinmo malaking katawan kung madumi nmn tingnan d ba?! Ano ba sa exp nyo mgandang supp yung effective abot kya at walang masamang side effect gaya ng pimples. Btw nag crecreatine din ako 1 scoop tuwing bago magbuhat lng mga mwf...ano din mganda inumin bgo magbuhat? Ung pang masa at mganda epekto...thanks sa mga nag comment I really appreciate it guys.. Oo nga pala about sa candito, Google ko un after nito..thanks!
  • bakit ka ba nagbubuhat? para saan? para kanino?
  • Dati po kaso I'm living the unhealthy lifestyle physically and spiritually.. ( i drink almost everyday , i smoke , i also smoke weed try any kinds of drugs that is available anywhere and its too many to mention i also done different kind of detestable things..)And then someone introduce me to our Lord God Jesus, and I decided to stop all the wrong doings I've done and trying to live a Christian life.. Tinigil ko lhat ng un last oct-nov kung kelan malakas temptation ng worldly things dahil Ber months alam nyo na.. And since medyo naiisip isip ko pa sya at ayoko ng balikan Ang lahat, I think that I need a diversion and eventually naisipan ko nalang na mag gym.. Iwas bisyo na.. Good health and nice body pa!
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    gusto ko lng sigurong katawan eh yung may firm muscle tpos medyo angat na chest at visible na sixpack..
    you can try adding some mass tapos mag pa lean ka or TONING ( :P )
    ano din mganda inumin bgo magbuhat? Ung pang masa at mganda epekto..

    you can try drinking whey protein, or better yet, pre work out meal ( dati I eat 2 eggs and 2 saba before working out )

    Oo nga pala about sa candito, Google ko un after nito.

    candito training.. one sick maderpaker yun brah, pero mind you, candito training routine and SL 5x5 are strength routine, indi sya bb style ha.
  • mikol22mikol22 Posts: 497
    RamPogi wrote:
    Nasubukan ko na yung SL 5x5 mga naka 2 months ata ako kaso nagsawa ako kasi paulit ulit ang buhat at 30 min+ lng tntgal ko sa gym.. Nanghihinayang ako sa 30 php ko kada buhat kung 30 min lng ako magbubuhat..sa com shop nga 2 hours na ung 30 eh..cguro kht mga 2 hours na program..ung goal ko di nmn masyadong malaki kasi magmumuka akong punggok 5'6 height ko..no offensement sa maliliit na masyadong malaki katawan, pra skin kc prng di na proportion ganun..gusto ko lng sigurong katawan eh yung may firm muscle tpos medyo angat na chest at visible na sixpack.. Yung prang katulad Kay Daniel matsunaga ok na sakin ganun... ; ) about nmn sa amino, karamihan kasi sa mga kasama ko sa gym tinitingnan ko likod nila dami din pimples na mapupula yung iba pagaling na tapos maitim.. ( lhat cla umiinom din ng amino, ayoko sna umbot skin ung gnun, mdyo konti plng nmn ung akin)Ang sakin nmn aanhinmo malaking katawan kung madumi nmn tingnan d ba?! Ano ba sa exp nyo mgandang supp yung effective abot kya at walang masamang side effect gaya ng pimples. Btw nag crecreatine din ako 1 scoop tuwing bago magbuhat lng mga mwf...ano din mganda inumin bgo magbuhat? Ung pang masa at mganda epekto...thanks sa mga nag comment I really appreciate it guys.. Oo nga pala about sa candito, Google ko un after nito..thanks!

    pwede mo gawin ung typical brosplit since mwf ka lang naman nagbubhat...samahan mo na lang ng compound movement from 5x5..example:

    monday: chest and tricep tpos una mong exercise eh bench press
    wed: back and bicep with deadlift
    friday: legs and shoulders with squat

    sample lang yan..imodify mo na lang po...

    ung iniinum ko lang bago magworkout eh extra joss, turo ni sir vinch hehe, kase pag cobra mahal din...pwede din kape ka na lang para mejo buhay ka pag nagbubuhat...
    cardio? takbo ka lang :D
  • Thanks a lot mga ka pbb sa mga suggestions I really appreciate it guys.. Don't worry I'll try ur suggestions and babalitaan ko kyo.. Then tnong tnong din ako pg my di ako alam.. May nakapagsabi nga pla sakin guys na Ang body building is 80% nutrition and 20% training..
  • BANEBANE Posts: 1,927
    RamPogi wrote:
    Thanks a lot mga ka pbb sa mga suggestions I really appreciate it guys.. Don't worry I'll try ur suggestions and babalitaan ko kyo.. Then tnong tnong din ako pg my di ako alam.. May nakapagsabi nga pla sakin guys na Ang body building is 80% nutrition and 20% training..

    tama sir. kasi isipin mo kahit anong lakas mo sa 1-3 hours mo sa gym sa pag wowork out, nasa kamay mo ung remaining 21 hours. so nasasayong palad ang mga pagkaing ilalagay mo saiyong katawan :D un ang mas mahirap na challege! :D madali mag pakamatay sa gym ang mahirap ung pag control sa sarili before and after. hehe keep it up!
  • Uu nga..sabi sakin dapat daw sa height Kong 5'6 at weight Kong 65 kilo dpat 100-140 grams na protein at 2000-2700 calories.. Kinekwenta ko palang eh sumasakit na bulsa ko.. Yung Isang servings ng whey 24g at a tpos kung 3 x day 72 na + 1 can tuna 20+g din tsaka mga 5 itlog pra makakuha ako ng 100+g na protein araw2.. Tpos sa calorie 1 cup rice eh 250g dpat mga 8-10 cups ako 1 araw pra makuha ung 2000+ na calories.. Ang pinagtataka ko lang yung calorie intake parang masyadong madami, nung umiinom ako ng mutant mass at sinabayan ko ng umaga tanghali hapon Gabi kanin, npansin ko ngang lumaki ako kaso pati tiyan ko din medyo lumaki nawala yung visible 4 pack ko at medyo lumaki yung sa lower abs..Ang gusto ko lang sanang built eh di masyadong bulky.. Yung tamang James Reid lang na katawan.. Pwde kyang magbawas ako ng calorie yung tipong sa lunch lng mgkkanin ng konti tpos sa Gabi di na kakain ng kanin..whey n lng fruit at veggies.. O sabayan ko pa ng L-carnitine pampalusaw fats..Ano sa tngin nyo mga idol?
  • sabi nga po nila if mag bbuild ka ng muscles d maiiwasan yung paglaki ng tyan kasi po BULK tapus CUT gnyan po progress ako nga po 5'5 lang kasi kasi nman po sa Specific height my specific weight like sakin 5'5 ang pnakamataas ng proportion skin ata ayon sa nabasa ko is 72KG pure muscles mass na po yan.. ewan ko po bsta po sabi nila d maiwasan ang mag karoon ng tyan kasi po based sa pic mo now tapus mag cuts ka kagad goodbye po tlga mgiging buto ka nalang so need mo po tlaga mag gain
  • BANEBANE Posts: 1,927
    RamPogi wrote:
    Uu nga..sabi sakin dapat daw sa height Kong 5'6 at weight Kong 65 kilo dpat 100-140 grams na protein at 2000-2700 calories.. Kinekwenta ko palang eh sumasakit na bulsa ko.. Yung Isang servings ng whey 24g at a tpos kung 3 x day 72 na + 1 can tuna 20+g din tsaka mga 5 itlog pra makakuha ako ng 100+g na protein araw2.. Tpos sa calorie 1 cup rice eh 250g dpat mga 8-10 cups ako 1 araw pra makuha ung 2000+ na calories.. Ang pinagtataka ko lang yung calorie intake parang masyadong madami, nung umiinom ako ng mutant mass at sinabayan ko ng umaga tanghali hapon Gabi kanin, npansin ko ngang lumaki ako kaso pati tiyan ko din medyo lumaki nawala yung visible 4 pack ko at medyo lumaki yung sa lower abs..Ang gusto ko lang sanang built eh di masyadong bulky.. Yung tamang James Reid lang na katawan.. Pwde kyang magbawas ako ng calorie yung tipong sa lunch lng mgkkanin ng konti tpos sa Gabi di na kakain ng kanin..whey n lng fruit at veggies.. O sabayan ko pa ng L-carnitine pampalusaw fats..Ano sa tngin nyo mga idol?

    manok paps!!!! CHICKEN BREAST kaibiganin mo. mga 200 php 1 kilo na un!!! kaw na mag experimento sa luto. ung carbs mo kung gusto mo kunin mo sa gulay. damihan mo ng kakngkong at pechay ewan ko nalang kung di kapa mamurahan nyan. kelangan mo tlga ng carbs e. un ung energy mo. lusaw fats? cardio lang yan. kaso nga lang di mo pwede isabay ang cutting sa bulking, bulk muna pag makapal ka na chaka ka mag TONING (pun intended) lol.
  • Mga idol baka pwede makita mga latest pic nyo para may inspirasyon ako hehehehe... Hmm.. Di bale gano po katagal Ang bulking phase at gano ka katagal mag cucuting phase at meron pa po ba yung maintenance pgtpos mag cut?
  • CoreCore Posts: 2,509
    RamPogi wrote:
    "...sabi nga ni boss the core " pag masyadong nakikipag argue,lalo mo lang pinapakita mababa IQ mo" ..."

    Wala akong sinabing ganyan...
    RamPogi wrote:
    "...(sa kanya pa nanggaling kung sino madami sinasabi)..."

    ...
    RamPogi wrote:
    Sayo n lng idol bad ass paturo..at pa guide lng ano dpat gawin para mahabol ko katawan mo hehehe..( joke)you seems like a nice guy nmn eh ; )

    Sige. Kayo nang bahala dito sir @vinch...
  • Typho boss EQ..Kala ko ok na tayo kaso di na na argue..nag sorry na nga ako eh..kung ano man aang di mo nagustuhan sakin patawarin mo na ko kung ano man un ako na magpapakumbaba.. Ayoko lang mgkaroon po kayo ng pangit na impression skin dahil wala naman akong ginagawang makakasama para sa inyo..
  • CoreCore Posts: 2,509
    RamPogi wrote:
    Kala ko ok na tayo kaso di na na argue..

    Ok na nga. Bakit ano ba interpretation mo sa sinabi ko? Pagalit? Sarcastic nanaman ba? Itigil mo na 'yan! Wala ka naman nakikitang feelings sa mga text na nababasa mo ngayon dito sa screen ng computer mo. 'Ni emoticons nga wala, just texts. Ikaw na nagtitimpla ng emotions sa mga pinopost ng mga ibang members dito. Just read with your mind neutral.
    RamPogi wrote:
    "... ung goal ko di nmn masyadong malaki kasi magmumuka akong punggok 5'6 height ko..no offensement meant sa maliliit na masyadong malaki katawan, pra skin kc prng di na proportion ganun.. ..."

    "No offense means the statement will be offensive, no matter what it may be..."

    ...so I feel offended. (Just kiddin'. [size=x-small](But not the first quote.)[/size] Used to people like you from the general population and new to this sport, somehow.)

    Saka mo lang siguro mas maiintindihan 'yang mga sinasabi mo kapag nag-taon ka na sa larangan na 'to... (Minsan mapapa-isip ka nalang kung bakit generally accepted yung 'short and fat' [size=x-small](chubby as they call it)[/size] compared sa 'short and muscular'... LOL.)
  • Uu nga boss newbie pa kasi ako kaya ganun.. Bakit boss maliit ka ba at mamaskels?! Uu nga eh parang may point ka dun, na pag short and fat ok lng di masyadong pansinin at natural lang tingnan..pero pag short and muscular pag nakakasalubong mo mga tao pagtitinginan ka at feeling mo pagbubulungan ka pagtalikod mo.. (Which I usually do)joke! Bakit nga po ba ganun boss? Baka pwede makita latest pic mo ngayon inspiration lang...hehehe.. ;)
  • CoreCore Posts: 2,509
    RamPogi wrote:
    Bakit boss maliit ka ba at mamaskels?!

    Hindi pa... Magiging palang...
    RamPogi wrote:
    Uu nga eh parang may point ka dun, na pag short and fat ok lng di masyadong pansinin at natural lang tingnan..pero pag short and muscular pag nakakasalubong mo mga tao pagtitinginan ka at feeling mo pagbubulungan ka pagtalikod mo.. (Which I usually do)joke! Bakit nga po ba ganun boss?

    Konti lang kasi ang mga nag-pupursue ng bodybuilding up to competitive level. Therefore rare encounter din. Although, sasabihin mo rin, bakit yung mga bouncers at mga off-season (referring to those who packed too much fat—IMO, that would be beyond 20%—or appear bloated during bulking seasons) bodybuilders? Usually, sa mga stereotypes, they'll regard them along with the 'fat' people kahit bloated lang naman sila. Which to them, may still appear normal or they consider, still, 'normal'. [size=x-small](Word differs from person to person.)[/size] Kaya iba pa rin kapag makasalubong ka talaga ng bodybuilder na kita yung separation ng muscles (provided with low bodyfat levels) at pagkahubog ng katawan...

    Pero kung ang tanong mo kung bakit ganun ang tao kapag nakasalubong ng bodybuilder, nakadepende ang sagot dyan sa magiging reaksyon nung tao (kasama na doon kung ano yung ibubulong tungkol doon sa bodybuilder, compliment man o hindi.)...
    RamPogi wrote:
    Baka pwede makita latest pic mo ngayon inspiration lang...hehehe.. ;)

    Check my journal...
  • CoreCore Posts: 2,509
    RamPogi wrote:
    ..." Sayo narin ako tatanong ng info about cutting.. Balak ko na po kasing magpacuts this coming new year.. Ndi pako masyadong malaki Pero medyo malapad na at nagkakabilbil nakong kaya balak ko na magpatuyo... Kahit ndi kalakihan ma experience ko man lang magka six pack in my entire life.. "...

    Lahat naman may six-pack abs. Yung iba nga 8-pack or 10-pack abs.
    Post your current photos.
    RamPogi wrote:
    ..."Papaturo po ako ng work out , diet , supplements etc etc.. "

    (*Hindi kita matutulungan tungkol sa 'supplements' dahil hindi naman ako gumagamit. At regards sa nutrition, yung mga basic principles lang. Sa technical? No.)

    Relay your current workout program.
  • Mga bossing ask ko lang bumili ako serious mass kaso ung seal nya sa loob ung white dba dpat nka glue un? Kasi nung bnuksan ko nka dikit labg dun sa takip ano to bnawasan or fakethank you reply!
Sign In or Register to comment.