Official Training Q&A Thread

15051535556141

Comments

  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    ginagawa ko now sa BP para makabalik agad sa dating bigat,siempre yung low reps lang,tpos yung rest interval mga 2 to minutes. halimbawa 120 ngayon araw yung last set ko,titira ako ng 130 kahit 2 rep para next week yung 130 kaya ko na mag 4 to 6 reps.
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    train your triceps, rear delts and upper back to become stronger, saka learn to recruit the same muscle groups i mentioned during the movement when benching oh and another thing plan you feet flat sa ground for stability during the movement.
  • DregPittDregPitt Posts: 987
    ^agree kay sir DV . hirap din ako magdagdag ng weight sa BP.. di kasi ako ng back exercise dati. wahehe. saka in my case full 12 reps kasi ako dati, nalaman ko dto ok lang ung 4-6 reps muna basta ung max na kaya mong buhatin ok na. then baka rin kasi tung barbell nagtotouch sa chest mo. when youre doing heavy lifts mahirap pag nagtotouch sa chest. baka di mo maiangat. basta naka 90 degrees na ung arms mo habang binababa mo ung barbell its fine. hope this helps. :D
  • salamat sa mga payo mga sir!!! kapag nag bebench pa nmn ako kapag heavy na yung paa ko di na mapakali minsan naitataas kupa...salamat sa payo mga masters NOTED.
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    ok lang ata naka taas ang paa,wag lang yung likod naka angat na parang may babae sa ibabaw lol alam mo na yun
  • RhodRhod Posts: 69
    I'm not sure kung natanong na to. No time to read all the questions here.

    Dapat po bang sumakit ang muscle the next day para malaman kung tumalab yung workout?

    Nagpalit kasi ako ng trainor. Nag shoulders and legs kami last Sunday. Legs lang ang sumakit. Yung shoulder hindi. Sa previous trainor ko, the next day after working out, ramdam ko agad yung tama. Tolerable naman yung pain. Sabi, pag nagbuhat kasi, napupunit yung muscle fibers. Tapos nagre-repair ito. Sa pag repair ng fibers, lumalaki. Thus, kailangan ng protein para mag heal yung muscles.

    Dahil walang pain, does this mean na walang muscle tear na naganap?
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    ok lang naman hindi sumakit kinabukasan lalo na kung sanay na yung body part na nilaro mo at pwede rin sumakit kung heavy binuhat mo ..bakit iba na ba naging exercises mo sa shoulder? bumigat ba or gumaan?
  • arwin0609arwin0609 Posts: 984
    pain or soreness?

    ilang days mo ba ang pagitan ng shoulder training mo? katulad ng sinabi ni DV pag sanay na di ka na makakaramdam ng muscle soreness.

    Tsaka

    muscle soreness does not equal to growth..
  • codylewiscodylewis Posts: 219
    ok lang naman hindi sumakit kinabukasan lalo na kung sanay na yung body part na nilaro mo at pwede rin sumakit kung heavy binuhat mo ..bakit iba na ba naging exercises mo sa shoulder? bumigat ba or gumaan?

    idol tlga kta DV para sayo pala laro nalang ang mga workouts mo dahil sa sobrang sisiw na sayo ang mga weights hehehe. todo bigay ka na ulit tas sali ka sa 135 lb division suportahan ka namin may potential ka dun lalo na pag may special supplement hehehehe
  • RhodRhod Posts: 69
    Thanks mga bosing. Ganun po ba. Eh di ayos.

    3x a week ako.

    nabago program ko. iba kasi style ng bagong trainor ko. (Nagpa-PT muna kasi ako kasi noob ako, kahiya kasi wala akong alam).

    dati kasi: chest/biceps/core, back/triceps/core, shoulder/legs/core

    ngayon: chest/back/core, biceps/triceps/core, shoulder/legs/core

    dati: 3x15 superset, mabilis, pati recovery ang bilis lang.

    ngayon: mas mabigat/mabagal, 10 reps lang, superset pa rin, mas matagal ang recovery time

    magkaiba talaga style nilang dalawa.
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    codylewis wrote:
    ok lang naman hindi sumakit kinabukasan lalo na kung sanay na yung body part na nilaro mo at pwede rin sumakit kung heavy binuhat mo ..bakit iba na ba naging exercises mo sa shoulder? bumigat ba or gumaan?

    idol tlga kta DV para sayo pala laro nalang ang mga workouts mo dahil sa sobrang sisiw na sayo ang mga weights hehehe. todo bigay ka na ulit tas sali ka sa 135 lb division suportahan ka namin may potential ka dun lalo na pag may special supplement hehehehe

    hahah :arghh: ako pa napag tripan. Hirap na hirap nga ako kanina sa Bench Press :sleepy:

    Heto may tanong ako,weird eh.. After workout,post workout meal ko protein shake na whey,oatmeal tapos saging. Pero pakiramdam ko pagod pa rin ako kaya after 1 hr solid meal na,tapos nawawala na yung pagod,natural ba yun? :huh
  • codylewiscodylewis Posts: 219
    baka kulang lang sa pahinga bro. ako kasi after workout pagkakaen,hihiga na muna ako sa kama, surf surf sa net habang nakahiga tapos after 1 hour medyo okay na pakiramdam ko.
  • mrlouiemrlouie Posts: 105
    Mighty_Oak wrote:
    Saang Nike store meron nito (mas maganda kung outlet store para may discount)

    855906.jpg?1349516659

    baka po MJ46 sa paranaque,
    -20% lahat ng tinda dun, medyo mabilis lang maubos dahil marami namimili,
    yung KB7 dati nung medyo bago pa sa mall 7k nung nabili ko tropa ko 5k nalang halos.
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    codylewis wrote:
    ok lang naman hindi sumakit kinabukasan lalo na kung sanay na yung body part na nilaro mo at pwede rin sumakit kung heavy binuhat mo ..bakit iba na ba naging exercises mo sa shoulder? bumigat ba or gumaan?

    idol tlga kta DV para sayo pala laro nalang ang mga workouts mo dahil sa sobrang sisiw na sayo ang mga weights hehehe. todo bigay ka na ulit tas sali ka sa 135 lb division suportahan ka namin may potential ka dun lalo na pag may special supplement hehehehe

    hahah :arghh: ako pa napag tripan. Hirap na hirap nga ako kanina sa Bench Press :sleepy:

    Heto may tanong ako,weird eh.. After workout,post workout meal ko protein shake na whey,oatmeal tapos saging. Pero pakiramdam ko pagod pa rin ako kaya after 1 hr solid meal na,tapos nawawala na yung pagod,natural ba yun? :huh
    same tayo divi, ganyan din ako 2scoops whey, + instant oatmeal luto sa mainit na tubig + saging tapos blender, after 1hr din ako kumakain kase mabigat sa tiyan yan eh, ako nakakaramdam ako ng antok lol.
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    oo nga boss dalts,ka antok at pagod kaya dapat kumain din agad after 1 hr pag intake ng protein shake. kaya na isip ko importante tlg lagi ang solid meal after post w.o meal. dahil kung hindi lupaypay abot
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    uu. paps, whole foods talaga. wag mong hayaan bumalik katawan mo sa payatot lol.
  • henzhenz Posts: 6
    may tanong ako mga masters...

    ok, natapos na ako sa workout.. workout ko mga 8-9pm after that i drink my whey protein. is it ok right after drinking may whey, kumain ako ng heavy meal (rice + viand) or should i need to wait a couple of hour.. minutes before eating my dinner?

    Thanks mga gurus...
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    ako nag aantaya ko ng 30mins to 1hr,
  • henzhenz Posts: 6
    salamat sir dalton,

    karagdagang katanungan.. ok rin ba uminom ng whey protein early in the moring? i mean pagkagising na pagkagising? tapos eat ng breakfast.. or should i wait also 30-1 hour bago kain ng breakfast?
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    dati sinasabay ko sa bf ko ung whey, un ung tipong tubig ko lol. haha! pero nde kse ako nag bbf eh,
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    henz wrote:
    salamat sir dalton,

    karagdagang katanungan.. ok rin ba uminom ng whey protein early in the moring? i mean pagkagising na pagkagising? tapos eat ng breakfast.. or should i wait also 30-1 hour bago kain ng breakfast?

    Ganito din ako dati, ginagawa kong komplikado buhay ko. May oras oras pa.
    Ngayon I just make sure to hit my macros.
  • CoreCore Posts: 2,509
    Medyo naguguluhan po ako sa tricep cable press-down, paano po ba yun starting point, yung 45° from the floor or yung parallel?
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    sakin medyo above parallel, kasi gutso ko keep ung tension sa tri's ko
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    uu. paps, whole foods talaga. wag mong hayaan bumalik katawan mo sa payatot lol.

    hehe oo ayoko maging pancit canTONE :unhappy:
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    Core wrote:
    Medyo naguguluhan po ako sa tricep cable press-down, paano po ba yun starting point, yung 45° from the floor or yung parallel?

    marami din minsan nag kakamli dto lalo na pag mabigat, nag aactivate minsan ung front delts naten para maibaba, mali un, dapat triceps lang talaga,
  • MawsMaws Posts: 5
    Maganda kayang combination ang amino 2222 at fishoil as supplement? I still take whey daily and mostly after workout. Hardgainer kasi ako. Halos walang madagdag sa timbang ko kahit dinamihan ko na ang pagkain ko.Naka- IF diet pala ako. Salamat.
  • ^para skin di na ako mag aamino yung whey ma amino acids na e..creatine ka nlng instead of amino para skin lng nmn haha
  • [/size][/font][size=x-small]

    [/size][size=small]

    guy's help me naman po and advice bago lang po kasi ako dito. almost 6 months na po ako ng wowork out ang bigat ko 54 kilo medio light lng ang itsura ng katawan ko. ang gusto ko lang po kasi ay magkaron ng cuts yung katawan ko parang model lang po ang dating , ang ask ko po kailangan ko pa po ba mag take ng powder or example serious mass/ mega mass,, kasi po amino acid lang po ang take ko ngayon..minsan kung may budget vitamilk po.

    advice naman po. salamat.
  • ^whey protien bro..serious mass/mega mass calories mataas dyan kung mag papa lean ka parang contradict..whey protien is just a suppliment nutrition pa din mahalaga kung gustu mu mag pa lean modify your diet tapos buhat ng matino..me kasabihan nga abs are built in the kitchen hahaha!! kung wala kang budget sa mga whey bawi ka sa whole foods sir basa basa ka lang dto madami ka matututunan.. sana makatulong:^^
  • arwin0609arwin0609 Posts: 984
    You can't get RIPPED if you have no muscle underneath. You can't have "definition" without something to "define."

    ikaw na nagsabi na "medio light lng ang itsura ng katawan ko" so sa tingin ko check mo yung nutrition mo baka kailangan mo dagdagan ang calories mo para magkalaman ang katawan mo. Wag ka muna mag mass gainer whole food ka na muna katulad ng chicken, baka, eggs, gatas, patatas, kamote, oatmeal at iba pang foods na high in protein at carbs.

    Ngayon pag may laman ka na dun ka mag diet (cutting phase) para ma achieve mo yung gusto mong "katawan ko parang model lang po ang dating".

    One more thing, gaano kabibigat ba yung binubuhat mo in 6 months? Kung may time ka gumawa ka ng journal para makita ng ibang mga masters at baka may mas maganda silang i suggest sayo...

    Magbasa basa karin ng mga journal dito or yung ibang mga thread for sure madami ka mapupulot na magagandang aral tungkol sa pagbubuhat.

    goodluck and keep pumping!!!
Sign In or Register to comment.