Frustrated Hardgainer

Hi mga sir. Medyo frustrated lang kasi ako sa resulta ng pag workout ko. I've been working out since April. 63kg ang starting weight ko. Naging 74kg ako nung mga early August kaso lang ng dumating na yung mga practice sa basketball for the intramurals, saka bumaba ulit timbang ko. Ang masakit pa e, nasprain ang tuhod ko nung practice namin kaya di rin ako nakalaro :( Hanggang ngayon, di ko pa nattrain ang legs ko dahil sa sprain. Ngayon, 67kg nalang ako. Di na dumadagdag timbag ko for 2-3 weeks.

HELP!!

Sa ngayon, nasa week 10 Weight Gain Blueprint program ni Jeff Masterson.

Di ko alam kung ano mga kakainin ko :(

Any tips rin para sa mga kakainin ko? Mababa lang kasi budget ko kasi 100 lang ang baon ko maghapon. Ano pong magandang pagkain na nutritious pero mura lang?
And any tips para mas bumilis ang progress?

SALAMAT SA TUTULONG

n4gz9y.jpg

ftiu4n.jpg

Comments

  • YatezYatez Posts: 2,745
    bro ayusin mo naman font mo ang sakit sa mata eh tinamad ako basahin
  • Idaan mo na lang muna sa madaming kanin. No choice e. Pwede ka bumili ng eggs kahit 10pcs. Makakatulong yun pero tip ko sayo madaming RICE! Based sa pic mo parang kaya mo lumapad ng hindi masyadong tataas ang bodyfat. Well, nagsisimula ka pa lang kaya tyaga tyaga at tiis tiis. Ganyan din ako nagsimula ni walang pambili ng pagkain :)
  • Puede ring wag ka na mag basketball man kung talagang gusto mo mag bulk up :) Less calories burned less kekelanganin mo kainin :)
  • Idaan mo na lang muna sa madaming kanin. No choice e. Pwede ka bumili ng eggs kahit 10pcs. Makakatulong yun pero tip ko sayo madaming RICE! Based sa pic mo parang kaya mo lumapad ng hindi masyadong tataas ang bodyfat. Well, nagsisimula ka pa lang kaya tyaga tyaga at tiis tiis. Ganyan din ako nagsimula ni walang pambili ng pagkain :)

    Ilang piraso ng itlog ang kakainin ko sa isang araw?
  • Kung kaya mo 10-12 eggs. Check mo yung thread about eggs eggs eggs :)
Sign In or Register to comment.