Ka-weirdohan sa pagkain

monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
Chill topic lang guys di masyado seryoso. Anong mga ka-weirodhan nyo sa pagkain?

I eat almost everything with UFC ketchup, sinigang,pinrito basta pwede ang ketchup solb lagi akong bumibili ng malaking UFC ketchup kasi mabilis maubos lol.

Natutunan ko sa officemate ko, kumain ng cheese/cheezewhiz sa sinigang! ang sarap pramis!

What's yours?
«1

Comments

  • aloy0511aloy0511 Posts: 948
    ako oyster sauce :) hahaha nilagang itlog at oyster sauce.
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    oyster sauce is matamis maalat di ba?
  • frappfrivanfrappfrivan Posts: 270C-Class
    Ako peanut Butter + Manga = solv
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164C-Class
    ako bagoong alamang palaman sa wheat bread...ahahaha

    frapp swap kaya tayo para match...

    joke lang MAXADOng weird na yun...

    Bronch- me nakilala na kong tropang ganyan..ketchup sa sinigang...tsaka sinasabaw ketchup o kaya mang tomas..o kaya magi savor...

    wala kong weird stuff masyado sa food...laging common lang..

    and i think that's weird..ahahaha
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    Ako peanut Butter + Manga = solv

    weird nga! hahahaha

    @bruh

    lol, ikaw na normal!!!!
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164C-Class
    ahahaha..iisip ako ng isip wala ko maisip eh..

    pero for sure hindi ako kumakain ng panis..
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^misis ko kahit amoy panis at medyo papanis na kakainin pa din!
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164C-Class
    ahahaha..sayang daw ba kasi???
  • miguelmiguel Posts: 895
    ako kahit anong ulam laging may pinagcombine na toyo at suka. ewan ko kung bakit, basta masarap. nagagalit na nga si ermats kasi mahilig daw ako sa maalat.
  • El-bad4ssEl-bad4ss Posts: 265
    ketchup+mani at ice cream+tinapay. patago lang kasi pinagtatawanan ako isang beses nakita ng mga katrabaho ko ako kinakain ko.
  • monching11monching11 Posts: 7,273B-Class
    ^hahahah ketchup+mani? never heard ko pa to heheheh. Pero ung ice cream+tinapay fave ko din yan lalo na ung dirty ice cream lang
  • StannisStannis Posts: 1,377B-Class
    Ngayon ko lang nalaman na boring akong kumain after mabasa mga post dito haha.
  • aloy0511aloy0511 Posts: 948
    monching11 wrote:
    oyster sauce is matamis maalat di ba?

    oo sir, nagiisip kasi ako ng ihahalo sa nilagang itlog eh. puro adobo at nilagang itlog kasim eh di oyster at nilagang itlog naman!
  • redred Posts: 753
    monching11 wrote:
    Chill topic lang guys di masyado seryoso. Anong mga ka-weirodhan nyo sa pagkain?

    I eat almost everything with UFC ketchup, sinigang,pinrito basta pwede ang ketchup solb lagi akong bumibili ng malaking UFC ketchup kasi mabilis maubos lol.

    Natutunan ko sa officemate ko, kumain ng cheese/cheezewhiz sa sinigang! ang sarap pramis!

    What's yours?

    haha nice one sir!
    tindi nung UFC ketchup sa sinigang ..IMBA! =)
    Stannis wrote:
    Ngayon ko lang nalaman na boring akong kumain after mabasa mga post dito haha.

    same here men!
    hindi pala makulay ang buhay pagkain ko haha
    pero nag enjoy ako sa mga sinabi nila hehe
    cool!
  • mrlouiemrlouie Posts: 105
    mahilig din ako sa ketchup,kadalasan tini ternohan ko mga ulam na
    kastulad ng galunggong at daing na bangus :)
  • daltonkamotedaltonkamote Posts: 3,629
    ako paps, gusto kong ulam ung spaghetti sa kanin, lolz, or ung tortillos sa kanin,
    El-bad4ss wrote:
    ketchup+mani at ice cream+tinapay. patago lang kasi pinagtatawanan ako isang beses nakita ng mga katrabaho ko ako kinakain ko.

    ung ice cream paps at tinapay peborit ko na yan bata pako, sorbetero at monay lage tinapay ko jan,

    ang sarap lalo na pag vanilla flavor.
    monching11 wrote:
    ^hahahah ketchup+mani? never heard ko pa to heheheh. Pero ung ice cream+tinapay fave ko din yan lalo na ung dirty ice cream lang

    try mo ang sarap. na-isip ko nga gumawa ng peanutbutter ketchup.
  • spyro64spyro64 Posts: 26
    Saging o di kaya mangga sa sinangag! :yummy:
    Champorado at milo!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Buhos ng toyo suka sa lugaw, O kaya yung sauce ng tokwa, yun ang ginagawa kong pan timpla sa lugaw ko instead na patis at kalamansi.
  • DregPittDregPitt Posts: 987
    kape + kanin + pritong isda bits.. hehe masarap.. natry nio na?
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage