Na-Bubully kaba nung HS/Elem.?
Aldrin
Posts: 799
in General Chat
ibang usapan naman..walang bodybuilding related masyado
ako Oo nung 2nd year Highschool pinakamatindi..1st year Oo din pero di gaano...
parang pag naalala ko 2nd year hs life ko parang wala eh lagi ako nasasapak nun hehe....parang ayoko na isipin...
.......
kayo?
ako Oo nung 2nd year Highschool pinakamatindi..1st year Oo din pero di gaano...
parang pag naalala ko 2nd year hs life ko parang wala eh lagi ako nasasapak nun hehe....parang ayoko na isipin...
.......
kayo?
Comments
pero para sa akin hindi bullying ginagawa ko medyo mapagbiro kasi ako noon.
noong 2nd year ako pinatawag pa ako sa office kasi may nagreklamo binubully ko daw yung 3rd year natawa nalang ako
noong 3rd year ako pinatawag din ako pero 2nd year naman nag reklamo sa akin. naalala ko pa yung erpat noong student sabi "kung sa letran ka nagaral saksak aabutin mo". natawa ako that time pati yung APSA/councilor noon nagulat sa binitawan nung parent. pero wala talaga ako maalala case ng nambully ako or atleast for me hindi bullying yun
4th year nireklamo din ako ng classmate ko naman extortion naman daw at bullying eh nag talo kame noon sa service kala ko ayos lang kase pareho kame lalake yun pala pag uwi nag sumbong pala buong year ttuloy siya pinagtatawanan naawa nga ako eh.
pero kahit lagi ako bullying gusto ako ng majority ng mga teachers ko
hahah good for you bro. isang pitik lang sa iyo abang agad sa labas haha
hahaha, hindi naman sir, ako pa nga ngbubully eh, pero ung mga barkada ko lang,
Mga bullyboys pala mods sa PBB! ROFL
hindi naman brader monch pero kung oo okay lang basta may time na mag mature din tayo at mamimiss din natin yung old school memories hehe
hahaha sa pics mo ung before and after gangster pose ka eh heheheheh
@jeri
Wahahaha naka all CAPS pa
@exalted
yan din ang benefit pag matalino at marunong kang makisama, untouchable ka hahahaha
Tama pag matalino ka untouchable ka yun nga lang dapat mabait karin sa mga bully, kasi pag dimo pinagbigyan patay ka lol "experience lang lol nun HS" , mahirap jan pag pinagawan ka pa ng assignment nila lol.
Kaya sagot jan friendly ka lang dapat tsaka syempre MUSCLE MAN hahaha..
oo blood/crips temple/tbs ata si bro skkin eh hehehehe.
Tropahin dpat ung mga siga pero in a way na may respeto pa rin sila sayo
eto pic namin noong HS ako 2nd year kame dito 2001-2002. gangster nga ata haha pero hindi ako tbs / tst ha hahaha
tangal photo binu bully ako ni brader monching
[size=xx-small]kaw talaga brader monch hahaha mapalitan na nga pic ko :P[/size]
hahaha gangster na gangster talaga oh!
Pinalitan mo nga ung pic kasi mas gangster lalo ang dating hahahhahahaha!
hahaha ayoko na brader! haha suko na ko. binu bully mo ko brader
[size=xx-small]hindi pa din ako gangster [/size]:(
hahahaha yeah right! and the world aint round brotha!
dito ko napatunayan na di pala ko palaaway
isang araw sa Flag Ceremony medyo biniro ako tapos biniro ko din siya...eh ambabaw lang nun kaya di ko matatawag na bully...ang bully kasi diba ung nakakaasar na sa tao o nakakasakit kana ng damdamin..
tapos bigla nya ko sinapak sa dibdib..tapos sinapak ko din siya...2x ang laki ko sa kanya pero liit lang katwan ko kahit ngayun hehe......tapos un nag kainitan kami kasi pag kasapak ko sa kanya nun nasira ko yung kwintas nya..dumugo pa kamay ko nun
tapos sa classroom pinag iinitan ako...iniisip ko parang may round 2 pero alam nyo ginawa ko?eh ayoko ng away..ang ginawa ko nireport ko siya sa Adviser namin...at siya din talo sa Pag uusap namin dalawang titser, ako at siya ...ayun pinag usap kami tapos nag kaayus na kami..
proud naman sakin yung dalawang titser ko...
after ilang months..
yung nakaaway ko na yun yun pa yung tumulong sakin nung nasagasaan ako ng jeep last year...siya yung nag alalay sakin papuntang clinic...at kung hindi dahil sa kanya di ko na makikita gamit kong salamin khit ngayun...nasa 1.2k din ang presyo ng salamin ko may kasama kasing pang laban sa radiance.....masakit din sa bulsa :Dactually ang Gangster di na yan masyado uso kasi nakikita ko sa School namin...kasi diba kaka ano ko lang sa HS...
ang pag Gangster ay konti nalang..di na masyado uso yan sa highschool haha...
pag nakita yung porma mo na gangster eh sabihin ng titsers may frat ka or isipin lnag pag kinausap ka...tsaka sinasabi rin nila "absent nanaman yung (name) na gangster na yun"
tsaka may mga matatalino din binubully padin..konti nga lang...pag may Test mababait ang mga nangbubully hahah...
pag recess dyan na lumalabas mga tunay na ugali nyan or pag walang ginagawa sa school
ayos pala red at naging kaibigan mo yung naka initan mo
sa amin noong high school bawal ang name calling lalo na sa teacher
baka anong batch ka grumad ng HS?paiba iba din kasi ang patakaran nyan at alam mo naman ang agos ng panahon nag iiba din
Don Bosco technical college pala ako nag HS.
Nice! heheheh, ako rin ganyan kaso ako naman payatot talaga.
"Di kita nakilala ah!"
"tangina MachoMan"
"Laki ng pinagbago mo ah!"
Are the usual comments I receive kasi mga 6 years kami di nagkita kita ng HS classmates ko. at ang sagot ko naman sa kanila "Well, People change "
Bro, if you just train lang you wont even notice na nagbubuhat and so on. Mabilis ang panahon pre and before you know it, dami na bumabati sayo. Just keep on training bro!
pero kung matagal ka na nag bubuhat at mali mali pa din ginagawa mo..nutrition,workout program at Rest..wala din sayang pera,pagod at oras
may mga ganung tao payat pa din kahit tagal na nag bubuhat or mataba pa din