Fat Monkey

fatmonkeyfatmonkey Posts: 308C-Class
I'm tired... nakakapagod' Mahirap maging 104kg. Yes, I was at 104kg last January 2014, this was my heaviest ever. Walang control sa food at yosi. From 2013 to 14 nag gain ako ng 12kg at bumibigat pa. I got my blood test and cholesterol was way out of normal lalo na yung triglyciride ko... im not getting any younger and i will literally die kung hindi ako magbabago ng lifestyle.
Phase 1: was cutting down food intakes, ang hirap. Jan-April, 8kg nawala sa akin.
Phase 2: sinamahan ko na ng takbo takbo at nagbawas pa ako ng 2kg. Happy pero I still have a long way to go.
Phase 3: I decided to go to hit the gym and im on a mission. I was 95kg - June 15 and as of July 20 (last time na nagtimbang ako), I lost another 5kg. My gym is more on Circuit training and twice a week lang training.
Phase 4: Started Yesterday (July26), 3x a week training na may weights na. I'm looking forward at 80kg anytime in September.
«13456714

Comments

  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819B-Class
    welcome sa pbb at good luck sir :) just be consistent at wag panghihinaan ng loob :)
  • fatmonkeyfatmonkey Posts: 308C-Class
    Mga idol, patulong naman ano effective way para mapaliit ang tyan (anong exerciese)? Since nawalan ako ng 5kg... feeling ko yung tyan ko wala nagbago? Salamat
  • LazarLazar Posts: 565
    @fatmonkey - honestly wala akong mapapayo sayo na ispesyal, 2 bagay lang bro, be consistent on two things ..workout and pagkain. Gawin mo lang yan at hindi ka bibiguin ng katawan mo. Bawal lang mag madali, kasi lifetime sports to. Ang mga nag mamadali, pwede namang magpa Belo kung may budget.

    Pano yung sa pagkain? Know your calorie requirements per day then do the calorie deficit.
  • fatmonkeyfatmonkey Posts: 308C-Class
    Sir I have no idea ano ung calorie deficit' kindly enlighten me'
    Nakita ko sa net on how to compute calorie deficit at eto lumabas sa akin. The only figure na naiintindihan ko is yung calorie needs and the rest :huh no idea.

    Total Daily Calorie Needs 2630
    Calorie Deficit of 500 calories: 2130
    Calorie Deficit of 1000 calories: 1800
    Calorie Deficit of 15%: 2236
    Calorie Deficit of 20%: 2104
    Calorie Deficit of 25%: 1973
    Calorie Deficit of 30%: 1841
  • brylle_55brylle_55 Posts: 166C-Class
    Welcome sir sa PBB :D once dn ako nging mataba from 76KG obese kasi maliit ako 5'5 tapus now 61 nlng ako
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    fatmonkey wrote:
    Mga idol, patulong naman ano effective way para mapaliit ang tyan (anong exerciese)? Since nawalan ako ng 5kg... feeling ko yung tyan ko wala nagbago? Salamat

    Palakihin mo yung chest, shoulder, back and legs mo para magmukhang maliit yung waist mo. Hindi mapipili ng katawan mo kung san say magbabawas ng taba, kaya pag naglose ka ng fat most likely all over your body. Shempre mas malaki ang chance na mabawasan ng taba yung mas madaming fat deposits (kagaya ng bilbil sa tiyan) pero not to the point na TIYAN lang ang mawawala.

    live&dieNATURAL

  • LazarLazar Posts: 565
    fatmonkey wrote:
    Sir I have no idea ano ung calorie deficit' kindly enlighten me'
    Nakita ko sa net on how to compute calorie deficit at eto lumabas sa akin. The only figure na naiintindihan ko is yung calorie needs and the rest :huh no idea.

    Total Daily Calorie Needs 2630
    Calorie Deficit of 500 calories: 2130
    Calorie Deficit of 1000 calories: 1800
    Calorie Deficit of 15%: 2236
    Calorie Deficit of 20%: 2104
    Calorie Deficit of 25%: 1973
    Calorie Deficit of 30%: 1841

    Go for this Calorie Deficit of 500 calories: 2130 (per day)
    Ibig sabihin, lahat ng ipapasok mong pagkain sa katawan mo, dapat hindi lalagpas ng 2,130 calories sa loob ng isang araw.

    Pero kung feeling mo hindi mo naman kelangan magpa baba ng timbang at tiyan lang ang problema mo, okay din yung sinabi ni Vinch. Once lumapad ka, nagka chest ka, mag mumukang maliit ang bewang mo at tiyan mo.
  • badass_vinchbadass_vinch Posts: 4,459A-Class
    @fatmonkey

    Day 1 - Back/traps
    Day 2 - Chest/Abs
    Day 3 - Cardio
    Day4 - Rest
    Day5 - Legs
    Day6 - Shoulder/Arms
    Day 7- Rest

    Eto suggestion ko na routine na pwede mo subukan. Yung routine sa sidebar mo masyado madali at mukhang nagmamadali kasi whole body in one session. Kung gusto mo maubos yung taba mo, train more, and dont drop calories TOO low please lang. Forget the word DIETING, hindi yan para sa newbies, kumain ka lang ng normal. Shempre dont forget the protein. It's very difficult to come up with a diet plan if you been munching on shit for a very long time. Don't calculate your meals, MANIPULATE them. Minimize the junk and replace them with more health friendly alternatives. Once responsible ka na sa eating habits mo, that's the time when calculating macros will be very useful. For now, Train as much as you can :)

    live&dieNATURAL

  • fatmonkeyfatmonkey Posts: 308C-Class
    Lazar wrote:

    Thank you idol. Naku kelangan ko pa magpapababa ng timbang and sa tingin ko kaya ko mag intake below 2000 calorie per day.

    Pag 2130 calories per day ba at mamaintain ko sya eh magbabawas pa ako ng timbang? :blush:
    @fatmonkey

    Day 1 - Back/traps
    Day 2 - Chest/Abs
    Day 3 - Cardio
    Day4 - Rest
    Day5 - Legs
    Day6 - Shoulder/Arms
    Day 7- Rest

    Eto suggestion ko na routine na pwede mo subukan. Yung routine sa sidebar mo masyado madali at mukhang nagmamadali kasi whole body in one session. Kung gusto mo maubos yung taba mo, train more, and dont drop calories TOO low please lang. Forget the word DIETING, hindi yan para sa newbies, kumain ka lang ng normal. Shempre dont forget the protein. It's very difficult to come up with a diet plan if you been munching on shit for a very long time. Don't calculate your meals, MANIPULATE them. Minimize the junk and replace them with more health friendly alternatives. Once responsible ka na sa eating habits mo, that's the time when calculating macros will be very useful. For now, Train as much as you can :)

    Thank you idol. I'll try yan sinabi mo... the reason for whole body in one sesion kc medyo limited ang time ko. Pero sabi nga nila kung gusto may paraan. Salamat ulit sir.
  • LazarLazar Posts: 565
    Pag 2130 calories per day ba at mamaintain ko sya eh magbabawas pa ako ng timbang?

    - OO

    Pero sabi nga ni Vinch " and dont drop calories TOO low please "

    Di kana makakapag ensayo ng maayos kung sobrang baba ng calories mo.
  • fatmonkeyfatmonkey Posts: 308C-Class
    Started using myfitnesspal (matalinong app), and pumapasok namn sa required calories na hinihinga nya sa akin. Mga idol napansin ko kc everythings is fine except my sodium na super negative (-1K plus). Ano yung sinasabi nito sa akin and kung hindi ko sya mapapababa ano yung magiging epekto nun? Thank you.
  • fatmonkeyfatmonkey Posts: 308C-Class
    Finally got my supplement. Thank you to BCGW & Supplement Warehouse. I hope it will help me reach my goal. :-)

    2vltvg7.jpg[/img]
  • SmallWIJISmallWIJI Posts: 742B-Class
    fatmonkey wrote:
    Finally got my supplement. Thank you to BCGW & Supplement Warehouse. I hope it will help me reach my goal. :-)

    2vltvg7.jpg[/img]

    WOah! :jd:

    Yaman ni Sir!

    Gusto ko ma Try ung C4 cell kahit 1 time lang hehe!anyway sir mag kano score mo jan sa mga yan? at saan ka nakabili?
  • fatmonkeyfatmonkey Posts: 308C-Class
    Sir hindi ako mayaman, dalawang buwan at kalahati ko pinagipunan yan.. kasama na dyan ang panghoholdap sa akin ni kumander. :jd:Hehehehe
    Na try ko pa lang yung cell whey, taste awesome hindi sya chalky.
    Sir online ko nabili sa olx. Bcaa-1150, c4-1250 (shipping included) then ung whey sa ibang supplier 1500 (plus shippin fee).
  • fatmonkeyfatmonkey Posts: 308C-Class
    After 50 days... almost 10kg din nabawas, now at 85.50 kg Thank you lord. Hope to hit 80 by the end of this month.
  • CoreCore Posts: 2,508B-Class
    fatmonkey wrote:
    After 50 days... almost 10kg din nabawas, now at 85.50 kg Thank you lord. Hope to hit 80 by the end of this month.

    22lb dropped in 7 weeks...
    Then another 12lb drop in a month? Have you managed to take pictures during the entire time of the progress?
  • fatmonkeyfatmonkey Posts: 308C-Class
    I have my photos when I was in my 95kgs pero ngaun sir wala po. I'm thinking na to take it when I hit 80 kg.
  • LazarLazar Posts: 565
    Curious lang, kamusta reaction ng skin mo sa rapid weight loss mo? Thanks.
  • fatmonkeyfatmonkey Posts: 308C-Class
    Reaction sa skin? Wala nmn sir... In the period of my rapid weight loss eh nagka pimples at singaw Lang ako and Baka coincidence lang yun. Nangangati... Pag Lang umiinom nun cellucor c4. Ano ba sir yung experience ng Iba?
  • LazarLazar Posts: 565
    Ah okay. May mga nabasa rin kasi ako about sa sobrang bilis ng pagpapapayat. Ganito yung naging resulta :

    2gt0qoy.jpg
Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage