Genesis Journal

Ito ang katawan ko, payat pero may konting form, ang hirap kasing mag gain ng muscles eh pahirapan talaga dapat at disiplina, pero alam ko dadating ang time na makukuha ko din ang desired body ko sabi nga tyaga tyaga din at wag talagang mag abuso sa katawan katulad ng inom ng alak, puyat, yosi, o kung ano pa. At tamang pagkain daw. Update ko kayo every month sa progress ng katawan ko. 60kgs ako ngayon at 77-80kgs ang goal ko. 1 week palang ulit ako nag start ng pag gym ko pero nag gym ako dati mga 3 months tapos tinigil ko. Tinamad kasi, pero ngayon plan ko ituloy-tuloy na ulit. Para din kasi sakin ito eh. Syempre kailangan ko din ng tulong dito sa pinoybodybuilding.com sa mga tips. Hehe salamat (march 31, 2014)

Comments

  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    bro, dalawa journal mo hahaha

    anyway, welcome sa PBB! dami ka matutunan para mas ma improve ang training at diet mo. basta basa baa at mag back read lang sa mga topic ditoi. Pag di malinaw, tanong lang in a nice way at tyak ma y sasagoot sayo :) Good lucjk brod!
  • genesisgenesis Posts: 11
    Salamat @emman isa lang ang journal ko dito sa akin eh. Di ko din alam kung paano mag erase at bago pa lang ako dito. Dami ko nga natutunan eh ginawa ko agad kanina sa gym yung mga napag-aralan ko.
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    pm replied! checked mo sa page 2 or 3 ung isa mo pang journal hehehe at Emman1986 ako hahaha
  • genesisgenesis Posts: 11
    Waahh. @emmann1986 di ko talaga makita eh. 1 lang ang nandito sa laptop at sa cellphone eh. Pero salamat matututo din ako dito paunti-unti atsaka papalaki ng katawan. Sana may mag tips pa na iba sakin pano ko ma develop katawan ko. Problema ko kasi braso eh kahit anong buhat parang ganun pa din, nabalik sa dati haha.
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    hahha labis ng isang N ung type mo kaya di ako na alert hehehe
    nabura na siguro ni @boss_j ung isa mo journal.

    backread ka lang palagi sa traning thread at diet at nutrition tyak madami ka lalao matutunan para mas ma improve ka. marathon naman ang bodybuilding hindi sprint (isa sa golden post dito sa pbb)
  • genesisgenesis Posts: 11
    @emman1986 ay oo nga no. Hahaha pasensya na sir, sige salamat po patuloy akong nag babasa at nag reresearch ng mga gusto at dapat ko pang pag aralan sa BB. Kasama na yung mga diet and nutrition pati yung tulog at iwas stress at bisyo.
Sign In or Register to comment.