Whatever it takes

1111214161781

Comments

  • arwin0609arwin0609 Posts: 984
    kung buhay nasan na siya?
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    arwin0609 wrote:
    kung buhay nasan na siya?

    buhay pa sir.. isa nga siya sa mga cast ng amaya..:D
  • arwin0609arwin0609 Posts: 984
    maxado ka updated JC.. lol
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    [undefined=undefined]
    arwin0609 wrote:
    maxado ka updated JC.. lol
    nasulyapan ko lang dun..haha
    nagulo na nten tong journal ni sir allen.. haha pasensya na sir boss allen..;;;:blush:
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    anu yung amaya??samin sa cavite lugar yun..
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    donbuh wrote:
    anu yung amaya??samin sa cavite lugar yun..

    'haha teleserye sa siete dati..
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Sarap mag IF at fasted training di ba? hehehe
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    16hr fast, DONE!

    Felt really good.
    Slight na gutom lang naramdaman ko at very tolerable, tubig lang ang katapat.

    Lamon mode na..

    Rice
    Pinakbet
    2 hardboiled eggs
    Embutido
    Whey
    1 glass soymilk

    Mamaya ko na tirahin peanut butter sandwich ko hehe.


    @Sir Mighty, sobrang sarap sa pakiramdam.
    Mas focused at mas mataas ang strenght at endurance.
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    ^Korek, kala ng karamihan pag wala kang kain eh mahihilo at manghihina ka which is actually the exact opposite.
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    naku dami sa gym namin ganyan ang paniniwala binabanggit ko nga ang IF sa mga instructor dun ang tanong kagad nila "eh di wala kang lakas nun"?
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Exactly.

    Gaya nga ng nabangit ko nung nakaraan, minsan nagugutom pa nga ako pag ng pre-wo meal ako 2hrs before wo, samantalang sa fasted training.. never felt this good! Hahaha.

    @Sir Milk - Kapag ako tinanong ng ganyan sasagot ko "sa sex ako nanghihina, sa IF hindi" Hahaha
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    ^Ganun talaga pag di mo pa alam. Kahit ako nung umpisa ang dami kong duda.

    Pero naalala ko way back mga 2-3 yrs ago may nag advise din sakin ng ganyan, beterano na sa mga BB comp ganda ng katawan kahit off season. Di nga daw sya kumakain bago mag buhat black coffee lang. Ako naman inisip ko Broscience agad! hahaha
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    ^ Hahaha. Ako naman masiyadong takot magutom at lalo namang takot magbuhat ng nagugutom. Paranoid masiyado. Mali pala ko. Haha
  • redred Posts: 753
    haha ...matry nga to next week ...
    naisip ko lang yung bright side ... after mag WO ... grabe siguro ang taas ng level ng gutom mo nun na tipong lahat ng klase ng pagkain gusto mong itumba!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Sa case ko men walang cravings e. Hindi din ako nakakaramdam ng matinding gutom kahit after wo.
    Pero pag kumaen ka na, dun mo makikita kung gano ka kagutom na pala haha.
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Ako naman, mas pinili ko ng maging snob kesa mag paliwanag hahaha. Kakatamad mag paliwanag tapos iba ang tingin sayo.
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Ganito ba tingin nila pagtapos mo magpaliwanag?

    wbw41e.jpg
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    ^ Hahaha.

    Parang "Bullshit"
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    Simulan mo na yung thread mo ng success story...para me aabangan...
  • arwin0609arwin0609 Posts: 984
    IF ka na ba allen? ayos papaliit ng tyan ah.. hehehe
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    goodluck sa IF sir allen.. abangan ko future posts mo..
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    good luck boss
  • HawkEye02HawkEye02 Posts: 454
    kaabang abang to ah! gudlak paps allen lilitaw na abs nyan! :flex:
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Day 7

    Semi fasted training muna since after work ako ng wo.

    Squat
    100x6
    120x6
    140x6
    160x5

    Good Mornings
    70x4x10

    Pull Through's
    50x12
    50x12
    70x12
    90x12 - literal na pull pala to kasi ako nahahatak haha.

    Calves Raise
    200x4x15 (1 mins rest)

    Leg extensions
    100x4x12

    Post-wo lamon mode
    Rice
    Sinigang
    Pinakbet left over kagabi
    Whey
    Soy Milk
    Apple

    Pag gising ko kanina, direcho kuha ng tub ko ng Whey, pag bukas ko ambaho, pag tingen ko
    WTF!!!!!!!!!!!!!!!
    IPIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIS!!!!!!!!!!!!!!!
    Tang I*a!!!!! Paano nakapasok sa loob yun? Naiwan ko sigurong bukas for a while kaninang umaga hays. - Tanong ko sagot ko lol

    Sayang, ang sarap pa naman nung Mocha Cappuccino, konti pa lang nababawas ko since inuna ko ubusin yung cookies n cream ko.
    Wala pa naman na ko budget kakabili ko lang ng BCAA at yung malaki pa kinuha ko para mas tipid at sulit hays.
    Kailangan ko na kahit PM7! Wala bang magdodonate? O kaya kain na lang ako ng beans. HahaKanina pala sa pantry before ako mag out, nag timpla muna ako ng pre-wo ko.
    Kinausap ako ng utility.

    Utility : Ano yan nag gygym kayo sir? (Obvious naman nakapatong yung gym bag ko sa lamesa)
    Ako : Opo kuya
    Utility : Ano iniinom niyong mga gamot?
    Ako : Sa sarili - Gamot??? Wala naman akong sakit ah!
    Ako : Ahh.. whey kuya (Yung pinaka common na lang sinabi ko)
    Utility : Whey lang? Pampaano ba yun sir pampalaman? (Tinapay??)
    Ako : Recovery. (Di ko na inelaborate may babae kasi sa gitna namin habang naguusap kami lol)
    Utility : Ahh.. Kasi nakikita ko kayo dati sir hindi pa ganyan katawan niyo e.. San kayo nag gygym sir? Sa taas? Yung FF tinutukoy niya.
    Ako : Ay hindi.. jan lang sa may lifehomes, sa mura lang.. sabay ngiti na lang tas paalam na.. "sige kuya"

    Wow may taga subaybay pala ako ng progress ko haha.
    Kidding aside, nakakatuwa din kasi may nakakapansin medjo ginanahan tuloy ako mag buhat hehe. :)

    Tapos nabadtrip naman ako sa gym pag dating may ngshshrugs sa cage, at palipat lipat pa so antagal niya matapos, shrugs, cable rows, side lateral.. natapos ko na good mornings at calve raises ko wala pa din siyang balak umalis. Binawasan yung plate ko tapos na hindi pa pala. Napikon na ko nilapitan ko na "Ser tapos ka na?"

    Woot dami ko kwento lol. Parang diary to imbes na journal. Hayaan niyo na.
    Masyado kayo.
    donbuh wrote:
    Simulan mo na yung thread mo ng success story...para me aabangan...

    Kapag nag success na ako sa IF buh saka na ako maglalagay ng sa akin dun hehe.
    arwin0609 wrote:
    IF ka na ba allen? ayos papaliit ng tyan ah.. hehehe

    Oo bro..
    Ewan kung liliit, pero sana at least ma minimize na lang yung fat gain while bulking hehe.
    jcumali008 wrote:
    goodluck sa IF sir allen.. abangan ko future posts mo..

    Thanks bro.
    Sana mag progress pa din kahit dko masunod eksakto yung sa Leangains
    good luck boss

    Thanks boss!
    HawkEye02 wrote:
    kaabang abang to ah! gudlak paps allen lilitaw na abs nyan! :flex:

    Bulking pa din naman ako paps.
    Kaso baka magmukang cutting dahil baka mahirapan ako mag calorie surplus since mahina ako kumaen sa isang upuan lang hehe.
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    ay sayang naman ang whey, mahal pa naman! tsk tsk tsk!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    ay sayang naman ang whey, mahal pa naman! tsk tsk tsk!

    Kung 2.6k bili ko dun, siguro worth 2k pa yun.
    Sayang talaga.
    Sumagi pa sa isip ko nung una kung kaya ko sikmurain e, pero di talaga kaya amoy pa lang HAHAHA.
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    ganyan din minsan sakin, pag kakain ako sa chicboi, sa inasal or bibili ako sa andoks baliwag, sasabihn nag ggym kayo sir noh, lake ng braso nyo, talaga bang mahilig kayo sa manok at itlog pag mga nag ggym... sabi ko, ah oo kase murang pagkain to hindi ko kaya baka lage haha! ayaw nila maniwala 1yr and half palang ako nag ggym lolz.


    PERO SAYANG ANG WHEY! HAHAHAA!nga pala papa, sa if, pag bulking minimal lang ang fat gain, pero matagal padin mawawala ang taba sa tiyan, kung sa kagaya ko ah kase ako galing sa obese, pero kung bulking pero payat ka, nako swerte talaga pag ganun!
  • mrlouiemrlouie Posts: 105
    allen101 wrote:
    Mighty_Oak wrote:
    Kailangan talaga tuloy tuloy ang fasting phase Bro, kasi from the 12th hr of fasting onwards, nag me-metabolize ng fat ang katawan natin if I'm not mistaken.

    Hmm I see.
    May sinuggest pala si DS, pwede ko daw ipasok yung ensayo in between sa feeding time.
    Kung 9am na post wo ko, ang feeding time ko daw magstart ng 1am.

    Or least option ko na talaga yung ensayo upon rising then start ng feeding post-wo?

    Ensayo : 6pm-7:30pm
    Feeding : 8pm-4am
    Fasting : 4am-8pm
    ngayun ko lang po nalaman yung ganito,ok ba i try ng mga beginner yung ganito?
    medyo malaki ng konti lang naman yung tiyan ko *kakainom ng beer at unli rice*

    tama po ba from 4am to 8pm hindi kayo kumakain,tubig lang?
    then from 8pm to 4am panay na ang kain nyu?,tama po ba pagkakaintindi ko?
    Mighty_Oak wrote:
    ^Korek, kala ng karamihan pag wala kang kain eh mahihilo at manghihina ka which is actually the exact opposite.

    sir mighty hindi rin po ba nagiging sanhi ng ulcer yung nalilipasan ng gutom katulad ng ginagawa sa IF?
    *pasensya na po ngayun ko palang kasi nalaman tungkol dito sa IF.*
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Hindi naman not unless may pre existing ulcer ka na.
  • mrlouiemrlouie Posts: 105
    Mighty_Oak wrote:
    Hindi naman not unless may pre existing ulcer ka na.
    so far wala naman po

    gusto ko po sana i try tong IF..*mukang mahirap*
    last na kain ko 9pm,ngayun palang nagugutom na uli ako :arghh:
Sign In or Register to comment.