hello PO!
trex
Posts: 8
New member po! Naghahanap ng mga makakatulong sakin. Kailangan ko ng motivation para matodo ko na 'to. Nahihiya na 'ko sa gym ko eh. Parang 3 taon na 'ko don pero lagi akong nasisidetrack dahil sa sakit, stress, o inconsistency. Onti lang linaki ko tapos recently nagkasakit pa 'ko tas injury. 2 buwan na 'ko nawala tapos anlaki ng liniit ng katawan ko </3 Gusto ko na sana ayusin sarili ko ngayong taong 'to. Pramis.
Comments
Someone say's " mas mabuti nang matakaw kesa magnanakaw " LOL joke
pero honestly bro, ke napatigil ka pa or my injury (it may depend), kung desidido ka talaga sa pag papaganda ng katawan (di occasionally), no exuses dapat Pag gusto my paraan bro
Pero since mag sisismula ka ng pag babago ulit, tama ang pinasukan mong site Andito na halos lahat nang kelngan mo para sa BBIng mapa training routine, nutrition plans, gym pump up songs, motivational videos at syempre yung mga forumer dito na may iba ibang experience regarding BBing na pede mo matutunan coming from them para mas lalo ka mainspired Good luck bro and be consistent now, not tomorow
TODO NA TALAGA!
hi!
oo ganadong ganado na 'ko haha, tsaka tama nga. no excuses. kahit bundok bundok man workload sa school. isa-dalawang oras lang naman sa isang araw.
gusto ko yan. be consistent now, not tomorrow. aalahanin ko yan.
maraming salamat! kita kita sa forums hehe
Doon sa pangalawang binanggit mo... bakal ang sagot dyan!
Either kulang kalang sa motivation o determination. Ano bang goal mo kaya ka napasok sa pagbubuhat? Gaano mo ba gustong makuha 'yon? Kapag sa maliit na bagay, taob ka na... paano pa kaya sa iba?
gusto kong lumaki! gusto ko maramdaman magkaroon ng malaking katawan. hinayang ko rin yun sa sarili ko, parang tuwing pumapasok na 'ko sa gym feeling ko minsan ang sama ng tingin sakin ng tao kasi katiting lang progress ko. parang nasasayang ko rin binabayaran ko taon-taon, wala namang nangyayari.
pero ngayon mukhang desidido na 'ko. imbis na mahiya ako sa sarili ko kailangan ko ngayong itulak sarili ko. wala rin ako mararating kung lingon ako nang lingon sa nakaraan.
salamat po!
ahh? love life? san po nakakabili non???
huhuhuhu </3
pero sige gagawa ako maya-maya. tapusin ko muna finals ko haha. salamat!
Lalo na si Mike Chang dami mga motivational videos, para makapag gym ka... sa Hodgetwins naman madami sila mga direct to the point guide at medyo comedy mga vids nila. hehehe
I will remember these, and I need to think about how to find those letters Thank you!
Hodgetwins! Benta talaga yung mga mokong na yon hahaha madalas rin ko sila panoorin, pati si Elliot Hulse. TIngnan ko si Mike Chang, sige haha