No Rice (Ulam lang)

Hello mga sir, may tanong lang po ako.

17 years old pa lang po ako.
5'7 po ang height.
65 kgs po ang weight.
Goal: Lean muscle lang po hindi po gaanong bulky. Example athlete: Connor Murphy at Jon Skywalker

3 months na po kasi ako nag gym and nag start ako mag commit talaga sa diet ko nung after 2 months so 1 month pa lang po akong nag diet. Ang sinusundan ko po kasing diet plan is yung kay Alpha M na diet plan. Hindi ko naman po nasusunod lahat pagminsan siyempre kung ano yung nakahain sa bahay ulam lang kinakain ko. So 1 month na akong ganito and dama ko naman yung fat loss talaga. So far ngayon nag adjust na ata body metabolism ko na to the point hindi na ako pumapayat ng ganun kabilis unlike before. Pero ang tanong ko po is: Kung ayos lang po ba siya or healthy po ba siya to us na mga pinoy na sanay mag rice unlike sa mga ibang country?

Salamat po sa mga expert na mga makakatulong at sa mga opinyon niyo.

Comments

  • rogem1rogem1 Posts: 4
    Kung ako tatanungin mo. Build ka muna muscles.caloric surplus muna. Mabilis lang mag gain muscles pag newbie ka. In 4 months meron kna ma gain basta maayus program mo. Me pahinga katawan mo para mag grow muscles at me protina kinakain mo.


    Pag me na build ka na muscles mag diet ka na para matunaw fats at muscles matitira

    Pag sobrang liit calories kinain mo mag diet pati muscles mo matutunaw rin.kaya mag ingat
  • oylloydoylloyd Posts: 3

    Ito po pala sir katawan ko as of now. Need ko pa po ba ng gainz?
    Gusto ko na kasi mag abs kaya ayan. Ang tanong lang sa isip ko, mahihirapan ba ako mag ka-abs pag gainz ang diet ko rather than calorie deficit?

  • Need mo parin ng rice.. O kaya palitan mo ng oats yung rice para may carbs ka..
    Hindi kasi magiging balance yung Macros mo kung protein and fats lang kakainin mo need parin ng katawan ng carbs! :)
  • t4g4yt4g4y Posts: 1,674S-Class

    @oylloyd said:

    Ito po pala sir katawan ko as of now. Need ko pa po ba ng gainz?
    Gusto ko na kasi mag abs kaya ayan. Ang tanong lang sa isip ko, mahihirapan ba ako mag ka-abs pag gainz ang diet ko rather than calorie deficit?

    ito ang katawan na kaunting tweak nalang maganda na ang kalalabasan tsk, swerte mo brader!

  • oylloydoylloyd Posts: 3

    Salamat po sa mga tulong niyo mga sir. Sige po hatawin ko na sa pagkain basta iburn ko na lang sa workout.

  • cheesmackcheesmack Posts: 259B-Class

    Ganyan din katawan ko dati. Kung alam ko lang na mas maganda results kung inagahan ko magwork-out ginawa ko na. Kaysa inantay ko pa na magka-tiyan ako. Hehe.

Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage