Veggies Recipe

Hello po, new user here. Naghahanap ako ng veggies recipe dito kaso mostly may mga halong meat. Gusto ko sana yung veggies na pang side dish.
Gusto ko sanang malaman paano nyo ini-incorporate yung veggies sa diet nyo at kung saan kayo bumibili.

Hindi po ako expert magluto pero I-share ko lang kung paano ako nag luluto ng veggies ngayon.
Currently bumibili ako sa SM Hypermarket sa Mandaluyong ng packed assorted veggies tapos niluluto ko lang sa pan. Una nilalagyan ko ng konting tubig tapos gisa-gisa pagkaubos ng tubig, nilalagyan ko ng salt and pepper tapos oyster sauce tapos gisa-gisa ulit.

Nakalimutan ko na kung saan ko nakuha yang process na yan since naghahanap lang ako sa internet tapos yan na yung comfortable na process ng pagluto ko.

Sana ma share nyo po kung paano kayo nagluluto ng veggies at kung anong ingredients or saan nyo binibili yung veggies. Gusto ko lang kasi malaman paano na incorporate yung veggies sa diet ng isang successful filipino bodybuilder (which is definitely not me).

P.S. anyone tried delivered meals like Daily's Diet or Diet Buddy habang nag workout?

Comments

  • t4g4yt4g4y Posts: 1,931S-Class

    Welcome to PBB brother!

    Well i cook, pero binibili ko fresh from supermarket o di kaya sa talipapa malapit sa amin, mas fresh mas ok.

    Try mo cabbage chicken or pork or beef wraps or rolls.

    Engredients: Cabbage, chicken breast/beef/pork lean. pili ka lang sa tatlo. (Optional) Carrots, greenpeas, potato, corn etc.

    Wrapper:
    Whole Cabbage preferable yung malalaki para malaki din mga dahon.
    Then kuha ka mga ilang piraso ng cabbage, ingatan mo lang wag mapunit. Then either i steam mo o i boil saglit yung parang maging transluscent lang sya wag i overcook.

    Fillings:
    Shredded chicken breast or beef or pork lean. i gisa mo yan ang gawin mong palaman. (Optional) Carrots, greenpeas, potato, corn etc. kung gusto mo dumami fillings lagyan mo nito dagdag vegies din

    Gawin mo, i wrap mo ang ginisang meat sa cabbage na para bang gumagwa ka ng fresh lumpia o lumpiang shanghai. Enjoy

    Goodluck and happy lifting

Sign In or Register to comment.


Today's Bible Verse

Provided by Christ Notes Bible Search