Ilan na kaya ang ipon ko kung di ako nag bodybuilding?
aloy0511
Posts: 948
naisip ko lang. napakagastos ng pag bobodybuilding. supplements, gym membership, pamasahe papunta sa gym at pauwi, at ang pinaka malala sa lahat ang napakaraming pagkain (triple sa kinakain ng kasama ko sa trabaho) na kinakain ko.
kayo di nyo ba naisip?
kayo di nyo ba naisip?
Comments
Sa pamasahe walkathon lang labanan..
supplements at pagkain ang nakaka sakit talaga kung bilangan ang labanan...
Pero para hindi ko maisip masyado, pinaplano ko na agad yung gastos at palengke ang labanan..
Mura kasi yung boneless and skinless samin dahil tropa yung may ari at buti mataas tolerance ko sa umay kaya kahit araw araw rak!
Pero in a sense, marami na sana ako gadget ulet bilang nerd at geek as a normal at maraming pang gala.. yun nga lang average joe lang ako..
hehe
sa bodybuilding lang napupunta haha. mali, bodybuilding pala napupunta.
Magastos nga pero worth it naman diba mga tol?
Sabagay bigtime naman un so keri lang kahit sh*t ang gainz..
+1 ako din kay sir monch, naalala ko tuloy yung mga ginagastos ko para lumakas yung character sa online games e kung sa bb ko na lang ginastos :duh: tsaka siguro panandalian lang ang mga nabili ko like sa mga gadgets
1 On GS = 2200
1 creatine = 550
Bakal Gym membership 27 months x 350php = 9450
Medyo mahal gym 600 + 600 + 800 + 800 = 2800 (nagtaas presyo)4months
Total = 19,500php not accurate since may mga per session gym dn at cobra extra joss hehe
Sa pagkain di ko na sinama kasi itlog tuna chicken ang dinadagdag ko maliban sa normal foods ko even before ako mggym. Yan lang dn mabilis kong natandaan at macompute. Lapit na ako mag 3 years. Di ko ipagpapalit sa pera yung naachieve ko ngaun. Cheers hehe
Teka sino to? Na curious tuloy ako wala na ako balita eh lol. Chismoso!
Ako nde nako nagcocompute, since change of lifestyle to, chka eversince magastos nko sa pagkain dahil ubod ng takaw at taba ko,lol, na add lang sa gastos ko is supplements at gym fees.
hay..