wrist pain
raokikun
Posts: 154
mga sir, 3days na lang 1 month na yung incident/accident na nangyari sakin sa gym
nag db press ako ng 30lbs after ko matapos yung reps nung ibababa ko na yung db
parang nawalan ako ng control o nalambutan ko ung kamay ko nung ibababa ko na kaya ang nangyari na bend pa kanan ung wrist ko kasi di ko binitawan ung db parang biglang bagsak sa bigat kasama ung kamay ko..
ung part na may bilog sa pic ang nasakit..
after 2-3 weeks ok na na gagalaw ko na ng ayus ung right wrist ko, pero andun pa rin ung feeling na kakaiba dun sa part na may bilog sa pic, feeling na nd naman sobrang sakit pero mild lang
normal lang kaya na ganto mag 1 month na di pa fully recovered?
nag db press ako ng 30lbs after ko matapos yung reps nung ibababa ko na yung db
parang nawalan ako ng control o nalambutan ko ung kamay ko nung ibababa ko na kaya ang nangyari na bend pa kanan ung wrist ko kasi di ko binitawan ung db parang biglang bagsak sa bigat kasama ung kamay ko..
ung part na may bilog sa pic ang nasakit..
after 2-3 weeks ok na na gagalaw ko na ng ayus ung right wrist ko, pero andun pa rin ung feeling na kakaiba dun sa part na may bilog sa pic, feeling na nd naman sobrang sakit pero mild lang
normal lang kaya na ganto mag 1 month na di pa fully recovered?
Comments
Naramdaman mo po ba agad yung pain right after the set? o naka buhat kapa?
injury talaga yang kay TS ...
Gamit ka ng wrist support. Nakaka buhat lang ako ngaun dahil dun.
Bagsak shoulder press from 70 to 55 lbs of s***
Ipa check mo din, pina hilot ko yung sakin twice kinabukasan at kasunod na araw pagkatapos mangyare yung injury. Then suot ng mahigpit na benda pag pasok sa office kasi mahirap mag type sa keyboard.
Ngaun ok na siya basta light weights lang.
Get well. Balitaan mo ako.
Oh well, sakin bukas na lang ako mag bench press , PR week ko pa naman deym..
If it were me, and I more or less know what I'm doing, I would take an anti-inflammatory like ibuprofen or naproxen for 5-7 days.
kung tendon ang issue, mataaaaagaaaaaal talaga yan bago gumaling.
by dec na lang ulit siguru ako buhat ipon ipon din muna para sa supp
aw yun ang matindi ah, wag naman sana tendon issue nakaka miss na mag buhat haha hinahanap na ng katawan ko. tamang push up na lang muna sa bahay
lift safe brah!
Then get yourself back to the gym.
Pag dating sa pag gamit ng keyboard at mouse, binalutan ko muna yung wrist ko dito sa office nun para hindi sya masyado nagagalaw.
it's your call padin.
pull - no problem
push - take it easy
tuloy tuloy, wag tigil
Tipong ang sarap lang patunugin ng patunugin pero mukhang bad habit sa kanya.
Left wrist
Right wrist
Ako 8 months na yung injury ko. Nakuha ko sya sa pagda-drive. 2-3 months di makapagbuhat ng mabigat na bagay.. Til now masakit pa rin pag tini-twist. Di ako makapag Barbell Curl ng mabigat.
yan naka bili na ako ng wrist support, 45 days na masakit pa rin siya pag tiniwist tulad ng sau ser pero di naman sobra bsta may nararamdaman lang. bubuhat na ulit ako simula bukas sa wakas tagal din napatigil. baka nga kailangan ibuhat para mawala kasi nakita ko rin sa wrist support na binili ko, improves faster healing etc parang ganun
Nabati ata. Ngayon eh parang one month na masakit. Pinahinga ko ng 1 week kase nung una hindi talaga ako makabuhat. Ngayon eh nakakabuhat nako pero may mga lifts na hindi ko kaya.
Hindi ko kaya mag bench. Hindi ko din kaya barbell curl kelangan EZ grip bar ang gamit. Hindi ko din kaya push up at dips.
Nagagawan ko naman paraan like halip na bench na barbell eh dumbbell gamit ko. At least na-a-adjust ko yung position ng kamay ko. Masakit kase talaga pag unnatural position. Sumasakit siya pag twist ko yung wrist ko.
I can't decide if I should continue lifting or just rest it muna. What do you guys think?
Saka can anyone recommend a good wrist support? Kung pwede yung mabibili sa Toby's.
Para sa akin, tuloy mo pa rin training. Avoid mo lang yung mga exercises na nakaka-aggravate sa wrist mo, anything that illicits pain, stop muna. Hindi naman siguro kawalan ang hindi muna mag-curl or barbell bench press or dips. Think of it this way, this is the perfect time to develop or train other body parts that you rarely give attention to.
Make the most out of any situation. Don't let little things discourage you from doing what you like to do.
I have also wrist pain in my right hand whenever I do bench press (dumbbell or barbell) and curls
Not being able to bench press is not the end of the world for your chest training. You can try push ups as a replacement. I know you might be thinking "WTF ?!!! Push up ?" You can increase the difficulty by elevating your feet or use rubber bands. If you are strong enough, try one-arm push ups
In my case, I use dips and push ups for my chest training
I can still do a lot of other exercises basta I need to adjust the position of my hands. Like halimbawa with triceps pushdowns. Kelangan open grip ako. Pag dumbbell presses, kelangan medyo at an angle.
I guess I'll do back, abs and legs muna. Sayang lang dahil ang ganda ng momentum ko ngayon sa FST 7.
most probably na sprain yung ligament ng carpal bone (pisiform) connecting to the ulna kaya masakit. just like tendons, matagal mag heal ang ligament. pa check up ka sa orthopedic and have it checked. yung ibang ortho nagi inject sila ng gamot sa ligament mismo para mag heal and reduce swelling. although sobrang sakit neto pag tinusok ng injection. hehehe...
@Jiggaman
sobrang sakit ba? as in konting pressure lang masakit? pag pinindot mo ba may pain din? or sa exercise lang siya masakit?
same here brah. 1 month na din tong left wrist pain ko na nakuha ko sa Cleans(Being an ego-lifter).
Nope hindi naman. Sumasakit lang siya pag twist ko yung hand ko. Siyempre pag barbell bench pag baba nung bar eh medyo unnatural yung position ng hand kaya sumasakit. Ganun din pag pushups.
Pag pinipindot ko naman hindi masakit. Sa ngayon sumasakit lang pag todo twist sa left or right.
Kung tutuusin naman kaya ko talaga magbuhat. Concerned lang ako na baka maging grabe or hindi gumaling. Baka mas okay na pahinga para 100%.
try niyo to sir... after nyo mag workout, put ice sa area na masakit for 10-15 minutes. do this for 3-4 days. then assess niyo kung masakit pa rin after 3-4days.