My journey on bodybuilding

[size=medium][/size]Mga pre 15 years old ako nag simula ng bodybuilding nakakita ako sa t.v show ng wowowe ng mga model at na amaze ako sakanila katawan sabe ko sa sarili ko susubukan ko gayahin ang kanilang istura ng katawan nila nag simula sa bubuhat ng akin sarili katulad ng handstand push up,chin ups at tubo bang baklas ng gulong ng truck ginawa kong bench press na mag pabigat sa mag kabilaang dulo araw-araw naka ugalian ko na ganun then na stop ako ng ilang months.Pumasok ako sa highschool 2nd year na ako ang dameng ng bu-bully sakin araw araw then one time meron isang tao kaisklewa ko gustong ubusin ang pasensya ko dahil parang walang epekto yung pang aasar nila sakin tinago nila ang bag ko ugaling probensya pa ako nito pamasahe lang pang gastos at may baong kanin ulam at tubig wala pa ako almusal nito tinago nila ang bag ko start ng klase then tinitiis ko lang mga ginagawa nila at takot ako mag sabe sa mga guro ko dahil tinatakot nila ako bubugin dahil gagawin talaga nila vacant na klase namen may nakapagsabe sakin na babae tinago daw ng isang kasamahan ko tago na natin sa jay ang pangalan ngayon ng alam nya na hinahanap ko ang aking bag ng aasar pa sya tpos nun nkita ko yung bag ko sa kanya ayaw nya ibigay tinatakot nya pa ako gulpihin kahit anong paki usap ko inus utusan ako bumili ng pagkain kasama ang mga barkada nya para ibigay ang gamit ko pagkatapos nun hinde pa din na ibigay yung bag ko wala ako lakas ng loob makipag tigasan sakanya dahil probensyano pa ako nun hiniklat ko yung bag ko di ko nmn sinadya na mahawakan yung uniform nya napunit ko sa kakahila ginawa nya sa kin sinakal ako nung subrang umiyak na ako naawa naman sya sakin binigay nya hinde na ako pumasok ng klase pa at nagkaroon na ako ng troma so sa isip ko bumaba na ang tingin ko sa king sarili lalo ng bumaba noong nalaman ng ibang tao yung kahinaan ko pag katapos nun sabe ko sa sarili ko kaylangan hinde na ako maaapi ng ibang tao dahil sa aking kahinaan nag hanap ako ng gym na pwede ko mapuntahan pagkatapos ng klase una pasok ko sa gym observe muna sa mga nag gym then noong nag try na ako sa bench press no plates lang muna kaya ko at hinde naman ako nahiyang mag tanong sakanila pursigido ako matuto pero hinde maiwasan ang bully kahit saan hinde pa ako tapos ng program ko sa chest biglang tumayo lng ako saglit sabe ko kuya hinde pa ako tpus maya ka nilang gumamit inagawaan ako at hinde ako pinansin dun biglang tumawa yung kasama nya sakin bumaba na naman tingin ko sa sarili ko lumilipas ang araw-araw pag katapos ng eskwela naka angat ng kunti may dagdag 25 na ako pambaon sakto pang gym ko ang saya ko subra then after year may pag babago na din sa pustura na katawan ko may laman na din di ko naman inaasahan ma impluwensyahan ako ng barkada sa masamang bisyo natuto ako uminom at mag bulakbol then bumagsak na naman ang katawan ko sa dati at na lulong ako sa computer dahil sa akoy baguhan tinuraan ako ng ka esklela ko na mag computer at libre na tukso agad ako nag papasama sya pag hinde papasok pag katapos hinto na ako sa pag aaral 1 year balik ulit pagkatpos first year college na ako subukan ko mag pataba kung ano felling ng mataba ang hirap pala ng mataba hirap mag sintas ng sapatos ,hirap mag lakad madaling mangalay ang hita at mabagal gumalaw at madaling mapagud so nag decesion ako na mag papayat dahil baka mag karoon ako agad ng kumplikasyon sa kalusugan sa pagiging mataba pag katapos bumili ako ng dumbell at barbell at plates sa bahay ngayon balik gym na ako at tpos na ako ng 2nd year course ng computer science at nag hahanap ng trabaho baka may kompanya kayo o tumatanggap ng trabahador pasok nyo naman ako pre.:bench:

Comments

  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    binasa ko ang pang mmk mong storya kahit nakakduling kasi dikit dikit hihihihi
    lahat tayo may kanya kanyang reason bakit tayo napasok sa mundo ng fitness/bbing. kung ano man reason mo, ang payo ko at tyak payo ng nakakarami eh be consistent at maging dedikado ka para sa magandang pag babago :)

    at yung mga nambubully sayo, ganyan ata talaga mundo kahit mabuti ka may mga taong gagawa at gagawa ng kalokohan o masama. kaya payo lang, wag na naten tularan ang mga ganong bagay good luck sa pag papaganda ng katawan
  • JettieJettie Posts: 3,763
    ang hirap basahin kakaduling. Welcome na lang ang masasabi ko sayo kaibigan

    Goodluck sa tinatahak mo ngayon.
Sign In or Register to comment.