Howdy, Stranger!

It looks like you're new here. If you want to get involved, click one of these buttons!

Badges

Dagitab

About

Username
Dagitab
Joined
Visits
0
Last Active
Roles
Members, Applicant
Points
37
5
Badges
Posts
22
  • Galawang newb: 6 weeks, no visible gains?!

    So... uh... may journal na ('ata) ato.

  • Dagitab's "Sabi kasi, mag-journal raw ako. E di eto na."

    Welcome to my journey. Sa mga taong makakakita ng mga unang posts, pinaaalahanan kayo na ihanda ang supot baka kayo magsuká. Pag-iingat lang. Also, pagbigyan n'yo na ako, bago lang kasi rito, e.

    Nakaanim na linggo na akong nagpapagaan at nagpapalaki ng masel sa katawan. Mukha lang hindi halata (kasi talagang mataba ako, 'yung tipong masarap guhitan ng :disappointed: sa tiyan [See Photo]).

    Height: 5' 3.5"
    Current weight (as of post time): 173.5 lb.
    Body-fat ratio: (hindi pa alam)

  • Galawang newb: 6 weeks, no visible gains?!

    Yoi! Just call me by my pseudonym, Dagitab. Mula ako sa Zamboanga City.

    So, parang naging dare ko sa sarili ko mula nuong Christmas (190 lbs) na pagagandahi't paliliitin ko na ang katawan ko. Mula nuon, I tried doing weights-training + cardio (with only one dumbbell and ankle weights) four times a week, roughly 1 hour every time sa bahay. I run on a very limited budget dahil maliit lang ang sinusuweldo ko kada kinsenas. Even so, I can manage to buy chicken and beef for myself at a local grocer (tulong sa "gainz"). So... yeah, walang pera pang gym, namamahalan sa whey protein, ... ang tanging pag-asa ay sarilinang sikap at pagkain.

    Now, my weight is hovering around 170 lbs, medyo mas makapal na ang mga bisig, at 'di na ako masyadong napapagod 'pag tumatakbo. I know I should be happy with that development... kaso sa tingin ko, hindi naman gaanong numinipis ang taba ko, lalo na sa tiyan at dibdib(!!!) (Kumakapal din naman ang pecs, but still...).

    So... I'm looking for advice at sharing mula sa inyo, lalo na sa mga nakahanap ng paraan para maka-build ng laman even on a really tight budget.

    Help?

    Umaasa,
    Dagitab