No Excuses - Slow Progress

xanxusxanxus Posts: 74D-Class
edited February 7 in Personal Journals
3 months ago nung narealize ko na lumolobo na ko..libre kasi yung pagkain sa office kaya di maiwasan kumain ng kumain.. until may mga pumuna na bumibilog na daw tiyan ko.. kaya nag decide ako mag papayat.. wala kong ka idea idea pano ko sisimulan at kung pano ko isisingit sa sched ko.. madalas kasi OT ako.. since programmer ako, halos from 9am to 10pm nakaupo lang ako tapos kain dito kain doon.. pag wlang OT 6pm nakakauwi na.. dun lang ako nagkakaron ng time mag exercise.. pag tlgang di makapag exercise.. jinojogging ko pauwi around 7km.. so mga 10pm - 11pm yun na pinaka workout ko sa isang araw..

Walang nag turo sakin pano mag papayat until recently nakausap ko ung ibang mga active dito :) salamat mga boss..

Sinimulan ko sa panonood sa youtube then sinasabayan ko.. mga 10-30mins Hiit cardio exercise by lumowell tapos nood nood ng mga vid ni Athlean X..

Tapos bumili ako ng pair ng dumbbells na ginagamit ko ngayon.. tapos nood nood ulit kay youtube.. di ko masyado nahihit yung gym samin since madalas sarado na pag uwi ko..

Gusto ko lang maging fit at maayos yung form ng katawan ko since lapitin ako ng sakit.. madalas nabibitbit sa doktor at naoperahan narin due to appendicitis..

After 2 Months feeling ko nag bunga naman yung mga pag ttyaga ko.. basa lang ako ng basa sa mga journals dito saka mga question habang walang ginagawa sa office hahaha.. buti maraming sumasagot.. Medyo lumiit narin yung tyan ko compare sa dati at napansin ko na medyo nag improve narin ung ibang parts ng katawan ko..

Currently
Height : 5'7
Weight : 139lbs from 152lbs

2 months ago
T3vZyvth.jpg

Medyo mabagal siguro yung progress ko compare sa iba, due to lifestyle narin siguro.. pero for two months.. nagawa ko ng

No Softdrinks
No Fastfood
Paminsan minsan na sweets pero sobrang rare lang
Tapos madalas nagluluto na ko ng babaunin ko.. like steamed chic breast and veggies tapos nilagang itlog,saging,apple nalang ang madalas kong meryenda..
now Minimal na fried foods lang..
Dati panay donuts,burgers,spag, fries kinakain ko sa meryenda tapos puro fried..

so far eto yung resulta after 2months na pag ttiis kahit papano..


Present yeH94Eth.jpg


Post edited by xanxus on
«13

Comments

  • t4g4yt4g4y Posts: 1,925S-Class

    NICE progress! kung slow man yan a progress is still a progress! kudos sa pag iwas mo sa softdrinks at fastfood though minsan di talaga maiwasan mag fastfood basta wag mo lagn banatan ang softdrinks hehehe. Keep lifting kapatid!

  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    oo nga tol eh.. ang hirap iwasan ng fast foods at soft drinks.. tiisan lang tlga.. hehe salamat
  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    Lunch and Pre-workout meal

    1 cup rice
    Sinigang na Hipon
    Sinabawang Tahong
    1 Saging VPJe6fvh.jpg
  • xerophytesxerophytes Posts: 130C-Class

    Pwede ka naman magsoftdrinks, basta inumin mo ung diet. Check the nutritional facts. 0 calorie is 0 calorie. Pero wag mo lang gawing tubig yung soda.

  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    wala ko na eencounter sa mga kainan na diet coke sir xero xD puro ung regular
  • t4g4yt4g4y Posts: 1,925S-Class

    langya nagutom ako sa ulam mo paps hahahaha

  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    for dinner

    Saba Salmon
    Broccolo
    Egg
    Kamatis

    cX5yVfEh.jpg
  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    t4g4y wrote: »
    langya nagutom ako sa ulam mo paps hahahaha

    hahaha ako din paps nagutom buti nacontrol na di makarami hahaha
  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    share lang mga tol.. nabili ko sa lazada.. tinest ko sa asukal at ibang naka sachet accurate naman.. 256 pesos lang.. 200+ ung review positive naman 2Qrwslsh.jpg

  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class

    Post workout meal.. nag habol sa protein..
    1nPbDCvh.jpg
  • t4g4yt4g4y Posts: 1,925S-Class

    kasama pala sa weigh ang tinidor paps? hahaha jjoke

  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    t4g4y wrote: »
    kasama pala sa weigh ang tinidor paps? hahaha jjoke

    hahaha oo paps.. para kunwari mabigat ung manok hahaha
  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    edited February 12
    Sa 2 months mahigit na pag babasa ko ng mga journals dito at pakikinig sa mga nag papayo..
    kahit 30mins to 1hr lang yung workout ko sa isang araw.. minsan sa bahay lang.. pero may progress parin :)

    From December to February

    QQpfqY8h.jpg
    Post edited by xanxus on
  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    edited February 13
    Mga sirs ok lang kaya yun dapat rest day ko pero ginagawa kong workout day? kasi 5x a week ako nag woworkout.. 30mins to 1hr pag weekdays tapos 1-2hrs pag weekend.. then 2 days na rest.. kaso parang pag nag rerest day ako, naguiguilty ako na di ako nag bubuhat eh, feeling ko ok naman pakiramdam ko kaya nag bubuhat ako kahit sa bahay lang.. so parang nawawalan ako ng rest day..
    Post edited by xanxus on
  • TryandTry101TryandTry101 Posts: 628A-Class
    part ng disiplina sa sports yung pahinga at nutrition, kahit kaya pa ng isip mag buhat during rest day, minsan katawan mo Hindi or sa kalagitnaan ng buhat mo mararamdaman mo yung pagod at di ka satisfied after training kasi pagod ka. magiging irritable ka din nyan.

    Those who stay will be CHAMPIONS..Stay natty til I can..lol

  • t4g4yt4g4y Posts: 1,925S-Class

    @xanxus said:
    Mga sirs ok lang kaya yun dapat rest day ko pero ginagawa kong workout day? kasi 5x a week ako nag woworkout.. 30mins to 1hr pag weekdays tapos 1-2hrs pag weekend.. then 2 days na rest.. kaso parang pag nag rerest day ako, naguiguilty ako na di ako nag bubuhat eh, feeling ko ok naman pakiramdam ko kaya nag bubuhat ako kahit sa bahay lang.. so parang nawawalan ako ng rest day..

    how can a muscle recover and grow if you keep breaking it :)

  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    part ng disiplina sa sports yung pahinga at nutrition, kahit kaya pa ng isip mag buhat during rest day, minsan katawan mo Hindi or sa kalagitnaan ng buhat mo mararamdaman mo yung pagod at di ka satisfied after training kasi pagod ka. magiging irritable ka din nyan.

    oo nga tol eh.. siguro pag tlgang eager ako during rest day icardio ko nlng
  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    t4g4y wrote: »
    @xanxus said:
    Mga sirs ok lang kaya yun dapat rest day ko pero ginagawa kong workout day? kasi 5x a week ako nag woworkout.. 30mins to 1hr pag weekdays tapos 1-2hrs pag weekend.. then 2 days na rest.. kaso parang pag nag rerest day ako, naguiguilty ako na di ako nag bubuhat eh, feeling ko ok naman pakiramdam ko kaya nag bubuhat ako kahit sa bahay lang.. so parang nawawalan ako ng rest day..





    how can a muscle recover and grow if you keep breaking it :)

    nasanay na ko na may Nasakit sa katawan tol kaya parang pag feeling ko relax nag hahabap ng buhat haha
  • xanxusxanxus Posts: 74D-Class
    or siguro isunod ko ung rest day ko sa leg day ko.. para tlgang pahinga ako haha
  • TryandTry101TryandTry101 Posts: 628A-Class
    para skin unahin mo leg day sa routine mo, tapos ang last routine before rest day is arms para di ka ma temp na mag buhat pa dahil for sure maga pa bis and tris mo hehehe

    Those who stay will be CHAMPIONS..Stay natty til I can..lol

Sign In or Register to comment.


Today's Bible Verse

Provided by Christ Notes Bible Search