Easy to cook recipes nyo

GravityPullGravityPull Posts: 10E-Class

Pashare nman po ng mga madaliang recipe nyo, yung kaya sa electric cooker at madali lang gawin. Mga marinade gnun Thank you po!

Comments

  • pandoypandoy Posts: 596A-Class

    sakin, beef patties, egg with tuna, chicken ang pinaka madali i prepare.. hehe

    Beef Patties
    bili ka ng beef, sa binibilhan ko nag lalaro lang sa 70-90 pesos ang half kilo nang ground beef.
    mag hiwa ka ng sibuyas, yung hiwang hiwa ha, maliit lang talaga, para halong halo sa beef, kasi pag malaki pag kakahiwa humihiwalay pag pinirito..
    ihalo mo yung sibuyas sa beef, lagyan mo na ground pepper.
    tapos iprito mo na, pero syempre pag lagay mo sa frying pan ikorte mo na parang burger patty. hehe
    as much as possible i fry mo siya sa sarili niyang mantika, ako kasi may naiipon ng beef tallow kaya yun na pinang pprito ko. kapag kumakain ako niyan laging may kasabay na pipino at kamatis.. tapos minsan may hot sauce/ ketchup pag nauumay na. haha

    egg with tuna salad
    mag laga ka ng egg kung ilan gusto mo
    then yung nilagang egg balatan mo, lagay mo sa bowl, kuha kang tuna, ihalo mo,
    hiwa kang kamatis,pipino, etc. ihalo mo din
    nung nag keketo ako hinahaluan ko pa yan ng olive oil, at cheddar cheese, minsan virgin coconut oil pa, para lang mahabol yung fat intake ko sa araw na yun. hehehe.

    chicken
    ito lagi ko lang binibili na luto na. hahaha, pinaka masarap sakin roast chicken ng shopwise, mura at malaki
    pag lulutuin naman, isa sa ginagawa ko dati, bumibili na ako ng 3 manok, tapos i mamarinade ko na ahead of time.. naka stock na siya sa ref. tapos pag lulutuin na ilalagay ko lang sa oven, 1hour.
    minsan mabilisan talaga adobo, lagay mo lang manok, bawang sibuyas paminta, toyo, suka, pakuluan mo lang at hayaan mo manuyot yung sabaw mga 1hour ok na yan.. kung limit ka naman sa toyo, wag mong lagyan ng toyo, adobo sa puti masarap din, suka lang halo, ginagawa ko yan dati nung limit ako sa salt, tapos apple cider vinegar pa nilalagay ko, ay grabe ang sarap, hehe, iba ang adobo pag apple cider ang ginamit na suka. hehe. na try ko din yung steam, pero medyo hindi ko type. haha, o kaya buttered chicken, yung chicken breast lalagyan ko lang konting asin paminta, tapos lagay kang butter sa pan, prito mo dun, tapos lagyan mo ng broccoli or anong trip mong gulay.hehe

    pinaka madali jan yung egg with tuna. hehehe. sana naka dagdag idea. hehe

  • ivandeasisivandeasis Posts: 74D-Class

    chicken breast all the way. asin lang tas paminta lang. hahaha kalahating kilo ez 155grams of protein hahaha

  • t4g4yt4g4y Posts: 1,692S-Class

    kaya paborito ko tignan ang beef patties mo sir pands eh hahahaha

  • TryandTry101TryandTry101 Posts: 398B-Class

    tinolang chicken breast,barbecue chicken breast,chicken breast fillet na imbes bread crumbs eh oat meal para may carbs na din,beef meat balls,binating 3 itlog sa century tuna(walang sabaw lol) ..yun lang,pa ulit ulit hangang sa galit na asawa ko lol

Sign In or Register to comment.

Today's Bible Passage